CHAPTER 10 ~ More ~

CHAPTER 10

SNOW'S POV

"Wow."

Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita dahilan para mapatigil ako sa sunod-sunod ko na pagsubo ng kinakain ko na pinya. "What?"

Umupo sa harapan ko si Athena na siyang nang-istorbo sa akin sa pagkain ko rito sa dining hall ng HQ. Nangalumbaba siya habang tinitignan ang malaking plato ng pinya na nilalantakan ko. Halos paubos na rin ang laman no'n.

"Matamis?" tanong niya.

"Oo." sabi ko at pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang pagkain. Napasimangot na lang ako ng bigla na lang siyang kumuha at kinain iyon. "Akin yan-"

"Pwe! What the fudge?!" irit niya at ishinoot sa malapit na trashbin ang iniluwang piraso ng pinya. "Ang asim!"

"Hindi kaya."

Akmang sisimulan ko na naman ang pagkain ng bigla na lang mawala sa harapan ko ang plato. Magkasalubong ang kilay na nag-angat ako ng tingin. Pakiramdam ko huminto ang lahat sa paligid ko ng makita ko kung sino ang nakatayo doon.

"Nix nix..."

"Sabi ni Tita Autumn bawasan mo daw ang pagkain ng acidic foods."

"Pero-"

"Hayaan mo siyang kumain kung ano ang gusto niya. Hindi mo naman siya pwedeng pagbawalan kung iyan ang gusto niyang kainin."

Napabuntong-hininga na lang ako ng makita ko ang bagong dating. Walang iba kundi si Kuya Waine na may naglalarong ngiti sa mga labi. Halata namang iniinis niya lang si Phoenix, bagay na hindi ko maintindihan.

Umupo si Waine sa tabi ni Athena na taas ang kilay na tinignan si Kuya Waine mula ulo hanggang pa.

Nabaling kay Phoenix ang atensyon ko nang maramdaman ko siya na umupo sa tabi ko. Nagsalita siya habang ang tingin ay nasa direksyon ni Kuya Waine, "Hindi naman sa pinagbabawalan ko siya. Ayoko lang na may mangyari na naman sa kaniyang masama." Lumingon sa akin ang lalaki at bahagyang ngumiti. "You can eat a small portion of this at dinner. Okay? Wag mo munang biglain ang sarili mo."

Tahimik na tumango ako. Nilingon ko si Kuya Waine na tinaasan ako ng kilay bago niya binalingan si Athena na ngayon ay nakatingin pa din sa kaniya. "What?"

"May trabaho ka pa?" agad na tanong ng babae.

Dumilim ang mukha ng lalaki. "Wala pa sa ngayon."

"Ahh okay. Ako kasi meron." pagbibigay alam ng dalaga. "Gusto kong samahan mo ko. I need a date."

Napakurap ako sa sinabi ni Athena. Wala sa sarili na nagtatanong na tinignan ko si Phoenix na nagtataka din na nagkibit-balikat. Mukhang hindi niya din alam kung bakit naghahanap ng kadate si Athena samantalang lahat ng agents alam na nasa dating status sila ni Stone.

Tumayo ang lalaki pagkaraan at pumunta sa may cashier ng dining hall at mukhang may bibilin. Sinundan ko siya ng tingin at mananatili pa sana akong nakatitig lang sa kaniya kung hindi ko narinig na magsalita si Kuya Waine.

"Ayoko."

Tinignan ko si Athena pero mukhang wala lang naman sa kaniya ang sinabi ng lalaki. Kung ako siguro ang tinanggihan sa paraan ng pagkakasabi ni Kuya Waine baka nagdamdam na ako. Pero kay Athena parang wala lang.

"Bakit?" tanong ni Athena

"May personal mission pa ako."

"Na?"

"Guardian Angel mission."

Kinunutan siya ng noo ni Athena at pagkatapos ay tumingin sa akin. Ilang sandaling nakatutok lang sa akin ang mga mata niya bago muling napataas ang kilay niya. "Huh. I guess you really need to focus on that now. Kung baga nasa critical level na ang mission mo."

Akmang magsasalita ako ng tumingin siya sa kanan niya. Sakto namang dumaan si King kasama si Freezale.

"King!" tawag ni Athena.

Nanglalaki ang mga mata na iwinagayway ko kay Athena ang mga kamay ko at sunod-sunod akong umiling. "Are you insane?" I hissed at her. "Gusto mo bang itapon ka palabas ng BHO CAMP ng kapatid ko?"

"At bakit ko siya itatapon sa labas?"

Nakangiwing nilingon ko ang nagsalita. "Err..."

"At mas nauna kang lumabas." sabi ni Freezale.

Pinaikot ko ang mga mata ko at pagkatapos ay tinuro ko si Athena, "Gusto niyang ayain makipagdate si Kuya King."

Walang emosyon na nilingon niya si Athena. "Sige. Pwede mong hiramin ang asawa ko. Ibalik mo lang bago magmadaling araw dahil nagigising ng mga ganoong oras ang mga anak namin at siya ang nagpapatulog. 'Wag mo ding ibabalik ng may damage dahil ayoko ng mastress. That man is such a baby when he's in pain."

"Lady naman!" reklamo ni King. "Pinamimigay mo na ko?"

"Hindi pa ako tapos." sabi ni Freezale na muling ibinalik ang atensyon kay Athena na parang walang pakielam sa mundo na nagbalat ng panibagong lollipop. "Bago mo mahiram ang asawa ko kailangan mo muna akong bigyan ng two hundred thousand na downpayment. Pagkatapos ng date niyo saka mo ibigay sa akin ang three hundred thousand. Isang gabi lang kaya mura lang di ba?"

"L-Lady binebenta mo na ko?" may pautal-utal pang tanong ni King na halata namang umaarte lang.

"Mahal na ang gatas ngayon. Mahal din ang tuition. We all make sacrifices." simpleng sagot ng kapatid ko.

"Pero-"

"Calm down Kuya King." sabi ni Athena na pinaikot pa ang mga mata. "Hindi ko type ang mga taken na. Pero kahit hindi ka taken hindi pa rin kita magiging type dahil baka maubos ang dugo ko sa'yo."

"Ahh." sabi ni Freezale na parang walang nangyari. "So anong kailangan mo?"

"Pahingi ako ng number ni Archer."

"Why?"

"Kailangan ko ng kadate."

"Ahh."

"Magbabayad ako." nakangiting sabi ni Athena. "O si kuya Adonis."

Kinuha ni Freezale ang cellphone niya. "Mayaman pala kaming mag-asawa kaya walang problema ang pangtuition. Sagutin mo na lang ang tanong ko."

"Okay."

"Bakit hindi si Stone ang isama mo?"

Napatingin kaming lahat kay Athena. Ibang klase din ang kapatid ko. Kung ako nga natatakot pang itanong iyon dahil baka bigla na lang mag walk out si Athena. O kaya batuhin kami ng lollipop...o baka biglang umiyak. Numero unong iyakin pa naman 'yan. Ako ang pangalawa siyempre.

"We're done." hindi naalis ang ngiti sa mga labi na sagot ni Athena.

"Done?" I asked, butting in.

"Yes. We both decided that it's not working out...so yeah, we're done."

"Ganon na lang?"

Nagkibit-balikat si Athena. "Not all break ups need to be ugly. Nasa tamang edad na kaming dalawa. Halos lumaki din ako na nandito siya. We don't need to ruin our friendship just because being together didn't work for us."

Pakiramdam ko tinamaan ako ng kung anong mabigat na bagay sa sinabi niya. Tahimik na tumango na lang ako.

"I sent you his number." sabi ni Freezale kay Athena.

"Thanks!"

"Hindi libre 'yan."

"Si Kuya Adonis na lang ang magbabayad-"

"Mayaman ako." sabi ulit ni Freezale. "10 hours at the control room."

Napangangang sinundan ng tingin ni Athena ang kapatid ko na hinila na ang asawa niya paalis. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin namin ay nilingon ako ni Athena, "Ang wais talaga ng lahi niyo."

Ngumuso ako. "Kayo din naman ah."

"Not really. More on maganda ang lahi namin. Tanong mo pa sa nanay ko."

"Maganda rin ang lahi namin."

"Okay. Pero yung sa'min ibang level. Mga ganto." Itinaas niya pa ang kamay niya na parang inaabot ang langit.

I rolled my eyes at her then stuck out my tongue. "Ewan."

"Anyways!" bulalas niya at binigyan ng makahulugan na tingin si Kuya Waine. "Aalis muna ako at tatawagan si Archer. Be good kids."

"Go away."

Humahalakhak na tumayo na siya sa sinabi ko bago naglakad na paalis. Nakita ko pang sumaludo siya sa gawi ni Stone na nakaupo pala di kalayuan sa may pintuan ng dining hall. Tinanguhan lang siya ng lalaki at binalik ang atensyon sa pagkain niya.

Napaangat ako ng tingin ng makita ko si Phoenix na uupo sana sa tabi ni Kuya Waine. Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil hindi siya tatabi sa akin nang biglang iangat ni Kuya Waine ang mga paa niya sa upuan. "Sorry. I need to stretched my legs."

Sandaling tinignan siya ni Phoenix bago walang imik na umupo sa tabi ko. Binigyan ko ng matalim na tingin si Kuya Waine na umangat lang ang sulok ng labi.

"Here."

Tinignan ko ang inabot ni Phoenix. "What is this?"

"Oatmeal cookie."

Kinuha ko iyon at walang imik na sinimulang kainin. I can't stop eating. Maybe those days of not eating are taking a toll on me. I want to believe that. I don't want to think about the other possibility.

"Are you still going tomorrow?"

Ang tinutukoy niya ay ang nakaschedule na pagpunta namin sa bilangguan na kinaroroonan ni Warner Claw. Hindi nililingon ang lalaki na tumango ako.

"You should be resting. Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya."

"Kaya ko."

"I just want you to be safe-"

"Kaya nga niya, bro." singit ni Kuya Waine. "Malaki na siya kaya na niya ang sarili niya. You don't need to baby her. Wala ka bang tiwala sa kaya niyang gawin?"

"I trust her with my life." Napatigil ako at nilingon ko si Phoenix na nagpatuloy sa pagsasalita. "I just don't trust people who's pushing her more than what she can do. Or physically can do at this moment."

"And?" Kuya Waine prompted.

"And those who think that she should change overnight." Phoenix said then looked at me. "When she can do it at her own phase."

"Ikaw ang nagtutulak sa kaniya na magtraining di ba?"

"Kuya Waine." nagbabanta ang tono na sabi ko.

Hindi ako pinansin ni Kuya Waine na tila ba sinasadiyang galitin si Phoenix. Pero nanatiling kalmado si Phoenix na sinalubong din ang tingin niya.

"Training is for her own good."

"I don't think so. Hindi ba't nagkasakit siya dahil sa'yo?"

"Walang may alam na may heartburn siya, Waine. And the training was not the only reason she had an attack."

"Still, one of the reason was the training."

"Then do you want me to leave her alone, especially with a mission looming close, without her having a proper training? Even those who train more than the normal can get hurt in a mission."

"Gusto mo siyang mag training at ngayon naman gusto mo siyang tumigil?"

Walang emosyon na tinignan siya ni Phoenix. "Since you're having trouble understanding, I'll explain it to you simply. She's more important than a mission."

Malakas na napabuntong-hininga ako ng mukhang wala pang balak si Kuya Waine na tigilan si Phoenix. Malakas na pinalo ko ang lamesa at sumigaw, "Enough!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at binigyan ko ng masamang tingin si Kuya Waine bago ako nagdadabog na umalis ng dining hall. Nang tuluyan akong makalabas ay marahas na nagpakawala ako ng hangin at sumandal ako sa pintuan na parang nahahapo.

"She's more important than a mission."

"Kailangan mo ng tumigil sa pagsasalita ng gano'n Phoenix." bulong ko sa hangin. "I don't think I can take more."

Ayoko siyang makita. Maisip ko pa lang ang mga araw na alam ko na makakasama ko siya ay nahihirapan na ko. Pero kasabay no'n alam kong mas mahirap kapag tuluyan ko na siyang hindi makasama.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itanggi sa sarili ko. Na mali ako. Nagkamali ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na pigilan ang sarili ko na pakawalan ang mga bagay na pilit na itinatago ko.



NAPAPITLAG ako mula sa pagkakatingin sa hawak ko nang marinig ko ang pagkatok mula sa pintuan ng banyo na kinaroroonan ko. Ibinaba ko ang hawak ko bago ko tinungo ang pintuan at binuksan iyon ng bahagya.

Nabungaran ko si Aiere na akmang kakatok ulit. "Paano ka nakapasok?"

"Binigay sa akin ng kapatid mo ang code. Pinapatawag ka na nila. You and the guys need to start preparing."

"Susunod na lang ako." Aalis na sana siya ng may kung anong rumehistro sa utak ko. "Aiere!"

Nilingon niya ako. "Yeah?"

"Si Phoenix lang ang kasama ko sa mission di ba?"

"At si Waine."

Napakunot-noo ako. "What? Why?"

"Hindi ko alam. Biglang nawalan ng gagawin ang isang iyon eh. Sasama daw siya sa inyo."

"Hindi siya pwedeng makita ni Warner."

"He's just your designated driver."

Great. Wala na namang gagawin si Kuya Waine kundi inisin si Phoenix. Akmang isasarado ko na ang pinto ng pigilan iyon ni Aiere. "Kailangan ka na talaga do'n, Snow."

"Fine, fine."

Lumabas na ako ng banyo at mabilis na isinarado ko iyon bago pa niya makita ang pregnancy test na nasa ibabaw ng counter sa loob ng banyo.

Nagtatakang tinaasan ako ng kilay ni Aiere na nagtataka sa inaakto ko bago siya nagkibit-balikat at nauna ng naglakad palabas ng kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinundan.

Nang makarating kami sa control room ay naabutan ko roon sina Phoenix na nakahanda na. Nilapitan ko si Freezale na naniningkit ang mga mata na inabot sa akin ang isang bulletproof vest.

Matamis na nginitian ko siya pero katulad ng inaasahan ay hindi iyon umepekto sa kapatid kong bato. Pinaikot ko ang mga mata ko at pumasok ako sa comfort room ng control room at sinuot ko ang vest sa ilalim ng damit ko. Habang ginagawa iyon ay nauulinigan ko pang nag-uusap ang mga agent sa labas tungkol sa nagkukulang na mga gamit.

Now that I think of it ngayon lang ulit nagkaroon na halos lahat kaming mga agent ay may mission.

Nang matapos sa ginagawa ay lumabas na ako at sinuot pa ang ibang mga pre-caution devices. Automatikong lumapit sa akin si Phoenix ng hawak ko na ang enhanced listening device. Hindi katulad ng mga plug listening device, ang isang ito ay kinakailangan ikabit sa parte ng tenga namin. Hindi din iyon makikita ng kahit na sino dahil sobrang liit niyon.

"Thanks." I murmured to him when he was done.

Saglit na kinausap muna kami ni Dawn at pinaalala ang mga dapat naming gawin bago niya kami hinayaang makaalis. Naging tahimik lang ang biyahe namin, kahit na si Kuya Waine na alam kong gustong-gustong inisin si Phoenix ay nanatiling tahimik. After all our mission is to see his brother.

Storm told us about Kuya Waine. How he and his mother saved my cousin. Dahil sa ginawa nila, napagbuntunan din sila ng kasamaan ni Wyatt Claw, Kuya Waine's brother with his father. Dahil sa nangyari ay pinatay ni Wyatt Claw ang nanay ni Kuya Waine. Hindi din nagpapahuli sa kasamaan si Warner.

I don't know what exactly made Waine different. Being like his brother would be the easy way. Pero hindi siya gano'n pati na ang nanay niya. Maybe because Waine have something to fight for. His woman...and especially his child.

"We're here."

Tumingin ako sa labas ng bintana dahil sa sinabi ni Kuya Waine. Hindi ko napansin na nakarating na pala kami.

Outside is a big police station. Sa unang tingin pa lang alam ng mas pinag gastusan ang lugar na ito kesa sa iba pang stasyon ng mga pulis. Karamihan kasi ng mga nasa bbillanguan na ito ay mayayaman at mga taong kilala sa mga mabibigat na krimen na nagawa.

Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Ganoon din si Phoenix at sa pagkagulat ko ay bumaba din si Kuya Waine. "Kuya Waine-"

"Hindi ako magpapakita kay Warner."

Napailing na lang ako at naglakad papasok. Sa loob ay may ilang mga pulis na napatingin sa amin. Sinalubong ko ang tingin ng isa at nakita kong bumakas ang pagkagulat sa mga mata niya ng may itinaas ako na emblem. I guess it's not just for being surprised that they are seeing people from our organization but also for seeing a woman like me being a part of this.

Lumapit ako sa pulis na nasa pinakagitna at siyang may pinakamataas na lamesa sa lahat. I smiled at him sweetly. "Hello."

"We need to have Warner Claw's cell number." diretsang sabi ni Kuya Waine.

"Pasasamahan ko na lang kayo."

"Cell number." Kuya Waine repeated.

"We have a protocol to follow, Sir."

"Cell-"

Hinuli ko ang tingin ng pulis at nginitian ko siya. "Can we please have the cell number?"

"M-Miss kailangan ko kasi kayong pasamahan talaga."

I cocked my head to the sides. "We need to be alone with Claw."

"The protocol-"

Inilahad ko ang isang kamay ko sa harapan niya at nakangiting tinignan ko lang siya. Ilang sandaling nakatingin lang sa akin ang pulis bago parang wala sa sarili na kumuha ng papel at may isinulat doon. Binigay niya iyon sa akin na lalong nagpalawak sa ngiti ko. "Thanks!"

Nauna na akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga selda. Naramdaman kong nakasunod sa akin sila Phoenix.

"Wala ka man lang sasabihin?" Nilingon ko ng bahagya si Kuya Waine at nakita kong nakatingin siya kay Phoenix na tahimik lang na nakasunod sa akin.

"Wala." sagot ni Phoenix,

"Ganiyan ka ba lagi? Tipid magsalita?"

"Oo."

"Bakit kapag si Snow ang kausap mo ang dami mong nasasabi?" tanong ulit ni Kuya Waine.

"Si Snow ka ba?"

"Stop."

Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Freezale mula sa listening device. Her voice sounded alarmed. Akmang bubuka ang labi ko para tanungin siya ng mapahinto ako nang may mamataan ako. Naramdaman ko pang bumangga ang likod ko kay Phoenix at Kuya Waine na nasa likuran ko. Sa dulo ng tinatahak namin na pasilyo ay may mga kalalakihan na binubuksan ang isang selda. Sa likuran nila ay may maliit na butas ang isang pader.

"Guys."

"Anong problema?" tanong ni Phoenix.

My eyes widened when one of the men looked at our direction. I can feel Kuya Waine and Phoenix tensing behind me when they finally saw what's happening.

"Duck!" I shouted.

It was mayhem. Sunod-sunod na putok ng baril ang pumainlang sa paligid. Mabilis na nagtago ako sa isang gilid at ganoon din sila Phoenix.

"They're trying to break him out!" Waine said angrily. "There's no way they could even get close to this place without getting detected!"

"A mole." I said as if it's enough of an explanation.

Sunod-sunod na putok ulit ang narinig namin. Bago pa ako makakilos ay mabilis na lumabas ang dalawang lalaki ko na kasama mula sa pinagtataguan namin. Ilang mga pulis na din ang nagsilabasan at tinungo ang kinaroronan ng mga lalaking nagpaputok.

They were wearing vests. But one by one they went down.

"Abort mission. Now!" Freezale shouted from the listening device. Armor piercing bullet. It won't penetrate BHO CAMP's bulletproof vests because ours were upgraded...but theirs...

"Get her out of here, Waine!" Phoenix shouted.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at kasabay niyon ay hinugot ko ang baril mula sa holster ko. Nagpaputok ako sa kinaroroonan ng mga lalaking itinatakas si Warner Claw at kung gaano iyon kabilis nakahanap ng tatamaan ay ganoon din akong kabilis na nagtago sa kabilang pader.

Hindi tumitigil sa pagpapaputok ang mga lalaki. Anyone can be hit with the bullets. They were standing there as if they don't care if we manage to kill anyone of them.

"Waine, get her out of here! Go to the car and try to follow them, they're not here to fight. They are here for Claw! Go! I'll cover you!"

I don't think Waine can hear us anymore. Galit ang nakarehistro sa mukha niya. Imbis sundin si Phoenix ay muli siyang lumabas sa pinagtataguan niya at nagpaputok sa mga ito.

Phoenix is holding a Scatter. A gun than can shoot multiple bullets. He can cover for Waine and me and we'll get out easily. On the other hand, Waine is using his own gun. He can't cover for Phoenix and me at the same time if Phoenix stop shooting to get me out.

"I'm going out!" I shouted and went out of hiding.

Mabilis akong kumilos palabas at tumakbo ako sa pinanggalingan namin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nagkalat ang mga sugatan na pulis. We're surrounded.

Tahimik ang mga hakbang na naglakad ako palabas, sa harapan ko ay hawak ko sa dalawang kamay ang isang baril. Tuloy-tuloy ako hanggang sa makarating ako sa labas ng police station. I don't know how, I don't know why...but I heard wind rushing towards me, I can hear it faintly...like a pulse, and I immediately dropped my body to the ground, rolled over then shoot.

I heard a loud thud before I saw a man went down. His chest stained with red. I looked at my left and raised my gun when I saw a man running towards me. Without looking at my back I know that someone's moving behind me. I will hit one and get hit by one. Great. I pulled the trigger and the man went down at the same time someone collided with me and another gunshot were fired.

"Get in."

Mabilis akong pumasok sa passenger side ng sasakyan ng marinig ko ang boses ni Phoenix. Umikot siya sa papunta sa kabilang panig ng sasakyan at sumakay. Ilang sandali lang ay lumabas din si Kuya Waine mula sa presinto na madilim ang mukha at pumasok sa backseat ng kotse.

"Nix nix..."

Pinaandar niya ang sasakyan at pinasibad iyon. Bumaba ang mga mata ko sa kinauupuan niya at namutla ako ng makita ko ang dugo na tumutulo roon na nagmumula sa tama ng bala sa likod niya.

"P-Phoenix..."

"Are you hurt?" he asked instead.

"No."

"We need to take you the hospital-"

"No." matigas na sabi ni Kuya Waine. "Kailangan nating sundan ang kumuha sa kapatid ko. Hindi sila pwedeng makatakas."

"Aiere and Fiere are on it." Freezale said at the other line of the listening device.

"No." Waine growled.

Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa dugong umaagos pa rin mula kay Phoenix. "Stop the car!"

Kaagad itinigil ni Phoenix ang sasakyan. Pabalabag na binuksan ko ang pinto at pagkatapos ay binuksan ko ang sa backseat. Hinila ko mula doon si Kuya Waine, "Snow, what the fuck?!"

"Gusto mo silang sundan di ba? Then go!"

"Snow-"

"Unlike you we're not suicidal. We do what we can to finish a mission but we don't treat our co-agents like they're robots. Hindi kami katulad mo o ng mga kapatid mo!"

Isinarado ko ang pintuan at tinungo ko ang driver side at binuksan ko ang pinto. "I'll drive."

"Snow, tama si Waine. We can't let them-"

"Narinig mo si Freezale, sila Aiere at Fiere na ang bahala. Now, scoot over."

Bumuntong-hininga siya at kumilos para umupo sa kailang upuan. Pumasok ako sa sasakyan at hindi nililingon si Kuya Waine na pinasibad ko iyon paalis. I hate driving. Lagi akong nawawala sa pokus at kadalasan naibabangga ko lang ang sasakyan. But Phoenix need to be treated right now. I won't messed up.

"How can they even pierced your vest?" I murmured.

"I'm not wearing the upgraded vest."

"Bakit? Marami tayong upgraded for pete's sake!"

"But it's not unlimited. Halos lahat ng mga agent may mission. Hindi naman pwedeng CBS ang suotin ko."

"You gave yours to Kuya Waine." I said as a statement.

"No. I gave mine to you."

Natahimik ako sa sinabi niya. Pilit na nagpokus ako sa pagmamaneho sa kabila ng kung anong kumikirot sa dibdib ko.

"You're hurt." Phoenix murmured.

"What?"

Naramdaman kong umangat ang kamay niya at dumapi iyon sa braso ko. Mabilis na tinapunan ko ng tingin iyon at nakita kong may galos iyon at dumudugo.

"That needs to be treated before it leaves a scar."

Mahigpit na napakapit ako sa manibela. No one but Phoenix can think about a small wound when he's the one who got a bullet injury.

She's more important than a mission.

Walang dumaan na araw na hindi ako iniintindi ni Phoenix. I can even remember faintly a memory of him trying to bail me out when our family got attacked at a beach when we were children. Even though Phoenix was just a child back then, without even fearing his safety, he got me out.

Dahil para sa kaniya ang mahalaga maging ligtas lang ako.

And now I don't know how...I don't know if I can't fight it anymore. I don't know how much longer I can hide. I guess there's no way I can stop myself from loving him more.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top