Chapter 2: Play
AIERE'S POV
Nakapalumbaba na nakamasid lang ako sa mga kaganapan sa harapan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanila o maiirita dahil parang nang-aasar pa sila sa ginagawa nila. Kung sabagay hindi ko naman sila masisisi. Malay ba nila sa kung anong drama ko sa buhay eh wala din naman akong sinasabihan.
"Putaktihin sana kayo ng mga langgam." bubulong-bulong na sabi ko.
Kasalukuyan kasi akong naka-duty sa Craige's; ang restaurant dito sa BHO CAMP. If you look at it from a normal person's point of view, isa lang malaking leisure place ang lugar na ito. May mga villa kung saan pwede silang makapag-relax sa sarili nilang grandiose home away from home o glamping style tent para sa mga gusto ang nature trip. May spa and salon, bar, swimming pool sa bawat villa, playground para sa mga bata, at kung ano-ano pa para masiguradong rejuvenating at magical ang experience nila. Malayo kasi kesa sa ibang vacation spot ang BHO CAMP kaya nasisiguro na hindi maiistorbo ang mga guest. Iyon nga lang ay mas naghihigpit na kami ngayon para sa mga taong gustong pumasok dito. Though tumatanggap parin ng walk-in sinisiguro naming nakaantabay na agad ang mga tao sa control room para sa isang mabilisang background check.
Iyon nga lang bukod sa pinapakita ng BHO CAMP sa harap ay isang sekreto ang nakatago sa lahat. Sa mata ng mga tao ay simpleng private property lang ang nasa likod ng malaking lupain ng BHO CAMP. What they don't know is it's a headquarters for trained secret agents.
To hide our identities, we work for the BHO CAMP's front as waiters and waitresses, janitors, chefs, gardeners, at kung ano-ano pa na matripan ng mga boss namin; ang mag-asawang Dawn at Triton Lawrence.
Ngayon nga pagkatapos ng halos dalawang linggo kong pag-iwas sa pagtatrabaho at pag-enjoy sa pagiging certified bum ay wala na akong nagawa ng sapilitan akong pagtrabahuhin ngayon ni Dawn. Takot ko na lang na ipalamon niya ako ng buhay sa alaga niyang ahas na si Twinkle. Kaya ngayon heto ako at bored na bored habang naka-duty bilang cashier sa Craige's.
"Lang forever." bulong ko ulit habang pinagmamasdan ang mga kasamahan ko na kasa-kasama ang mga kapareha nila.
"Uy meron naman. Nega nito."
Nag-angat ako ng tingin at napabuntong-hininga ako ng makita ko si Athena Lawrence. Asawa ng kakambal at kuya ko na si Fiere. Magdadalawang linggo pa lang din mula ng ikasal sila at mula ng bumalik sila dito sa BHO CAMP ay daig pa nila ang 'kambal' na hindi mapaghiwalay.
Masaya naman ako para sa kanila. Kahit noon pa namang mga bata pa lang kami gusto ko na si Athena para sa kapatid ko. Alam ko kasi na gustong-gusto siya ni kuya. Iyon nga lang habang tumatagal at nang tumanda na kami ang dami kong napansin sa kaniya na pagbabago...na para bang may tinatago siya. And I didn't want that for my brother. Natatakot ako para sa kaniya dahil ayoko siyang masaktan.
But now they are happy so I'm happy with them as well.
Masyado nga lang silang mga sweet. Kakaalibadbad. Katulad ngayon na nakikita ko sa harapan ko si ate Sky, pinsan ko, na nakikipagkindatan sa asawa niyang si kuya Adonis. Waitress duty si ate Sky ngayon at si kuya Adonis naman ay nakaupo lang sa isa sa mga lamesa at kumakain habang kasama ang anak nila na si Russia at ang bunso nilang si Nero na nasa stroller. Sa isang banda naman ay kumakain ang mag-asawang King at pinsan kong si Freezale. Though hindi sweet kapag nasa publiko ang pinsan ko at katulad ng pangalan niya na may pagkamalamig siya, bawing-bawi naman sa asawa niya na kulang na lang ay subuan pa siya. Ang isa ko namang pinasan pa na si Storm ay kasalukuyang nagpupunas ng mga stante ng Craige's habang panaka-naka ay napapatingin sa asawa niyang si Hermes na nasa labas at nagpapacute sa kaniya.
"Ang haharot."
Naniningkit ang mga matang napatingin ako kay Athena nang marinig ko ang paghagikhik niya. Imbis na masindak ay umakbay pa siya sakin na parang close na close kami. Idinipa niya ang libre niyang kamay na parang pini-present sa akin ang tanawin sa harapan namin. "Namnamin mo ang vibes ng pag-ibig."
"Ayokong namnamin. Nauumay ako." panonopla ko sa kaniya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at iginaya niya pa ako pasabay sa pag-sway sway niya na kulang na lang ay mga chant at magmumuka na siyang shaman na binebrain wash ako. "Lasapin mo ang simoy ng pag-ibig."
"Wala akong naaamoy. Pabango mo lang kasi ang lapit mo sakin." Pumiksi ako para makakawala sa kaniya at kinunutan ko siya ng ilong. "Ayoko ng pabango mo."
Imbis na ma-offend eh tinawanan niya lang ako. Kahit ata hamakin ko ang buong pagkatao niya ngingiti lang siya at mag go-glow parin katulad ngayon. Iba na talaga ang mga lango sa pagka-in love.
"Medyo bitter tayo ateng ah?" sabi ni Athena at inabot sakin ang isang kahon na kulay pink. "Kainin mo 'to para maging sweet ka."
"Mukha bang mahilig ako sa sweet?"
"Hindi pero isipin mo na lang medication mo 'yan. Para sa ikagaganda ng buhay mo."
I rolled my eyes at her. Kahit kailan talaga ang lakas ng fighting spirit niya. 'Yung tipong kahit na sinusungitan ko siya at gusto na niya akong tirisin, ngumingiti lang siya at pinababayaan ako. Gano'n na siya noon ano pa kaya ngayon na kasal na sila ni kuya? Baka kahit isakay ko siya sa rocket at ipadala sa outer space baka nakangiti parin siya pagbalik at bigyan pa ako ng pasalubong.
Kinuha ko na lang sa kaniya ang kahon at binuksan ko 'yon habang siya ay tumuloy sa kusina. Malamang duty rin pero for sure hindi 'yan magluluto sa kusina. Baka biglang magkaro'n ng emergency at matupok ng apoy ang buong Craige's.
Nagbaba ako ng tingin sa kahon sa harapan ko. Kulang na lang itapon ko pabalik sa kaniya ang kahon ng makita ko na cheesecake 'yon. Puno pa 'yon ng hearts na pinapana ng kupidong dekorasyon sa gitna no'n. Sa takip ng kahon ay may nakadikit na post-it note.
Sabi ni Archer gusto mo daw pasalubong galing sa Uncle Tetsu's.
Malapit lang do'n ang pinuntahan namin kaya binilan na kita.
-Kuya
Nanggigigil na binaba ko ang kahon ng cheesecake sa counter at pabalibag na sinarado ko ang takip no'n. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na bumilang ako ng sampu bago pa ako tuluyang ma-high blood at sumabog sa inis. Kahit kailan talaga walang magawa ang kulugong 'yon. I need to find his weakness hindi pwedeng ako na lang lagi ang pinagtitripan niya.
Kung bakit naman kasi nasasaktuhan niya ang mga katangahan moments ko. At kung bakit naman kasi siya ang laging nakakakita sakin. Katulad na lang no'ng kasal ni kuya at ni Athena. Masaya naman kasi ako para sa kanila. Pero sobrang close kasi namin ni kuya kaya hindi ko maiwasang hindi malungkot na magkakaron na siya ng pamilya. Weddings are like that. You lose a member of the family but you also gain new members.
Natagpuan ako no'n ni Archer na nagmumukmok sa isang tabi. And again we danced as if there's only the two of us in the world and he let me, cliche may it sound, cry on his shoulder.
Kung ano man ang trip niya ngayon, sisiguraduhin ko na may panglaban din ako sa kaniya. Bring it on. Wala akong balak umatras.
Tinawag ko si Layla, isa sa mga junior agent at pinabantay ko muna sa kaniya ang register. May determinasyon sa bawat hakbang na tinungo ko ang kinaroroonan ni kuya Thunder, isa sa mga pinsan ko. Oo, malaki talaga ang pamilya namin. Sa sobrang laki hindi na ata kasya ang family tree namin sa isang page.
Ngingisi-ngisi pa ang pinsan ko sa dalawang babaeng guest na nasa kabilang table pero nang mamataan niya ako na palapit ay nawala ang ngiti niya at parang nasisindak na nagpalingon-lingon sa paligid niya na parang inaalam kung saan nakatuon ang sa tingin ko ay mabalasik kong tingin. Naging alanganin ang ngiti niya nang hilahin ko ang upuan sa harapan niya, umupo ako ro'n, at dumekwatro pa ako habang nakasandal sa upuan na akala mo boss sa isang mafia.
"Err...what can I do for you my beautiful, genius, talented, cousin-"
Napatigil siya nang i-angat ko ang isa kong kamay para pahintuin siya. Inilagay ko ang isa kong kamay sa lamesa at paulit-ulit na itinuktok ko ang mga kuko ko habang palipat-lipat ang tingin do'n ni kuya Thunder at sa mukha ko. Napapatingala pa siya paminsan-minsan na para bang iniisa-isa ang mga ginawa niya nitong mga nakaraan at mukhang iniisip kung meron ba do'n kung saan nakagawa siya ng kasalanan sa akin.
Sinadiya kong titigan siya ng matagal para lalo siyang maging uncomfortable sa ginagawa ko. Kulang na lang ay tignan na niya lahat ng pwede niyang tignan at napapakuyakoy na ang isa niyang paa sa tagal ng ginagawa kong pagmamatiyag sa kaniya.
"May tanong ako."
Kulang na lang pumalakpak siya nang magsalita na ako sa wakas. Pinigilan kong mapangiti dahil alam kong hindi magiging mahirap sa akin ang lahat. "Kayang-kaya kong sagutin 'yan! Name it!"
"Tungkol sa isa sa mga kabanda mo."
Bahagyang kumunot ang noo niya. "May atraso ba sila sa'yo? Sinong una kong bubugbugin? Pero kung si King pwedeng slight na tapik lang? Baka kasi sunugin ako ng buhay ni Freezale."
"Kay Archer."
"Ahh. Kay Archer lang pala." tumatango-tango na sabi niya. Akmang bubuka ang mga labi niya para magsalita pero sinarado niya lang ulit 'yon nang para bang may naisip siya. "Hala! May gusto ka kay Archer?!"
Pakiramdam ko nanglaki ang ulo ko sa bigla niyang pagsigaw no'n na nasundan ng biglang katahimikan. Parang nasa horror movie na dahan-dahan akong lumingon sa paligid ko at naikuyom ko ang mga kamay ko nang makita ko na lahat sila nakatingin sa akin lalo na ang mga agents na laglag pangang nasa akin ang atensyon.
Pilit na kinakalma ang sarili na huminga ako ng malalim. Mahirap na at baka kapag nag over react ako ay mas lalo silang magduda sa akin. Matitinik pa naman ang mga 'yan sa pagsagap at paggawa ng issue.
"Wag kayong naniniwala sa fake news." mataray na sabi ko sa kanila bago ko binalik ang atensyon ko kay Thunder. "At 'wag kayong naniniwala sa hindi credible na source."
Napapakamot sa ulo na nag peace sign si kuya sa mga nakatingin samin. "Wag niyo kami intindihin. Nagpapractice lang kami ni Aiere ng joke namin."
Bumalik na sa kaniya-kaniyang usapan ang mga nanonood samin pero alam kong nakikinig parin samin ang mga agent. Umuklo ako para mas mapalapit kay kuya Thunder at iminuwestra kong lumapit pa siya sakin. Lumapit naman siya at parang curious na hinintay ang sasabihin ko.
"Tell me anything about Archer."
Nanlaki ang mga mata niya at pagkatapos ay bumulong, "May gusto ka nga sa kaniya? Secret lang ba natin 'to?"
"Oo secret lang natin 'to."
"Hala may gusto-"
"Pero wala akong gusto sa kaniya." putol ko sa kung ano pa man na sasabihin niya. "Kailangan ko lang ng magagamit laban sa kaniya."
Napasandal si kuya sa kinauupuan niya at ako naman ngayon ang mataman niyang tinitigan. Pero hindi katulad niya ay nakahalukipkip lang na hinihintay ko kung ano man ang sasabihin niya. Hindi nagtagal ay ngumuso siya.
"May bro-code kami, cousin ganda eh. Siyempre yah know, brothers kami dahil magkakasama kami sa iisang banda."
"Pinsan mo ko." sabi ko sa kaniya na para bang sapat na 'yon na paliwanag.
"Malalagot ako kay Archer."
Naniningkit ang mga mata na dumukwang ako at bumulong ako para siya lang ang makakarinig sa sasabihin ko. "Kapag hindi mo ako tinulungan ibubuking kita kay kuya Hermes sa ginagawa mong pakikipagkita kay Hera ng patago. I even saw you walk out of a broom closet last time."
Halata ang gulat sa mga mata niya sa sinabi ko. Nagpalingon-lingon siya at pagkatapos ay bumulong din sakin. "Are you blackmailing me?"
"Obviously."
"Isusumbong kita sa kuya mo-"
Pinutol ko ang sasabihin niya nang makita ko na ang kaninang nasa labas na si kuya Hermes ay pumasok na, "Kuya Hermes!"
Lumingon sakin ang tinawag ko at imbis na sa asawa niya lumapit ay naglakad siya papunta sa kinaroroonan namin. Nagtatakang tinignan niya ako. "Yes?"
Nilingon ko ang namumutlang si kuya Thunder. "May sasabihin daw si kuya Thunder."
Tumingin sa kaniya si kuya Hermes at kung may ipuputla pa siya ay gano'n na nga ang nangyari sa kaniya. Mabilis na ikinaway ni kuya Thunder ang mga kamay niya at umiling-iling. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang tawa na gustong kumawa ro'n.
Kung hindi man ako sigurado sa mga pinagsasabi ko kanina ngayon siguradong-sigurado na ako base sa reaksyon niya.
"Ano 'yon?" tanong ni kuya Hermes.
Umiiling parin na sumagot si kuya Thunder, "W-Wala naman. Ano...ano...itatanong lang namin kung kailan ulit makakaro'n ng special episodes and Royalty. Para sa ano...sa ano promotion? Fan na fan kasi 'tong si Aiere."
Bumaba sakin ang mga mata ni kuya Hermes na at bahagyang napaangat ang kilay niya. "Talaga ba? Sige sasabihan ko si Adonis baka naman maisingit niya din kayo. Tamang-tama malapit na pala ang concert niyo."
"S-Sige, bro. Salamat."
Tuluyan ko ng hindi napigilan ang ngiti ko nang pakawalan ni kuya Thunder ang kanina ay pinipigil niyang hininga. Humalukipkip ako at tinignan ko siya na para bang hinihintay kung anong sagot niya sa tanong ko. Bumuntong-hininga siya at iginalaw niya ang kamay niya na para bang sinasabi sakin na lumapit ako sa kaniya.
Nilapit ko naman ang mukha ko sa kaniya at hinintay ko kung ano ang sasabihin niya.
"Takot sa creepy sound si Archer. Hindi din namin alam lahat kung bakit basta takot lang siya. Hindi din siya nakakatulog kapag wala ang Banana and Pajamas niyang unan. Ewan ko ba sa isang 'yon, weirdo. 'Yon lang naman ang naiisip kong kakaiba tungkol sa kaniya. Pag may naisip pa ako itetext ko na lang sa'yo."
Matamis na ngumiti ako sa kaniya na imbis na ikahinga niya ng maluwag ay parang lalo pa siyang kinabahan sa ginawi ko. "Thank you kuya!"
Tumayo ako at patalon-talon na bumalik ako sa counter ko. Nang makarating ro'n ay kinuha ko ang cellphone ko at nagsimula na akong hanapin ang mga bagay na kakailanganin ko para hindi lang ang araw ko ang laging nasisira.
Humanda ka Archer Lucas Chase.
NAPAANGAT ang tingin ko mula sa nilalaro kong mobile games nang may pabalabag na naglapag ng kung ano sa lamesa sa tapat ko. Kasalukuyan akong nasa dining area sa headquarters. Lihim akong nagbunyi nang makita ko si Archer na madilim ang mukha habang may hawak na kahon kung saan halos lumalabas na ang laman dahil sa sobrang pagkapuno ng mga stuff toy, lamp, at kung ano-ano pang Banana and Pajamas merchandise na nahanap ko.
Ang effort ko kaya. Hindi na madaling maghanap niyan kasi sobrang luma na. Baka nga hindi na 'yan alam ng mga bata sa panahon ngayon.
"This day is turning out great. After being on the road all day, I found my house exploding with these stuff. Ilan pa lang ang mga 'to dahil sandamakmak pa ang naiwan sa villa ko. And guess what? Pagpasok ko sa kwarto ko may tumutugtog do'n na umiiyak na babae at kung ano-ano pa at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tunog na 'yon sa tagal kong hinanap 'yon. I went to the car I left here to get the phone I left there, and guess what again? Napalitan ang busina ko ng umaalulong na aso."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at inosente ko siyang tinignan na para bang hindi ko alam ang sinasabi niya. "You poor thing. Sino ba ang ginalit mo at parang tinorture ka naman ata? Do you want me to ask Dawn to find the person for you?"
"Hindi na kailangan dahil nakita ko na siya."
Lumingon-lingon ako sa paligid ko na para bang hindi ko alam ang sinasabi niya. "Hala sino? Ituro mo nga para pagsabihan ko 'yan."
Nang nanatili siyang madilim ang mukha na nakatingin sa akin ay tuluyan ko ng hindi napigilan ang sarili ko at napatawa na ako. I threw my head back as I laugh at the hilariousness of the situation. Mamaya pag nakaalis na siya I-re-retrieved ko na ang footage para makita ko ang mga nangyari sa kaniya. I want to see his reaction.
"Ibinabalik ko na 'to. Hindi ko 'to kailangan."
"Gift ko 'yan sa'yo. Tignan mo nga ako, binalik ko ba yung napaka-sweet mo na regalo sakin?" Pinagdiinan ko pa ang salitang 'sweet' para pang-aasar sa kaniya.
Itinulak ko sa kaniya palapit ang kahon at akmang aasarin ko pa siya nang mapatingin ako sa cellphone ko. Akala mo ay nakakita ng nakakatakot na bagay na napatili ako. Kanina pa pala ako inaatake ng mga kalaban ko at ngayon nga ay pinagmumumura na ako ng mga ka-team ko. "Hayop! Anong karapatan ng mga 'to na murahin ako? Pinakakain ba nila ako? Pa'no nila nasabing bobo ako? Nakita na nila GPA ko? FYI, Magna Cum Laude ako! Ako din ang president ng Computer Science club namin! At cancer daw ako? Hindi ako cancer! Libra ako!"
Alam kong namumula na ang mukha ko sa inis ko. Pero kung noong mga bata pa lang kami ni kuya ay pumapalahaw ako ng iyak, ngayon hindi na. Napipigilan ko na. Ayoko kasi sa lahat 'yung mga namemersonal sa mga mobile games. Akala mo naman ikamamatay nila sa totong buhay kapag natalo sila.
Sasagot na sana ako sa mga umaaway sakin nang mawala sa kamay ko ang cellphone ko. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko si Archer na tutok na tutok ang mga mata do'n at hindi niya binitawan 'yon kahit sinubukan kong agawin sa kaniya.
"Uy akin na yan! Ipagtatanggol ko pa ang dignidad ko!"
Inilayo niya lang 'yon sa akin nang magtangka ako ulit. Nakuntento na lang akong sumilip at napanganga ako ng makita ko na tumataas na ang kills ng karakter ko at habang naglalaro nakita ko pa na inaaway narin niya pabalik at inaasar pa ang mga kakampi kong umaway sakin.
Hindi nagtagal ay sumilay ang mapang-asar na ngisi sa mga labi ni Archer at ibinalik sa akin ang phone. Nanalo ang team namin.
Iningusan ko siya, "Anong akala mo hindi ko kayang ipanalo ang team namin?"
"Hindi. Nagkawang-gawa lang ako kasi mukha ka ng batang iiyak."
"Hindi ako iiyak!" Hindi niya pinansin ang sinabi ko at itinulak sakin ang kahon. Tinulak ko lang pabalik 'yon sa kaniya at nang akmang gagawin niya ulit 'yon pabalik sakin ay lumayo na ko. "Hindi ko sabi kailangan 'yan. Sa'yo ko yan binigay kaya sa'yo na 'yan forever. Wag kang ungrateful ang laki ng ginastos ko sa mga 'yan."
He rolled his eyes at me. "Fine. But stop those noises in my house at ibalik mo sa dati ang busina ng sasakyan ko."
"Pag-iisipan ko pa." sabi ko at dahan-dahang naglakad ako palayo pero naniningkit ng mga matang sinundan niya lang ako.
"Aiere-"
"Kasalanan mo 'yan dahil sa pang-iinis mo sakin."
"Ibalim mo sa dati ang bahay ko or else..."
"Or else?" hamon ko sa kaniya. "Bakit anong gagawin mo sakin? Papaulanan ng sandamakmak na cheese cake?"
Sandaling nakatingin lang siya sa akin habang patuloy sa paghakbang habang ako naman ay atras lang ng atras. Natigil lang ako nang maramdaman ko ang malamig at matigas na pader sa likod ko. Akmang lulusot ako sa gilid ni Archer pero hinarang niya lang ang braso niya. Hindi ko narin nagawang lumusot sa kabila dahil hinarang na din niya do'n ang isa pa. Pero bago niya pa maisip ang gagawin ko ay nakangising dumausdos ako pababa at lumusot sa ilalim ng braso niya.
As if he can trap me. I'm an agent-
Sa panggigilalas ko ay nahawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa kaniya. Two things happened that sent my world into a rapid spiral.
Aside from all the agents focusing their eyes to our commotion, my brother accompanied by my parents entered the room and saw us...
...
...
With Archer's lips on mine.
_________End of Chapter 2.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top