CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 4
STORM'S POV
Napabuntong-hininga na lamang ako ng makapasok ako sa loob ng Joe's, ang pinakamalapit na grocery store sa subdivision na tinitirhan namin. Kanina pa sana ako makakarating kung hindi lang pilit na pinigilan ako ni Mama at si Inday na lang raw ang papuntahin ko. Pero dahil natural na makulit ako ay nasunod pa rin ang gusto ko at ang gusto niya in a way.
"And init naman ditu Ma'am!"
"Centralized ang Joe's, Inday." pagbibigay alam ko sa kasambahay namin na ngayon ay nakashades pa at panay ang paypay.
"Ay sintralized ba Ma'am?"
"Ikaw talaga Inday." sabi ko sa kaniya habang kumuha ako ng cart. "Maghilod ka nga muna at mukhang wala ka ng pakiramdam."
"Grabi ka naman Ma'am! Naghihilud aku eberiday. Ispisyal pa ang panghilud ko."
"O?" sabi ko habang nagtitingin-tingin sa paligid ko. Ito ang gusto ko sa Joe's. Kahit na ito ang pinakamalapit na grocery sa subdivision ay hindi masyadong maraming tao ang pumupunta kaya malaya na makapamili. Kung sabagay hindi rin naman marami ang tao sa subdivision namin.
"Yis Ma'am! Pinabili ku pa ang batu na iyun sa kaibigan ku na nasa abrud."
Napatigil ako sa pagtitingin ng mga condiment sa kaharap ko na shelves sa sinabi niya. "Bato? Aanhin mo ang bato?
"Si Ma'am, oo. Are you like taga-bunduk? Pinanghihilud iyun Ma'am!"
Napakamot ako sa pisngi ko at ibinalik ko na ang tingin ko sa mga nasa harapan ko. Mamaya ay maisipan ko pang lunurin sa toyo at suka si Inday, makasuhan pa ako.
"Ispisyal 'yun Ma'am! Binili ku pa iyun ng three-taw."
"Three thousand?" I asked her as I put some products on the cart.
"Yis Ma'am! Mura na daw pu 'yun."
Napapailing na naglakad ako papunta sa kabilang shelves. Mukhang naloko si Inday ng kaibigan niya. Three thousand na bato? Yeah right. "Kaibigan mo pa rin iyong nagbigay sa iyo ng bato?"
"Hindi na Ma'am. Inagaw ba naman ang buyprend ko ng haliparot!"
Nangingiti na kumuha ako ng mga noodles at ibinagsak ko iyon sa cart na itinutulak ni Inday. Nakakawala rin talaga minsan itong si Inday ng stress. Iyon nga lang kadalasan siya din ang pinagmumulan ng stress sa mga tao sa paligid niya dahil sa kakulitan niya.
"Eh, Ma'am." pasimula niya pagkaraan.
"O?"
"Bakit ditu pa pu tayo mag gu-grucery Ma'am? Why not sa SM? Mas susyal doon!"
"May pinagkaiba ba ang baboy ng Joe's sa baboy ng SM?"
Tumango-tango si Inday. "Aba merun Ma'am!"
"Ano?"
"Mas susyal!"
Napakamot na naman ako sa pisngi ko. "Inday kapag hindi ka nagpakatino papaliparin kita pabalik sa Visayas-"
"Oh no, Ma'am! Huwaaag! Sabi ng manghuhula sa amin ditu ku raw makikita ang pag-ebeg ku!"
Dinutdot ko ang noo ni Inday na ikintagil niya sa pagbabalak na pagwa-walling. Pigil ang ngiti na dumiretso na ako sa meat section na siya naman talagang pakay ko dito. Naubusan na kasi ng stock si Mama.
Nang makarating kami roon ay kinalabit ako ni Inday. "What?"
"Ma'am punta muna aku sa Shampu there."
"Fine. Pero bumalik ka kaagad rito at mabilis lang naman ako rito."
"Itu talaga si Ma'am, mamimiss kaagad ako-"
"Layas!"
"Roger!"
Nawala ang ngiti sa labi ko sa sinabi niya pero hindi na iyon nakita ni Inday dahil nakaalis na siya. Nanginginig ang mga kamay na kumapit ako sa cart ng magsimulang manlabo ang paningin ko kasabay ng pagragasa ng mga senaryo sa isipan ko.
I saw blurry snippets of memories. I'm running and dodging bullets, jumping from a building, car chase, arm combat, guns...knives. Then I saw another woman, a woman who looks like me, opening the door of a car. Pero imbis na pinapanood ko lang siya ay nakatingin siya ng direkta sa akin. She smiled and I heard a voice...but not her voice. It was mine.
"Mission accomplished, Sky."
"You got it."
"Miss, okay ka lang ba?"
Ipinilig ko ang ulo ko at tinanguhan ko ang empleyado ng Joe's. "Y-Yes. Yes, I'm fine. C-Can you get me a kilo of porkchops, sirloin cutlet, ground pork, and beef tenderloin?"
Nagtataka man ay hindi na nagtanong pa ang lalaki. "Sige po."
Habang hinihintay ang emplayado ay nahahapong hinilot ko ang sentido ko. Flashbacks always gives me headache. Hindi naman madalas ang mga iyon pero katulad ng dati ay malabo ang mga flashbacks. Unlike my memories with Claw.
"Mama!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng maliit na boses. Una kong nakita si Ale, ang anak ng kapit-bahay namin na kasalukuyang nagpapapasag, bago ko nakita ang ama niya na nakasimangot na nakatingin sa akin.
"Ikaw na naman." sabi niya.
"So?"
"Stalker ka ba?"
I huffed in disbelief. "Wow. So sure of yourself aren't you? Ilang galon ba ng confidence ang nalaklak mo?"
"Confident ako dahil alam kong may ipagmamalaki ako."
"Hindi ibig sabihin niyon ay ikaw na ang pinakagwapong nilalang sa mundo, pinakamagaling, o ano pang pinaka. Hindi din ibig sabihin niyon na stalker mo ako. Nasa grocery store tayo, duh?"
Kumunot ang noo ng lalaki. "Iisa lang ang tanong ko ang dami mo nang nasabi."
"Ewan ko sayo! Bakit ba ako ang lagi mong ginugulo? Mabuti pa iyong Misis mo na lang ang guluhin mo hindi iyong nantitrip ka ng ibang tao."
"Misis?"
Inginuso ko ang anak niya na nagsisimula ng mamula ang mukha habang nakaangat ang mga kamay sa direksyon ko. "Nanay niyang anak mo."
An unmistakable pain crossed his eyes. Pilit niya iyong tinago pero huli na. My heart aches for him for some reason. "Wala akong misis."
"Oh. So girlfriend?"
"She's not my girlfriend."
Tumango-tango ako. "Ahh. Fling lang."
Tumalim ang mga mata niya sa sinabi ko. "She's the most important person in my life. Kahit hindi ko siya naging girlfriend o asawa, walang mababago don."
I raised my hands up and chuckled uneasily. "Chill. Back to the topic. Siya ang inisin mo, hindi ako, okay?"
"Hindi ko kasalanan kung naiinis ka sa akin."
Pinaikot ko ang mga mata ko. "O, sige. Kasalanan ko na. Grabe. Hindi ka talaga nauubusan ng sasabihin no? Hindi ba nakukulitan sa iyo iyang nanay ng anak mo? Baka lalo kang hindi sagutin niyan."
"Hindi nga niya ako sasagutin."
"Oo kasi masyado kang nakakapikon-"
"She's dead."
Natahimik ako sa sinabi niya. Nagbaba ang tingin ko sa batang karga-karga niya. Hindi nag-iisip na umangat ang kamay ko at hinawakan ko ang kamay ng bata na biglang tumigil sa kakapasag at ngumiti sa akin. Poor baby. He's to young to lose his mother.
"I'm sorry." I whispered.
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mabuti na lang ay tinawag ng empleyado ng Joe's ang atensyon ko at ibinigay sa akin ang mga inorder ko. Inilagay ko ang mga iyon sa cart at pagkatapos ay tumingin ako kay Hermes.
Nagbaba ako ng tingin sa bata bago naiilang na binalingan ko ang lalaki. "Mauna na ako."
Bago ko pa maitulak palayo ang cart ay nagsalita siya. "Hindi ka ba naiinitan? Nakabalabal ka na naman samantalang tirik na tirik ang araw sa labas."
Napabuntong-hininga ako. Imposible talaga na hindi niya mapansin ang balabal ko. At imposible talaga na magsalita siya na hindi ako naiinis. "Malamig para sa akin."
Bahagyang umangat ang isang kilay niya. "Ano ka, manhid?"
"Ano ka, Alien?" masungit na tanong ko sa kaniya. "Diyan ka na nga!"
Nagmamadaling itinulak ko na paalis ang cart. Hindi ko na siya nilingon pa. Dahil una, sumusulak ang dugo ko kapag nakikita ko siya. Pangalawa, kung ano-ano ang nararamdaman ko kapag nasa harapan ko siya.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pamimili. Kahit iyong mga hindi pa naman kailangan ay binili ko na rin to the point na kapag nagkaroon ng alien invasion, sa pamumuno ng Hermes na iyon, ay hindi na namin kakailanganin pa na magbuwis buhay para lumabas ng bahay.
"Ma'am!"
Kunot noong nilingon ko ang tumawag sa akin. Nawala ang pagtataka ko nang makita ko si Inday na slow motion pa ang pagtakbo palapit sa akin. "What?"
"What?! You telling me what?! You leave me here and there!"
Napahilot ako sa sentido ko sa sinabi niya. "Pwede ba Inday, magtagalog ka? Kung sana tama ang grammar mo no?"
Ngumisi siya at nag peace sign. "Kayu naman kasi Ma'am. Ebeg ko lang sabihin pagbalik ku wala na kayu dun."
"Ang tagal mo ba naman kasing pumili ng shampoo."
"Eh Ma'am nakipag-away pa aku du'n. Sabi ku 'yung pansusyal na shampu pagtingin ku sa lagayan shampu pala ng kabayu!
Naiiling na inagaw ko sa kaniya ang normal na ginagamit na shampoo sa bahay na siyang dinala na lang niya at inilagay ko iyon sa cart. Hindi ko na pinaliwanag sa kaniya na may ganoon talagang shampoo at ginagamit iyon ng tao. "Halika na nga at baka i-eject pa tayo ng may-ari sa sobrang gulo mo."
"Ma'am, Yis, Ma'am!"
Nang makapag-bayad na kami ay magkatulong na kinarga namin sa kotse ang mga groceries. Kahit kasi malapit lang naman ang Joe's sa bahay ay mahirap naman bitbitin ang mga pinamili namin lalo na at naparami ang mga pinamili ko.
Matapos mailagay sa kotse lahat ay pumasok na kami ni Inday. Inaatras ko na ang sasakyan ng biglang sumigaw si Inday dahilan para matapakan ko ang preno. "Inday!"
"Ma'am si Sir Pugi!"
Sumilip ako sa side niya na bintana at napasimangot ako ng makita ko si Hermes roon na may inilalagay din sa trunk ng kotse niya. Nakasimangot pa rin na hinawakan ko si Inday sa balikat at iniharap ko siya sa akin. "Wag kang tumingin sa kaniya."
"Bakit naman Ma'am?"
"Mauusog ka!" akmang papaandarin ko na ang sasakyan ng pigilan niya ako. "Ano na naman?"
"Nausug aku Ma'am!"
"What?" I asked, confused.
"Diyan ka lang Ma'am. Magpapalaway lang ako kay pugi-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil pinasibad ko na paalis ang sasakyan. Lord, help me. Baka po mabaril ko na ang alien naming kasambahay at ang alien naming kapitbahay.
HERMES' POV
Inugoy-ugoy ko si Ale pero hindi pa rin siya makatulog. Malalim na ang gabi at alam kong pagod na rin siya pero kahit anong gawin ko ay hindi siya talaga dinadalaw ng antok. Bumuntong hininga ako at marahang dinaanan ko ng hintuturo ang pagitan ng kilay niya na kumunot na dahil sa pagkaaburido niya.
"You're just like you're mother." I whispered. "Kumukunot din ng ganiyan ang noo niya kapag nagagalit siya o naiirita. But she would still look beautiful to me even then."
Umingit siya at nagsimula ng umiyak. Bihirang umiyak si Ale pero nagkakaroon din siya ng mga ganitong pagkakataon lalo na kapag hirap siya matulog. Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko naman kung ano ang gusto niya.
"You want to see your mother, baby?"
Kinuha ko ang wallet na nasa bulsa ng pantalon ko sa likuran at umupo ako sa sofa habang karga-karga pa rin si Ale. Isinandal ko siya sa dibdib ko at pagkatapos ay binuksan ko ang wallet ko para kunin ang isang larawan doon.
"Look at that. She's perfect, right?" Bahagya akong napangiti ng umangat ang maliit niyang kamay para hawakan ang litrato. "But she's not. Madali siyang mairita, mahilig magkunwari, padalos-dalos siya ng desisyon, at kadalasan marami siyang nasasaktan sa mga desisyon na iyon. But even she's all that, you won't want to change her because that was her."
Pero sana nagkaroon ako ng lakas para baguhin siya. Kahit magalit siya sa akin. Kung ginawa ko ba iyon makikita ko pa kaya siya ngayon? Magkakaroon ba ng nanay si Ale?
She was not perfect. She was full of imperfections and insecurities. But still...I wouldn't want her in any other way. She was lost and broken. And I failed to find and heal her.
"She was the best thing that happened to me."
Marahang hinaplos ko ang pisngi ng ngayon ay nakapikit ng si Ale. Dahan-dahan ko na kinuha ang litrato sa kaniya at ibinalik ko iyon sa wallet ko. Nang matiyak ko na hindi na siya magigising ay inakyat ko na siya sa kwarto at doon ay marahan ko siyang ibinaba sa crib niya.
"Sweet dreams, son."
He's my son. Pinatunayan iyon ng DNA result na ibinigay sa akin ni Dawn na siyang naging dahilan kung bakit nagdesisyon ako na magbakasyon kasama ni Ale. Ale was seven months when Storm gave birth to him. It didn't took me a lot of time to think of the possibility. May nangyari sa amin ni Storm at hindi kami naging maingat ng mga panahon na iyon.
Nasabi ko na rin ang resulta sa pamilya ni Storm. But even without the DNA, kung nagkataon na hindi ako ang biological father ni Ale, he would still be my child. I will take care and love him as my son. Because he's the child of the woman that I love. Dahil alam ko na gusto ni Storm na mapalibutan si Ale ng mga taong mamahalin siya.
Hindi ko alam kung paano nabuhay si Ale. Storm went through a lot before and it's a miracle that he's with me now. God gave him to us and all I can do...all I want to do is be thankful. That he's alive. At kahit wala na si Storm nandito pa rin ang isang parte ng pagkatao niya. That even though I couldn't make her love me, we created something that is even greater than love.
Tahimik na binuksan ko ang sliding door patungo sa terrace at pumasok ako roon. Sumandal ako at tumingin sa langit. "Tumatawa ka na diyan no? Nagdadrama na naman kasi ako."
Masaya ka na ba diyan Storm? Hindi ka na ba nahihirapan? Kasi kung oo, siguro kakayanin ko 'to. Kahit wala ka. "Alam mo Storm mas pipiliin ko pa na nandito ka kahit nakikita ko na sa iba ka nakatingin. Na nagmamahal ka ng iba. Kesa ganito na alam ko na hindi na kita makikita kahit kailan."
Gabi-gabi kapag ipinipikit ko ang mga mata ko nakikita ko ang mga panahon na nandoon siya sa kotseng iyon. Puro tama ng bala, puro dugo, nanghihina, at sumusuko na. I always thought that I can save her. From her pain for loving someone that would never love her back, from the pain that life brought to her. I thought I could save her...but I couldn't.
Dahil minsan hindi sapat na nagmamahal ka lang. Dahil minsan kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao hindi mo magagawang hawakan ang kapalaran niya. Because you can only do is live your life hoping that she will live hers and be together with you.
"I love you, Storm Reynolds."
Forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top