CHAPTER 16 ~ Positive ~

CHAPTER 16

SNOW'S POV

FIRST DAY - Seattle Washington

Maghapon na ata akong umiiyak. Imbis na gumala ako at i-enjoy ang ganda ng Seattle ay nagkulong lang ako sa tinutuluyan ko na condominium. Nagpapadeliver lang ako ng pagkain dahil kahit may kusina sa tinutuluyan ko ano naman ang gagawin ko? Magluto? Right. Para mapatalsik ako sa lugar na 'to kapag pinaapoy ko ang condo.

I want to go back home. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. Namimiss ko na ang mga magulang ko. Namimiss ko ng kumain ng mangga.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Ang gulo-gulo!


TWO DAYS LATER

I think I'm dying.


THREE DAYS LATER

I'm still dying. I want to go back home.


FOUR DAYS LATER

I'm still dying. But I don't want to go back. Tama lang na umalis ako. Ayokong malaman ng mga agent ang nangyayari. At ayokong maging selfish. Ayoko na hingin sa kaniya ang hindi dapat. Tama lang na nandito ako.

Tama lang ang naging desisyon ko.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at tinungo ko ang kusina. Napabuntong hininga ako ng makita ko ang chinese take out nasa ibabaw ng island. Sawang-sawa na ako sa kakaorder.

Namimiss ko na ang luto sa BHO CAMP. To think na apat na araw pa lang akong nawawala. Ano pa kaya kapag buwan na ang lumipas?

Idagdag pa na inip na inip na ako dito. Ayoko namang lumabas dahil wala naman akong kakilala dito. Mga foreigner pa ang mga tao obviously. Kung bakit kasi dito ko pa naisipang pumunta. Pwede namang sa Visayas o sa Mindanao. O kaya sa Cavite din. Yung tipong pwede akong lumangoy papuntang T agaytay.

Hindi naman ako nagtatago. Lumalayo lang.

Napatiim bagang ako ng tumunog ang telepono ng condo. Iisa lang naman ang maaaring tumawag sa akin dahil hindi pa naman ako nakakabili ng new prepaid card. Iisa lang naman ang taong nakakaalam na kung nasaan ako talaga.

"What?" I hissed at the phone.

"Wow, akala ko ba bff na tayo? Parang hindi mo naman ako namiss. Mamaya na nga lang ako tatawag. May balita pa naman ako-"

"Hold up!" Napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ko ang paghagikhik ni Athena sa kabilang linya. "Anong kailangan mo?"

"Pilitin mo muna ako."

Hindi ko alam kung paano nakatagal si Hera kay Athena. Parang sasabog ang ulo ko kapag kausap ko siya. Pero kung sabagay pareho naman silang mahirap intindihin ng kaibigan niya.

"Athena." I said with a warning tone.

"Please?"

Bumuntong hininga ako ulit. "Please?"

"Well...dahil pinipilit mo ako, gusto ko lang ibalita na nasa mga kamay kong magaganda, makinis, masarap hawakan, masarap halikan, masarap ipahawak sa-"

"Athena!" napapangiwing sigaw ko para pigilan kung ano mang nakakadiring bagay ang sasabihin niya.

"Mga taong nawawalan na ng ganang mabuhay ang resulta ng iyong blood test." natatawang pagpapatuloy niya. "Ikaw, Snow ha. Nagiging green minded ka na. Ituloy mo lang 'yan!"

Hinilot ko ang sentido ko. Ganito siguro ang pakiradam ng mga magulang namin nila Kuya Thunder sa kakulitan naming magkakapatid. "The result?"

"Masyadong hot 'to. Eto na nga. I got the test result. Iyong klase ng test result na mas nakakakaba pa sa resulta ng exam sa Mathematics."

"Athena."

She chuckled. "Chill. O eto na. Ready ka na ba?"

Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko mula sa kinalalagyan nito. Parang gusto ko na lang ibaba ang telepono at hindi marinig ang sasabihin niya. Handa na ba talaga ako? Kaya ko bang panindigan kung ano man ang sasabihin niya?

"Positive."

Napatakip ako sa bibig ko. Nanghihina na napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ko pa rin ang telepono.

"I'm positive to say that the result is negative."

"Athena!" galit na sigaw ko.

"What? Chill." natatawang sabi niya. I really want to hunt her and strangle her. "Ayon sa blood test mataas ang stress levels mo. So yeah, stressed out ka lang. Para sa isang taong walang iniintindi dati ay hindi nakakapagtaka na masama ang epekto ng stress sa iyo. Hindi ka natutulog, bihira kang kumain na maaaring maging dahilan para magkaroon ka ng ulcer kung magpapasaway ka pa rin, at wala kang ginawa kundi umiyak. Kapag stressed out at depress isang tao pwedeng mawalan ng ganang kumain o pwede ding kumain ng kumain. At yang hindi mo pagtulog ang nagiging isa sa mga dahilan kung bakit ka moody. Ang cravings naman, haller? Lahat ng tao may cravings. Ako nga nag ke-crave ngayon na makita ko ang sarili ko sa salamin. So yeah."

"Hindi ka nakakatawa!"

"Good. Dahil dyosa ako at hindi comedian. Pang artista ang lebel ng kagandahan ko. Kuha mo?"

"Ewan ko sa'yo!"

Humalakhak siya mula sa kabilang linya. "Pwede ka ng kumalma ngayon. Hindi ka buntis at marami ka pang panahon para hanapin ang taong para sa'yo. Iyong tamang lalaki sa tamang oras."

Natahimik ako sa sinabi niya. Ano pa nga bang sasabihin ko? Tama naman siya. Tamang lalaki sa tamang oras.

"You want the truth, Snow?"

"What?" I whispered.

"You and him will never work out. Not before and not now. Because no matter how the stars look beautiful in the sky, it still won't work out if the sun is up and shining like a bitch. Kasi hindi niyo pa oras. "

I feel the knife on my chest twists at what she said. Alam niya. Sabagay hindi naman mahirap ipagtahi-tahi ang mga nangyayari. "Athena-"

"Pareho kayong nagpapatintero. May nararamdaman siya sa iyo pero umiiwas ka at ngayon naman ikaw naman ang umaabot sa kaniya pero tadhana na ang umiilag."

"Stop."

"Pero hindi man kayo tama sa isa't-isa noon at ngayon ibig bang sabihin niyon ay hindi pa rin kayo pwede sa hinaharap?"

Tahimik na pinindot ko ang end call button. Ipinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa pader sa likuran ko.

Minsan gusto kong humiling na sana ibalik na lang sa dati ang lahat. Iyong mga panahon na magkasama kami at masaya. Gusto ko na ibalik ang mga oras na hindi namin nasasaktan ang isa't isa.

Pero kahit pa mangyari iyon ay wala namang mababago. Dadating at dadating ang panahon na magkakahiwalay pa rin kami. I will never realize a lot of things if I didn't lose him.

Nakakatawa di ba? Hindi pa ako matututo kung hindi ako nasaktan at nakasakit.

Napatigil lang ako sa ginagawa kong pangtotorture sa emosyon ko nang marinig ko ang door bell ng condo. Tumayo ako at nakasimangot na tinungo ko ang pinto. May pinindot ako sa maliit na screen malapit sa pinto at tinignan ko iyon. May lalaking mukhang delivery boy sa labas.

Binuksan ko ang pinto. "Yes?"

"Good afternoon ma'am. Delivery for Snow Night?" Tumango ako at pagkatapos niyon ay may inabot siya sa akin. "Please sign this ma'am."

Nagtatakang pumirma ako. May kinuha siya sa dala niyang mail bag at may inabot sa akin na parcel. Binigyan ko ng tip ang lalaki bago ako pumasok at binuksan ang parcel.

Nanglalaki ang mga matang tinignan ko ang laman no'n.



ONE WEEK LATER

Hinigpitan ko ang coat na suot ko. Malamig ang paligid. Malamig sa Tagaytay pero iba ang lamig na nandito. Pakiramdam ko nasa loob ako ng malaking freezer sa kusina ng Craige's sa BHO CAMP.

Huminga ako at napangiwi ako ng makita kong may lumabas na usok mula sa bibig ko. Great.

Naisipan ko kasing maglakad-lakad. Hindi naman gaanong malamig kanina pero nagdala na rin ako ng coat.

Nagkamali pala ako. Dapat limang coat ang dinala ko dahil pakiramdam ko bigla na lang akong matutumba at magiging isang giant popsicle.

Itinuon ko ang atensyon ko sa nilalakaran ko. Masyado akong nag enjoy sa paglalakad kanina na hindi ko napansin na sobrang layo na pala ang narating ko. Ngayon dusa ako sa pagbalik.

Inilibot ko ang paningin ko. Kanina pa bumaba ang araw pero parang walang pakielam ang mga tao sa paligid. Hindi katulad ko na parang magiging isang giant frozen sushi na, sila nag e-enjoy pa. Hindi rin sila gaanong balot na balot.

Hobby ba ng mga tao dito ang kumain ng yelo, lumunok ng ice tubig at mag swimming sa umuusok sa lamig na tubig? Parang mga immune eh.

"Oh God, I think I can't move my feet." tinignan ko ang mga paa ko. Naka doll shoes lang ako. Dapat pala talaga naghanda ako sa paglabas ko.

"Cold?"

Tinignan ko ang nagsalita. Isang babaeng naka spaghetti strap, mini skirt at earmuffs. Kung hindi lang pakiramdam ko ay na-frozen na ang mukha ko ay mapapangiwi sana ako sa get up niya. Ano siya? Half tao, half snow man?

"You inside. It's hot."

Ano daw? Sumunod na lang ako sa kaniya ng pumasok siya sa isang establisyemento na may nakalagay na pangalang "Steam". Nakahinga ako ng maluwag nang nasa loob na kami. Hindi malamig sa loob.

Nilibot ko ang paningin ko. Iilan lang ang mga tao pero mukhang mga matatagal na rin dito base na rin sa kung paanong at home na at home sila. Ilan sa kanila ay mga mukhang pinoy.

"You girl, want drink? Hot to make you hot?"

Sunod-sunod na napakurap ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa mini bar kung saan naroon siya. Nasa likuran siya niyon. Bartender siguro.

"Ah eh...Pinoy ka ba?" tanong ko.

"Uy! Kababayan! Yes, I'm very much true blooded Filipina. I just here a long time ago that's why I'm so fluent in spookening English."

Spookening? "Oh." I said. "Matagal ka na rito?"

"Yes! I'm here inside for a month! I feel so at house here. It's like I am birth to be here in this country."

Nakangangang tumango-tango ako. Pinagmasdan ko siya. Morena siya, mahaba ang buhok, pero mukhang may edad na rin siya. May mga lumalapit na customer sa mini bar pero hindi naman nagugulat sa kaniya. Mukhang sanay at naaaliw pa nga sa kaniya.

"So? Drink?" she asked.

"Umm...I'm not really fond of alcoholic drinks."

"Don't cha worry girl. You not need big funds for drinks. Here is cheap you know?"

"Ah, no. I mean...hindi ako mahilig uminom ng alcoholic drinks."

Nakangiting tumango-tango siya. "We not only have alcohols here. We also have liver disease free drinks like coffee and iced tea."

"Okay. Umm..coffee please."

"What type?"

"T-Type?" Gusto ng dumugo ang ilong ko sa babae pero hindi ko naman siya pinatigil sa pag e-english niya. Mukha naman siyang mabait na tao. I don't have the heart to stop her. Para kasing ang saya-saya niya mag English.

"Yah. Capushino, frapushino, brown coffee, black coffee, Lati, espreshu?"

"I think I'll go with cappuccino."

Pinagmasdan ko siya habang ginagawa niya ang kape. Kung gaano siya kabagsak pagdating sa pagsasalita bawi naman iyon pagdating sa mga kamay niya. Napapanganga na lang ako ng binaba niya sa harapan ko ang tasa na may latte art pa.

Tinikman ko iyon at napanganga ako ng malasahan ko iyon. "Wow."

"I'm very much good, right?" Tumango ako at nginitian ko siya. Inabot niya sa akin ang kamay niya. "I'm BDW."

Nakipagkamay ako sa kaniya. "BDW?"

"Yes. Berlinda Dimayukyukan Walangsala!"

"Nice to meet you, Berlinda."

Winagwag niya ang hintuturo niya sa harapan ko. "No, no. I'm BDW. Berlinda made me old woman. BDW is much more inside in fashion trend ."

Akmang magsasalita ako ng may lumapit na waiter sa kaniya at may inabot na order slip. "They want the orders in three minutes."

"Who they thought I am? Octopus? I'm not Ursula!" Tatalikod na sana ang lalaking waiter pero tinawag niya ito. "You dick!"

Napanganga ako. Omg! Did she just called the waiter d-di...dick? Napalunok ako ng madilim ang mukha na humarap kay BDW ang waiter. Napahigpit ang hawak ko sa kape sa harapan ko. Handa akong ibuhos iyon sa lalaki kapag nagwala siya.

"Dick, told them it will be finish inside 10 minutes, okay? I'm not Ursula. They wait or they drink away, ok?"

"It's Deck not dick."

"Whatever. Just told them!"

"Fine!"

Nakangiting hinarap ako ni BDW habang ginagawa niya ang mga order. "That's Dick. He's sweet right?"

"Ah. Yes." Kahit na hindi. Mukha nga siyang lalamunin na ng buo ng waiter.

"He's my boyfriend actually. We see like month before. When he saw my beautiful face enter this place he was love at first see with me."

Napangiti na lang ako. Muli kong inilibot ang pangin sa paligid. Maganda ang lugar at kahit na may mga nag iinuman ay hindi naman iyon mukhang magulo. O siguro dahil maaga pa.

"BDW."

"Yes?"

"May job opening ba kayo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top