CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 14
STORM'S POV
"Storm, please open the door. Kailangan mong kumain. Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo."
Hindi ako umimik at lalo ko lamang mariin na ipinikit ang mga mata ko. Ayoko silang makita. Gusto ko na mapag-isa. Gusto ko lang ng katahimikan na hindi ko makuha-kuha mula ng dumating ang lahat ng kamalasan sa buhay ko.
"Bakit hindi na lang natin sirain ang pintuan Hermes? Mamaya kung ano pa ang gawin niya. Baka-"
"She's fine Dawn. She won't do that."
"What if she do? Paano kapag sinaktan niya ang sarili niya?"
"She won't do that to Ale."
"Iniwan niya si Ale kaila Tita Hurricane. What if the information about Wyatt was the last straw? What if she committed-"
"She won't do that to Ale."
Niyakap ko ang tuhod ko habang nanatiling nakasiksik sa gilid ng kama. I don't want to see anyone. I don't want them to see me like this. I don't want them to hurt more knowing I'm like this. I was barely keeping myself together and this. Hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa kakayanin.
"Storm buong araw ka ng hindi lumalabas. Just let me see you. Kahit sandali lang. Pangako aalis ako kaagad." Nanatili akong hindi sumasagot sa kabila ng pakiusap ni Hermes. "Storm please."
Yat Yat and Mi Mi. Tama si grandmie. I am Mi Mi. Once upon a time naging ako si Mi Mi para sa isang bata na laging mag-isa at walang kalaro. Kahit inaayawan siya ng mga bata sa paligid namin dahil nakakatakot ang pamilya niya ay nanatili ako para maging kaibigan niya.
But I was a child back then. Madaling humanap ng kaibigan, madaling magtiwala. It was so easy to forget. Dahil kapag bata ka simple lang lahat ng bagay. Kapag nasaktan ka isang band aid lang wala na ang sakit at kapag iniwan ka madali mong matatanggap dahil kalaunan ay makakalimutan mo na rin.
Lumaki ako na malaki ang pamilya. Lumaki ako na maraming kaibigan. Parte lang ng kabataan ko si Yat Yat. But for him...I was everything. Pero ngayon siya ang taong kinamumuhian ko. Ang tao na sumira sa akin. Ang tao na gusto ko na burahin sa mundong ito.
Hindi ko maiwasang maisip, kung kilala ba namin ang isa't-isa ngayon gagawin niya ba ang mga ginawa niya sa akin? Sasaktan niya ba ako? Ilalayo niya ba ako sa mga taong mahalaga sa buhay ko? Maybe he will hate me more. Dahil kinalimutan ko siya.
Napapitlag ako ng makarinig ako ng malakas na pagkalabog. Lalo akong nagsumiksik at yumukyok ako sa hita ko. Ang mga luha na akala ko ay naubos na ay sunod-sunod na naman na pumatak.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko at kasunod niyon ay humakbang palapit sa akin ang tao na pamilyar na pamilyar sa akin.
"Storm..."
"G-Get out." I said with a voice so quiet that I'm not even sure if he can hear me clearly.
"You need to eat. Baka magkasakit ka-"
"Get out!"
"Hindi na ako lalayo sa iyo kahit na gaano pa karaming beses mo ako na ipagtulakan."
"Get out...please..."
Narinig ko na may ibinaba siya sa bedside table ko. Pagkaraan ay naramdaman ko na pumalibot sa akin ang mga bisig niya. Sinubukan ko na magpumiglas pero hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa akin. "It will be okay. I promise."
"Pagod na pagod na ako Hermes." pumipiyok ang boses na bulong ko. "Hindi ko na kaya...hindi ko alam...hindi..."
"Naiintindihan ko kung napapagod ka na. It's okay, I'll take care of you. Nandito lang ako parati dahil mahal na mahal kita."
Sumubsob ako sa dibdib niya at ibinuhos ang mga luhang malayang umalpas mula sa mga mata ko. Hindi niya ako binitawan. Nanatili siya sa tabi ko hanggang sa unti-unting humina ang pag-iyak ko.
"Iniwan Niya ako..."
"Sino?" bulong niya habang hinaplos ang buhok ko.
"Pinabayaan Niya ako. Pinabayaan Niya tayong lahat. Galit ba sa akin ang Diyos, Hermes? Tumutulong tayo sa mga tao. Tinataya natin ang kaligtasan natin pero bakit ganon? Bakit Niya ako pinabayaan?"
"Storm..."
"Galit na galit ako sa Kaniya. Kasi kung totoo Siya, bakit hinayaan niya ako na masaktan ng ganito? Bakit Niya tayo sinaktan lahat? Bakit kailangan na maranasan ko lahat ng naranasan ko? Bakit ayaw Niyang burahin 'tong nararamdaman ko? Bakit ang sakit-sakit pa rin?"
"Storm-"
Nagawa kong makakawala kay Hermes at tumakbo ako papunta sa bintana ng kwarto ko. Nagpakawala ako ng isang malakas na sigaw. "Pagod na pagod na ako! Tama na! Hindi Ka pa ba kuntento?! Sumusuko na ako...hindi ko na kaya...tama na..."
Hinawakan ako ni Hermes at niyakap mula sa likod. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at mahinang nagsalita, "Hindi ka Niya iniwan."
"Y-You're lying...that's not true...not true..."
Hinarap niya ako sa kaniya at pagkatapos ay pinahid niya ang mga luhang naglalandas sa mga pisngi ko. "We all made the wrong choices. But He's trying to make it right for us. You could have died but God made sure to bring you back. Tao tayo, Storm. Nagkakamali. Pero hindi Niya tayo pinababayaan dahil kahit na anong masasakit na pangyayari sa buhay natin hindi tayo nawawalan ng taong nagmamahal sa atin."
Flashes of memories came into my mind. Waine and Matilda Claw helping me, Serenity's parents...everyone.
Hinawakan ni Hermes ang kamay ko at itinaas niya iyon sa harapan namin. "Nararamdaman mo ba ang kamay ko? Alam mo, Storm? Hawak ka din Niya. Hindi ka Niya pinabayaan kahit kailan. Dahil kahit wala ka noon nandito pa rin kami na nagmamahal sayo. Hindi ka namin kinalimutan. Hindi ka Niya kinalimutan."
Tuluyan ng bumigay ang katawan ko. Kaagad na sinalo ako ni Hermes at pareho kaming bumagsak sa sahig. Hinapit niya ako palapit sa kaniya habang hinahaplos ang buhok.
"Forgive yourself, Storm, for the things that are out of your control."
BINUKSAN ko ang pintuan sa villa na tinutuluyan ng parents ko at tahimik na pumasok ako. Lumipat na kasi kami ni Ale sa headquarters. My grandparents, Dale and Mishiella as well as my parents all immediately stopped talking when they saw me.
"Is this a bad time?" I asked.
"No, no, hija." tanggi ng lola ko. "Halika umupo ka dito sa tabi ko."
Lumapit ako sa kaniya at sinunod ko ang sinabi niya. Saglit na katahimikan ang namayani pero pagkaraan ay bigla na lamang umatungal ng iyak si grandmie Mishy at niyakap ako. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko si grandpie at ang mga magulang ko na naiiling na lang.
"Sorry baby girl! Gusto ko lang naman kasi na pigilan ka sa mga ginagawa mo! Manang-mana ka at ang nanay mo sa akin kaya alam ko na hindi ka basta susuko!"
"Grandmie..."
"I'm sorry! Pinagalitan na ako ng mga magulang mo at ni Dale ko! Hindi ko naman gusto na saktan ka!"
Kumawala ako kay grandmie at tinakpan ko ang tenga ko. Pakiramdam ko nabasag ang eardrums ko sa ginagawa niya na pagsigaw. Natatawang lumapit sa amin si grandpie at tinakpan ang bibig ni grandmie.
"Mishy, pagsalitain mo muna ang apo mo."
"Mmmm...mmm!"
"Hindi ka na mag-iingay? Promise?" tanong ni grandpie at sunod-sunod naman na tumango si grandmie.
Pinakawalan na niya si grandmie na imbis sundin ang sinabi ng asawa ay bigla na lang sumigaw ng pagkalakas-lakas na 'sorry'. Naiiling na bumalik si grandpie sa kinauupuan niya at halatang suko na kay grandmie.
"Grandmie, may kailangan akong sabihin sa iyo."
"Na hindi mo pa rin titigilan ang Claw? Naiintindihan kita. Tutulungan ka namin. Sasali ako para sa iyo. Mabisa naman ang bagong imbento ni Sage at Bree na tanggal aray para sa mga matatanda-...I mean para sa mga magaganda kaya pwede kitang samahan sa mga gagawin mo. Malakas pa ako. Kaya ko pa ngang bigyan ng kapatid sina Hurricane at Rain di ba Dale-"
"Mom!" reklamo ni mommy na napapangiwi.
"Expired na ang matres ko Hurricane Mishiella. Chusera nito. Bawal ba mag joke?" tumingin si grandmie saglit kay grandpie at kumindat. "Kahit wala namang matres kaya ko pa rin na patunayan na malakas pa ako."
Napakamot sa ulo niya si mommy habang sa tabi niya ay pigil ang ngiti ni daddy. Napabuntong-hininga ako. Bakit ba ang baliw ng pamilya ko? "Grandmie?"
"Yes, baby girl?"
"I'm quitting in a few months."
Laglag ang panga na napatunganga sila lahat sa akin. Huminga ako ng malalim at nagpaliwanag. "I was planning on using experiment department to give Waine Claw all the details I can get. Pero tinawagan ko na siya at naintindihan niya na hindi na ako makakasama para sa mga plano namin ukol sa Claw. I'm just gonna stay for a few months working on experiment department or some lower missions in field. Pinayagan ako ni Dawn as long as ang kukunin ko na lower field mission ay walang kinalaman sa Claw. Sa experiment naman pwede pero hindi ako maaaring gumawa ng aksyon na hindi aprubado ni Dawn, Triton at Freezale."
"Storm..." my mother breathed.
"I thought I need retribution to be able to move on...to have a new life. Pero mali pala ako. Lalo akong lumubog sa kumunoy na ako rin ang gumawa." malungkot na ngumiti ako sa kanila. "I don't think I can ever forget but I hope someday it will not hurt me anymore. I'm trying. I'm trying to look at the mirror and not cry. I'm trying to accept everything. Because I want to be better. For my child, for all of you...for Hermes."
Bumakas ang gulat sa mga mata ni grandmie na biglang napahawak sa kamay ko. "Hermes?"
"I'm not ready to fall in love. Pero kapag dumating ang oras na handa na ako...gusto ko na siya ang mahalin ko. I want to make him happy. I want to be happy with him. Hindi dahil lagi siyang nasa tabi ko kundi dahil iyon ang nararamdaman ko. I just hope I deserve him."
"You do."
Napatingin ako kay daddy nang magsalita siya. "You deserve to be happy at ganoon din siya. Hindi ibig sabihin na naranasan mo ang mga naranasan mo ay hindi ka maaaring maging masaya katulad ng ibang tao...o mas higit pa na maging masaya. Everyone deserves to be happy. Don't let anyone tell you otherwise."
Muli akong nagbaling ng atensyon kay grandmie nang maramdaman ko na pinisil niya ang kamay ko. "So strong..." she whispered. "More than me. More than your mother. I'm proud of you, Storm, do you know that?"
"I know now." I whispered.
Nakangiting napailing si grandmie at pinunasan ang sarili niyang luha. "Dapat ang Dale ko lang ang nagpapaiyak sa akin." binalingan niya si grandpie. "Dale!"
"Yes, baby?"
"Bigyan mo nga ako ng message. Yung nakakaiyak."
"Okay." kunway nag-isip muna si grandpie. "Mishy..."
"O?"
"Kabit lang kita."
Napuno ng tawanan ang bahay ng bigla na lang atakihin ni grandmie si grandpie na natatawa lang sa kalokohan nilang dalawa. Nagtama ang mga mata namin ni mommy at walang salita na tumango lang siya at ngumiti.
Everyone deserves to be happy. And that includes me.
NAPABALIKWAS ako ng bangon, pawis na pawis. Tinignan ko ang orasan ko at nakita ko roon na alas dos pa lang ng madaling araw. That dream. It was so vivid. So real. Nararamdaman ko pa ang mga haplos niya, mga halik, ang mga matatamis na salita na ibinubulong niya sa akin. Parang totoo lahat. Parang kilala ko ang taong iyon pero hindi ko matukoy kung sino.
It was not like my other dreams. Hindi siya katulad ng mga panaginip ko tungkol kay Wyatt. Ibang-iba.
Tumayo ako at lumapit ako sa crib ni Ale. Tulog na tulog siya. May pinindot ako sa tabi niyon at pagkatapos ay kinuha ko ang kulay itim na device na animo relos pero speaker talaga na nakakonekta sa crib ni Ale.
Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at kumuha ako ng bote ng mineral water bago ako tuluyang lumabas ng flat. Wala ng mga tao sa hallway pero panigurado ako na maraming gising pa. Baka ang iba ay may mission lang o nagtetraining naman ang ilan na hindi makatulog.
Tumuloy ako papunta sa roof top. Kailangan ko ng sariwang hangin. Nang makarating roon ay kaagad na lumapit ako sa isang bench at naupo. Imbis na pumuwesto ako sa harapan kung saan kita ang tanawin sa labas ng mataas na bakod ng headquarters ay puwesto ako sa kung saan kita ko ang madilim na likurang bahagi nito.
You can't really see anything because of the darkness. But I know the tall trees, the beautiful flowers, the sleeping creatures...it's all in there. I just can't see it now but I know it will be beautiful in the morning. No matter how dark the world can be the beauty of it will not vanish. If only we all know how to really see it.
"Hindi ka rin makatulog?"
Nag-angat ako ng tingin at napangiti ako ng makita ko si Sky na palapit sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa tabi ko at tumingin rin sa tinitignan ko.
"Are you okay?" she asked.
"I think so."
Tumingin siya sa akin pero hindi ako humarap sa kaniya. Nagsalita siya. "Hindi ka pa sigurado kung masaya ka talaga?"
"Mahirap sabihin na masaya na talaga ako. Natatakot pa rin ako. Nararamdaman ko pa rin ang galit. But now I'm open for changes. I want to change. Ayoko na manatili habang-buhay na ganito."
Sandaling katahimikan ang namayani. Alam ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Nararamdaman ko.
"Storm?"
"Hmm?"
"Naaalala mo noong mga bata pa tayo? Inis na inis ako kapag pinagkakamali tayo. Gusto ko na magkaroon ng sariling identity. Gusto ko na hindi ako ikompara sa iyo at ikaw sa akin."
Napangiti ako. "Naaalala ko pa. Nagsusuot pa nga tayo ng name tag na kinaiinisan mo rin. Lalo na kapag nasa school tayo."
"You're different from me now."
Napatingin ako sa kaniya at sinakmal ng takot ang dibdib ko. Anong ibig niyang sabihin? Dahil sa nangyari sa akin? Dahil hindi na ako ang Storm na nakilala nila?
"For one, mas worrier ka sa akin. Kung ano man ang iniisip mo alisin mo iyan sa utak mo." naiiling na sabi niya.
Napabuga ako ng hininga. "Baliw."
"Ka."
"Rin."
Nagkatawanan kami. Kahit na ano siguro ang mabago sa amin hindi maiaalis niyon ang koneksyon namin biglang magkakambal.
"Alam mo ba't ko nasabi na iba ka na?" tanong niya. Tinignan ko lang siya habang hinihintay ang sasabihin niya at pagkaraan ay nagpatuloy siya. "Dahil dati ako ang mas matapang sa atin. Sinusubukan ko lahat, hindi ako natatakot sa kahit na ano. Pero hindi pala katapangan iyon. Sadiyang malakas lang ang loob ko. Pero ang totoo...ikaw ang matapang."
"Sky..."
"I hate what happened to you. Pakiramdam ko may nawala sa pagkatao ko noong mawala ka. Pakiramdam ko kulang na kulang ako. That's when I realized wala akong pakielam kahit parehas pa tayo sa lahat ng bagay. Basta nandito ka lang. Basta alam ko na ligtas ka okay lang sa akin."
Nangingilid ang luha na niyakap ko siya. Yumakap rin siya sa akin ng mahigpit habang sumisinghot-singhot.
"Para tayong sira." sabi niya.
"Ikaw lang."
"Naiiyak ka din eh." tukso niya.
Naghiwalay na kami na may ngiti sa labi. Pinisil niya ang kaliwang pisngi ko at ganoon din ang ginawa ko sa kanan niya. Nang mamula na ang mga pisngi namin ay natatawang bumitaw na kami sa isa't-isa.
"I'm sorry Sky."
Bumakas ang gulat sa mga mata niya. Kahit ako ay napaatda din sa namutawi sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit pero iyon na lang bigla ang sinabi ko.
"Why?" she asked.
"I don't know. Basta gusto ko lang sabihin sa iyo."
Ilang sandali na nakatingin lang sa akin si Sky na parang may iniisip. Pagkaraan ay umangat ang kamay niya at hinaplos ang namumula ko na pisngi. "Thank you Storm for everything."
"What-"
"Marami akong nalaman noong wala ka pero hindi ko magawang magalit dahil naiintindihan kita. Ibinalik mo lahat sa akin and for that...I am thankful."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin. "Hindi kita maintindihan Sky."
Nakangiting tumayo siya at hinawi ang buhok niyang lumilipad. Tumingin siya sa langit at lalong lumawak ang ngiti niya. "Maiintindihan mo rin." nagbaba siya ng tingin sa akin. "Sana kapag dumating ang oras na maaalala mo na lahat hindi ka magalit sa amin Lalong lalo na sa kaniya. He's scared, he's worried, and for once he's being selfish. Sana maintindihan mo siya. Sana huwag mo siyang pakawalan kasi mahal na mahal ka niya."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top