Chapter 20: Revenge
#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP
AIERE'S POV
Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagkilos ni Archer. Which also means I have to move with him because each time I moved in my sleep he always go with me and when he's the one doing the moving, he always reached out to me and pulled me towards him. Hindi naman ito ang unang beses ko siyang nakatabi at kahit naman noon ay lagi niya akong pinapaloob sa mga bisig niya. But this is the first time I slept with him after being intimate with him and I realized that he's really a huge cuddler.
He wants maximum contact.
Wala naman akong balak magreklamo. It actually feel good sleeping with him. Literally...and the other. I lost count on how many times I reached the nirvana which turned my whole bones into jelly. Though despite the exhausting 'activities' for some reason my body feels so mellow and relaxed.
Sumiksik ako sa katawan ni Archer at naramdaman ko ang paghigpit nang yakap niya sa akin kahit nanatiling nakapikit ang mga mata niya habang mahimbing na natutulog. Bahagya kong iniangat ang ulo ko at nilingon ko ang alarm clock. Ala-sais na ng umaga.
Usually pagkatapos ng isang mission kung saan walang duda ang pagod ko ay tanghali na ako nagigising. Minsan nga ala-una o alas-dos pa nga ng hapon. Our inspiration time was pretty tiring at kung idadagdag pa ang mga naganap na pangyayari kahapon, I must be beyond tired. But nope. I feel refreshed and now I even wake up this early. Iyong klase ng gising na alam ko na hindi na makakabalik sa pagtulog ulit.
Dahan-dahan akong kumilos para i-angat ang braso ni Archer na nakapalibot sa akin pero bago ko pa tuluyang maalis 'yon ay bumukas na ang talukap ng mga mata ng binata. He looks so adorable with his disheveled look and sleepy eyes.
He pulled me closer and then he buried his face on my neck, "Sleep, babe."
"I can't. Gising na ang diwa ko."
I felt his lips gently gave me a soft kiss on my neck which instantly made me smile. Naramdaman kong gumalaw ang isa niyang kamay at umakyat 'yon sa hita ko hanggang sa marating ang dulo ng t-shirt niya na suot ko at bahagyang nililis 'yon.
Nangingiting hinawakan ko ang kamay niya para pigilan 'yon dahilan para mag-angat siya ng mukha. He still looks sleepy and tired. "Anong ginagawa mo?"
"Tiring you out so you can sleep." he murmured.
Mahina akong napatawa sa sinabi niya at naiiling na umupo ako dahilan para mapaungol siya bilang protesta. I lean down towards him and kiss him lightly on the lips before moving away. "Much as I want too, honey, I'm too sore for that."
Bumadha ang pag-aalala sa mukha niya. "Nasaktan ba kita?"
Mabilis na umiling ako. "It's a good kind of ache, don't worry. But I need some time to recuperate. For the first step on my Oplan: Recover Fast So We Can Have Another Inspiration time, I need food." Akmang tatayo na siya pero pinigilan ko siya dahilan para muli siyang mapahiga sa kama. I bit my lip for a second while looking at him because honestly, he really looks good even this early in the morning. "Ako na lang ang lalabas at bibili ng pagkain. Dito ka na lang. Kailangan ko rin naman bumalik sa headquarters para makapagpalit ako ng damit."
"I can go with you."
"Saglit lang ako, promise."
He slid his hand on the hem of my shirt again. "We can just order food and you can just wear my shirt for the whole day."
That idea is actually good. Kung ako lang ang papipiliin ayoko ng umalis dito sa tabi niya. If I could just keep him here until everything is over and he's safe, I won't mind being here with him. Pero alam ko na hindi pwede 'yon.
I've been delaying things for quite awhile. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na maraming magbabago kapag nalaman niya na ako ang may hawak sa mission tungkol sa kaniya. He's so adamant on not involving me with his miss. What he don't get is that I want to. I want to help him.
"Tempting but no. Saglit lang ako tapos babalik din ako agad. Just sleep. Kailangan mo magpahinga dahil palapit na ang fan tour niyo diba?"
Hinila niya ako dahilan para bumagsak ako sa ibabaw niya. Nangingiting hinawi ko ang buhok niya na tumatabing sa mukha niya dahilan para kumurba ang ngiti sa labi niya. "Stay here."
"Saglit lang nga ako mawawala. Rest. You need it." sabi ko.
May kumislap na kapilyuhan sa mga mata niya. "Si King lang naman ang bida sa fan tour. Hindi ko kailangan masyado ng pahinga."
Pabirong hinataw ko ang daliri niya na naglalakbay sa leeg ko pababa sa tapat ng puso ko kung saan bahagyang sumisilip mula sa maluwag na t-shirt. "Right. Kaya pala ang dami-daming humihiyaw para sa'yo na 'Archernatics' mo."
"But I like being Aiechernatic here."
"What?" I asked with a laugh.
"Love team name natin. With me being the one and only fan."
Tuluyan na akong napahalakhak sa sinabi niya. Umupo ako at hinatak ko ang kaninang unan na gamit ko at pinalo ko 'yon sa kaniya at pagkatapos ay bumaba na ako sa kama. Hindi kami matatapos dalawa sa pagkukulitan namin kapag hindi pa ako tumayo.
The world knows Archer as the brooding yet handsome supladito of Royalty but I bet that they don't know this Archer in front of me. Iyong Archer na mapang-asar, makulit, at kaya akong pakiligin kahit sa simpleng banat lang.
Hinubad ko ang suot ko na shirt at inihagis ko iyon sa kung saan bago ako lumapit sa couch sa isang parte ng kwarto kung saan ko pinatong ang damit ko kahapon. Inuna kong sinuot ang jeans ko at habang zinizipper iyon ay napatingin ako sa gawi ni Archer na ngayon ay nakatagilid habang nakaunan sa kamay niya at pinagmamasdan ako.
"What?" I asked, feeling conscious.
"I could get used to this."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya at pinagpatuloy ko lang ang pagbibihis. I know what he meant. Us like this. Waking up together.
Alam ko na masyado pang maaga sa naging desisyon ko kagabi na sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Kakadiskubre ko pa lang din ng nararamdaman ko para sa kaniya. Kaaamin ko lang din sa sarili ko sa totoong laman ng puso ko. But I'm never been the kind of woman that can hide her feelings once it's been set free.
Siguro nasa nature ko na rin ang gano'n. A weakness. I always find myself giving it all once I realized that my heart is reaching out to someone. Kaya ilang beses akong sumubok...at ilang beses akong nasaktan.
Each time, I find it hard to recover and find myself again. Bawat relasyon na natatapos ay pakiramdam ko malaki ang nawawala sa akin. But I can't help it. It feels like I've been programmed to love over and over again, never stopping unless I find that one special heart that will treasure me for this lifetime. This time with Archer, I know, that it wouldn't be easy. Hindi ko magagawang itanggi sa sarili ko ang isang bagay na hindi niya nagawang ibalik sa akin kagabi. Ang salitang binitiwan ko para sa kaniya. Pero maghihintay ako. Until he's ready to love me back.
"I'll be back." nakangiting sabi ko sa kaniya nang tuluyan ko ng maayos ang sarili ko. Lumapit ako sa pintuan para lumabas na pero napatigil ako nang tawagin niya ako. "What?"
"Come here, babe."
"Ha?"
Tinapik niya ang tabi ng kama. "Come here."
Nagtatakang lumapit ako sa kaniya. Nang nasa paanan na ako ng kama ay bumuka ang bibig ko para tanungin siya kung anong kailangan niya pero bago ko pa magawa 'yon ay umupo siya mula sa pagkakahiga niya at bigla na lang akong hinalikan. It was a quick kiss but the flare of warmth was unmistakable.
He let me go and looked straight into my eyes before he whispered. "Come back."
"Yeah." I said in the same quiet voice.
Tuluyan ko na siyang tinalikuran at lumabas na ako ng kwarto. I ran down the stairs with a small smile on my lips then I exit his villa. Agad na bumalot sa akin ang lamig ng Tagaytay pero animo baliwalang nakangiting tinakbo ko lang ang daan papunta sa headquarters. I need my exercise pero wala akong balak mag train sa headquarters pa. I want to get back at Archer as soon as I can.
Fortunately dahil maaga pa ay wala akong nakasalubong ng mga agent. Malamang kung mayroon ng gising ay nasa dining area ang mga 'yon para kumain. Mabilis na tumalilis ako pabalik sa flat ko at kaagad na pumasok ro'n.
I didn't waste time and I immediately went to the shower. Kahit naman noon ay hindi ako matagal maligo na alam ko na hindi common sa mga babae. Unless may dala akong cellphone sa loob at mapagtripan ko na magbasa sa kindle ko. Mas matagal pa akong mag make-up.
Nang matapos sa paliligo ay umupo ako sa tokador ko habang suot ang roba ko at pagkatapos ay sinimulan ko ang routine ko sa pag me-make up. I always been in love with girly things. Hindi lang siguro kasing lala ni Hera na kilala sa pagiging banidosa. But I always make sure that I have a make-up when going out. Hindi dahil sa kung ano kundi dahil nag e-enjoy lang talaga ako na may routine ako everyday. It's not like I'm putting too much. I don't like drawing my face into another person. I just want to enhance what I already have.
Nang matapos sa pag-aayos ay binuksan ko ang closet ko at basta na lang ako humugot ro'n ng leggings at long sleeves pull over at sinuot ang mga iyon. I looked in the mirror and when I think I look decent enough, I grab my sling bag and went out of my room.
Napapitlag ako nang pagkasarado ko ng pintuan ng kwarto ko ay naabutan ko ang ilang mga agent na ngayon ay nagpapalakad-lakad na sa hallway. Mukhang maging sila ay nagulat sa reaksyon ko at napapakunot-noong tinignan ako. Tumikhim ako at pilit pinapormal ang mukha ko at naninigas ang leeg para hindi lingunin na naglakad ako palayo. You look very guilty, dear.
Ipiniksi ko ang ulo ko at binilisan ko ang lakad ko. Hindi naman nagtagal ay narating ko ang dalawang malaking pintuan na magkatabi. I pressed my hand on the left side door and it immediately scanned me. Nang makarinig ako ng mahinang tunog kasabay ng pagberde ng hugis kahon na panel sa gilid. I went inside and stopped at the green square sign on the floor and hold my body still. A light beamed from all of my sides and scan me from head to toe.
"Aiere Roqas, you may enter."
Kadalasan kapag naa loob si Dawn at walang ginagawa ay siya na mismo ang magbibigay ng entry sa amin at hindi na namin kailangan pagdaanan ang mahabang proseso na pagpasok sa office niya. It's either she's not inside, she's busy, or she's just in a mood to give me difficulties.
Nang makapasok ako sa loob ay mukhang ang pangalawang nasa isip ko ang tamang sabihin sa sitwasyon ni Dawn na ngayon ay nakaupo sa sofa habang nakapikit. Sa dibdib niya ay mahimbing ang tulog ng anak niya na si Vodka o Vie kung tawagin namin.
Nag-aalangan na napakamot ako sa ulo ko habang nakatingin sa kanila. Nilingon ko ang kabilang office na nahaharangan lang ng glass wall. Wala ro'n ang asawa niya na si Triton.
I don't have the heart to wake her up. She looks tired. Sino ba namang hindi? Hindi lang siya head ng BHO division kundi isa rin siyang ina. And being a mom is a full time job.
"I'm awake. Give me a second."
Napatalon ako mula sa pagkakatayo at kaagad kong tinakpan ang bibig ko bago pa ako mapairit. Sigurado akong ihahagis ako ni Dawn palabas ng office niya kapag nagising ang anak niyang balita ko ay sobrang hirap patulugin.
Nagmulat ng mga mata si Dawn at dahan-dahang tumayo bago walang ingay na naglakad papunta sa bassinet sa tabi ng sofa. Ibinaba niya ro'n si Vie at marahang tinapik-tapik bago siya dahan-dahang lumayo.
"Sinanay ng tatay niya na karga." paliwanag niya kahit hindi naman kailangan. Lumapit siya sa desk niya at nahahapong umupo sa swivel chair sa likod niyon.
"Okay lang sa'yo?"
Nagkibit-balikat siya. "He's a fool for his daughter. Hindi niya natitiis kahit umingit lang 'yan. And it's not like I'm the only raising her. Wala namang reklamo si Triton kahit gumising siya ng madaling-araw para ihele si Vie." nangalumbaba siya at mataman akong tinignan dahilan para gapangan ako ng pagkailang. "So what made you come here? Sigurado ako na hindi tungkol sa parenting ko ang pinunta mo rito. Unless you're thinking about settling down and having a child."
"No!" Parehas kaming natigilan at nilingon namin ang kinaroroonan ni Vie. Nakahinga ako ng maluwag nang nanatili siyang mahimbing na natutulog. "No. Nandito lang ako para kausapin ka tungkol sa mission tungkol kay Archer."
"Do you want to give it to someone else." she asked with an eyebrow raised. "Alam mo na hindi kita pwedeng payagan na gawin 'yon. Labas kung ano ang relasyon niyo sa misyon. You already spend time for this mission and you're the only one who knows more than anyone else. Madali man 'yon na ipasa sa iba but we have rules. You started this, you finish it."
Naiintindihan ko ang sinasabi niya. Our job have risks. Ayaw na naming dagdagan pa 'yon sa pamamagitan ng basta-basta na lang na pagpasa no'n sa iba. We take our missions seriously. Except if it's a life and death situation we don't just drop a mission.
"Wala akong balak bitawan ang mission Dawn."
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Sumandal siya sa upuan habang sandaling pinagmasdan ako. "Then what do you want?"
"I need you to keep this a secret from Archer." Isang bahagi ng puso ko ay gustong itanggi ang sinasabi ko at bawiin 'yon. I don't want to keep anything from him. But I want to do this. I want to help him but he won't let me. "I also need to report."
"Go on."
"May itinatago si Archer sa'tin. Nararamdaman ko na may hindi siya sinabi sa atin during the debriefing. Hindi ko alam kung bakit tinatago niya at hindi ko rin alam kung ano ang pilit niyang sinesekreto sa akin. Pero kung ano man 'yon, sigurado ako na malaki ang papel no'n sa nangyari sa kanila no'n ni Ashley." Inilabas ko ang cellphone ko at may pinindot ako ro'n na files. Tumunog ang desktop sa harapan ni Dawn at kaagad niya namang ginalaw ang mouse niya apra tignan 'yon. "That's the images of Archer and Ashley's kidnappers. I tracked down their whereabouts and I found out that all of them are dead. Just like you said during the debriefing, ilan sa kanila ay namatay nang lumaban sila sa pulisya nang mga panahon sinalba si Archer mula sa mga kamay nila. Ilan ay sa kulangan. Ang mga natitirang buhay na hindi nakulong ay mga namatay na rin."
"Now that's a problem. Paano tayo hahanap ng lead kung lahat sila patay na?"
"This information can be our lead." Nang mukhang naguluhan ang babae sa sinabi ko ay tinuro ko ang files kung saan magkakatabi ang mga larawan ng bawat miyembro. "Those who weren't detained died during turf wars. Or that's what it look like. Noong una kong nakita ang mga larawan nila ay wala akong napansing kakaiba. Until I saw these photos."
Kinuha ko sa kaniya ang mouse at ako na mismo ang nag-scroll down sa file. Ang sumunod na mga larawan ay kuha ng mga miyembro sa morgue. The shot was from the chest up only. Tinuro ko gamit ng cursor ang mga larawan. "These people died during the rescue. Habang ang mga ito naman..." sabi ko at muling ginalaw ang cursor at tinuro ang mga larawan sa baba ng mga nauna. "Sila ang mga namatay sa kulungan o sa labas. They died just a few months after the rescue. Isa-isa."
"And?"
"Look at their left arms." Tinuro ko ang napansin ko sa mga larawan. Kung hindi pagtutuunan ng atensyon 'yon ay hindi iyon kaagad mapapansin. Lalo na kung hindi aayusin ang mga larawan base sa kung kailan sila namayapa. "Hindi katulad sa mga namatay sa rescue ay may guhit ang mga miyembro na nahuli sa kaliwang braso nila. It's almost unnoticeable. Parang scratch lang. Kahit ang autopsy ay walang nabanggit tungkol sa mga ito."
Muli kong ibinaba ang scroll para makita niya ang iba pang mga larawan. Tinuro ko muli ang mga panibagong lumabas na imahe. "Ito ang kuha nila nang ipapasok pa lang sila sa kulungan. No scratches. But the next pictures shows that after a few days in the prison that they have them. Ganoon din sa mga miyembro na nasa labas." pagpapaliwanag ko habang isa-isang nag fa-flash ang mga pictures. "Ilan sa mga ito ay kuha ng mga miyembro na nakatakas mula sa rescue. Ang mga sumunod ay kuha sa kanila a few months after. They have the scratch too."
"I don't get it. Are they tattoos?"
"I don't think so. I think it's a planted poison."
Bahagyang umangat ang kilay ni Dawn sa sinabi ko. Iginalaw-galaw niya ang swivel chair niya habang matamang nakatingin sa screen ng computer. "Anong sabi sa autopsy."
"They recognized that there's a poison in the system. Hindi nga lang nila alam kung saan nanggaling. Pinaghihinaalan na may nanglason sa mga miyembro sa loob ng kulungan pero wala naman silang nakuha na iba pang impormasyon tungkol do'n. Once the member started to die one by one, they put them in a secluded place. Pero gano'n pa rin ang nangyari."
"And the others that died outside?"
"Poison din." sagot ko.
"Sa tingin mo it's a suicide tactic? Para hindi makakuha ang pulisya ng kahit na ano sa kanila kapag nag-interrogate?"
"I don't think so. Because they got wiped out because of this. Wala ring rason para sa mga nasa labas naman na para gawin din ito."
"Someone chased after them and did this intentionally." Nagkatinginan kami dahil alam naming pareho ang ibig sabihin nito. There's no other reason. "For revenge."
Hindi man ako nakakasiguro pero napapansin ko na hindi ko man lang nakita ang mga magulang ni Archer na pumunta rito sa BHO CAMP. Wala ring nababanggit ang mga kabanda ni Archer tungkol sa kanila. Even during his concerts our important gatherings...hindi sila nagpapakita. But if there's something that I'm sure of, Archer's sister is very important to them. Those one line proves it. Kill the boy and give me back my daughter.
"That doesn't explain what's happening to Archer." Dawn said in a whisper.
While looking at her, I know. I know that she doesn't want to hear the next thing that I want to say. Kahit na parehas naming nararamdaman sa punto na ito ang posibilidad na iyon.
"Unless it's those that killed those men for revenge is also the same person that's going after Archer." I said in the same quiet voice.
"Why?"
I repeated the same thing she said a moment ago. Ang nag-iisang maaaring dahilan kung bakit nangyayari ito. Ang koneksyon mula sa nakaraan ni Archer.
"For revenge."
NAGHIHIKAB na nakatayo lang ako sa isang tabi ng counter sa pinakapaboritong establishimento ng mga tao dito sa BHO CAMP. Ang Jollibee. Kahit maaga pa ay puno na iyon ng tao. Kaya nga natagalan ang mga inorder ko para i-take out at inaayos pa rin.
Sa kabila ng tema ng buong BHO CAMP ay hindi naging akward ang dating ng partikular na establishimento na ito rito. Sinigurado kasi na masusunod pa rin ang tema ng BHO CAMP na may pagka-rustic ang dating. Kaya bukod sa mura, masarap, at mabilis ang pagkain dito ay nakakatuwa ring tumambay.
Iyon nga lang bihira sa mga agent ang tumambay dito. Kadalasan bumibili lang sila at nag te-take out. Iyon lang ay kung mga mag a-asawang agent. Sila lang kasi ang hindi nahihiyang tumambay dito. And of course the guests na wala namang alam sa pakulo ng mga agent.
Kung sa mundo kasi ng pag-ibig ay may baby na naka-diapers na namamana, dito sa BHO CAMP may matabang bubuyog na nanunusok. Fastfood kasi. Mabilis ang deliver, masarap, at wantusawa. Perfect daw kapag sobra kang drain sa mga aktibidad na pam-PG 18.
"Wow. May hindi na virgin."
Malakas akong napasinghap nang may malakas na bumulong no'n sa tapat ng tenga ko. Nilingon ko ang nagsalita at kaagad na naningkit ang mga mata ko nang mamataan ko ro'n si Hera na ngingisi-ngisi. She looks disheveled as I am this morning. "Wow. May matagal ng hindi virgin."
Nagkibit-balikat siya at nag peace sign pa sa akin. Tumingin siya sa counter at kumindat do'n dahilan para mapatingin ako ro'n. Kaagad nag-init ang pisngi ko ng makita ko roon ang crew na mas parang nahihiya pa para sa amin dahil sa pinag-uusapan namin na obviously ay narinig niya.
"Ate, alam mo na order ko. The usual." sabi ni Hera at nag thumbs up pa.
Hindi makapaniwalang napailing ako. Sa sobrang dalas ng babae dito mukhang meron na siyang 'the usual'. Hanep. "Anong ginagawa mo rito?"
Tumaas ang kilay ni Hera. "Gusto mo ba talagang malaman?"
Umarte akong naduduwal. "Ew. No thanks."
Tinapik niya ako sa balikat. "Welcome sa mundo ng mga berde. Ang sasabihin ko lang naman eh nandito ako para bumili ng breakfast."
"As if hindi ko alam kung bakit kailangan mong bumili dito ng breakfast." sabi ko habang pinapaikot ang mga mata."
"Kaya nga. Welcome to the club."
Hinila ko siya palayo sa counter dahil pakiramdam ko ay malapit ng sumabog ang crew na sobrang pula na ng mukha. Tinmpal ko ang braso ni Hera na tinawanan lang ako. "Abnormal ka talaga. Kapag nakarating sa kuya mo 'yan lagot ka."
"Sus. May sarili na akong isip no."
"Right. Kaya pala last time nakita kitang nagpapabili ng kung ano sa kapatid mo."
Si Hera na ata ang pinaka-spoiled na tao na nakilala ko. Bata pa lang kami ay gano'n na siya talaga. Hindi naman siya iyong tipo ng spoiled brat na nagwawala na lang bigla kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya. She always put her own tactic on getting what she wants na hindi niya na kinakailangan magsayang ng luha. Magaling magpanipula kasi.
"Sabi ko lang naman may sarili akong isip. Hindi ko sinabing may sarili akong pera." katwiran niya habang may kinakalkal sa bag niya. "Dahil bagong miyembro ka at ako ang muse ng organisasyon. O, sayo na 'to. Marami pa ako nito kaya binibigyan kita."
Nanlamig ang buong katawan ko nang mapatingin ako sa mga binibigay niya. I was frozen like a statue as I look at them. Not because I was embarrassed...but it reminded me of something.
"Oh no. Alam ko ang ganiyang reaksyon." naiiling na sabi ni Hera.
"Hindi kami...hindi kami gumamit niyan."
"Congrats, Mama."
Napairit ako at sunod-sunod na napailing ako. My mother will kill me! No, no, my mother would actually screamed at me then she will happily accept this. Ang tatay ko naman magdadrama pero for sure mamimili na agad 'yon ng baby clothes. But my brother! He will strangle me! "Oh my gosh! Hera!"
"Ninang ako ha?"
"Hindi ka nakakatulong!" asik ko sa kaniya. Napadiretso ako ng tayo ng may maisip. "No. I'm okay. I'm fine."
"Ako ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo?"
"Katatapos lang ng period ko three days ago. I'm safe!"
"That method is a hit or miss. Tignan mo nabuntis si Athena noon kay Ainsley." paliwanag niya na ang tinutukoy ay ang pamangkin ko sa asawa ng kapatid ko. She's not my brother's biological daughter but Athena's ex-boyfriend.
"It's one of the oldest contraception." I pressed.
Idinipa niya ang mga kamay niya na hawak pa rin ang kanina ay binibigay niya sa akin dahilan para pagtinginan kami ng mga tao. Not that they are not already looking. We're not exactly quiet. "And here we are in the present time with 108.11 million population."
"Hera! You're not helping! I can't believe I'm freaking out inside a fastfood chain!"
"So don't freak out. Get a plan B."
"I don't want to kill this baby if ever I actually got-"
Pinatigil ko ang sarili ko sa pagsasalita ng makita ko ang mapang-asar na reaksyon sa mukha niya. Nanggigigil na kinuha ko sa mga kamay niya ang pakete ng condoms na binibigay niya sakin kanina. Sa pagkagulat niya ay binuksan ko ang bag niya at kinuha ko pa ang ibang nandoon at pinaglalagay ko 'yon sa sling bag ko.
"Hoy! Hindi mo na ako tinirhan!" reklamo niya.
Binelatan ko siya at kinuha ko na sa crew ang kanina pa pala niyang inaabot sa akin na paper bag. Alanganing nginitian ko siya bago ko inismiran si Hera at naglakad na ako paalis.
"Aiere!"
Nakasimangot na nilingon ko siya. "Ano?"
"Maid of honor ako!"
"Ewan ko sa'yo!"
____________End of Chapter 20.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top