CHAPTER 12 ~ Calculation~



A/N: My heart felt gratitude to my friends and to my readers who reached out to me during the most difficult moment of my life. To be honest, wala pa sana akong balak bumalik. My supposed vacation wasn't a vacation after all. But then I realize I need to continue my life. Hindi magugustuhan ni mami na tumigil ako sa pagsusulat dahil lang wala na ang number one supporter ko :)

PS:Next update will probably be in April 1.

CHAPTER 12

SNOW'S POV

I should be happy with the result. Pero hindi maitatanggi na may parte sa puso ko na gusto na maging iba ang resulta no'n. That there's a part of myself that want to have that child. A child that is a part of him. Something that we created. Dahil alam ko na iyon na lang ang isang bagay na galing sa kaniya na pwede kong matawag na akin. Na wala akong kahati.

Pero alam kong mali. Hindi dapat na hangarin ko ang bagay na iyon. And what can a child feel when he realize that he is not wanted? That he will never have a father? At paano ko maitatago sa pamilya ko? Kay Phoenix? And most importantly how can i be a mother? I can barely take care of myself.

Siguro tadhana na mismo ang gumawa ng desisyon. Dahil simula pa lang mali na ang nangyari. It was my fault because I was too messed up. Hindi ko magawang magpakatotoo pero naging makasarili pa rin ako hanggang dulo. This is okay. This is the right thing. I will be fine. I need to.

NAPAPITLAG ako ng maramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin at napasimangot ako nang makita ko na si Kuya Waine lang iyon. Hindi ako pumunta sa debriefing kahapon kaya hindi kami nagkita. Hindi ko rin naman siya gustong makita dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kaniya sa mga oras na iyon.

"What?"

"Galit ka pa." He said as a statement and not a question.

"Obviously."

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon. Nanatili lang nakapako ang tingin ko sa BHO CAMP Hospital na nasa tapat ng kinauupuan kong bench.

"Hindi ko naman gusto na ipahamak kayo."

"Right." I scoffed.

"Fine, I admit, nawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Sinabon na ako ng sobra-sobra ni Storm at ni Dawn, 'wag kang mag-alala." Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya. "I just can't let them take my brother away. Just the thought that he will be free threw me on edge. For what he and Wyatt have done to me and my mother, I just can't let him go. Alam kong hindi iyon rason para ipahamak kayo. I've been stupid and I admit that. It won't happen again."

Hindi mapigilan ang sarili na napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa harapan niya ngunit parang wala siyang nakikita. He's speaking but it feels like he's miles a way.

"Nanggaling na ako kay Phoenix kanina. I told him that I'm sorry. He's angry at me actually. He nearly open his wound again by trying to get to me." he chuckled. "Akala ko nanggagalaiti siya dahil nasugatan siya ng dahil sakin. But do you know what he told me?" he asked, finally looking at me.

"What?"

"He told me that he'll kill me if I put you in danger again. That man must really love you."

Nag-iwas ako ng tingin. "Natural lang na magalit siya. Best friend ko si Phoenix."

"Alam mo ang totoo."

"Anong silbi no'n? May mababago ba?" bulong ko.

Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko pero may hikbi pa rin na kumawala mula roon. Iyakin ako, oo. Pero nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na maintindihan ang mga emosyon ko. Nawawalan ako ng kontrol.

"H-Hey, what the hell. Bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong ni Waine.

"Tama kayo. Ikaw, si Brennan, ang kapatid ko...lahat kayo. Ang tanga ko kasi eh. Ang tanga-tanga ko. Ang hina ko. Ang duwag ko!"

"Snow-"

"Bakit hindi kasi ako lumaban? Bakit kasi inintindi ko pa ang ibang tao? Pareho lang naman kami na mahal si Phoenix. Oo! Mahal ko si Phoenix!" sigaw ko.

Nagpalingon-lingon si Waine at nag-aalangan na tinapik ang balikat ko. "Shh, alam ko-"

"Pero wala ng silbi. Kahit anong sabihin ko sa sarili ko, kahit anong pagtanggap ko sa totoo, wala ng silbi. Kasi huli na ko eh...wala na. Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko! Ang tanga ko! Wala kasi akong alam! Ang slow ko kasi!"

"Uhh."

"Bakit ba kasi ang hirap intindihin ng pagmamahal? Bakit ba nahirapan akong pakinggan ang puso ko? Bakit ngayon pa na wala na akong magagawa?"

"Snow!"

"Mahal-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla na lang tinakpan ni Kuya Waine ang bibig ko. Hindi pa rin tumitigil sa pagdaloy ang mga luha ko na tinignan ko siya ng masama. Bakit niya ba ko pinipigilan? Di ba ito naman ang matagal na nilang gusto? Ang magpakatotoo ako ng buong-buo?

"Sinong mahal ni Snow?"

Lumuluhang lumingon ako sa nagsalita at sa isang iglap ay biglang huminto ang luha ko nang makita ko roon na nakatayo ang mga magulang ko.

"Wala naman po, Tita. Ang gusto pong sabihin ni Snow eh ang mahal...ang mahal daw ng mangga ngayon. Hindi pa po kasi ata panahon." sansala ni Waine.

"At bakit umiiyak ang anak ko?" kunot noong tanong ni Papa.

"Pilit po kasi niyang tinatanggap ang katotohanan- aray!" sigaw ni Kuya Waine ng kagatin ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko pero hindi pa rin siya bumitaw. "Na hindi pa panahon ng mangga."

"Is that so." my momma Wynter said and looked at me suspiciously. "Anyway, Snow umuwi ka sa bahay mamaya. May family dinner tayo."

Pinalis ko ang kamay ni Kuya Waine at nagsalita, "Okay, Momma."

"Sumabay ka na lang kay Freezale." sabi naman ni Papa.

"Err...for sure kasama ang mga babies nila Papa. Masikip sa sasakyan. Kay Kuya Thunder na lang po ako sasabay."

"Okay. Basta mag seat-belt ka. Alam mo naman ang Kuya mo."

"Yes, Papa." Hindi naman ako natatakot sa pagdadrive ni Kuya. Mas malala pa nga ako dahil imposible na hindi ako mabangga kapag nagmamaneho ako. Kaya nga ako laging pinagmamaneho ni Phoenix.

Bago pa tuluyang bumagsak ng mga luhang naipon na naman sa mga mata ko, hinila ako ni Kuya Waine at itinalikod sa mga magulang ko. "Sige po, Tita, Tito. Mauna na po kami ni Snow."

"At saan mo naman dadalin ang anak namin?" may tigas sa boses na tanong ni Papa.

"Po?! Wala po! Si Snow lang po ang may pupuntahan. Ako naman po lalabas ng BHO CAMP." kinakabahang tumawa si Kuya Waine. Sigurado ako na binibigyan siya ng kakaibang tingin ni papa na tatalunin ang Frozen Medusa ni Freezale na kilala dahil sa malamig niyang titig. "Sige po, alis na po kami- si Snow at ako na aalis papunta sa labas."

Bumuntong hininga ako at hinila ko na palayo si Kuya Waine bago pa lalong maghinala ang mga magulang ko sa kaniya. Nang makalayo-layo na kami ay binitawan ko siya bago binigyan ng matalim na tingin.

"What?" he asked. "Pasalamat ka nga hindi ka nga hindi nila narinig ang mga sinasabi mo kanina."

"Right."

"Snow....ang ganda ng momma mo no?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Eww, Waine. Akala ko kay Papa ka natatakot. Crush mo lang pala si Momma."

"Ang sama ng utak mo para sa isang isip bata alam mo ba 'yon?"

"Hindi ako isip bata!" sigaw ko. "H-Hindi na...ayoko na. Dapat noon pa. Kung sana lang..." nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko.

"Sheesh! Would you stop crying?! Ganiyan ba talaga ang mga buntis-"

Hindi ko na siya pinatapos at malakas na hinampas ko ang balikat niya. "Hindi ako buntis!"

"But you said-"

"Gumamit ako ng pregnancy test. The result was negative."

Sandaling nanatiling tahimik lang siya. Nang muli siyang magsalita ay mahina na ang boses niya, "It's too early to know. How many weeks has it been?"

Dumagundong ang dibdib ko sa kaba sa reaksyon niya. "B-Bakit?"

"Wait for another two weeks and try the test again."

"Hindi. Ilang beses kong inulit iyong test. It was negative."

"And I'm telling you to do it again." he said seriously.

"It was negative! Bakit ba marunong ka pa sa pregnancy test?!"

"Because I have a son! Pwede bang makinig ka na lang sa'kin? Ang tigas kasi ng ulo mo! Hindi ka nakikinig sa'kin!"

"You're not my father! You're not my brother! You're not even my friend!"

He took a step back, clearly offended by my words. "Well, I'm sorry, Snow. The way I see it, you only got me. Kaya mo bang sabihin sa pamilya mo ang totoo? Sa mga kaibigan mo?"

"T-There's nothing to tell."

"Sigurado ka?" huminga ng malalim si Waine. "Look, Snow, I just want to help you. Pero kung ako ang tatanungin mo, sa ganitong klaseng sitwasyon, makakabuti na kausapin mo ang mga magulang mo."

"No!"

"Sooner or later you'll need to tell them anyway. But for now, just listen to me and take another test after two weeks."

Sunod-sunod na umiling ako. I know I'm confused about what to feel when I saw the negative result but I also know that it was for the best. Pero paano kung mali nga ako? Paano kung masyado pang maaga?"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." bulong ko.

"Waine!" Napatingin ako kay Athena na tumatakbong lumapit sa amin. Kakikitaan ng pagkataranta ang mga mata niya. Huminto siya sa harap namin at hinihingal na dinantay niya ang mga kamay niya sa tuhod niya. "Mga bingi ba kayo?! Kanina pa ina-announce ang pangalan ni Waine ah."

Nagkatinginan kami ni Waine. Dahil sa pagtatalo namin hindi na namin napansin ang boses ni Dawn na nagmumula sa mga speaker na nakapalibot sa BHO CAMP. Umiilaw din ang mga suot namin na bracelet.

"Anong meron?" tanong ko.

Imbis na sagutin ako ay dumiretso ng tayo si Athena at seryosong sinalubong ang mga mata ni Waine. "Pinapatawag ka sa headquarters."

"What for?" he asked.

"Just come with me, please." Tumingin sa akin si Athena. "At kailangan mong pumunta sa control room. Nandoon ang mga kapatid mo."

"What for?" I asked, repeating Waine's question.

"Aware ka naman siguro na may mga speaker ang BHO CAMP, Snow." hindi direktang sagot niya.

Kinuyom ko ang nanginginig ko na mga kamay. Hindi ko kinakailangan na hanapin ang tinutukoy niya. How can I be so stupid to casually talk about the issue without checking first? Did they heard us? Alam na ba nila Freezale?

"Then we'll both go." Waine said.

"Hindi. Sasama ka sa akin sa office ni Dawn." sabi ni Athena.

"Bakit?"

"Waine-"

Kinakabang tinignan ko si Athena. May binabalak ba silang masama kay Kuya Waine? Dahil ba sa narinig nila? Pinaghinalaan ba nila na....na si Waine ang ama?

"Bakit ba kasi? Sabihin mo na lang ng direkta, Athena." kinakabahan na rin na sabi ko.

"Fine." she said, obviously losing patience. "Pinapunta ako dito ni Dawn para tawagin si Waine. But at the last minute, Freezale called me to bring you to the control room. Hindi na kita kailangan hanapin dahil obviously kasama mo si Waine. She said I should tell you that they heard your conversation. Whatever that is."

"Athena-"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "At kailangan ni Waine na pumunta sa office ni Dawn dahil...dahil nahanap na si Serenity Hunt.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top