CHAPTER 13 ~ Out of control ~
CHAPTER 13
SNOW'S POV
Hindi ko na nagawang makapagsalita sa sinabi ni Athena dahil walang salitang tinalikuran kami ni Waine at tinakbo ang daan papunta sa headquarters. Nanglalaki ang mga matang nilingon ko si Athena na nagdududang nakatingin sa akin.
"Oh my gosh, Athena. Nag dahan-dahan ka naman sana!"
Pinaikot niya ang mga mata niya. "Kayo kaya ang kanina pa ako minamadali. Masunurin akong bata, duh."
"Whatever." I said waving my hand. "Tell me what happened."
"Hindi ko din alam, I swear. Napag utusan lang ang kagandahan ko." Itinaas niya ang mga kamay niya at ipinakita sa akin ang mga kuko niya na hindi pa tapos ang pagkakalagay ng nail polish. "Busy kaya ako na nakatambay sa dining hall ng istorbohin ako ni Boss Dawn." nakangusong sabi niya.
Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang iwinawagayway niyang mga daliri sa harapan ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ano kaya ang nangyari? Paanong basta-basta na lang magpapakita ang isang taong taonna ang lumipas na hindi mahanap-hanap? Kung nahanap na si Serenity ibig bang sabihin niyon ay malalaman na namin kung buhay ba talaga si Wyatt Claw at kung paano?
No. There's no question that he's alive. Nahuli na ang lahat ng mga kasamahan niya. Wala ng iba na maaaring magtangkang itakas si Warner sa kulungan kundi si Wyatt. Idagdag pa ang natagpuan listening device at mic sa bangkay na inakala naming si Wyatt. At that time the whole Claw Organization was wiped out. Wyatt was the one supposed to be left out. Wala na siya dapat kausap sa listening device nila. But through investigation, we found out that he was indeed talking to someone. And that someone could be the real Wyatt Claw. Gumamit siya ng tao na ipapain niya para mapeke ang sarili niyang kamatayan.
Napakurap ako at napatingin kay Athena ng maramdaman ko ang mabigat niya na pagkakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng makita ko siyang naniningkit ang mga mata habang tinititigan ako. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?"
"May something ba sa inyo ni Waine?" tanong niya.
"Wala."
"Eh bakit lagi kayong magkasama?"
"Marami siyang...tinuturo sa'kin."
Lalong naningkit ang mga mata ni Athena. "Ano naman ang tinuturo niya sa'yo na hindi mo pa alam? At saan ka niya tinuturuan?"
Naguguluhan na ako sa tinatakbo ng usapan namin ni Athena. Bakit ba lagi na lang kaming pinagdududahan ni Kuya Waine? Hindi ba normal sa isang babae na laging may kasamang lalaki? Kami naman ni Phoenix halos hindi mapaghiwalay ah.
"Kahit saan. Maparaan si Kuya Waine." lumalim ang gatla sa noo ko ng parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Teka nga, bakit ba ang dami mong tanong?"
"Wala. Halika na nga."
Iniwas ko ang kamay ko ng aktong hihilahin niya ako. "Saan tayo pupunta?"
"Sa control room malamang."
Muli akong napakagat sa ibabang labi ko. They would kill me for sure. There's no doubt that they heard everything. "Ayoko!"
Nameywang si Athena. "Pinapatawag ka nila Freezale."
"B-Busy ako. I have a life you know?"
"Right. At ano naman ang gagawin mo? Aakyat sa puno at mamimitas ng mangga? Pupunta sa tree house niyo ni Phoenix? Bibisitahin si Phoenix-"
"My world doesn't revolve around him!" I shouted.
The moment it escaped my lips I know that it isn't true. Ngayon ko pa ba itatanggi? Ngayon pa na naiintindihan ko na lahat? He is my world. I can't even think about a happy memory that doesn't include him.
Pinilit ko lang talaga na paniwalain ang sarili ko na hanggang pagkakaibigan lang ang meron kami. Dahil natakot ako na magbago ang lahat, na baka masira ang pinagsamahan namin. Hanggang sa huli pinilit ko ang sarili ko na maniwala sa pagpapanggap ko. Kahit na nararamdaman ko na may mali ay itinanggi ko ang mga iyon.
I don't want to lose him so I didn't acknowledged my feelings. Pero ganoon pa rin ang nangyari. Nawala siya sa'kin. Just one word could have changed everything. Just one yes.
"Mababaliw ako sa pagiging in denial mo, Snow. Look, dahil mukhang magiging MIA ang anghel de la guardia mo sapagkat datapwat nandito na ang pinakamamahal niyang " I won't give up on us! Even if the skies are rough!" ako muna ang tatayong presidente ng "Snow's Daycare Center". Kuha mo? Kaya sumama ka na sa'kin."
Bago pa ako makaangal ay tuluyan na niya akong hinila. Pinagtitinginan na kami ng mga agent pero as usual wala namang pakielam sa mundo si Athena. Taas noong hila-hila niya lang ako papunta sa headquarters na para bang show type shih tzu ako.
"Athena, I don't think-"
"Shh! You don't need to think. You don't even need to speak. Kung ano man ang kailangan sa'yo ni Freezale for sure hindi ka na makakapagsalita. Kung narinig mo lang ang boses niya ng tinawagan niya ako. Hindi siya Frozen Medusa ngayon, nagliliyab ang kapatid mo."
"Uhh..." kinakabahang usal ko nang makita kong malapit na kami sa control room at pilit na hinila ko ang kamay ko na hawak niya ng mahigpit. "Hindi nakakatulong ang sinasabi mo para sumama ako sa'yo."
"Ano ba kasi ang ginawa mo? Niyo pala ni Waine. Baby sitter mo lang 'yon ah." patuloy niya sa pag mo-monologue at hindi pinansin ang sinabi ko. "Baka naman hindi mo siya baby sitter. Baka future baby daddy? Omg! Snow adik ka ba? May anak na 'yon!"
"Hindi ako buntis!" sigaw ko.
"Wala naman akong sinabing buntis ka-"
Naputol ang sasabihin ni Athena ng bumalibag pabukas ang pintuan ng control room. Bumungad roon ang kapatid ko na si Thunder na madilim ang ekspresyon sa mukha, "Get in."
"K-Kuya..."
"Snow."
"Pwedeng sumama?" inosenteng tanong ni Athena.
Hindi inaalis ang tingin sa akin na nagsalita si Kuya, "No."
"Ahh." tumatango-tangong sabi ni Athena. "But you know, I kinda have a rare talent. You know...putting two and two together. Mukha man akong wala sa katinuan kadalasan pero hindi ibig sabihin no'n hindi ako number one pagdating sa tsismis. You see, my best friend's hiding something from me, I'm hiding things from her and now I'm suppose to walk away when something is definitely wrong here? Na uh. I'm going inside and you can't stop me."
"Athena! This is not the time-"
Pinutol niya ang sasabihin ni Kuya. "Obviously parehong mainit ang ulo niyo ni Freezale. You need someone there with a clear head. I won't let you two bully this little miss sunshine here."
Hindi ko mapigilan na hindi mapatitig sa kaniya. She looks like her sassy self but I can see that she's really worried. That's surprising. Hindi naman kami close kahit na kasama ko siya at ang iba pang mga agent na lumaki. Wala naman talaga akong kaclose sa mga agent maliban sa isang tao.
"Get inside." my brother hissed and turned his back on us.
Sumunod kami sa kaniya. Pagkapasok pa lang alam ko ng hindi ko malulusutan ito. Nakadisplay sa mga monitor ng control room ang pag-uusap namin ni Kuya Waine kanina habang nakaupo si Freezale sa isa sa mga swivel chair at walang imik na nanonood.
"Gumamit ako ng pregnancy test. The result was negative."
Nakaramdam ako ng panlalambot ng tuhod. Bago ako mapasadlak sa sahig ay naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Athena sa braso ko.
"During Phoenix' wedding you left with Waine." mahinang sabi ni Freezale. "Did he took advantage of you?"
"Freeze-"
"Did he?!" sigaw niya at tumayo mula sa kinauupuan niya.
Sunod-sunod na umiling ako. "H-Hindi ako buntis. I'm sure of it. F-Freezale hindi ko alam kung...kung paano ko sasabihin sa'yo...pero..."
"Answer me!"
"H-Hindi si Waine..."
Napapitlag ako ng humagis ang keyboard na ibinato ni Freezale. Nanginginig ang mga kamay na umatras ako habang sunod-sunod na namalibis ang luha sa mga mata ko.
"Why are you lying to me?" she whispered.
"Hindi-"
"Just tell us the truth, Snow." pagsasalita sa wakas ni Kuya Thunder.
"Hindi si Kuya Waine."
"Snow!"
"Hep! Hep!" sigaw ni Athena at pumalakpak pa dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya. "Bingi ba kayo? Hindi nga daw si Waine. Maipilit niyo naman."
"Athena, look at that!" igting ang bagang na tinuro ni kuya ang monitor.
Hindi man tinatapunan ang monitor ay tinaasan niya ng kilay si Kuya. "So? May sinabi ba diyan si Waine na siya ang ama ng posibleng dinadala ni Snow?"
"Athena-"
"Alam kong maganda ang pangalan ko pero hindi mo kailangang ulit-ulitin."
"This is a serious matter." matalim ang tingin sa babae na sabi ni Freezale.
Iginaya ako ni Athena sa sofa ng control room at pinaupo ako roon. Pagkatapos niyon ay hinarap niya ang mga kapatid ko. "I know you're worried. Hell, I'm worried and she's not even my sister. Pero hindi makakatulong ang pagwawala ninyo. Clear your head guys and think. Kung may nangyari sa kanila bakit kailangan pang itanong ni Waine kung ilang weeks na ba pagkatapos ng nangyari? As far as I know, Snow was the drunk one at Phoenix' wedding and not Waine. Bukod pa sa sinabi na ni Snow na hindi si Waine ang ama ng dinadala niya."
"So who is it?!" my brother angrily asked.
Lahat ng mga mata ay dumako sa akin. Napalunok ako at nagbaba ng tingin. I can't tell them.
"Snow-"
Pinutol ko kung ano man ang sasabihin ni Freezale at direktang tumingin ako sa mga mata niya. "I don't know. All I can tell you is it didn't happened with Waine. Nagkataon lang na nalaman n-niya...ang nangyayari sa'kin."
"Paanong hindi mo alam?" tanong ni Freezale na nanghihinang napaupo.
"I-I...I just...don't know."
NAPAPITLAG ako ng walang sabi-sabing bumungad sa tapat ko ang mukha ni Athena. Inalis ko ang mukha ko mula sa pagkakalumbaba at hinarap ko ang pagkain na pinaglalaruan ko lang kanina.
"So..."
Blangko ang ekspresyon na sinalubong ko ang tingin niya habang nginunguya ang pagkain na halos hindi ko malasahan.
"May family dinner kayo mamaya." muling sabi niya.
Nagkibit-balikat ako. Bumuntong-hininga siya sa pinapakita ko at inagaw niya sa akin ang plato ko at nakikain. Lumingon-lingon siya at siniguradong hindi nakikinig sa amin ang ibang mga agent na nandito sa dining hall. "Alam mo, Snow, kung ako sa'yo aamin na lang ako."
"Wala akong kailangan aminin."
Iniwanan ko na ang mga kapatid ko nang magkaroon kami ng komprontasyon kanina. To be honest I don't know what to do anymore. Hindi ko na din alam kung may pakielam pa ako sa mga mangyayari mamaya. They would probably tell our parents what they found out.
"Hindi ka matutulungan ng pamilya mo kung hindi mo sasabihin sa kanila."
Mapait na ngumiti ako. "No one can help me, Athena."
"Sigurado ka? Sooner or later mahihirapan ka ng itago ang totoo. Ngayon pa lang di ba? The cravings, your emotions..."
"I'm not pregnant." I hissed under my breath. "Sure, even I convinced myself that I might be. Dahil isang parte sa akin na umaasang totoo nga. Dahil..." Dahil isang parte ng puso ko ang masaya na may maiiwan sa akin na galing sa kaniya. "Dahil emosyonal ako, dahil padalos-dalos ako. But there's a possibility that I'm not. Everybody have cravings and I'm emotional even before. Alam mo naman siguro ngayon kung bakit mas malala ako. I'm handling a lot of things. And this pregnancy scare is not helping."
Muli siyang bumuntong-hininga. "Fine. But, let me help you."
Akmang tatanungin ko siya kung anong ibig niyang sabihin ng bigla na lang niyang hinila ang kamay ko at may itinusok ko sa antecubital ko na syringe. "Athena! Omg!" napatiling sigaw ko.
Nagpalingon-lingon siya ulit bago hinugot mula sa akin ang syringe at itinago iyon. "Woah. Madali lang pala 'yon. One hit, Athena. Pshing!" sabi niya at itinaas pa ang kamay at umaktong may binabaril.
"Baliw ka na ba?!"
Nag peace sign siya. "Ipapatest ko ang dugo mo. Para hindi ka na nag-iisip ng kung ano-ano at malaman mo na agad ang totoo."
"At paano kapag may nakaalam sa gagawin mo?" inilahad ko ang kamay ko. "Ibalik mo sa'kin."
"Ayoko nga. Besides, hindi ako mahuhuli. Wag ka ngang nega."
"Dugo ko naman 'yan eh!"
"Ako naman ang kumuha." binelatan niya ako. "Anyways, kung may makakaalam eh di sasabihin kong sa akin."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Dati kapag nasa ganitong mood na ako hindi niya ako pinipilit o ng kahit na sinong agent. They just leave me in my own devices. "And that you're asking for a pregnancy blood test?"
"Ahh...yeah?"
"Adik ka ba?" nanglalaki ang mga matang tanong ko.
"Hello? Mas maniniwala pa ang mga tao na nagkakaroon ako ng pregnancy scare kesa sa'yo. Kapag ako, lagot lang ako sa parents ko. Kapag ikaw lagot ko sa buong BHO CAMP."
"Athena-"
"Gusto lang kitang tulungan. Una, dahil wala akong magawa. Pangalawa, lahat ng babae kailangan ng besties you know? Hindi naman pwedeng puro Phoenix ka na lang. Pangatlo, wala ang ang anghel de la guardia mo. Pang-apat, binibigyan ka lang ng isang linggo ng mga kapatid mo para umamin ng kusa sa mga magulang mo. Na by the way hindi mo alam dahil bigla ka na lang nag walk out kanina. Pang-lima, ang ganda ko."
"Walang kinalaman sa pinag-uusapan natin ang huli mong sinabi."
"Wala ba?" inosenteng tanong niya. "Meron 'yan. Ang kagandahang ito..." tinuro niya ang sariling mukha. "Ay ang tanging nagbibigay ng sense sa mundo."
Naiiling na tumayo ako. Sasabog lang ang ulo ko kapag nakipag-usap pa ako kay Athena. Iisa naman ang lenguahe namin pero nahihirapan akong i-decipher kapag sa kaniya nanggagaling ang mga salita.
"Hoy, sa'n ka pupunta?" tanong niya.
"Sa malayong lugar."
"May family dinner pa kayo!"
"Alam ko po!" Tumayo siya at sumunod sa akin. Nakapamewang na hinarap ko siya. "Bakit hindi mo na lang kaya kulitin ang bestfriend mo?"
"Busy siya." mabilis na sagot niya.
Napatigil ako sa pagmamarkulyo at tinitigan ko siya. Matamis na nginitian niya ako at ikinawit ang braso niya sa akin.
"May problema ba kayo ni Hera?" tanong ko.
"Wala. Busy lang siya talaga ngayon. Pero ikaw, meron kang problema."
Inalis ko ang braso niyang nakahawak sa akin at nagpatuloy ako sa paglalakad. "I can handle my own problems."
"Weh? Dati nga, paglalagay lang ng band aid sa sugat mo hindi mo pa magawa eh."
Sa pangalawang pagkakataon tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya. "Eto naman ang gusto niyong lahat di ba? Na matuto ako mag-isa? Oh eto na. Wala naman na akong ibang aasahan kundi sarili ko."
Ngumuso siya at kunway nag iisip. "Well, mali ka actually. Ang gusto ng lahat para sa'yo eh matuto kang tumayo sa sariling mga paa mo. Na matuto ka na hindi iasa lahat sa iba ang mga kailangan mo. Pero hindi ibig sabihin non isasarado mo ang sarili mo sa ibang tao. We're all family after all."
"This time, I need to do it by myself."
Tumango-tango siya. "You know, I kinda admire that you're trying to handle things on your own. But remember, Snow...a person can only take so much until she breaks. Kapag nangyari sa iyo 'yon, handa ka ba na makita ng lahat ang mga kakawala mula sa kahon kung saan mo itinago lahat?"
Natigilan ako sa sinabi niya. She's right. I'm already breaking. And my fears...it's getting bigger everyday. Pakiramdam ko nasa dulo na ako. Walang nakakarinig...walang maaaring kapitan. Hindi dahil walang bagay na pwede kong hawakan para hindi ako mahulog kundi dahil alam ko na kapag hinawakan ko iyon...bibigay ang bagay na iyon at mahuhulog ako.
I can't tell anyone because it will hurt a lot of people. Maraming tao ang maapektuhan. And yes, because I'm afraid of what will they think of me.
Nang hindi ako sumagot ay nakakaunawang ngumiti siya. "So, let me help you okay? Girl power!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top