CHAPTER 17 ~ Try ~

CHAPTER 17

SNOW'S POV

ONE MONTH LATER

Napatili ako ng pagkalakas-lakas na tipong yayanigin na ang tinitirhan ko nang bigla na lang umapoy ang hawak ko na frying pan. Mabilis na inihagis ko iyon sa sink at pagkatapos ay binuksan ko ang gripo.

Nakasimangot na umupo ako sa high stool at tinignan ko ang sunog na fried chicken sa lababo ko. "Seriously. Five minutes lang akong nawala para maglaro ng Clash of Clans nasunog na agad?"

Bumuntong-hininga ako at binuksan ko ang cup board sa itaas ng kitchen counter. Kumuha ako roon ng instant mac and cheese bago ko iyon nilagyan ng tubig at inilagay sa microwave.

Kahinaan ko pa rin ang pagpirito. Pero nitong nakaraan na buwan natuto na akong magluto ng mga madadaling pinoy foods. Hindi man katulad sa sarap ng luto sa BHO CAMP pero at least may nakakain na akong iba. Nakakasawa na rin kasing kumain sa labas.

Kinuha ko ang cellphone at akmang maglalaro ako ulit ng makita ko ang oras sa screen ng aparato. Omg almost an hour pala akong naglaro!

Napanguso ako at tinapunan ko ng tingin ang pobreng manok. "Sorry, chicken. Hindi naging worth it ang pagkamatay mo. Hindi na mauulit."

Kung bakit naman kasi ni-refer sa akin ni BDW ang Clash of Clans. Naging past time ko na tuloy. Hanggang comfort room ata naglalaro ako. Wala naman kasi ako na ibang gagawin dito sa condo. Naiinis naman ako sa mga bagong movie na binili ko dahil puro love story. Kung ano-ano lang ang naaalala ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit ako sa microwave na tumunog na. Kinuha ko doon ang mag and cheese at sinimulang kainin. "Gusto ko iyong mac and cheese ni Kuya Hermes o ni Ocean." nagbaba ako ng tingin sa kinakain. "Hindi naman sa ayoko sa'yo. Pero...ayoko talaga."

Ganto ang buhay ko dito sa Seattle. Kung hindi ako nasa Steam kung saan MWF ng pasok ko ay nandito lang ako sa bahay at nakikipag-usap sa mga non-living objects. O kaya naman minsan kausap ko si Athena na wala namang ibang binanggit kundi ang kagandahan niya.

Kapag wala sa mga iyon ang ginagawa ko ay malamang naglalaba, naglilinis o sumusubok na naman akong magluto.

Yes, marunong na akong maglaba. Noong una ang dami kong naitapon na damit dahil naghawa-hawa ang kulay. Malay ko ba naman na hindi pala basta-basta lalaban lang ang mga damit. Sa paglilinis naman madali lang kasi bumili ako ng vacuum.

Hindi naman pala mahirap mag-isa. Masyado lang siguro akong nasanay na nakahanda na ang lahat. Kahit na noong mga bata pa kami ay tinuturuan naman ako at ang mga kapatid ko nila Momma ay hindi naman kami sumusunod. Hindi naman kasi nawawalan ng helpers sa bahay. Sa BHO CAMP naman ay may weekly cleaning sa mga agent na gustong magpacleaning.

Ibinaba ko ang container ng mac and cheese ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. "Hello?"

"Athena dyosa ito!"

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Alam ko. Uso po ang caller ID."

"Ang sungit naman. Menopause lang? Anyway! May maganda akong balita bukod sa maganda pa rin ako, sexy, habulin-"

"Oo na. O tapos? Ano ang magandang balita mo?"

"Huh? Kasasabi ko lang. Maganda ako, sexy, habulin-"

Inalis ko sa tapat ng tenga ko ang telepono at inintay ko muna na matapos si Athena sa listahan niya ng mga katangian niya. Nang sa tingin ko ay tapos na siya ay itinapat ko ulit iyon sa tenga ko. "O tapos?"

"Sandali, ngumunguya pa ko." sabi niya at kasunod niyon ay ang tunog na parang may matigas siya na bagay na dinudurog.

"Kumakain ka na naman ng Chupa chupps?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang favorite niyang lollipop.

"Ibang lollipop na ang kinakain ko ngayon." humahagikhik na sagot niya.

Ano daw? Ano namang nakakatawa na iba na ang kinakain niyang lollipop? Hindi ko gets. Sinaniban na naman ata ng katinuan si Athena. Normal na kasi sa kaniya ang kabaliwan kaya dapat kabagligtaran ang sabihin. "Ewan ko sa'yo? Akala ko ba favorite mo 'yon?"

"Mas gusto ko 'tong bago. Mas malaki at mas yummy!"

Napabuntong-hininga ulit ako. Lalong lumayo ang usapan. Kaso kahit ano naman gawin ko hindi mababago niyan ang direksyon ng pag-uusap na ito. Kapag gusto niya ang topic ang hirap patigilin. "Anong flavor?"

Humagikhik na naman si Athena. "Basta hot at spicy. Sa sobrang hot nag-aapoy na ata."

"O tapos?" Saglit na nag intay ako pero walang sumasagot. Tinignan ko ang phone pero nakakonek pa rin naman. "Hello?"

"Ay sorry! Nakita ko kasi si Hera."

"At?"

"Busy. Kausap si Thunder."

Napataas ang kilay ko. "May problema ba kayo ni Hera? Kasi ako na lang lagi ang kinukulit mo eh."

"Wala naman. Para kasing dumidistansiya siya."

"Ikaw din naman. Dalawang buwan ka pa ngang nawala eh. Alam mo, Athena, kahit ano pang sabihin mo lahat ng tao may sekreto. Kahit magkapalit na kayo ng mukha sa sobrang close niyo hindi ibig sabihin niyon eh pati kaluluwa niyo at utak magkalapit na rin. Lahat ng bagay may boundary. Some of it we shouldn't even dare to approach."

"Oo nga. Ito naman, masyado kang serious. Si Snow ba ang kausap ko o si Freezale? Ang creepy eh."

"Ewan. So mabalik na lang tayo sa usapan. Ano iyong ibabalita mo?"

Hinintay ko siyang sumagot pero mukhang may nakaagaw na naman ng atensyon niya. Habang hinihintay ko siya ay napaisip ako. Paano niya nakita si Hera? Nakauwi na ba siya ng BHO CAMP? Maya-maya lang ay nagsalita siya pero hindi patungkol sa akin kundi sa kung sino man ang nakita niya. "Oy Phoenix! Ano yang dala mo?"

Parang may sumuntok sa sikmura ko sa narinig. Gusto kong ibaba ang telepono pero para bang dumikit na roon ang aparato at hindi ko magawang bitawan.

"Wala. May ipapadala lang ako sa courier."

Napahigpit ang pagkakawak ko sa cellphone ko nang marinig ko ang boses niya. Kahit saglit lang akong nawala parang ang tagal-tagal na mula ng huli kong marinig ang boses niya.

"Uso pa ba ang sulat ngayon?" tanong ni Athena. "Ay wow. Nilagpasan ang beauty ko? Batuhin ko kaya ng maleta 'to?"

"Wag!"

Napatakip ako sa bibig ko. Paniguradong uulanin na naman ako ng tukso mula kay Athena o gagamitin niya 'yan sa mga susunod naming pag-uusap.

"Uy, masyadong protective? Anyways. Nandito na pala ako sa BHO CAMP. Iyon nga sana ang ibabalita ko. So, asahan mo na na tatawag ang parents mo." saglit na huminto siya. "Actually, baka tumatawag na sila ngayon. Bye na! Toodles! Ang dyosa ko woot!"

Nakangangang ibinaba ko ang phone habang nakatingin lang ako roon. Kahit kailan talaga ang babaeng iyon. Matino naman si Tito Craige, ang ama ni Athena. Pero pakiramdam ko lahat ng matinong genes ni Tito ay umiwas dahil mas malakas ang force ng genes ni Tita Althea. Kaya nga walang pinagkaiba ang mga ugali nila.

Napapitlag ako ng pumainlang ang ring tone ko. That didn't take long. Kinakabahang sinagot ko iyon at itinapat ko sa tenga ko. "H-Hello?"

"Did you lied to us?"

Napakagat labi ako sa mahinang boses ni Momma Wynter. Hindi ko siya masisisi. Pagtapak pa lang ni Athena sa BHO CAMP ay malamang sa hindi ay alam na nilang hindi ako kasama pag-uwi. Sa sandaling iyon paniguradong pinatrack na nila ako.

Hindi naman mahirap. Hindi ko naman sinekreto ang paglayo ko.

"I did, Momma. I'm sorry." I whispered.

"Maiintindihan ka naman namin, Snow, kung nagsabi ka kaagad. Hindi mo naman kailangan pang magtago sa likod ni Athena."

"I just...I just don't want to make a scene, Momma. Ayokong magpaalam na parang hindi na ako babalik."

Sandaling katahimikan ang namayani. Pagkaraan ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Babalik ka pa ba?"

"I don't know." I whispered.

"Snow...please. Just be honest. Nandito ang Papa mo na nakikinig, nandito din ang mga kapatid mo. Be honest with us."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tinungo ko ang living room ko. Umupo ako sa couch at tumingala habang nanatiling hawak ko ang aparato. Paano ka ba sisimulan ng hindi sinasabi lahat? Kailangan ko pa bang itago?

Napapagod na ako.

"Kapag nandiyan ako, pakiramdam ko nauubos ang lakas na natitira sa akin. Kasi Momma, nagkamali ako. I love him but I'm hurting him and myself...more and more each second that I'm there. Pagod na ako na tumakbo sa nararamdaman ko sa kaniya. Pero nang harapin ko iyon wala din naman akong choice kundi umalis. Para sa aming dalawa. Momma, I can't tell you everything. Alam ko na pamilya ko kayo at hindi niyo ako pababayaan pero kailangan ko 'tong harapin na mag-isa." Nang wala sa kanila ang nagsalita ay nagpatuloy ako. "Understanding that I can never have him...it didn't broke me but I did lose myself. Dahil idinepende ko sa kaniya lahat. Pero unti-unti, nahahanap ko na ang sarili ko. Napapatunayan ko na kaya ko. And I needed that. I need to know that I can live without him. It won't make it less painful but it makes it bearable."

"Snow?" narinig ko mula sa ibang boses sa kabilang linya ng aparato.

"Papa?"

"As your father, what I want to is to take you home and wrap you in a security blanket. Gusto kong siguraduhin na hindi ka masasaktan. Kasi kahit nasa tamang edad na kayong magkakapatid ay hindi mababago niyon ang katotohanan na anak namin kayo ng Momma niyo. My first priority will always be keeping you and your siblings safe ."

Pinahid ko ang kumawalang luha mula sa mga mata ko. "Pa..."

"But no matter how hard it is, it also our duty as your parents to let you go. Accepting that we can't do anything but watch as you fly on your own."

"Pa-"

"May ipapadala kaming supplies ng Momma at ng mga kapatid mo diyan sa tinutuluyan mo. Hindi ka namin pupuntahan hanggat hindi mo pa gusto pero gamitin mo ang supplies. Mahirap magutom. Iba ang mga pagkain diyan mamaya hindi naman pala maayos."

Narinig kong may humikbi sa kabilang linya. Boses ng nanay ko. "Mom-"

Tinignan ko ang cellphone at malungkot na ngumiti ako ng makita kong patay na ang tawag. Siguro pinatay na ni Papa. Ayaw lang siguro nilang iparamdam sa akin na gusto na nilang bumalik na ako.

"I love you, guys."



NAPAILING na lang ako ng mapatingin ako kay BDW na kasalukuyang nakikipaglambingan sa boy friend niya na si Deck. Hindi katulad kapag puno ang tao ay mukhang hindi na masungit ang lalaki. Mukha ngang game na game pa sa kaharutan ni BDW.

"Dick, my love, later okay? You know...some loving in the air?"

"It's Deck. And what? I don't think that's possible, babe."

Napakagat labi ako. Kung uso lang dito ang kwentong aswang baka iyon pa ang unang maisip ng banyagang si Deck. Na lilipad sila at doon magmamahalan.

"Dick, I know. You keep on repeat twice, thrice, fourice me calling your name. I know okay? I'm not stupid or deep."

"Okay, babe."

"Anyway. You and me, later. Stranger making the most of the dark. Two by two our bodies become one. Gets?"

"Oh!" Napatingin sa gawi ko si Deck at namula ang mukha niya. "I get it now. Sure. Later."

Inalis ko na ang paningin ko sa kanila. Parang naiintindihan ko ang pinag-uusapan nila. Iyong pinakamatino kasi na English ni BDW ay galing sa kantang Crazy For You. Ang lakas talaga ng loob ng babae. Pero kung sabagay wala na namang customers. Madaling-araw na kasi at kanina pa ang mga iyon nagsi-alisan. Natira na lang kaming mga staff para mag-ayos.

"I want to scratch my eyes out whenever they do that."

Nilingon ko ang nagsalita. Si Taylor. Isa sa mga babaeng waitress. Bahagya akong nagtaka sa ginawa niya. Minsan lang kasi siya magsalita. Kaya mababa lang din ang tip na bigay sa kaniya. Hindi kasi siya approachable. Parang ang dami laging iniisip.

"Ah. Yeah." I said.

"Can you finish table 3? I really need to go."

Tinanguhan ko siya. Hindi man nagpasalamat na tumalikod na siya papunta sa staff room kung saan may daan papunta sa back door ng Steam. Ikinibit balikat ko na lang ang ginawi niya.

"Snow!"

Si BDW. Parang donya na nakaupo pa rin siya sa couch habang si Deck naman ay nakatayo na. "He will swipe the table 3 and wash the dirty- Hay. Pagod na akong mag English. Ayun, siya na bahala sa table 3 at siya na din ang maghuhugas ng mga natirang hugasin. Kahit mauna ka na umuwi. Pakisama na lang iyong trash bag palabas ha?"

"Sige. Kayo na ba ang magsasara?"

"Na-lock ko na 'yang sa harap. Ako na magsasara at magpapatay ng mga ilaw. Masikip kasi sa tinutuluyan kong boarding house. Si Deck naman naka-boarding din. Wala kaming ibang lugar na...you know."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

Humagikhik siya. "Walang ibang lugar na pwede kaming maglaro ng apoy. Ano ka ba girl!"

Tumango-tango ako kahit medyo naguguluhan. "Basta mag-ingat kayo. Baka magkasunog pa dito."

Lalong napahagikhik ang babae na para bang kinikiliti. "Ikaw talaga. Hindi pa naman ako ganoong ka-hot."

Ilang sandali lang ay dala-dala ko na ang trash bag at palabas na ako sa back door ng Steam habang iniisip ko pa rin ang sinabi ni BDW. Ayoko naman silang paghinalaan ng masama kasi masama iyon. Ang alam ko kasi negosyo ng pamilya ni Deck ang mga fireworks. Baka naman iyon ang tinutukoy.

Ayoko namang isipin ang iba pa na maaari nilang gawin sa loob. Sabihin pa ang malisyosa ko. Saka ang paglalaro ng apoy hindi naman ibig sabihin niyon eh make love di ba? Eh ang tagalog niyon ay pagtatalik. Iyon kasi ang nakita ko sa Google.

Ang lalim nga ng tagalog eh. Mas madali pa intindihin ang English. Kung playing with fire naman, that pertains to actions that can cause unpleasant results. Ang layo naman kung iyon ang sinabi ng babae. Ay ewan! Bakit ko ba iniisip ang mga kalokohan ni BDW?

Nang makalabas ay inilagay ko lang sa isang tabi ang itim na trash bag kasama pa ng iba pang basura. Doon kasi nilalagay iyon at sa umaga may kukuha na niyon. Tatalikod na sana ako papunta sa kabilang panig ng eskinita kung saan nandoon ang daan papunta sa tinutuluyan ko ng mapatingin ako sa harapan ko. May dalawang lalaki na tumatakbo at may dala-dalang bag.

Napakunot noo ako. Parang bag ni Taylor.

Humakbang ako palapit sa direksyon na tinakbuhan ng mga lalaki ng may maapakan ako. Nagbaba ako ng tingin para tignan kung ano iyon. Napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng mga mata sa nakita ko.

"Taylor?!"

Lumuhod ako sa sahig at kaagad na tinapat ko ang tenga ko sa dibdib ng babae na nakahandusay sa sahig. No heartbeat.

Inilagay ko sa tapat ng dibdib niya ang nanginginig kong mga kamay pero kaagad ko ding binawi iyon ng maramdaman ko ang pagkabasa ng kamay ko. I looked at my hands and bit my lower lip when I saw the blood stain.

"Help!" I shouted. "Deck! Help please!"

Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan ng back door. Walang salita na pumasok ulit sa loob sa BDW para siguro tumawag sa 911 habang si Deck naman ay lumuhod sa tabi ko at nagsimulang i-CPR si Taylor.

I can remember dimly a lesson about this before. CPR during chest wound will only have a small effect during CPR against the current status which is worse than the wound and that is the lack of pulse or heart beat.

Pakiramdam ko ay nawala lahat ng alam ko sa mga ganitong bagay. Kung meron man ay hindi ko iyon maalala. I never feel this kind of panic before. Dahil dati laging may back up. Laging may gagawa ng paraan para sa akin.

I'm a failure as an agent. Not because I can't be one but because I didn't tried hard to be a worthy one. I never felt the passion of saving...protecting...

Hinawakan ko ang kamay ng babae at hinanap ko ang pulso niya pero wala akong maramdaman. I'm sorry. I'm so sorry.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top