Chapter 17: Breathe
A/N: Wag niyo na po akong tanungin kung kailan ang update ko. Basta at least once a week or more depends on my availability. Thanks!
Use the hashtag #BHOCAMP7TM, #BHOCAMP or #HugotNiAiere on twitter so we can retweet your posts <3
AIERE'S POV
Hindi na ako magtataka kung pati ang kabilang bayan ay maririnig ang pagdagundong ng dibdib ko dahil sa sinabi ni Archer. Sari-saring senaryo ang pumasok sa isip ko na naging dahilan ng bigla na lang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
I mean...I asked for this right? Kahit nga ng magkasakit ako ay hindi na naalis sa utak ko ang mga bagay na gusto kong mangyari. Kaya nga kahit nakakahiyang aminin ay daig ko pa ang manyak na namantala ng walang kamalay-malay na tao.
Iyon nga lang para kasing hindi ganito ang na-i-imagine kong mangyari. This is too scheduled, like a task to be checked out from a list. What I want is something natural. Iyon bang tipo na napapanood ko sa mga pelikula kung saan unti-unting binubuo ang tensyon sa pagitan ng dalawang bida. Iyong magtititigan tapos dahan-dahang maglalapit ang mga mukha...then a kiss would happen that would lead to the touching of skin.
"A-Archer...saan tayo pupunta?" nag-aalangang tanong ko nang mapansin ko na hindi papunta sa villa niya o sa headquarters man lang ang daan na tinatahak namin. Imbis na pumunta kami do'n ay sa harap kami ng BHO CAMP patungo.
"Aaliwin nga kita."
"Pwede naman na dito na lang."
Nagbaba siya ng tingin sa akin at ngumisi. "Come on, where's your sense of adventure? Mas masaya kung sa ibang lugar tayo pupunta."
Hinayaan ko na lang siyang hilahin ako kung saan habang pakiramdam ko ay tuluyan ng nagblangko ang utak ko sa sobrang kaba. I don't know what's wrong with me. I know I want this but I can't stop the chill running through my body as if any moment it would strike and freeze me.
Naiintindihan ko naman siya kung ayaw niyang gawin ang...mag...iyon dito sa BHO CAMP. Masyado kaming maraming kakilala rito kaya paniguradong issue kapag may nakaalam sa mga bagay na magaganap.
Napapitlag ako nang maramdaman kong tumama ang katawan ko kay Archer nang bigla siyang huminto. Nag-angat ako ng tingin at sa kaniya at pagkatapos ay sumilip ako mula sa likod niya para makita ang sasakyan na nasa harapan namin. It's an Hummer H2.
"Sayo 'yan?" tanong ko.
"Hindi. Pinahiram lang sakin ni Thunder dahil nasa maintenance ang kotse ko."
"Marami namang sasakyan si kuya ah. Bakit 'yan ang hiniram mo eh ang laki masyado niyan?"
"Okay na 'yan. Iyan lang kasi ang gusto niyang ipahiram." sabi niya at sa pagkabila ko ay biglang kumindat. "Mas maganda nga kapag malaki eh."
Pakiramdam ko ay matatanggal ang talukap ng mga mata ko nang sunod-sunod akong napakurap sa sinabi niya. Hindi naitago sa akin ang innuendo nang sinabi niya. I was talking about a prince albert and a bratwurst awhile ago for heaven's sake!
Hindi ko mapigilan ang utak ko na kung saan-saan na nakarating dahil sa sinabi niya. Wala sa sarili na hinayaan ko na lang siyang igaya ako papunta sa sasasakyan. Nang nasa passenger side na kami ay nagbaba ng tingin sa akin ang lalaki at parang hinihintay akong pumasok sa loob pero tulala lang akong napatingin sa kaniya.
Why would he even need a big car? Are we...are we doing it in a car?
Sa pagkabigla ko ay naiiling na hinawakan niya ako sa bewang para iangat ako at ipasok sa loob ng sasakyan. Pagkatapos no'n ay sinarado niya na ang pintuan at umikot sa kabilang side ng sasakyan. When he finally managed to get inside the car, he turned and looked at me with an unmistakable amusement on his face.
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay napasinghap ako nang kumilos siya at dumakwang palapit sa akin dahilan para maglapit ang mga mukha namin. I instantly froze, scared that any sudden movement will make me touch him that will lead to my self-combustion.
"Breathe, Aiere." he whispered as my eyes drop down on his moving lips. Kumurba do'n ang isang mapaglarong ngiti.
Alam kong gusto niya akong pakalmahin pero pakiramdam ko ay mas lalong nagkagulo ang buong systema ko sa sobrang lapit ng mga katawan namin. I inhaled a breath but can't find myself to let it go when he moved closer again. Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko at napapikit na lang ako.
Hinintay ko ang susunod niyang gagawin habang nakatutok ang atensyon ko sa init ng katawan niya at sa mahinang tunog ng paghinga niya. Pero imbis na malambot na labi na ilang beses ko ng dumaop sa mga labi ko ay matigas na bagay ang pakrus kong naramdaman na dumampi sa katawan ko pagkatapos ng isang mahinang pagtunog.
Binuksan ko ang mga mata ko at nabitawan ko ang hininga na kanina ko pa pinipigilan nang makita ko kung gaano kalapit sa mukha ko ang kay Archer na ngayon ay may mapaglarong ekspresyon sa mukha niya.
"Seat belt on." he whispered.
I know that my eyes remained open wide as he moved away from me and start the car. Nang tuluyan na niyang pinaandar ang sasakyan palabas ng BHO CAMP ay hindi makapaniwalang nilingon ko siya nang unti-unti ng pumasok sa isip ko ang pang-aasar niya. "I can't believe you."
"I can't help but tease you. You look so adorable."
"I'm not adorable!" I said in a hiss.
"You are." He looked at me for a bit and winked at me.
I harrumphed and crossed my arms as I look pointedly in front of me. Panigurado ako na kung saan niya ako dadalhin ay hindi 'yon sa kung saan man niya gagawin ang mga nasa isip ko. He just really love putting ideas in my head so he can tease me. Bakit parang disappointed ka ata? Hayok much, Aiere Roqas?
Ipinilig ko ang ulo ko at naniningkit na nilingon ko ang lalaking may ngiti pa rin sa labi. "Saan ba talaga tayo pupunta? And please stop the teasing games. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit iba ang naiisip ko."
He slowed down the car as he stopped on a red light before he turned to look at me. "Inaasar lang kita kasi nakakatuwa kang asarin. And you actually looked nervous so I teased you to lightened you up."
I rolled my eyes. "It didn't work."
He raised his hand and tug at my seat belt. He traced his fingers on the strap until he reached my neck. Nahigit ko ang hininga ko nang pinaglandas niya ro'n ang mga daliri niya hanggang umakyat sa gilid ng mukha ko kung saan marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "We will have our fun, Aiere. But I want to do it when you're actually ready. Not when you just think you are."
Wala akong naisagot sa sinabi niya at nanatiling umid ang dila ko. Pinaandar niya na ang sasasakyan ng mag hudyat ng senyales ang stop light habang ako ay nananatiling iniiisip ang sinabi niya.
Archer always know what I want. Mula pa lang noong una kahit walang magsalita sa aming dalawa ay parang alam niya na kung ano lagi ang kailangan ko. He does tease me a lot but I also know that without even saying it that he cares. He care enough to see what others failed to do so.
Alam ko na kapag hindi ko pinigilan ang sarili ko ay kakawala ang natitirang kontrol na meron ako sa puso ko. Pero alam ko rin na hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. I already gave away so much of my heart to people that can't take care of it. And even though that there's a chance that Archer won't do the same...hindi maitatago ang katotohanan na malaki rin ang tiyansa na magagawa niya akong saktan.
Kaya gusto ko sigurado ako kapag hinayaan ko na ang sarili ko na magmahal ulit. Dahil kapag hindi sapat ang pagmamahal na kaya kong ibigay, wala akong magagawa kundi kumuha sa piraso ng pagmamahal na ibinibigay ko sa sarili ko at ialay iyon sa kaniya. In love, I don't think that's how it should work. I can give him the love intended for him but I shouldn't take away from the love I should give to myself. Dahil kapag patuloy akong nagbigay at binawasan ko ang para sa sarili ko, paano ko pa magagawang patuloy na magmahal kung ubos na ang meron ako?
Sa mga relasyon na pinasok ko lahat binigay ko para sa kanila. Nagmahal ako ng walang limitasyon at ng walang takot. I gave all my love and trust because I thought that they will do the same for me. But I failed to realize that not everyone can have the same heart as mine. Habang binibigay ko ang pagmamahal na meron ako, habang iniignora ko ang mga senyales ng pagkakamali nila, binabawasan ko ng binabawasan ang para sa sarili ko. Kaya kapag iniwan na nila ako, pakiramdam ko sobrang laki ng nawawala sa akin. Pakiramdam ko...ang laking parte ng pagkatao ko ang nadudurog kasabay ng pagkawala nila.
That's why I know that what I feel when I'm with Archer can lead to what I fear the most. And to be honest, there's a part of me that want to take the leap and fall. But I guess getting hurt over and over again can trigger your self-preservation. Because I always fall in love with people that I know isn't fix...or complete. Pakiramdam ko kusang lumalapit ang puso ko sa mga taong alam ko na may kulang sa kanila kasi pakiramdam ko kaya ko silang ayusin at buuin. I always thought I can be the missing piece that they're looking for in this life. Like what I thought with Mateo.
Archer is the most broken man I ever saw. And he's also the person that brings out feelings that I never felt as intense than before. So I'm holding myself back. Dahil sa ilang beses na nasaktan ako, alam ko na ang isang bagay na dapat noon ko pa nalaman.
I can never fix a person. I can never fill in for what they lack. I can never make them something that they won't let themselves be. It's not my responsibility to fix anyone's heart. Dahil kada tatangkain kong buuin ang iba, ako lang ang masasaktan.
I just want to enjoy being with Archer. I love to be him with cause I know he cares. But I don't want to take the leap just yet. Not when he's not ready to jump to the edge with me.
"We're here."
Nag-angat ako ng tingin sa binata nang marinig ko siyang magsalita. I looked around me and one of my eyebrows went up in question as I saw where we are. "Bakit tayo nasa Tagaytay Highlands?"
Ngumiti siya at bumaba na ng sasakyan. Bumuntong-hininga ako at kinalas ko ang sarili kong seat belt pagkatapos ay binuksan ko ang pintuan. Pero bago pa ako makatalon do'n ay nasa tabi ko na si Archer at tinutulungan akong makababa.
"Kaya ko naman." sabi ko sa kaniya nang umapak na ang mga paa ko sa lupa.
Sinarado niya ang pintuan at nagbaba siya ng tingin sa akin. "I know. But I enjoy doing it."
Warmth touched my heart at what he said but I just rolled my eyes at him. He chuckled under his breath at my reaction and to my surprise, he grabbed my hand and curled his fingers with mine as he pulled as towards an establishment.
Pilit na inignora ko ang nararamdaman ko sa ginawa niya at inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid. Maraming mga tao ang lumalabas sa establishimento sa harapan namin at may ilan ring mga food stalls ang nagkalat.
Despite the obvious festive look in the place, it didn't take away the feel of luxury. Kahit ang mga food stall ay uniform kung saan tradisyunal at natural wood lang at hindi makulay. Mukha ring hindi basta-basta ang mga pagkain.
Tagaytay Highlands is one of the luxurious place in Tagaytay. Lahat na ata meron sila. From their state of the art accommodations, top notch facilities, to the serene and majestic view of the nature surrounding the place.
"Anong meron?" tanong ko kay Archer nang makita kong papasok kami sa Sports and Recreational facility.
"One of my friends invited me here. May charity sport tournament sila and they gave me a ticket to watch. Few organized teams from other places will go here to battle with their chosen sports. May iba sa tennis, archery, basketball, at iba pa. Simple lang naman na event 'to but it's for a cause. My friend is part of the Tagaytay basketball team that would compete."
"Hindi naman mukhang simple."
Malaki rin kasi talaga sa lugar na 'to. Usually mga magagarbong events ang ginaganap kaya nagtataka ako na mayroong ganito na klaseng event. But since it's a charity event, that's understandable. If Archer's invited then that means that there would be other known people that were probably invited.
Nang makapasok kami sa loob ay namataan ko ang ilang food stalls na nakapwesto paikot sa pinakabukana ng establishment. Akmang igagaya ako ng binata papunta sa kinaroroonan ng basketball court pero hinila ko ang magkadaop na palad namin dahilan para mapatigil siya sa paglalakad.
Itinuro ko ang direksyon ng isa sa mga food stall, "Gusto ko ng popcorn."
An amused smile curved his lips again as he pulled me towards the line of the stall. Nanatili siyang hawak ang kamay ko at bumitaw lang ng ilagay niya ako sa harapan niya nang makarating kami sa pila. He kept his hands on my shoulders as we wait in line.
Mahaba-haba rin ang pila rito kesa sa ibang mga stall pero popcorn lang ng gusto ko. Amoy pa lang natatakam na ako.
Bahagyang napakunot-noo ako nang mapansin ko na ilan sa mga napapadaan ay napapatingin sa direksyon namin. Nagbaba ako ng tingin sa sarili ko at wala namang kakaiba sa suot ko. I'm wearing red pants and a simple loose white shirt. Hanggang hita ko ang haba no'n at sobra ring luwag pero hindi naman pangit tignan. It's a trend for pete's sake. Bahagya akong sumilip sa likod namin pero wala naman akong nakitang kakaiba ro'n.
I stopped looking around when I felt Archer's hands squeezed me gently on my shoulders. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya dahilan para maintindihan ko na ang nangyayari. Bakit ba nakakalimutan ko na hindi ordinaryong tao si Archer?
"Don't mind them." he said in a quiet voice and turned me around so I'm facing the line again.
Dahil naiintindihan ko na ang tingin na pinupukol sa amin ng mga tao ay nakampante na ako at hindi ko na sila napansin. Hindi naman na maiiwasan dahil sa trabaho ni Archer. Kahit pa sabihin na normally ay vocalist ng banda ang napapansin, hindi gano'n ang lagay sa Royalty. They all have their share of the spotlight. I mean...Lucas Darryl King is drop dead gorgeous but everyone of them are. Kahit si Harmony na angat ang dugong banyaga.
Napaangat ang kilay ko nang mapansin ko ang tatlong babae sa bandang unahan ng pila na ngayon ay nakatingin na sa gawi namin. Unlike the stare of the others that passed us by, jba ang paraan ng pagtingin ng mga ito. There's a difference between the stare of someone that is curious from the stare of someone interested.
The way those women look at Archer...it's like how vulture look at its prey. Iyong klase ng tingin na parang gusto kong dukutin ang mga mata nila. Makapagsalita ka naman akala mo committed kayo ni Archer. Tandaan mo, Aiere, wala kayong relasyon. You're not even dating.
Alam ko na tama ang sinasabi ng utak ko. Wala kaming relasyon. We're not dating. But whatever this is that we have, even without the labels, it doesn't mean that I'm willing to share him.
Bago pa mapigilan ang sarili ko ay inikot ko ang katawan ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Kita ang pagkagulat sa lalaki nang walang salita na ipinalibot ko ang kamay ko sa bewang niya dahilan para mapalapit siya sa akin.
For a full minute, he just looked at me, probably thinking if I gone cavewoman on him. Pero imbis na lumayo ay nilaro lang niya ang buhok ko na kumakawala sa pagkakatali no'n. "You're adorable and pretty."
Sa kabila ng pag-iinit nang magkabila kong pisngi ay kinibit ko ang balikat ko na parang sinasabi na wala lang sa akon ang tinuran niya. "Siyempre. Mana ako sa nanay ko eh."
"Your mother must be very happy if she hear you say that."
"Meh. Tama lang. Bata pa lang kami trained na kami ni kuya na 'yan ang isagot kapag pinupuri kami. Kuya were instructed to say that it's because he look like our father. Credits daw sa kanilang dalawa dahil nabahagian nila kami ng kadakilaan nila."
Mahinang tumawa siya dahil alam namin pareho na hindi imposible ang gano'ng kalokohan sa mga magulang ko. Ilang beses na niyang na-meet sila mama kaya for sure alam niya na rin na hindi normal ang dalawang 'yon.
Still chuckling, he removed my hand wrapped around me and turned me around to face the line that is currently moving. Akmang magrereklamo ako pero iniangat niya ang sarili niyang mga braso at pinalibot niya 'yon sa balikat ko habang ang mukha niya ay nasa ibabaw ng ulo ko.
Ramdam ko ang tingin sa amin ng mga tao pero pareho naming hindi pinansin 'yon ni Archer. Nang makarating kami sa unahan ng pila ni Archer ay kumawala na siya sa akin para siya na ang mag-order para sa amin.
It gave me the chance to look at his back. Despite being part of the band, he didn't remained soft and too lean that I usually see in some rock band members. Sa sobrang busy kasi ng trabaho nila bihira na siguro ang nakakapagbigay pa ng oras sa pag-gym. But Archer's body is different. Dahil sa suot niyang simpleng t-shirt at jeans ay nakikita ko ang hulma ng katawan niya. He's not bulky but his muscles are define. And his behind. Don't forget his behind. Tatalunin niya panigurado si David Beckham.
Napapitlag ko nang humarap siya sa akin dahilan para ibang parte na niya ang madapuan ng mga mata ko. Hmm. Of course I love his front more than his behind.
I hear his quiet laughter and my eyes immediately snapped up to look at him. Pakiramdam ko ay mula ulo hanggang paa na ang pamumula ko sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin na para bang sinasabi na alam niya kung anong iniisip ko. "W-What?"
"Ano kakong flavor ang gusto mo?"
Archer flavor. "Butt...butter."
He reached for my hand and shook his head with contained hilarity before he turned to the man behind the stall to say our orders. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar para ibahin ang takbo ng utak ko nang mapatigil ang mga mata ko sa isang panig ng lugar.
My eyes widened in surprise when I saw a familiar face looking directly at us. Kita rin ang pagkabigla sa kaniya na makita ako. Pero nagbago ang ekspresyon sa mukha niya na napalitan ng pagkabalisa at pagkatapos ay may binulong siya sa katabi niya tumango na lang at nauna ng maglakad papasok sa isa sa mga pintuan malapit sa kanila.
"May gusto ka pa?"
Pilit na inalis ko ang paningin ko sa kaniya at nag-angat ako ng tingin kay Archer. "W-Wala na."
Dala-dala ang binili namin habang hawak ang kamay ko na naglakad na kami papunta sa pintuan kung saan din pumasok ang kanina ay kasama ng taong ngayon ay nakatingin pa rin sa direksyon ko. Dahan-dahan akong kumawala nang makita ko siya na humakbang papunta sa direksyon namin.
"Archer mauna ka muna. May pupuntahan lang ako."
Bumadha ang pagtataka sa mukha ng lalaki. "May bibilin ka pa? Samahan na lang kita."
"H-Hindi na. Hanapin na lang kita magpupunta lang ako sa comfort room."
"Sigurado ka?"
Tumango ako at pilit na nginitian ko siya. Kita pa rin ang pagtataka sa mukha na pinakawalan na niya ang kamay ko para lang iangat para hawakan ang ulo ko at bahagyang guluhin ang buhok ko. "I'll wait for you inside."
Tinanguhan ko siya at sinundan ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Humigit ako ng malalim na hininga at humarap ako sa likod ko saktong huminto ang taong kanina ay nakita ko lang. Taong hindi ko na gustong makita pa, sinusubukan kong hindi gustuhing makita ulit, pero pilit na inilalagay ng tadhana sa sitwasyon kung saan kinakailangan ko siyang harapin.
"Mateo."
______________End of Chapter 17.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top