CHAPTER 14 ~ Dour ~

CHAPTER 14

SNOW'S POV

Nararamdaman ko ang mabibigat na tingin sa akin ng mga kapatid ko pero nanatiling tutok ang mga mata ko sa pagkain sa harapan ko. Halos sila Momma, Papa at Kuya King lang ang nagsasalita sa amin at hindi ko alam kung napapansin ba nila ang tensyon sa paligid.

Katulad ng plano, kay Kuya Thunder ako sumabay papunta rito sa family house namin. Kulang na sabihang awkward ang naging biyahe. Hindi ko din naman alam ang sasabihin ko kaya nanatiling tikom ang mga labi ko.

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pagkalansing ng mga kubyertos. Muli akong napaiwas ng tingin ng makita ko na galing iyon sa nanay ko. "Okay. I have enough of this. Anong problema niyong magkakapatid?"

"Wala po." narinig kong sagot ng kapatid ko na si Freezale.

"Right. Kaya pala ni isa sa inyong tatlo parang mga pipe kanina pa."

Tumikhim si Kuya Thunder. "Na-amaze lang kami sa luto mo momma. Nakakaspeechless. Ang tagal na rin naming hindi natitikman ang luto mo."

"Thunder Night."

"Err...Yes Momma?"

"Hindi ako ang nagluto niyan."

Lihim na napangiwi ako. Kung tama ako ng pagkakaalala, kaninang pagdating namin sinabi ni Momma na bumili lang sila ng food ni Papa dahil nagahol sila sa oras.

"May nakikinig ba sa akin sa inyo o nag-aaksaya lang ako ng boses?"

Matamis na ngumiti ako at pilit na sinalubong ko ang naniningkit na mga mata ng nanay namin. "Nakikinig po kami, Momma. Medyo wala lang sa mood si Ate Freezale dahil nadidistract siya sa kagwapuhan ni Kuya King. Si Kuya Thunder naman po busy sa banda niya saka sa girls niya. Momma may dessert ba? May mangga? Nagugutom pa ako eh. Ay Momma! Pahingi po ako ng extra money ha? Balak ko po kasi magbakasyon eh." inosenteng tinignan ko ang mga magulang ko. "Papa si Kuya Waine may crush kay Momma."

Napuno ng ingay ang hapag-kainan sa pangunguna ni Kuya King na hinaharot na ang straight faced pa rin na kapatid ko, si Kuya Thunder naman ay ibinibida ang banda niya at ang kakisigan niya at si Papa naman ay halatang nagseselos na nilalambing si momma.

Snow's Distraction Op: Completed.

"Snow."

Nginitian ko si Papa at ipinaling ko ang ulo ko na parang tuta. Years of practice told me that this is my best puppy-innocent look. "Yes po?"

"Bakit ka magbabakasyon?"

Sandaling natigilan ako pero kaagad naman akong nakabawi. "Ahh, naisipan lang po naming gumala...ni Athena! Tama, ni Athena. Two months vacation. Wala din naman po akong gagawin kaya pumayag po ako." Now if this works I need to think of a way to make Athena go with me or at least pretend to.

"Si Athena? Kailan ba kayo naging close?" tanong naman ni Momma.

A few hours ago. "Matagal na po kaming close. Kaso minsan lang po kami nag bo-bonding kasi kasama niya lagi si Hera tas ako...kasama ko po si P-Phoenix."

Kung nakumbinsi ko man sila sa sagot ko o hindi, sila na lang ang nakakaalam. Tahimik na bumalik kami sa pagkain habang panaka-naka ay nararamdaman ko pa rin ang mga tingin ng mga kapatid ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin kami. Katulad ng nakasanayan namin lahat, dumiretso kami sa garden kung saan i-seserve ang dessert namin. Pinauna na kami nila Momma at Papa.

Nang makarating sa garden kaagad na nagtabi sa isang bench ang mag-asawang Freezale at King habang karga-karga nila ang mga anak nila na kinuha nila sa crib na nandito sa bahay. Wala akong choice kundi tumabi sa Kuya ko.

"You can't escape this Snow." mahinang sabi ni Freezale.

"I won't. One week right? One week I'll prove to you that I'm not pregnant. Kapag napatunayan ko na hindi, wala kayong sasabihin kaila Momma at Papa."

Hindi kababakasan na pagkagulat ang mukha ni Kuya King. Obviously, alam niya ang nangyayari.

"Sa tingin mo ba iyon ang pinoproblema namin? Kung buntis ka o hindi? The fact that you have been violated-"

"I was not.' I said, cutting my sister's words. "Alam ko kung anong ginawa ko."

"Then you know who was with you."

"Maybe." I whispered. Bumuntong-hininga ako at sinalubong ko ang tingin niya. "Please, 'wag niyo ng hingin sa akin na sabihin ko sa inyo lahat. I wanted to tell you guys but I just can't. This is something I wanted to forget. At hindi ko maibabaon lahat sa limot kung hindi niyo ako hahayaan na itago ang bagay na'to."

"Snow..."

I bit my lower lip when my sister's mask finally cracked. Makikita sa mukha niya ang pag-aalala para sa sitwasyon ko. Napatingin ako kay Kuya ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry." he whispered.

"Kuya-"

Mapait na ngumiti siya. "Dapat hindi ka namin pinabayaan."

Umiling ako. "Walang ibang may kasalanan kung hindi ako. I didn't think. Masyado akong nadala ng emosyon ko. Siguro iyon lang ang nangyayari sa akin ngayon. Maybe my emotions got the best of me and I'm just stress."

Marahang tinapik ni kuya ang ulo ko. "You've grown up, little sis. 'Wag ka masyadong magmadali dahil baka maunahan mo pa akong mag mature." Bumuntong-hininga siya at mataman akong tinitigan. "I just wish it didn't happened this way."

Sana nga natuto ako sa hindi ganitong paraan. Sana...hindi ganitong kasakit. Marami akong nagawang maling desisyon. Kaya ako nahihirapan dahil sa mga pagkakamali ko. That's why I'm hoping that I'm not carrying his child. I don't want him to be born as a mistake.



TAHIMIK ang pasilyo papunta sa ICU ng BHO CAMP's Hospital. Bihira lang naman kasi ang mga taong napupunta rito. Ang ilan ay ang mga agent na nagkaroon ng mga malalang injuries dahil sa mga mission at ang ilan ay mga taong naninirahan dito sa Tagaytay. Bukas naman kasi ang ospital para sa lahat.

Mga special cases lang ang tinetake ng BHO CAMP pagdating sa mga non-agent patients. Kadalasan forwarded lang sila sa mga ospital na hindi na kayang gamutin ang karamdaman ng pasyente o masyadong malala. Kadalasan din ang mga pasyenteng ito iyong mga walang maibigay na payment para sa ospital.

Lumapit ako sa nurse station na dalawang nurse lang ang nakabantay. "Miss Snow, kayo po pala."

Napakurap ako. Kilala niya ako pero hindi ko siya matandaan. Naging nurse ko na ba siya? Si Tita Autumn lang ang gumagamot sa akin kahit kagat lang ng langgam ang problema ko.

Mukhang nabasa naman ng nurse ang iniisip ko at kaagad siyang nagsalita, "Isa po ako sa nurse na gumagot kay Sir Phoenix kapag dinadala siya dito noon. Sa taas nga lang ako nakastation dati at hindi dito. Pupuntahan niyo po ba siya? Ano nga bang floor iyon? Sandali hahanapin ko po-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Ahh, hindi. Si Kuya Waine ang pinunta ko rito. Serenity Hunt ang name ng patient."

Namilog ang mga mata niya at may kinuha siyang folder sa mga nakasalansan sa tabi niya. "Miss Snow, kanan lang po kayo sa hallway na 'yan tas may pintuan po sa pinakadulo."

Nagpasalamat ako sa kaniya at naglakad ako papunta sa tinuro niya. Nang makarating roon ay kumatok ako sa pintuan bago ko iyon binuksan. Sa loob ay may mga glass cabinets kung saan nakasalansan ang ilang mga nakaplastic na laboratory gowns, habang sa baba naman ay ang mga puting slip on clogs. May mga mask din.

Sinunod ko ang instruction na nakapaskil sa pader at sinuot ko ang mga kinakailangan bago ako pumasok sa pangalawang pintuan. Sa loob ay may dalawang nurse na nasa station. Mayroon ding dalawang junior agent na nakatayo sa tapat ng isang glass door na para bang nagsisilbing guard do'n.

Binati lang nila ako at wala ng sinabi. Hindi na naman nila kailangan magtanong kung kaninong pasyente ako pupunta dahil dalawang room lang ang nandito at isa lang ang okupado. Hindi katulad sa iba pang wing ng ICU dito sa BHO CAMP na tatlo ang section ng ICU.

Binuksan ko ang glass door at pumasok ako sa loob. Pagbungad pa lang ay nakita ko na agad si Waine. Nakatayo siya sa tapat ng isang two way mirror.

"Kuya Waine."

Blangko ang mga matang nag-angat siya ng tingin. Sandaling nakatingin lang siya sa akin na parang hindi niya ako makilala. Lumapit ako sa kaniya at tinapik ko siya sa balikat.

Humarap ako sa salaming bintana, at sa unang pagkakataon nakita ko ang totoong mukha ni Serenity Hunt.

My cousin, Storm, used her identity before. Noong mga panahon na akala namin patay na siya. She managed to stay safe because of Serenity...by being her.

Sa unang tingin ay ang mga sugat niya ang mapagtutuunan ng pansin. Pero habang tinititigan siya ay umangat ang totoo niyang mukha. She's extremely pretty...like a sleeping angel. Sa kabila ng mga galos sa mukha niya at mga tube na nakakabit sa kaniya ay makikita pa rin iyon.

May mga sugat din ang mga braso niya. Hindi na ako magtataka kung marami pa siya sa iba pang parte ng katawan niya. She's been tortured and the with the looks of it...bago lang ang mga iyon. Ang tanging walang galos sa kaniya ay ang mga kamay niya.

"She have beautiful hands. But you know it's not the reason why they spared her hands. She's a brilliant woman. She's good at technology and deciphering things. Kaya siguro hindi siya magawang pakawalan ng kapatid ko. Dahil napapakinabangan nila si Serenity."

"Kuya Waine..."

"She love dancing. But she can't do that now. Alam mo kung bakit?"

"You don't need to talk about this."

"She won't able to walk...not even stand. Ibinalik siya sa akin ng kapatid ko dahil gusto niyang itigil ko na ang paghahanap sa kaniya. But Wyatt Claw won't be that merciful. No...not him."

Kita sa mukha niya ang paghihirap habang nakatingin sa babaeng matagal na niyang hinahanap. Katulad ng sabi ni Storm noon sa amin, hindi daw matatawaran ang pinagdaanan ni Waine sa kamay ng mga kapatid niya.

Waine grew up different than his vile brothers. Inalagaan siya ng ina niya at pinalaki ng mabuti sa kabila ng kasamaan na nakapalibot sa kanila. Wyatt Claw is different. Wyatt Claw took away the woman he love and his son and later on he took their mother''s life.

"I don't even know what happened to our child." he whispered. "And now in any moment I can lose her. God, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin, Snow. I'm existing because of her. She's the only reason I'm not giving up."

Sa ganitong pagkakataon, ano pa ang maaring sabihin sa taong nagdadalamhati na katulad niya? I can't tell him that it will be okay because that would be a lie. His woman is in the brink of death and his son's whereabouts and status is unknown.

Wala akong maaaring sabihin na ikagagaan ng loob niya. All I can offer is my presence and prayers.

Marahang hinawakan ko siya braso at sumandal ako sa kaniya habang nakatingin kay Serenity Hunt. You need to live for him. He's a good person. He's not like his brothers. But if he loses you...I don't know how long he can stop himself from being like them. I know it's going to be hard...but please. Stay with him.

Lumingon ako sa pinasukan ko kanina nang makaramdam ako ng presensiya roon. Hindi ko alam kung namalikmata ako o hindi dahil bigla ding nawala ang pigura roon. But for a moment...I thought I saw Mira standing there.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top