CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 8
STORM'S POV
"Fifty four...fifty five...fifty...six." hinihingal na ako pero hindi ko tinigilan ang ginagawa ko na pagpush up. Nasa likurang bahagi ako ng bahay at hindi ko iniinda ang papasikat na na araw. Mabuti na iyong ma-tan ako ng kaunti hindi iyong putlang putla ang kulay ko. Iyon nga lang may invisible shield ata ang balat ko dahil kahit anong gawin ko ay ganoon pa rin ang kulay ko.
"Pipte siven, pipte it! Ma'am tama na eyan. Pomapayat na aku sa kakaiksersays mo eh."
Sandaling huminto ako sa ginagawa at hinayaan ko na nakalapat ang katawan ko sa damuhan bago ko nilingon si Inday na may hawak na malamig na tubig at payong. "Inday, lubayan mo ako kapag ganitong nagko-concentrate ako. At alisin mo iyang payong, kailangan kong ma-tan."
"Tan tan tan...TATANda aku sa iyu Ma'am! Etung tubeg lang ang sa iyu Ma'am, akin itung payung at ayukung masera ang sken ko."
Napapailing na pinagpatuloy ko na lang ang pageehersisyo at hindi na pinansin ang kasambahay. Kahit tagaktak ang pawis ay nanatiling nakatutok ang utak ko sa pagbibilang.
"Ma'am baka gustu niyung tanggalen iyang balabal ninyu? Baka mahetstruk ka niyan."
Sixty two...sixty three...sixty four...sixty five...
"Nag-eesang anak ka pa naman. Baka magonaw ang mundu nila Sinyura kapag begla ka na lang inataki diyan, Ma'am."
Sixty six...sixty seven...sixty eight...sixty nine...
"Wala ka pa den na asawa. Kong aku sayu Ma'am bagu ka pakamatay sa iksersays, legawan mu muna si Ser Hirmis."
Napasigaw ako nang bigla na lang akong mawalan ng balanse dahilan para tumama ang mukha ko sa damuhan. Mabilis na umupo ako at tinignan ko ng masama si Inday na nakangiwing naka-peace sign sa akin.
"Sarreh na Ma'am, Sarreh."
"Inday, kapag hindi mo talaga ako tinigilan, hihilahin ko iyang dila mo ng makapagsalita ka ng salita ng tao at hindi alien language." banta ko sa kaniya at tumayo na mula sa damuhan.
"Grabi ka naman, Ma'am. Hendi naman aku elyin, besaya lang Ma'am na maganda."
Napahilot ako sa sentido ko. Kahit kailan talaga sakit ng ulo itong si Inday. Araw-araw na lang ata ay wala siyang ginawa kundi kulitin ako. Kung hindi lang siya nakakatawa paminsan-minsan ay baka matagal ko na siyang pinasipa pabalik sa planeta niya.
"Ikuha mo na lang ako ng saging sa loob bago pa uminit ang ulo ko." utos ko sa kaniya pagkatapos kong abutin ang hawak niyang baso ng malamig na tubig at uminom roon.
"Ay tamang-tama! Masarap ang sageng naten. Sageng ni Ser Hirmis!"
Nabuga ko ng wala sa oras ang iniinom ko sa direksyon ni Inday. Sisinghap-singhap na pinunasan ng kasambahay ang mukha niya. "Ma'am! Kalelegu ku lang!"
Tumikhim ako para mapigilan ang mapangiti at pilit na pinaseryoso ko ang ekspresyon sa mukha ko. "Hindi halata."
"Naku pu! Kalalagay ku pa lang ng aylinir nasera na agad!"
"Ikaw ang may kasalanan niyan." paninisi ko sa kaniya. "Ikaw Inday ha, ang bastos mo. Anong saging ni Hermes ang sinasabi mo diyan? Nanahimik iyong alien nating kapit-bahay pinagnanasaan mo pa."
Kumunot ang noo ni Inday sa sinabi ko. Ilang sandali lang ay umaliwalas ang mukha niyang may kalat-kalat na eye liner at ngumisi siya sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang tawa na nais kumawala sa akin. Konti na lang mukha na siyang kamukha ng mortal na kalaban ni Batman na si Joker.
"Ekaw Ma'am ha? Wala naman akung sinabeng bastus. Penadalhan ni Ser Hirmis si Sinyura ng dalawang bungkus ng sageng. May punu kase sa tabe ng bahay niya kaya naesapan tayung begyan."
Muli akong tumikhim. "Gano'n ba?"
Lalong lumawak ang ngisi ni Inday. "Ekaw talaga Ma'am. Eba ang ineesep mu nu? Gren mayndid ka Ma'am! Halatang may etch de ka kay Ser."
Pakiramdam ko ay lalong namula ang pisngi ko na kanina pa mapula dahil sa pag e-exercise ko. "A-Anong etchde?"
"Etch de! Heden Disayr!"
"HD! Ayusin mo nga muna iyang dila mo Inday bago mo ako kausapin at ng hindi sumasakit ang ulo ko. Pumasok ka na sa loob at ikuha mo ako ng mansanas. Mansanas, kuha mo?"
Sumaludo ang kasambahay. "Yis Ma'am! But wit dirs more! Mag a-aylinir muna aku. Sayunara!"
Umiiling-iling na humiga ako sa damuhan. Hinila ko ang balabal ko dahilan para tumakip na iyon sa buong mukha ko.
Ilang araw na pala. Ilang araw na pala na hindi ko na kikita ang anino ng alien na iyon pati na ang cute niya na anak. Hindi kaya ibinalik na siya ng mga kalahi niyang alien sa planeta nila? Planet Chumurereng. Ang planeta ng mga sawi at bitter.
Napakunot ang noo ko sa isiping iyon. Saan nanggaling ang isipin na iyon? Whatever. Nahahawa na ata ako kay Inday. Baka sinasapian na rin ako at nagiging baliw na rin na katulad niya.
NAPAPANGITI na lamang ako habang nakaharap sa laptop ko. Nandito ako ngayon sa attic kung saan pinagana ko na naman ang kakaiba ko na bookshelves. Hapon pa lang at sinabi ko na lang sa parents ko na mananahi ako.
Mayroon din kasi akong mga dress forms dito kung saan may mga nakakabit na na damit. Hindi ko din alam kung saan ako natuto ng pananahi pero ang sabi nila Mama ay magaling daw akong gumawa ng sarili ko na disenyo. Ilan nga sa mga nagawa ko na ay sinusuot ko na rin at ni Mama.
Kapag tinatamad naman ako manahi ay sa computer naman ako at gumagawa ng kung ano anong dress covers.
Pero libangan ko lang ito. Kahit na pinipilit ako ng parents ko na magtayo kami ng shop ay tumanggi ako. Mas marami akong mga bagay na kailangang gawin at unahin. Pero balang araw sana...sana kapag normal na ang buhay ko ay magawa ko ang mga bagay na gusto ko talaga.
Napakurap ako ng biglang may pumasok sa system ng laptop ko. Mukhang hindi na talaga mapakali si Detective Dalton sa kakahanap sa akin. Napakaraming agency na ang ginugulo niya para lang mahanap ako. Nakared alert na rin ang buong pulisya.
Pero ang ipinagtataka ko lang. Hindi ko talaga makita ang isang agency na kinokontak ni Detective Dalton. Kahit ang pinag-uusapan nila ay hindi maregister sa computer ko kahit na anong gawin ko.
Ang alam ko lang ay nasa bahagi siya ng CALABARZON. Pinilit ko pa na kumalap ng impormasyon tungkol sa kanila kaya kanina pa ako nandito at pagkatapos ng ilang oras ay natagpuan ko sila sa bandang Tagaytay. Sa loob ng ilang oras na walang tigil na pagpipilit na mahanap sila ay iyon lang ang impormasyon na nakuha ko.
Ganoon sila kahirap pasukin.
"That's very weird. Bakit hindi ko kayo makita?"
Marami rin naman na agency ang kinontak ni Detective Dalton at karamihan sa mga iyon ay matataas ang security system pero nagawa ko pa rin na pasukin. Pero ang isang ito...anong pinagkaiba nila sa iba?
"Hindi kaya hired assassin? Pero parang imposible. Hindi si Detective Dalton ang klase ng tao na kakapit sa patalim para lang mahanap ako. That person can only see black and white."
Huminga ako ng malalim at muli akong tumipa. May kung ano-anong code na lumabas sa screen at pilit na inintindi ko iyon. Kailangan kong makahanap ng butas para magawa kong pasukin ang sistema nila.
Halos hindi na namamahinga ang kamay ko sa pagtipa ng bigla na lang tumunog ang laptop ko. Nawala ang mga codes sa screen at may lumabas roon. Binuksan ko ang lumabas na mensahe at sa pagkagulat ko ay pati na ang iba pang mga screen sa magic bookshelves ko ay biglang nabago ang mga inilalarawan.
SERENITY HUNT. STOP.
Iyon lamang ang mga salitang nakalagay sa screen ng laptop ko pati na sa iba pang mga screen sa paligid ng bookshelves ko. Nagpipindot ako pero hindi mawala ang mensahe sa mga screen sa halip ay nasundan pa iyon.
STOP LOOKING FOR US.
What the hell is this? Bakit alam nila kung sino ako? Paano?
TYPE.
Nanginginig ang mga kamay na nagsimula akong tumipa kahit na wala namang lumabas sa screen na kahit na ano maliban ang mga naka bold na mensahe mula sa kanila.
I typed. "Who are you? Bakit niyo ako kilala?"
MAHIRAP KANG HANAPIN PERO NAGAWA NAMIN. YOUR SYTEM WAS IMPRESSIVE BUT IT'S NOT IMPOSSIBLE TO HACK. NOT IMPOSSIBLE FOR US AT LEAST.
Muli akong tumipa. "Ano pa ang alam niyo tungkol sa akin?"
LAHAT.
Binundol na kaba ang dibdib ko. "Hindi kayo ang Claw."
KUNG KAMI ANG CLAW AY HINDI KAMI KOKONTAKIN NI DETECTIVE DALTON.
"Kung ganon, sino kayo?"
HINDI KAMI KALABAN. MANIWALA KA SA AMIN. ITIGIL MO NA ANG GINAGAWA MO. HINDI TAYO SINANAY PARA MAGING GANITO SERENITY. HINDI KO ALAM KUNG ANO PA ANG NAAALALA MO, KUNG ANO PA ANG ALAM MO. PERO KAILANGAN MO ITONG ITIGIL.
HINDI TAYO GANITO. HINDI NATIN GAWAIN ANG GINAGAWA MO.
Tumipa ako. "Hindi kita maintindihan. Hindi ako kabilang sa inyo. Hindi niyo alam kung ano ang pinagdadaanan ko."
ALAM NAMIN LAHAT.
"Gagawin ko kung ano ang dapat kong gawin at hindi niyo ako mapipigilan. Walang kahit na sino ang makakapigil sa akin."
HINDI ITO ANG TAMA, STORM.
Lumihkha ng nakakabinging ingay nang bigla ko na lamang inihagis kung saan ang laptop. Nanginginig ang katawan na napadausdos ako sa sahig at kinakapos ang hininga na namaluktot ako.
"Serenity, iha?! Anong nangyayari riyan?!"
Sunod-sunod na rumagasa ang memorya sa utak ko. Malabong mga memorya. Isang babae na nagtetraining kasama ang ilang mga tao, nagtatawanan sila...masaya. Isang school dance. Nararamdaman ko ang sakit at pagsisisi.
At isang bata na kasama ang isa pang bata na kamukhang-kamukha niya, dalawang lalaki na magkamukha at ang mga magulang nila. Tinatawag ng ina ang anak niya. At kilala ko ang tinatawag niya...Storm.
DAWN'S POV
"This is getting out of hand, Dawn. She's killing those people. Magaling siya. Of course...she's Storm. But I don't think she remembers it all. Kagaya ng sabi ni Waine ng makipagkita tayo sa kaniya."
Napabuntong-hininga ako. "I know, Triton."
"Mali ito. Mapapahamak siya sa ginagawa niya. The only reason we're hiding the fact that Storm's alive is because we want to keep her safe. This is not safe."
"I know. Mag-iisip ako ng paraan."
"Wala ng ibang paraan. Kailangan na nating sabihin sa kanilang lahat. Hindi magagawa ni Phoenix na pangalagaan si Storm ng mag-isa kapag ganitong siya mismo ang humahanap ng gulo. May tiwala ako kay Phoenix at tiwala ako na wala siyang pagsasabihan ng siya ang atasan natin na mag matiyag kay Storm pero iba ito Dawn."
"Even Phoenix doesn't know that she's doing something."
"Exactly." bulalas ni Triton. "Ganoon siya katindi, Dawn. Hindi pwedeng tayo lang ang kumilos. They all need to know. Especially her family."
Hindi ko na nagawang makapagsalita ng bigla na lamang may kumalabog. Nanlalaki ang mga mata na nilingon ko ang pintuan ng office at halos mahugot ang aking hininga ng makita ko ang mga nakatayo roon. Mga taong may kakayahan na baliin ang security system ko ng mas higit pa sa kakayahan ni Freezale na siyang namumuno sa Experiment Department.
Original Elites.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top