CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 13
STORM'S POV
Inilibot ko ang paningin sa loob ng opisina ni Dawn. Wala namang nagbago roon katulad sa huli ko na alaala. Ang tanging naiiba ay ang tanawin sa kabilang parte ng glass wall na naghihiwalay sa opisina niya at sa opisina ng isa pang head ng BHO CAMP at asawa niya na si Triton. Malinis na kasi ang opisina ni Triton hindi katulad dati na para bang may mga kakaibang creature na ang naninirahan roon.
Nagbawi ako ng tingin mula kay Triton sa kabilang opisina na kasalukuyang kumekembot-kembot habang pakindat-kindat kay Dawn.
"Don't mind him." Dawn said while pressing a button on her table. Napataas ang kilay ko ng may nag flash sa glass wall na salitang 'concealed' at pagkatapos ay mula sa taas ng glass wall ay may kumalat na kulay itim pababa na unti-unting tumatakip sa kabilang opisina.
"That's new."
Nagkibit-balikat si Dawn. "Pinagawa ko sa mga taga-experiment department. Wala akong matatapos na trabaho kung laging nagpapacute si Triton."
"Bakit hindi niyo na lang tanggalin ang glass wall at palitan ninyo ng totoong pader? Kaya lang naman pinagawa iyan dati ay dahil ata sa hindi kayo magkasundo. Mag-asawa na kayo ngayon kaya hindi niyo na kailangan. Hindi ka na maiinis kapag kinukulit ka niya."
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ng pinsan ko. "Wala naman akong sinabi na naiinis ako kapag nangungulit siya. Ang sabi ko wala lang akong matapos na trabaho. That doesn't mean I don't want to see his funny face."
Pinaikot ko ang mga mata ko. Kailangan ko palang tandaan na hindi na siya ang Dawniella na mataray at galit na galit kay Triton. Siya na ngayon si Dawn na asawa ng pinakamakulit na lalaki sa balat ng lupa. "Bakit mo nga pala ako pintawag? Bibigyan mo na ba ako ng mission?"
Nawala ang ngiti sa labi ni Dawn sa sinabi ko. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya at mataman akong tinignan bago nagsalita. "Pinatawag kita dahil gusto kong sabihin sa iyo na nakausap ko ang ama at lolo ko."
"Okay?"
"Para sa iyo din ang ginawa namin na desisyon." humihingi ng paunawa ang mga mata na sabi sa akin ng babae.
Kumunot ang noo ko. "Anong desisyon?"
Huminga ng malalim ang babae at nagsalita, "You're officially dismissed from your job as an agent, Storm."
Nanlamig ang katawan ko sa narinig. Bumalik sa ala-ala ko ang mga panahon na kasama ko ang mga magulang at kapatid ko na nagte-training dito sa BHO CAMP. Ang mga itinuro sa akin ni Daddy at ni Mommy. Ang mga mission na kasama ko ang mga kapatid ko.
"Why?" I whispered.
"Alam natin pareho kung bakit, Storm. Alam mo kung bakit kailangan ko 'tong gawin. Namin. We all love this job but you deserve a second chance in life. A life different from this...a normal one."
Tumikhim ako para alisin ang tila bumara sa lalamunan ko. Pinagsalikop ko ang nanginginig ko na mga kamay at nagsalita. "Noong hindi pa bumabalik ang mga alaala ko tungkol sa inyo ginusto ko din na magkaroon ng ibang buhay. Dahil ano pa ba ang magagawa ko kundi ang gumawa ng panibagong ako kapag natapos na ang lahat ng dapat matapos? Wala na akong babalikan."
"That's why we want to give it to you."
"Hindi ko ginusto na bumalik dito. Pinigilan ko. But I am here. Ako si Storm, Dawn, and Storm is an agent and you can't change that."
Ibinaba ni Dawn ang isang screened device sa harapan ko kung saan kita ang agent profile ko. "I can change it if I have to. I can delete everything."
Kita sa mga mata ng babae ang determinasyon. Alam ko na kung hindi ako papayag ay kakausapin niya ang mga magulang ko at mga kapatid ko para kumbinsihin ako na pumayag sa gusto niya.
"Why are you doing this, Dawn?" I asked.
"Dahil dapat matagal ko na itong ginawa. You love this job like we do but you're not fully committed to this. Lagi kong nararamdaman na sa kabila ng kagustuhan mo na tumulong sa mga tao ay mas matimbang ang dahilan na nandito ka dahil nandito ang taong mahal mo."
"Of course!" I said, my voice raising. "Of course I would stay here because of the people I love. For my family. This is our lives, Dawniella. Mula pa sa mga lola natin ito na ang trabaho nila. We were trained for this and I got no complains. Dahil ginusto ko 'to."
"Hindi ang mga magulang mo ang tinutukoy ko-"
Halos mapatalon kaming pareho ni Dawn ng bigla na lang pumainlang ang nakakabinging ingay. Kasabay niyon ay nawala ang tint ng glass wall at bumalik iyon sa dati at pagkatapos ay bumukas ang glass door na siyang nagkokonekta sa dalawang opisina.
"What the hell Triton!"
Mabilis na lumapit si Triton sa asawa at tinakpan ang bibig ng babae. Alanganing ngumiti sa akin ang binata. "Pag-isipan mo muna ang proposal ni Dawn. Kung hindi mo talaga gusto hindi ka namin pipilitin. But for now hindi ka muna maaaring kumuha ng field mission. You can still do Experiment Department missions at least."
Hindi ko na nagawang makapagsalita ng marahas na inalis ni Dawn ang kamay ng asawa niya mula sa pagkakatakip sa bibig niya at tinignan ang lalaki ng masama. "Nakikinig ka sa usapan namin!"
Inosenteng tinignan ni Triton si Dawn. "Wala akong ginagawa pero si Freezale meron."
Nag flash sa isang malaking screen sa kaliwa ni Dawn ang imahe ni Freezale na hindi kababakasan ng kahit na anong emosyon sa mukha.
"You were listening!" Dawn accused.
"Yep."
Pagkasabi niyon ay namatay na ang screen. Nangagalit ang ngipin na tinignan ni Dawn ng masama ang asawa bago nakasimangot na tumingin sa akin. "Think about it. For now you're banned on any field missions." ulit niya sa sinabi ni Triton bago nilingon ang asawa niya. "Humanda ka sa akin."
"Sweetheart naman..."
Tumayo na ako at naglakad palabas. Baka maipit pa ako sa away nilang mag-asawa. But I am relieved. I know I should be contented. Nakabalik na ako, kasama ko na ang anak ko. But I'm not finished yet. Kailangan ko na protektahan ang pamilya ko.
Naging komplikado ang lahat dahil sa pagbabalik ko pero kailangan kong tapusin kung ano ang nasimulan ko. With those clues I left to make him search for me, I know Claw will soon find me. I'm sure of it. I made sure of it.
Experiment department? I can work on that. We're not done, Wyatt Claw. Nagsisimula pa lang ako.
HINDI pinapansin ang kaguluhan sa paligid na tinitigan ko ang pagkain sa harapan ko. Mukhang nakakatakam iyon pero hindi iyon ang ine-expect ko na ihahain sa akin ni Hermes.
"Ano 'tong may gulay-gulay na ito? Salad lang 'to eh." sabi ko kay Hermes habang tinuturo ng tinidor na hawak ko ang inilapag niya na plato sa harapan ko.
Nandito kami ngayon sa kusina ng Craige's. Tuloy-tuloy ang pagkilos ng mga staff niya habang siya ay ako lang ang pinagluluto. Hindi iilang beses na nangingiting napapatingin sa amin ang mga tauhan niya. Maliban kay Ocean na stress na stress habang paikot-ikot sa kusina.
"Wilbert pakitignan ang stock pot! Akiya start peeling! Helga- ay peste. Kailangan ko ng basahan!" sigaw ni Ocean na natatarantang naghahanap ng pamunas ng tumapon ang laman ng hawak na mangkok. Napatingin siya kay Hermes na kasalukuyang pinupunasan ang mga lagpas na sauce sa plato sa harapan namin. "Pahiram-"
Nailayo kaagad ni Hermes ang pamunas. "Shoo!"
"Kuya Hermes naman-"
"May mga towel sa kabinet na iyon. Kabisaduhin mo muna ang kinalalagyan ng mga gamit bago kayo magsimula sa pagluluto."
Nakasimangot na tumakbo si Ocean papunta sa tinuro ni Hermes. Naiiling na ibinalik ni Hermes ang atensyon sa ginagawa kanina.
"Hindi mo na dapat sinungitan si Ocean." sabi ko habang pinapanood ang ginagawa niya.
"Dapat na siyang masanay. Hindi pwedeng mahina ang loob kapag nagtatrabaho ka loob ng kusina. Bawat segundo hindi pwedeng masayang kaya dapat bago nagsimula ang araw na ito ay nakahanda na lahat ng maaari niyang gamitin." nang matapos siya sa ginagawa ay nakangiting itinulak niya iyon palapit sa akin. "Try it."
Kumuha ako at isinubo ko iyon. Napatango-tango ako ng malasahan ko ang pagkain. "Masarap. Anong tawag dito?"
"Marinated mushroom salad. Mas malasa lang siya dahil hinaluaan namin ng orange juice kesa sa lemon juice. Nilagyan ko na rin ng carrots para kay Ale."
Nakangiting kumuha ako ng maliit na strip ng carrots at isinubo ko iyon kay Ale na nakaupo sa highchair na kaagad namang kinain iyon at bumungisngis sa amin.
May sinenyasan si Hermes at ilang sandali lang ay lumapit sa amin ang isang lalaki na may dalang dalawang plato. Nagpasalamat si Hermes sa lalaki at pagkatapos ay nakangiting binalingan niya ako. "For the main course, Grilled tarragon chicken. And for the dessert, my new recipe."
Inabot ko ang ibinigay niya na bagong spoon and fork at nagsimula akong kumain. Napapatango-tango na lang ako habang tuloy-tuloy ang pagsubo ko. Napahinto lang ako ng pinalo ni Ale ang lamesa sa harapan niya.
Napaangat ang ulo ko at kaagad naman akong nakaramdam ng pamumula ng mukha ng nakangiting nakapalumbaba lang si Hermes habang pinapanood ako.
"Mukhang nasarapan ka ah." sabi ng binata.
"Oo na." natatawang sabi ko. "Ikaw na ang magaling magluto."
"Para sayo kasi yan kaya ginalingan ko talaga."
Nag-iwas ako ng tingin at sinubuan ko ulit si Ale ng carrots. "Ang swerte ko pala kasi pinagluto pa ako ng Chef ng Craige's."
"Mas swerte ako dahil nandito ka."
Pakiramdam ko ay may tumatakbo na maliliit na langgam sa katawan ko sa paraan ng pagkakatingin sa akin ni Hermes. Bago sa akin ang nararamdaman ko dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ko pa ito naramdaman na siya ang kaharap ko o hindi ganitong katindi. Pakiramdam ko bago ang lahat sa akin kapag kasama ko siya.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung bakit gusto ko na lang siyang basta yakapin ng mahigpit at halikan.
Kaagad kong naramdaman ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi sa naiisip. I should stop thinking like this. Marami pa akong kailangan unahin na gawin.
Kagat ang ibabang labi na sunod-sunod ako na umiling na para bang may tinatanggal ako sa utak ko at pagkatapos ay tinusok ko ang isang malaki na piraso ng chicken meat at basta ko na lang iyon na isinubo sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Hermes at napipilitang kinain iyon. Nahihirapang nginuya niya ang manok bago niya diniretsong inom ang tubig na naabot niya.
"Storm naman eh!"
"Kainin mo iyan. Luto mo kaya 'yan."
"Kakain naman ako hindi mo naman ako kailangang pagtangkaan." reklamo niya na hinahagod pa ang lalamunan niya.
"Ang kapal mo! Hindi kita pinagsasamantalahan!" namumulang sigaw ko.
Nakakabinging katahimikan ang pumalibot sa amin ng pati ang mga kitchen staff niya at si Ocean ay napatigil sa bigla ko na pagsigaw. Pakiramdam ko ay bigla na lang akong tinapatan ng spotlight sa sobrang pagkapahiya na nararamdaman ko. Stupid big mouth!
Tumikhim si Hermes at atubili na inalis niya sa akin ang tingin niya at ibinaling ang atensyon sa mga nagluluto. "Abo na ang niluluto ninyo."
Animo pinindot ang play button na natatarantang nagsikilusan ang mga kitchen staff. Nakahinga ng maluwang na inabot ko ang baso ko ng juice at tinungga ko iyon. Nang maubos ko iyon ay tinignan ko si Hermes. "I-I'm sorry. I was just-"
"It's okay. Wala naman akong narinig." nakangiting binalingan niya si Ale at pinindot ang mukha ng bata. "Di ba baby?"
"Pa...pa!"
Nabitawan ko ang hawak ko na baso sa narinig kong salita na nanggaling sa bibig ni Ale. Mabilis na kumilos si Hermes at sinalo ang baso bago pa iyon na mabasag. Nag-aalalang tinignan niya ako. "Storm?"
"H-he...he called you..."
Namumutlang tinignan ni Hermes si Ale. May kung anong emosyon na dumaan sa mga mata niya pero kaagad niya iyong tinago. "Lagi kasi akong kasama ni Ale. S-Siguro naghahanap lang siya ng kikilalaning ama kaya 'yon ang natawag niya sa akin. Pasensya ka na-"
"No..." I cleared my throat then gave him a shaky smile. "Siguro kapag tumagal matututunan ka na rin tawagin ni Ale na Tito."
Malungkot na ngumiti siya. "Siguro nga."
MARAHANG tinapik ni lola ko na si Mishy ang pisngi ko habang nakaupo kami sa tagong parte ng Craige's restaurant. Bigla siyang dumating kanina kaya kinuha na muna sa akin ni Hermes si Ale para makapag-usap kaming dalawa.
"I'm really happy that you're back, child." bulong niya na nakatitig sa mukha ko na para bang minememorya niya iyon.
"I'm happy too."
"Are you?" seryosong tanong niya at ibinaba na ang kaniyang kamay. "Masaya ka ba na nandito ka na?"
Napabuntong-hininga ako. Sinasabi na nga ba. Imposible na sadiyain pa ako niya ako ng wala siyang motibo. "Of course, grandmie. Nandito ang pamilya ko. Nandito si Ale."
"Then let your hatred go. Let them handle this."
Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo grandmie. Banned ako sa field mission kaya dito lang talaga ako sa BHO CAMP. I'm letting them handle everything."
"No you're not."
"Grandmie-"
Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko at mahinang nagsalita, "Alam ko ang pakiramdam ng maghiganti Storm. Alam ko ang pakiramdam ng desperasyon para lang mabawi mo ang hustisya na gusto mong makuha. But you've gone through so much, child. Just let it go."
Alam ko na wala na akong kawala pa. Even my mother can't lie when it comes to Mishiella Night. Hindi madaling makalusot sa matatalas niyang mga mata at pakiramdam.
"No." I whispered. Indirectly admitting in the process that what she's saying is true.
"Storm, hindi paghihiganti ang sagot sa lahat."
"I hate to say this, grandmie, but you're not that clean. You killed a lot of people more than I did."
"And I regretted it. Dahil ng makita ko ang mukha ng mga anak ko ng isilang ko sila, nang makita ko ang mukha ninyong magkakapatid, hindi ko maiwasang isipin na kung sakaling hindi ako nagpadala sa galit baka may iba pa kaming nagawa na paraan."
Mapait na ngumiti ako. "Bakit kailangan nating magsisi? Masama silang tao."
"At masama din ang ibinalik natin sa kanila." binitawan niya ang kamay ko. "Sa tingin mo ba ang masasamang tao ay ipinanganak ng masama? O naging masama sila dahil may nagtulak sa kanila para maging masama?"
"Walang rason...walang kahit na anong tamang rason na maipapaliwanag kung bakit ginawa ni Wyatt Claw sa akin ang ginawa niya. He's evil. He needs to die. Kailangan niyang mawala katulad kung paano nawala lahat sa akin."
"You're right, child. What he did is evil and he needs to pay. Pero hayaan mo na pagbayaran niya ang mga iyon sa tamang paraan. 'Wag mong ilagay sa kamay mo ang hustisya." mahinahon niyang pagsasalita. "We fight for justice remember? We accomplish missions but we're not the one giving the punishment. It's not our job."
"Bakit ikaw grandmie? Bakit ikaw tinapos mo ang B.E.N.D.? Bakit ikaw ginawa mo lahat para protektahan ang BHO? Bakit ako hindi ko pwedeng gawin iyon?" pumipiyok ang boses na tanong ko sa kaniya.
"Because I want to break the cycle. Tama si Dawn. Kung gusto natin na gawing tama ang mga bagay sa mundo kailangan din natin na kumilos ng tama."
"Grandmie-"
"Wyatt Claw's grandfather was a member of B.E.N.D."
Animo binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig. Hindi kababakasan ng kahit na isang patak ng pagsisinungaling si grandmie. She's telling the truth.
"He was a good man. A police officer. But he was forced to work for B.E.N.D. dahil ng mga panahon na iyon naghahanda ang B.E.N.D. para kalabanin kami. I killed him on the way to annihilate B.E.N.D. and I didn't even care enough to know him. Dinaanan ko lang siya na parang isang bagay na idinispatsa."
"I-It was not your fault. Ginagawa mo lang ang trabaho mo. Hindi mo trabaho na alamin ang pagkatao nila."
"Hindi nga ba? Hindi ba't sumumpa tayo na poprotektahan natin ang mga inosente? But I failed and that failure was passed down to generation. Because we are all trained to feel compassion to the victims but never to those who were used by our enemies. Even though their victims too."
Umiling ako. "May pagkakataon sila na pumili."
"Jonathan Claw didn't have a choice. His wife was hostage by B.E.N.D. and when he died, his wife was shot to death in front of their son Weston Claw, Wyatt Claw's father." mapait na ngumiti siya. "Now Weston had a choice. Pwede niyang piliin na mabuhay ng normal at bumuo ng masayang pamilya. Pero imbis na gawin iyon ay tinahak niya ang buhay na puno ng pait. Gumawa siya ng paraan para mapantayan ang organisasyon na hindi niya man lang alam ang pangalan pero alam niyang siyang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang niya. Kahit hindi niya tayo kilala nabuhay siya para pantayan at higitan tayo. Iyon ang tinanim niya sa utak ng mga anak niya."
"Mayroon ding choice si Wyatt Claw pero mas pinili niya ang mga desisyon niya. Na gawin lahat ng mga kasamaan niya."
"Yes he did. But Storm, he was just like you-"
Nag-iigting ang mga ngipin na pinutol ko ang sasabihin ni grandmie. "Don't ever compare me to that sick demon!"
"Katulad mo marami din na nawala sa kaniya. Even though his father was a hard man he tried to be normal. When he was ten years old he met this little girl. Lagi silang magkalaro sa isang park. Lagi niyang kinukuwento sa kaibigan niya na ayaw niya sa bahay nila. Na masama ang tatay niya. Kahit gusto niyang tumakas hindi niya magawa dahil may kapatid siya."
"I don't care about him grandmie."
Inignora ako ni grandmie at nagpatuloy siya, "Nang minsan ay hindi nakasipot ang kaibigan niya sa parke, hinintay niya ang kaibigan niya hanggang magdilim. Then Wyatt Claw was kidnapped by his father's rival on the underground business. He was gone for two years. He was tortured, violated...ruined. Nang makabalik siya nalaman niya din na nakaalis na ang kaibigan niya. His only friend."
Inihilamos ko sa mukha ko ang kamay ko. "Grandmie, I really don't care about Wyatt Claw. Okay, he had a sad life but that doesn't change a thing."
"You once cared for him."
Tinignan ko si grandmie na para bang nababaliw na siya. "Grandmie itigil na muna natin ang usapan na ito. Hindi na tayo nagkakaintindihan. Hindi ko din alam kung paano mo nakuha ang mga impormasyon na ito pero-"
"Matanda na ako Storm pero hindi ibig sabihin ay hindi ako naging agent. Hindi madaling alamin ang lahat pero hindi imposible."
I sighed in exasperation. "Okay grandmie, let's not ruin the moment further and let's stop talking about things I don't care about-"
"One upon a time you cared for him. Once upon a time Yat Yat and Mi Mi existed. Do you remember that, Mi Mi?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top