CHAPTER 28 ~ Box ~
CHAPTER 28
SNOW'S POV
Yakap-yakap ang handbag ko na tinignan ko ang dalawang malaking lalaki sa harapan ko na parang mga action movie star sa pakikipag gitgitan sa mga tao para makuha ang mga bag sa conveyor.
"Miss, upo ka muna. Siguradong napagod ka sa byahe."
Nginitian ko ang security guard na lumapit sa akin na may dalang upuan. Pero imbis na umupo ay inusog ko ang upuan sa matandang lalaki na nasa tabi ko. "Salamat Kuya ha? Pero si lolo na lang po ang paupuin natin."
"Naku, salamat, ineng. Napakabait mo namang bata." pagpapasalamat sa akin ng matandang lalaki.
Tinanguhan ko ang matanda at pagkatapos ay nilingon ko ang security guard at nginitian siya. Sunod-sunod na napakurap siya bago parang wala sa sarili na nagpaalam at naglakad paalis.
Muli akong humarap sa mga action movie star sa harapan ko. Pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil talaga namang agaw pansin sila. Kulang na lang kasi umakyat sila sa mismong conveyor belt makuha lang ang mga gamit.
"Ay!" tili ko. "Ayun iyong last bag ko!"
Napalingon sila sa akin at kaagad nilang tinignan ang tinuturo ko. Sabay silang nag thumbs up sa akin at animo nakikipagkarera na umakyat na nga sila sa conveyor at tinungo ang direksyon na tinuro ko.
Nang tuluyan nilang makuha iyon ay ngiting-ngiti na lumapit sila sa amin. Una nilang inabot sa matandang lalaki ang mga gamit nito. Kanina kasi ang matanda naman talaga ang tinutulungan nila. Pero nang makita nila ako na hindi makasingit at nabalya pa ako ng isang babae ay nag volunteer sila na tulungan na rin ako.
"Salamat mga iho. Bibihira na lang ang mga katulad ninyo. Napakaswerte ng mga magulang ninyo sa inyo, hindi ba ineng?" sabi ng matanda.
Nakangiting tumango ako. "Opo." nilingon ko ang dalawang lalaki na mukhang magkapatid. "Salamat ng marami! Mabuti na lang at tinulungan niyo kami. Kung hindi baka hanggang mamaya nandito pa kami."
Namumula ang mukha na nagyuko ng ulo ang isa sa kanila habang ang isa naman ay napapakamot sa ulo niya. "Wala 'yon." sabi ng lalaking nakapula. "Ako nga pala si Bogs. Eto naman ang kuya ko na si Buck."
Tinaas ko ang isa kong kamay at kumaway ng bahagya. "Hello. Ako naman si Snow." binuksan ko ang bag ko at may kinuha ako na card. "Kapag napasyal kayo ng Cavite at gusto niyong magbakasyon, punta kayo diyan. Bibigyan namin kayo ng free lodging."
"Hala, salamat, miss. Nako siguradong matutuwa ang mga misis namin nito." sabi ni Buck.
Saglit pa kaming nag-usap usap bago ako nagpaalam sa kanila. Ang matandang lalaki naman ay nauna ng nagpaalam sa amin.
Palingon-lingon ako sa paligid nang tuluyan na akong makalabas at makarating sa waiting area. Ang sabi ni Phoenix susunduin niya raw ako. Sinabi ko naman sa kaniya kung anong oras ang landing kaya baka nandito na 'yon.
Muli kong iginala ang paningin ko sa paligid. Napapangiti na lang ako ng mamataan ko ang mga pamilya na nagkukumpulan. May iba pa na nag-iiyakan.
Ito ang dahilan siguro kung bakit hindi man lang ako natrauma sa lugar na ito kahit na ng huli akong pumunta rito ay nadakip ako ng Claw. Sa kabila kasi ng hindi magagandang bagay na nangyari sa buhay ng isang tao, we'll always find something to be happy for.
Akmang maglalakad na sana ako para hanapin ang sundo ko nang maramdaman ko na may humawak sa mga balikat ko mula sa likod. Ngiting-ngiti na humarap ako sa likuran ko, "Nix Nix-"
Nawala ang ngiti ko at napalita iyon ng pagtataka nang makita ko na si Athena at Hera ang nasa likuran ko.
"Ay wow, alis na lang kaya tayo Hera? Parang hindi siya masaya na makita tayo."
"Oo nga eh. Bakit pa kasi tayo umasa eh alam naman natin na iba ang gusto niyang makita talaga? Masakit eh. Alam mo 'yon? Tagos dito." sabi nito at bahagya pang tinapik ang tapat ng puso.
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Ang drama niyo. Nagulat lang naman ako at kayo ang nandito dahil ang sabi ni Phoenix siya ang magsusundo sa akin."
Tinaas ni Athena ang isa niyang kamay. "No. Don't explain."
"Aalis na lang kami." madrama rin na wika ni Hera.
Naiiling na sinundan ko sila ng tingin nang talikuran nila ako at bagsak ang balikat na naglakad palayo. Namewang ako at nagsalita, "Ay sayang. Kanino ko kaya ibibigay ang mga pasalubong ko? Dalawang bag ng candies para sa isa diyan at perfume ni Ariana G pati na Kylie Lip Kit para sa isang taong nagdadrama rin. Sayang naman-"
Hindi ko pa tuluyang natatapos ang sasabihin ko ay mabilis pa sa alas kwatro na nilapitan ako ng dalawang babae. Inagaw sa akin ni Hera ang trolley na tulak-tulak ko habang si Athena naman ay ikinawit ang braso niya sa braso ko.
"Friend! Ikaw naman di majoke." sabi ni Athena. "Galing ba to sa Wonka?"
"Oo no! Inorder ko pa kaya."
"Naks. The best ka talaga eh!"
Inirapan ko siya at ngumuso ako. "So bakit nga kayo ang nandito eh alam ko naman na ang tamad ninyo?"
"Grabe ka naman magsalita, friend." sabi ni Hera at nginusuan din ako. "Dati kabilang ka din sa aming mga tamad. Matuto kang lumingon sa pinanggalingan."
Pinaningkit ko ang mga mata ko at umakto ako na magtatantrum sa pamamagitan ng pag padyak ng isa kong paa. Nakagiwing nagtaas naman sila ng mga kamay at mukhang handa na na payapain ang loob ko kung sakaling iyakan ko sila. Big girl na kaya ako!
"Ang totoo niyan nililibang ka lang talaga namin. Naipit kasi sa traffic si Phoenix." sabi ni Hera.
"Kami naman ni Hera nandito na talaga sa Manila dahil naglalakwatsa kami." aniya naman ni Athena. "Oo nga pala, saglit mo lang din makakasama ang pag-ibig mo-"
Naputol ang sasabihin niya nang maramdaman kong may humila sa akin. Bago pa ako makahuma ay naramdaman ko ang mga braso na pumalibot sa katawan ko. Kasabay niyon ay narinig kong impit na tumili sila Athena.
Nag-angat ako ng tingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng magtama ang mga mata namin ni Phoenix. I can feel my emotions trying to take over my entire being. Kahit na lagi kaming nag-uusap, iba pa rin iyong nakikita ko siya.
Nang mangyari ang mga kaganapan noon ay halos hindi naman din kami nagkita dahil iniiwasan ko siya. And before that it was months of not seeing him. Pakiramdam ko kada magkakalayo kami ang tagal-tagal na panahon ko siyang hindi nakita. Pero hindi niyon matatalo ang pakiramdam noon na kasama ko naman siya pero paramg magkalayong-magkalayo kami.
"Hi." I whispered.
Kumilos ang isa niyang kamay at inabot niya ang akin, "Don't leave again."
"I won't."
Tuluyan kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Napakunot ang noo ko nang makita ko na suot niya ang uniporme niya kapag may race siya. "May laban ka ba ngayon?"
"Yes. Nareschedule ang race. That's why I asked..." he said and pointed at Athena and Hera. Kasalukuyang umaarte ang dalawa at ginagaya ang ginawa ni Phoenix kanina sa akin. Hinila ni Athena si Hera at pagkatapos ay mahigpit na niyakap. Nakapikit pa ang dalawa na parang ninanamnam ang isa't-isa. "Those weirdos for help. Baka hindi kita mahatid sa BHO CAMP."
"Okay lang naman. Anong oras ba ang laban mo at saan? Susunod na lang kami."
Nagbaba ng tingin si Phoenix sa relos niya. "Assembly will start...in an hour. Sa Cavite din. Dala ko ang motorbike ko kaya-"
Napakurap ako. Mabilis na kinalkula ko ang traffic sa daan. "Omg! What are you still doing here?! Go!"
He chuckled under his breath. Muli niya akong tinitigan ng matagal na parang kinakabisa niya ang mukha ko. "See you later."
Pakiramdam ko ay ayaw niya pang lumayo. Alam ko iyon dahil iyon din ang nararamdaman ko. Pero pagkaraan ng ilang sandali ay bantulot siyang bumitaw at tumalikod na sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumayo na siya ng lumayo sa kinatatayuan ko. I don't want him to go.
Pero fanatic ako ng race niya. "Omg!"
Ako ang una niyang pinupuntahan bago ang laban niya at ako din ang pinupuntahan niya pag tapos. Iyon ay kung wala ako roon para panoorin siya na minsan lang mangyari.
"Phoenix!"
Humarap siya sa akin at bumuka ang bibig niya para magtanong pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko siya. Hanggang ang mga hakbang na iyon ay naging takbo.
Automatikong bumuka ang mga kamay niya at walang pag-aalinlangan na tinalunan ko siya. Before he can even react I tangled my fingers on his hair and pulled his head towards me.
So I could kiss him.
Halos hindi ko na napansin ang mga sigawan at palakpakan sa paligid ko. Their cheers where immediately overshadowed by the beating of our hearts. Isa iyon sa pinakamagandang musika na narinig ng mga tenga ko. How the rhythm of them synchronized as if it was just from one body.
Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtakbo ng oras sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko...kami lang ang tao sa mundo. At that moment it's as if the wounds in my heart were completely healed. Ang takot at pangamba ay natakpan ng kasiyahan.
I broke off the kiss even though that's the last thing I wanted to do. Inilagay ko ang mga kamay ko sa magkabila niyang pisngi. "Good luck. Win for me."
"Always."
NAPATAYO ako mula sa kinauupuan ko. Wala na akong pakielam kung magreklamo man ang mga tao sa likod ko dahil sa natatakpan ko sila. Buong atensyon ko lang ay nasa track kung saan malapit ng matapos ang laban na naabutan pa namin dahil sa mga naging delay no'n.
"Go kuya Phoenix!" sigaw ni Hera.
"Itatakwil ka namin kapag natalo ka ng mga pangit na 'yan!" sigaw din ni Athena.
Hindi naman ako nagpatalo. Sa kabila ng pakiramdam ko ay malapit ng mapatid ang litid ko dahil kanina pa ako nagsisisigaw ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko, "Go Nix Nix! 'Wag mong hayaang dungisan ng mga alien na 'yan ang record mo! Go go go!"
Hindi lang kami ang hindi magkamayaw sa pag cheer kundi maging ang ibang mga nanonood roon. Ang iba sa kanila ay may dala pang mga banner. Ilan sa mga iyon ay may pangalan ni Phoenix.
Hindi na nakakapagtaka na maraming nakakakilala sa kaniya. Marami na kasing race na sinalihan si Phoenix. Kaya nga nakapagpatayo na rin siya ng mismo niyang race track kung saan may mga tinuturuan din sila.
"Go Martins! Kapag nanalo ka sa'yong sa'yo na'to!"
Napatigil ako sa pag cheer at tinignan ko ang sumigaw niyon. Namataan ko ang isang babae sa may baba ng mga bleacher na kasalukuyang iwinawagayway ang bra niya sa ere. Nanglaki ang mga mata ko ng itaas din ng kaibigan niya ang sa kaniya.
"You can have this too!" sigaw naman ng isa.
Naririnig ko ang imaginary na tunog na nilikha ng pag-igting ng mga bagang ko. Naningkit ang mga mata ko at ikinuyom ko ang mga kamay ko. Hindi ngayon lang may nagkaron ng interes kay Phoenix na mga babae pero ngayon lang ako nakatagpo na tinanggal pa talaga ang suot nila na bra.
"Uh oh." narinig kong bulong ni Hera. "Snow, relax ka lang. Hindi naman papatulan ni Kuya Phoenix 'yan."
"Oo nga. Tignan mo nga ang bra niya. Cheap!" sabi naman ni Athena. "Pero infernes ha...ang cup size."
Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay may apoy na tumatakbo sa ugat ko at ngayon ay umaakyat na sa ulo ko. Hindi na ako magtataka kung uusok ako ngayon. Oo na! Sila na ang gifted!
"Err...you're not helping Athena." Hera said to her friend.
"Ha? Bakit-" hindi naituloy ng babae ang sasabihin ng mapatingin siya sa akin at sa hinaharap ko. "Oh. Amm...look!"
Napatingin ako kaagad sa tinuro ni Athena. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Phoenix na naunang narating ang finish line. Napatalon ako sa kinatatayuan ko at napasigaw sa tuwa.
Bumaba ako mula sa tinutuntungan ko at tumakbo ako pababa sa race track. Napangiti ako ng makita ko na bumaba na ng sasakyan si Phoenix at ngayon ay nakatingin na sa gawi ko. Pero bago pa ako tuluyang makarating roon ay naunahan na ako ng dalawang bruhildang babae. Nag-iiritan na inihagis nila ang mga bra nila kay Phoenix na sa pagkagulat ay nasalo ang mga iyon.
Mabibigat ang mga hakbang at madilim ang mukha na tuluyan akong bumaba sa race track. Pero bago ako tuluyang lumapit sa kaniya ay walang babala na inagaw ko ang lighter ng lalaking sisindihan sana ang sigarilyo sa bibig niya.
"You."
Nakangiting lumapit sa akin ang assistant ni Phoenix na si Felix habang sa mga kamay niya ay may maliit na bote ng gasolina. Sanay na siya sa akin dahil noong huling beses kaming nagkita ay sinindihan ko ang banner ng isang babae na may sketch kung saan hubad siya. The only difference is, I was just acting like a protective best friend before. Iba na ngayon.
Marahas na inagaw ko sa nangingiting si Phoenix ang mga bra at itinapon ko iyon sa lupa. Binuhusan ko iyon ng konting gasolina at walang pag-aalinlangan na sinindihan ko iyon. Inahagis ko ang lighter pabalik sa may ari na sumaludo sa akin.
"How dare her!"
"What the hell?!"
"Inggit ka lang kasi hindi magkakasya sayo 'yan!"
"Flat!"
Napasinghap ako sa narinig. Binigyan ko ng matalim na tingin ang dalawang babae na nanunuyang nakatingin sa akin. Bumaba ang mga kamay ko sa dulo ng t-shirt ko at aktong itataas ko iyon. Sinusubukan niyo talaga ako ha! Pero bago ko pa magawa ang binabalak ko ay naramdaman kong hinawakan ni Phoenix ang mga kamay ko. "No."
"Bitiwan mo ako Nix Nix! Nakakababae na ang mga bruha na iyan eh!"
Sinaklit niya ang bewang ko para pigilan ako ng akmang lalapitan ko na ang mga babae. Nagpapasag ako pero wala rin akong nagawa. Sa pagkagulat ko ay binuhat niya ako at iniupo sa ibabaw ng hood ng sasakyan niya.
"Nix Nix-"
This time I was the one left speechless when he suddenly claimed my lips. It was brief but fiery. It was intense.
"Off the scales." he whispered.
"W-What?" I asked. Still light headed from the kiss.
"Compared to them. You're off the scales."
"PAGKATAPOS iyon nga hindi sila ang nagkatuluyan. Dahil nakatakda ng ipakasal si Juancho sa ibang babae. Pero hindi binitawan ni Tita Ruby ang sing sing na ibinigay sa kaniya ni Juancho. Pwera na lang noong mga panahon na gusto na nyang makalimot at itinapon niya iyon."
Nakatingin ako sa langit habang nagkukuwento kay Phoenix. Papalubog na ang araw at kasalukuyan kaming nakahiga sa sahig ng tree house. Nakabukas ang bintana niyon sa bubong at ang salamin lang ang nakasarado kaya kitang-kita namin ang langit. Nakaunan ako sa dibdib ng lalaki habang siya naman ay nakapalibot ang mga braso sa akin.
Pagkatapos ng race ay hindi na siya sumama sa after party. Sa kaniya na ako sumabay pauwi sa BHO CAMP habang sila Athena naman ay nagprisinta na iuwi ang mga gamit ko. Nang makarating naman si BHO CAMP ay sinabihan ko na lang si Athena na buksan ang bag ko at ipamigay ang mga pasalubong dahil tinakasan na namin sila ni Phoenix.
At ngayon nga ay nandito kami. "Ang nakakagulat pa eh dito pala siya pumunta noon. Dito rin nawala ang sing sing niya." sabi ko pa.
"Hindi na nakita?"
"Nahanap niya pero nasira na ang sing sing."
Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang kwento ni Tita Ruby. Sinabi ko nga sa kaniya na dito ako nakatira at nangako siya na dadalaw siya pag nagkaroon siya ng oras.
Bilib talaga ako kay Tita Ruby. Hindi naman kasi madali ang pinagdaanan niya. Pero sa kabila niyon ang ganda pa rin ng tingin niya sa buhay. Sabi nga niya, hindi naman daw siya naging malungkot sa buhay niya sa kabila ng katotohanan na alam niya na may kulang sa kaniya.
She was never complete but she's okay with that. Dahil naging masaya naman daw siya kasama ng asawa at mga anak nila.
"Wait..." sabi ko kay Phoenix at umupo ako. Kinuha ko ang shoulder bag ko at may hinanap ako sa bulsa niyon. Nang makapa ko iyon ay ipinakita ko kay Phoenix ang bato. "Look. Ito iyong bato sa sing sing ni Tita Ruby. Binigay niya sa akin." Inabot ko kay Phoenix ang bato. Umupo din siya at tinignan niya iyon. Sa pagtataka ko ay kumunot ang noo niya. "What's wrong?" I asked.
"Come here." he said instead, tapping the space beside him.
Umusog ako palapit sa kaniya. Imbis na magpaliwanag ay tinanggal niya ang mat na hinihigaan namin kanina pagkatapos ay inangat niya ang maliit na parisuikat na taguan roon.
Pinagmasdan ko si Phoenix nang may ilabas siya mula roon. Napanganga ako ng makita ko ang kahon na ngayon ay hawak niya. "Omg! Nakalimutan ko na ang secret box natin!"
Nangingiting ipinatong ni Phoenix ang kahon sa harapan namin. Inabot niya sa akin ang bato at kinuha ko naman iyon. "Anong hinahanap mo?" tanong ko kay Phoenix nang binuksan niya iyon.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paghalungkat. Napangiti na lang ako na makita ko ang mga inilabas niya.
Merong picture namin ng mga bata pa lang kami, iyong maliit na laruang sasakyan ni Phoenix, drawing ko ng mangga na binigyan ng 100 score ng teacher ko noong elementary ako, may maliit na manika, hair tie na unang ginamit ni Phoenix na pangbraid sa buhok ko, 'yong broach niya noong prom ko, corsage ko at maraming-marami pa.
Nanlalabo ang mga mata sa luha na inabot ko ang isang papel na may nakadrawing na stick figure ng babae at lalaki na sa baba ay may nakasulat na pangalan namin. It was one of Phoenix' school activities. Pinadrawing sila ng teacher nila kung anong pangarap nila after 15 years.
He drew the two of us.
I never understood it before. Akala ko lang gusto niyang manatili na maging best friend ko sa mahabang panahon. Now I know what he really meant. That his dream is just to be with me.
"You remember this?"
Nag-angat ako ng tingin. He's now holding a ring band. "Nakita natin ito rito sa baba ng puno na ito bago gawin ang tree house. Itinago natin kasi sabi mo para mabigay natin sa may-ari." mahinang sabi niya.
Nanginginig ang kamay na kinuha ko mula sa kaniya iyon. Napasinghap ako ng makita ko ang naka engraved na initials sa loob ng band. J&R.
"Sa kabila ng milyon-milyon na rosas na maaari na maging iyo, nag-iisa lang ang rosas na mabubuhay sa mga kamay mo. Gaya sa pag-ibig. Kahit umibig ka pa ng ilang milyong beses...nanatiling iisa lang ang pag-ibig na hindi babaguhin kahit ng panahon.'
I want to spend my life with him. I want to be on his every race, to lay down with him at this tree house while looking at the sky...I want to be the person on his drawing.
Walang habang-buhay sa mundo. Dadating ang panahon na magiging alaala na lang kami. Maaaring ako ang maunang umalis o siya. But as I look him I know it will be okay. Dahil dadating man ang panahon na iyon ay alam ko na mapapayapa din pagkaraan ang loob ko. Because one day we will see each other again.
Inabot ko ang papel na may drawing niya at inabot ko iyon sa kaniya. Nagtataka man ay kinuha niya iyon sa akin. Nang makita niya ang nandoon ay kaagad siyang napatingin sa akin.
"I want to have that. Hindi lang 15 years...gusto ko maraming-marami. I want us to be the best of friends as long as we live, I want you to carry me until you can't anymore...I want to spend my life with you not as just your friend but your other half."
Nagliparan ang mga gamit na saksi sa panahon ng matagal namin na pagkakaibigan ng higitin niya ako palapit sa kaniya. Sumubsob siya sa leeg ko habang ang mga braso niya ay nakayakap sa akin.
"Ako dapat ang nagsabi ng mga iyan." bulong niya sa tapat ng tenga ko.
"Then ask me." I whispered back.
Nag-angat siya ng ulo hanggang sa halos ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. As I look into his eyes I can see the reflection of mine. The same emotions...the same feelings.
"Will you spend your life with me, Snow Night?"
"Yes."
I can feel my heart bursting with joy as I uttered that one single word. Salita na hindi ko masabi noon. Salita na pinigilan ko ang sarili ko na bigkasin. And now I can say it freely. I can love freely.
Sa kabila ng luha na dumadaloy sa magkabila kong pisngi ay napangiti ako nang isuot niya sa akin ang sing sing.
"I'm sorry that I wasn't ready. I'll-"
Tinigil ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagdampi ko ng mga labi ko sa kaniya. "No. This is perfect."
Tinignan niya ang mga kamay ko at pagkaraan ay iniangat niya iyon at hinalikan. Muli siyang tumingin sa akin at bumulong, "Can you say it again?"
Napangiti ako. Hindi ko na kailangang tanungin pa siya kung ano ang ibig niyang sabihin. Because it's the word I tried so hard to fight before and now I am free to let it out.
"Yes."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top