CHAPTER 1 ~ Distance ~
CHAPTER 1
WARREN'S POV
Tahimik na pinagmamasdan ko ang anak ko na si Dawniella habang nakatutok ang atensyon niya sa laptop sa kaniyang harapan. Hindi ko kinakailangan na lingungin ang asawa ko para malaman na nasa anak din namin ang atensyon niya.
Ilang buwan na ang nakalipas mula ng mangyari ang mission tungkol sa Claw. Ilang buwan na rin mula ng malagay sa alanganin ang buhay ni Dawn ng ipinanganak niya si baby Vodka. Marahil sa pinagsama-samang pagod at pag-alala ay hindi na kinaya ng katawan niya.
Kaya ngayon pilit namin siyang binabantayan. Mabuti na rin na nandito ako dahil iyon ang bilin ng ama ko na si Poseidon Davids. Kailangan ng gabay ng Third Generation. Mananatili rin ang iba pang mga Second Generation Elite Agents na nasa malapit hanggang hindi pa namin natitiyak ang kaligtasan ng buong organisasyon.
Inalis ko ang tingin ko kay Dawn ng pumainlang ang tunog sa paligid na naghuhudyat na may tao sa labas at nais pumasok. May pinindot si Dawn at ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Triton kasama ang dalawang pamilyar na lalaki. Sa pagkakatanda ko ay sila ang mga kaibigan ng pamangkin ko na si Storm.
"Sweetheart. Nandito na si Arman Vince at si Waine." pag-aanunsiyo ni Triton.
"Dude. You're so not cool ha? I'm Chum."
Natatawang umiling ang lalaki bago inulit ang sinabi, "Sweetheart, nandito na si Chum at si Waine."
"I heard you, monster." Dawn said as she motioned the men to sit. "Mabuti naman at nakarating kayo."
Lihim akong napangiti sa tinawag ni Dawn sa asawa niyang si Triton. Kahit kailan talaga hindi nawala ang kasungitan at katabilan ng dila ng prinsesa ko. Kung sabagay wala namang pagmamanahan ng kamalditahan iyan kundi ang aking asawa.
Tuluyan na akong napangiti ng makita kong nakatingin sa akin si Sophie at biglang ngumuso na para bang nababasa niya ang iniisip ko.
"Huhulaan ko." sabi ni Chum na siyang nakaagaw ng pansin ko. "Aalukin niyo ako na magtrabaho para sa inyo?"
"Ganoon na nga iho." singit ko sa usapan nila.
Napatingin sa akin ang lalaki na napakamot sa ulo. "Sir, pasensya na po kayo ha? Alam ko na malaki magpasweldo si Storm pero masaya naman na ako sa tahimik ko na buhay. Kung kakailanganin ako ni Storm, tutulong ako. Pero bilang permanente na trabaho? Hindi na lang ho siguro."
"Gaano kalaki ang ibinayad sa iyo ni Storm?" tanong ni Dawn.
Naglakbay sa amin ang mga mata ng lalaki pero nanatili lang kamig nakatingin sa kaniya at nag-iinatay. Pagkaraan ay muli siyang nagsalita, "A million."
"If you work for us you'll get six of that as a minimum."
Ngumiti ang binata at umiling. "Kung kailangan ako ni Storm handa ako na tumulong. Pero hindi pa rin ako magtatrabaho ng permanente para sa inyo."
"Kailangan ka ni Storm."
Napatingin sa akin ang binata ng muli akong magsalita. Kaagad bumadha sa mukha niya ang pag-aalala, "Ano hong ibig niyong sabihin? Nasa panganib na naman ba si Bagyo?"
"Possibly." itinuro ko ang katabi niya na si Waine na tahimik lang. "Alam niya kung ano ang tinutukoy ko."
Tumingin si Chum kay Waine. "Bro."
Saglit na dumako ang tingin sa akin ni Waine bago siya tumingin sa kasama. "Alam ni Storm kung bakit gusto kong makaharap ang kapatid ko na si Wyatt Claw. Alam ko na alam ni Storm na may kailangan ako sa kaniya. It was almost impossible. Lahat gustong patayin si Wyatt at hindi ko sila masisisi. Wyatt killed, tortured and played with a lot of people. He even killed our own mother. Nakakulong na si Warner, ang isa pa naming kapatid, pero si Wyatt ang kinakailangan ko na makaharap. Siya ang daan para matagpuan ko na ang taopng matagal ko ng hinahanap."
"Sino?"
"My girlfriend and the mother of my son."
Nanglaki ang mga mata ni Chum ngunit nagpatuloy lang si Waine. "Mag lilimang taon na mula ng huli ko silang makita ng anak namin. Siya ang ginagamit ni Wyatt na pain para mapasunod ako sa gusto niya. But my mother wanted out and I can't let her go alone." mapait na ngumiti si Waine. "Binigo ko ang mag-ina ko at binigo ko din ang sarili kong ina. My mother was dead and I don't even know if my woman is alive. Now there's two possibility. Patay na ang mag-ina ko at ganoon din si Wyatt dahilan para maging ligtas si Storm at ang mga taong nais pa niyang guluhin. O buhay ang mag ina ko pero ganoon din si Wyatt."
"Hindi ko maintindihan." bulong ni Chum.
"Kung totoong patay na si Wyatt, bakit wala pa ring balita sa mag-ina ko? Maliban na lang kung tinatago sila. At alam natin na iisang tao lang ang maaaring gumawa niyon."
"Sorry bro sa sasabihin ko. Pero hindi mo ba naisip na baka matagal na silang wala?"
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kinuha ko ang iniaabot ni Dawn na nakalagay sa isang plastic pouch. Iniabot ko iyon kay Chum na kaagad namang tinignan iyon. Marahas na napaangat ito ng ulo nang rumehistro sa kaniya iyon at napatingin kay Waine.
"That's my girlfriend's penmanship Chum."
Tumayo si Chum at nagpalakad-lakad. Pamilyar ang kilos niya. Ganiyan din si Rain, ang pinsan ko, kapag nag-iisip. Hindi maitatangging hindi pangkaraniwan ang talino ni Chum. Hindi na ako nagtataka kung bakit tiwala si Storm sa kaniya.
"Storm said Wyatt Claw died. Nasa inyo ang katawan ni Wyatt Claw bilang patunay niyon. Sigurado naman na gumawa na rin kayo ng DNA test." sabi ng lalaki.
"Yes." Dawn answered. "But Chum, Storm's dead body was like that too. Sinuri namin iyon at tumugma sa DNA ni Storm. But now we all know she's alive. Paano tayo nakakasigurong hindi pekeng Wyatt Claw ang nakaharap nila Storm. Si Storm na mismo ang nagsabi, may kakaiba daw sa Wyatt Claw na nakaharap nila nang magkaharap-harap sila noon." Kuya Hermes almost died at that time. It was one of the hardest mission of BHO CAMP. There's a lot at stake. Katahimikan at kalayaan ng lahat. Lalong lalo na ni Storm. But now it's like we're being rattled again by the past that won't just lay to rest.
"Changing a corpse's DNA? Possible. Pero ang baguhin ang DNA ng buhay na tao? Hindi ko alam."
"May imposible pa ba ngayon? You know better Chum." ipinakita ni Dawn ang isa pa na platic pouch. "This is a mic and a listening device. Natagpuan namin ito sa bangkay ni Wyatt Claw."
Nagkibit balikat si Chum. "Maaaring may kausap siya sa isa sa mga kasangga niya."
"Wala ng natitirang miyembro si Wyatt. Ang mga taong binentahan ni Wyatt Claw ng software na siyang nagdedetect sa mga devices ng BHO CAMP ay matagal ng pinutol ang kaugnayan sa Claw sa takot na madamay sa pagbagsak niya. Maaaring ang listening device at mic na ito ay nakakonekta sa totoong Wyatt Claw para sabihin kaila Storm ang nais niyang sabihin na hindi kinakailangan na siya mismo ang nakaharap sa kanila."
Bakas sa mukha ni Chum ang pagkalito. Tumingin ang lalaki sa sulat na ipinadala kay Waine at nakita ko ang pagbakas ng pag-aalala sa mga mata niya.
"Save our son."
That letter held three words. Three words that tells us that Waine's woman might be alive. That she's possibly hiding from someone.
And that someone can be Wyatt Claw.
SNOW'S POV
"Ano 'yon? Bakit may umuungol?"
Nanlalaki ang mga mata napatingin sa akin sila Fiere, Chlymate, at ang kapatid ko na si Thunder. Mga agent din sila sa organisasyon na kinabibilangan ko. Bukod sa kanila ay kasama rin nila si Archer na isa sa kasamahan ng kapatid ko sa banda nila.
Mabilis na isinarado ni kuya Thunder ang laptop niya at nginitian ako. "H-Ha? Ano...nanonood kami ng Zombie movie."
"Hala! Talaga? Panood ako!"
Sunod-sunod silang umubo na parang nabubulunan sila at pagkatapos ay magkakasunod din silang umiling. Para silang mga puppies sa dashboard ng kotse ni Papa. Mga handsome puppies nga lang sila at hindi cute. Lalo na ang kuya Thunder ko syempre!
"Hindi pwede! K-Kasi baka hindi ka makatulog. Di ba matatakutin ka sa multo? Kaya nga noong nanood tayo dati ng horror movie ni Freezale tumabi ka pa sa akin tas nagpabasa ng bed time story."
Pinigilan kong mapangiti sa sinabi niya. Sa totoo niyan kasi hindi naman talaga ako natakot noong mga panahon na iyon. Hindi naman talaga ako takot sa mga multo o horror movies. Nakakatuwa lang kasing pakinggan si kuya habang nagkakanda ngiwi siya sa pagbasa ng mga paborito ko na bed time story. Kung alam lang ng fans niya na ang isang rockstar na si Thunder Night ay may kasama pang aksyon ang pagbasa sa isang kwentong pambata baka pikutin na siya ng mga iyon.
Kaya nga hindi alam ni kuya na navideohan ko siya noon habang binabasahan niya ako. Para may pangblack mail ako sa kaniya kung sakali.
Hindi naman kasi ako kasing bait gaya ng inaakala ng lahat. Sa laki ng pamilya namin kailangan may alas ka din laban sa kanila o magiging kawawa ka. Iyon ang sabi din sa akin noon ni Sky at Storm, mga pinsan ko. Dalawa kasi ang lalaki nila na kapatid kaya talagang riot sa bahay nila.
Pero aminado naman ako na marami akong bagay na hindi maintindihan. Iniiwasan kasi nila Momma Wynter at Papa Rain na maexpose kaming magkakapatid sa mga hindi magagandang bagay. Ang kaso makulit si Freezale at si kuya Thunder. Ako, sumusunod ako kaila Momma at Papa kasi tinataasan nila ang allowance ko noon.
Ang mga kamag-anak at kaibigan naman namin ganoon din ang ginagawa. Lagi nilang itinatago sa akin ang mga kung ano-ano. Kahit hindi naman nila sabihin nararamdaman ko. Hindi din sila nagmumura sa harapan ko kasi sinisingil sila ni kuya Thunder ng limam-piso kapag nagmumura sila noong mga bata pa lang kami. Nakasanayan na tuloy hanggang sa lumaki na kami.
At higit sa lahat kahit anong gustuhin ko binibigay nila. Kahit nga tinatamad ako na magtraining o ayokong magtrabaho pinapayagan nila ako. Kahit ni Dawn, ang head ng BHO division. Kya okay lang sa akin na kahit mga lumaki na kami ay super baby pa rin ang turing nila sa akin. As long as it working on my favor, I don't really mind. Kaya kahit naiintindihan ko ang iba nilang pinag-uusapan nagkukunwari na lang ako na wala akong alam. Mas madali kasi iyon kesa itrato nila ako bilang matanda. Masyadong complicated. Isa pa sanay naman na akong umakto na parang inosenteng bata.
Okay lang sakin kasi kasama ko naman si Phoenix. Naiintindihan niya ako. Naiintindihan niya kung kailan nagkukunwari lang ako at kung kailan totoong hindi ko alam ang mga bagay-bagay. Pakiramdam ko nga kakambal ko siya eh. Para kasing alam niya lahat-lahat sa akin.
Hindi ko na kailangan ng maraming salita. Hindi ko na kailangan ipaliwanag na alam ko ang ganito o ganiyan o hindi ko alam talaga. Kasi pagdating sa kaniya parang natural niyang nalalaman kung ano ang totoo kong nararamdaman.
Kaya nahihirapan ako na magtago ng kahit na ano sa kaniya. He can even tell if I'm lying. Pero nitong mga nakaraang buwan nagiging madali na sa akin ang magsinungaling sa kaniya. Hindi niya na ako nababasa katulad ng dati. Hindi niya na ako nakikita sa paraan katulad ng dati. Hindi na niya ako naririnig.
Before it was like I'm an undiscovered singer in a room with empty chairs except for one because he's there listening. And now I'm singing in front of a crowd and he can't hear me and he's not trying to because he already moved on to a different artist.
"Earth to Snow!" Napakurap ako at tumingin sa kapatid ko na magkasalubong na ang mga kilay habang nakatingin sa akin. "Ano bang nangyayari sa iyo at lagi kang tulala?"
"Nagugutom ako." mabilis na sagot ko at tinuro ko ang hindi pa bukas na pack ng chips na hawak ni kuya Archer. "Pahingi."
"Ayoko-" napaigik siya ng sikuhin siya ni kuya. "Sige, sa'yo na lang."
Kinuha ko sa kaniya ang chips at matamis na nginitian ko siya. "Thank you Kuya Archer! Ang bait mo talaga!"
"Welcome." he said gruffly.
"Gust mo ng mango juice, sis? Mayroon silang stock." alok ni kuya Thunder at tinuro ang pintuan papunta sa kusina ng Craige's, ang restaurant na pag-aari ni Craige Lawrence, ang dating head ng The Camp.
"Next time na lang kuya. Sawa na ako eh."
Laglag ang panga na tinignan ako ni kuya at ng mga kasama niya. Hindi nila ako nilubayan ng tingin kahit pa tumalikod na ako at naglakad paalis. Nang makalabas ako sa establishimento ay unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Sa mga pagkakataong ito, gusto ko talagang hilingin na sana maging si Freezale na lang ako, ang isa ko pang kapatid. Dahil hindi ko kinakailangan na magpanggap na masaya. Si Freezale kasi iyong klase ng tao na laging nakatago sa loob ang nararamdaman.
Bumuntong-hininga ako at walang salitang humiga ako sa ilalim ng malaking puno na namataan ko. Tahimik na tumingila ako sa langit na bahagyang natatabingan ng mga dahon ng puno.
Kung mahuhulog kaya ang malaking sanga ng puno na ito sa akin, magigising kaya ako na hindi totoo ang lahat? Na baka isa lang panaginip ang mga nangyayari?
"Stop it Snow." I whispered to myself. "You shouldn't feel this way. He's your best friend. Dapat masaya ka na ngayon masaya na siya dahil nahanap na niya ang babae na para sa kaniya. Ano bang problema mo ha?"
Selfish lang talaga ako. Gusto ko na sa akin ang atensyon ng lahat. Ayoko na naiiwan ako. Ayoko na nakakalimutan ako.
Bata pa lang kami ni Phoenix nasa tabi ko na siya. Mas lagi ko pa siyang nakakasama kesa sa mga sarili kong kapatid. Natural lang na malungkot ako na ikakasal na siya. Ganoon naman talaga iyon di ba?
Mira Oriental, his fiancee, is a good woman. Lagi siyang nandiyan para kay Phoenix, hindi din siya nakikielam tungkol sa trabaho namin at maganda din ang trato niya sa akin. Para nga akong nagkaroon pa ng isa pang kaibigan ng dumating siya sa buhay ni Phoenix.
Kaya hindi dapat ako malungkot. Kasi bagay sila. Perfect match sila.
"Snow?"
Napakurap ako ng tumakip sa langit na tulala kong tinitignan ang mukha ng isa sa mga taong iniisip ko. Mukhang kanina pa pala niya tinatawag ang atensyon ko.
Umupo ako at pilit na ngumiti. "Ikaw pala, Mira. Kanina ka pa ba diyan?"
Umupo siya sa tabi ko at sumandal sa puno. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ata ako naririnig."
"Inaantok na kasi ako eh. Ang dami ko kasing nakain kanina."
Kumunot ang noo ng babae. "Pero sabi ni Freezale hindi ka pa daw kumakain mula kagabi. Kaya nga pinapahanap ka niya sa amin ni Phoenix."
Sa amin ni Phoenix.
"Snow, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at inilagay ang kamay niya sa noo ko. "Wala ka namang lagnat."
"O-Okay lang ako. At saka kumain na ko. Nag ma-mother mode lang si Ate Freezale pero kumain na naman talaga ako. May pagkain sa kwarto ko."
"Pumunta kami doon ni Phoenix kanina. Wala ka ng stock, Snow."
"Kasi naubos ko na nga." nakangiting sabi ko. "Kumain na ako promise. Eto nga oh, may snack pa ako. Bigay ni kuya Archer."
Ilang sandali na mataman niya lang ako na tinitigan bago sumusukong tumango siya. "Basta kapag may gusto ka sabihin mo lang sa akin, ibibigay ko."
"Kahit na ano?" tanong ko sa kaniya bago ko pa mapigilan ang sarili ko.
Ngumiti ang babae at tumango. "Oo naman."
Ang bestfriend ko kaya mo bang ibigay sa akin? Mariing kinagat ko ang dila ko para mapigilan ang sarili ko na sabihin ang mga salitang iyon. Dahil hindi dapat. Hindi tama.
"Okay lang talaga ako. Dapat maging okay na ako." sabi ko sa kaniya.
"Dapat?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko pero kaagad na binawi ko iyon at pilit kong kinalma ang sarili ko bago ngumiti ng matamis. "Ang dami ko ng nakain eh. Baka hindi na ako magkasya sa gown ko sa kasal ninyo ni Nix Nix."
Mahinang tumawa siya. "Ikaw talaga."
Sabay na nag-angat kami ng tingin ng maramdaman namin ang paglapit ng kung sino. Automatiko na napangiti ako ng makita ko si Phoenix na naglalakad palapit sa amin. Pero unti-unting nawala ang ngiti ko ng makita ko na lumipat ang mga mata niya sa direksyon ni Mira.
"Bakit hindi mo ako tinawagan na nahanap mo na si Snow?"
Seryoso ang mukha at ang boses ng binata pero ngumiti lang si Mira at tumawa. "Sorry nakalimutan ko. Nagkukuwentuhan pa kasi kami eh."
Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki bago siya napailing. Tumingin siya sa akin at inilahad ang kamay niya. "May binili akong pagkain. Kumain ka na."
Imbis na abutin ang kamay niya ay nakangising inilagay ko sa kamay niya ang pack ng chips na hawak ko at kusa na akong tumayo. "Sasabog na ako kapag pinakain mo pa ako. Ang dami ko na kayang nakain."
"Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Freezale."
"Maniwala ka do'n. Sakin ka maniwala Nix Nix, super busog na ako. Promise, peksman, mamatay man si Prince Albert."
Nagkatinginan si Phoenix at Mira dahilan para maramdaman ko na naman ang nagiging pamilyar na na pagpiga sa dibdib ko. Nanatiling nakapaskil sa mga labi ko ang ngiti hanggang sa muling tumingin sa akin si Phoenix.
"Prince Albert?"
"Yup. Siya 'yung dahilan kaya laging sumisigaw ang mga nagiging girlfriend ni Kuya Thunder. Narinig ko na pinag-uusapan nila Kuya King at KuyaArcher eh. Baka baklang stalker ni kuya Thunder na nagiging dahilan ba't may kaaway iyong mga nagiging girlfriend niya.
"Err...Snow..."nag-aalangang sabi ni Mira.
"What?" takang tanong ko.
Nang hindi siya kaagad nakasagot ay napanganga ako sa pagkabigla. Pamilyar kasi ang ekspresyon niya sa mga taong nakakaharap ko kapag may kakaiba na naman akong nasabi. Seriously? May iba na namang meaning iyon? Hindi ko na talaga maintindihan ang mundo. Ang daming mga pauso.
Sabagay. Sarili ko nga mahirap intindihin ang mundo pa kaya.
"Nevermind." tumayo si Mira at ikinawit ang braso niya sa braso ko. "Manood na lang tayo ng movie sa kwarto namin, gusto mo?"
Kwarto namin. Nararamdaman kong mas lalong humihigpit ang kung anong nakapulupot sa puso ko dahil sa narinig. Nilingon ko si Phoenix ng makita kong nakatingin siya sa akin at mabilis na ibinalik ko ang ngiti sa mga labi ko. "Sure!"
Naglakad na kami papuntasa headquarters. Nakakapasok na din doon si Mira dahil matagal ng naipaalam sa kaniya ni Phoenix ang tungkol sa totoo naming trabaho. Hindi naman kasi maaaring itago iyon ni Phoenix ng matagal.
Ayon sa kuwento ni Phoenix, nakilala niya raw si Mira nang ibigay sa kaniya ni Dawn ang mission na bantayan si Storm noong mga panahon na nagpapanggap pa bilang Serenity ang babae. Malapit sa tinutuluyan ni Phoenix ang inuupahan na apartment ni Mira kaya nagkakilala sila. The rest was history.
Ang sabi ni Phoenix may kung ano daw kay Mira na humahatak sa kaniya para kilalanin ang babae. She's vulnerable, funny, a klutz, intelligent, innocent and there's just something about her that makes him want to protect her.
Impit na napatili ako nang may naapakan ako na kung ano dahilan para matapilok ako. Dahil nakahawak sa akin si Mira ay muntikan ko na siyang matangay kung hindi lang siya kaagad nahawakan ni Phoenix.
Pumikit ako at inintay ko na ang paglagapak ko sa sahig. Pero imbis na matigas na sahig ay naramdaman ko na may pumalibot sa bewang ko. Nagmulat ako ng mga mata at mukha ng isa sa mga junior agent ang nakita ko. "Brennan?"
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." bruskong sabi niya bago ako binitawan.
Isa siya sa mga trainee ng BHO CAMP na ngayon nga ay naging junior member na. Wala din siyang takot sa mga Elites. O sa akin lang talaga. Ganiyan talaga ang ugali niya pero mabait naman siya. Medyo intense nga lang. Hindi naman siya masyadong "intense" dati. Para pa nga siyang sila Kuya Archer. Happy happy lang. Nabroken hearted ata kaya biglang naging seryoso. Nawawala na lang ngayon ang kasupladuhan niya kapag nakakainom.
"Bren, hindi niya sinasadiya." seryosong sabi ni Phoenix sa lalaki.
"Wala naman akong sinabing sinadiya niya. I just pointed out the fact. Hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya kaya siya nakaaksidente."
Okay? Talagang wala siyang takot sa Elites. Lalo na kapag alam niyang tama siya. Bihira kasi ang mga agent na hayagang umaakto ng ganito sa amin. Pero okay nga rin na may taong katulad ni Brennan. Ano pang naging agent sila kung sa amin pa lang ay mangingilag na sila?
"Don't be a jerk."
Walang emosyon na sinalubong niya ang tingin ni Phoenix. "I'm just being real. Hindi ko nga lang alam kung alam mo ang ibig sabihin no'n." makahulugan na sabi niya bago lumingon sa akin. "Mag-ingat ka na sa susunod."
"Okay." mabilis na sagot ko para hindi na humaba ang pagtatalo nila.
Nilagpasan niya na ako ngunit nanatiling magkahugpong ang mga mata namin na para bang may kung ano siyang sinasabi sa akin na hindi ko magawang maintindihan. Nang magbawi ako ng tingin ay dumako ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Phoenix na nakaalalay pa rin kay Mira.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na humawak sa kamay si Brennan at pinipigilang siyang umalis.
"What?" he asked with a deadly tone.
"Uy!" masiglang sabi ko. "Muntik ko ng makalimutan! Sabi mo samahan kitang bumili ng gold fish kasi namatay iyong alaga mo!"
"What the fuck-"
Pasimpleng kinurot ko siya bago matamis ang ngiti na nilingon ko sila Phoenix. "Rain check? Saka na lang tayo manood, Mira. Ilang beses na kasi akong inaaya nitong kaibigan ko na si Brennan pero lagi kong nakakalimutan. Baka magpatiwakal na 'to sa sobrang lungkot niya sa pagkamatay ni...amm...scruffy!" Naguguluhang tinignan ako ng dalawa pero nanatiling nakangiti lang ako. "Iyong alaga niyang goldfish na namatay!"
Nilingon ko si Brennan na nakangangang nakatingin sa akin. Tinanggal ko ang ngiti ko at umarte na nalulungkot. "Condolence ha. Ang mahalaga makakamove on ka na kasi bibili na tayo ng bago."
"Snow-"
Pinutol ko ang sasabihin ni Phoenix at kumaway kahit na magkaharap lang naman kami. "See you laters! Bye!" hinila ko na si Brennan. "Let's go Brennan! Vamonos!"
Lame, Snow. Lame.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top