CHAPTER 11 ~ Ale ~

CHAPTER 11

STORM'S POV

Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman ko na gumalaw si Hermes at hinapit ako palapit sa kaniya. Nakasandal siya sa isa sa mga puno malapit sa batis habang ako naman ay nakasandal sa kaniya. He said that we can stay here for awhile. That we can stay here until I can be ready to go back home.

Home. My real home.

"Paano mo naalala ang papunta rito?" tanong ni Hermes.

Nagbaba ako ng tingin. Tumingin ako sa harapan namin. Tanging ang bilog na buwan lang ang ilaw namin sa madilim na gabi. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko dito. Basta ang alam ko lang magiging ligtas ako rito."

"Pumupunta pa rin ako rito noon. Kahit nasasaktan ako kapag nagpupunta ako ginagawa ko pa rin. Dahil kapag nandito ako pakiramdam ko kasama pa rin kita."

Malungkot akong ngumiti at bahagya kong pinisil ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Hindi din naman magaganda ang ala-ala natin dito. Noong mga bata pa tayo, noong mawala ko ang kid tracker natin at naligaw tayong dalawa rito, ilang oras tayong nastuck dito dahil biglang bumagyo. Dito ako pumupunta kapag napapagalitan ako ng parents ko, kapag bumabagsak ang grades ko, kapag..."

Napatigil ako at pilit na inapuhap ko ang dapat kong sasabihin. Pero hindi ko nagawa dahil hindi ko maalala kung ano ba ang dapat na sasabihin ko.

"But it's still our place. Kahit puro away at problema lang ang pinupunta natin rito. Dahil sa lugar na ito meron lang Storm at Hermes." sabi niya.

Animo boses ang mga ala-ala ko kasama si Hermes. Naririnig ko kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Kung paano siya nasasaktan dahil hindi ko siya magawang mahalin. Na kahit anong mangyari hihintayin pa rin niya ako.

"You really love me." I murmured.

"Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Higit pa sa kung ano ang sa tingin mo ang kayang ibigay ng isang lalaking nagmamahal."

Muli akong nag-angat ng tingin at sinalubong ko ang mga mata niya. "Bakit?"

"I've been loving you for two life times. Minahal na kita noon pa bago ka mawala. When you died, when I thought you died, akala ko namatay na rin ako. And now I'm back again because you're here...and I still love you. I love you even more."

Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa mga salita niya. Hindi ko alam kung bakit pero nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Na para bang nasasaktan ako dahil alam ko na nasaktan siya sa pagkawala ko.

"Storm." tawag pansin sa akin ni Hermes ng hindi na ako muling magsalita pa.

"Natatakot ako."

"Hindi mo kailangan matakot." bulong niya at hinaplos ang buhok ko. "Hindi ka namin pababayaan."

"Natatakot ako na masaktan kayo." nagbaba ako ng tingin sa magkahugpong namin na mga kamay. "Hindi nakita ni Detective Bach ang mukha ko. Pero alam ko na inalerto niya ang Claw. They can find me here. Kaya nila kayong saktan. Hermes-"

"Napapalibutan tayo ng mga agent, Storm. Inalerto ko na sila. But Claw won't attack now."

"They will."

"No they won't. You rattled them, Storm. Binawasan mo ang mga tao nila. Hindi lang basta tauhan nila kundi mga matataas pa ang posisyon. They won't attack us now. Not when they're outnumbered."

Kumawala ako sa kaniya at tuluyan na akong humarap sa kaniya pero hinila niya lang ako pabalik pero sa pagkakataon na ito ay kinandong niya ako patagilid. "I'm sorry." he murmured. "I can't bear not to touch you. Pakiramdam ko mawawala ka ulit."

"That's why I'm scared, Hermes. Dahil hindi ko maipapangako na hindi ako mawawala. Dahil kahit masakit lahat ng nangyari pipiliin ko na mawala na lang sa buhay ninyo kesa mapahamak kayo."

"It's time we choose Storm. Hindi mo kailangan pasanin lahat. Kaya nga kami nandito. Kasi hindi mo kailangan mag-isa na buhatin ang bigat ng pinagdadaanan mo."

"I know that now. But it can't ease my fears. Iisa lang ang paraan at iyon ang mawala ang Claw. Iyon lang ang nag-iisang paraan para mabuhay ako ng tahimik. I want them gone."

"In the right way."

Umiling ako. "Walang tamang paraan maliban sa mawala silang lahat."

Umangat ang isang kamay ni Hermes at marahang hinaplos niya ang pisngi ko. "Wag mo munang isipin ang mga nangyayari. For now, we should just focus on you and Ale."

Parang may kung ano na pumiga sa puso ko sa sinabi niya. My child. Ang anak ko na hindi ko man lang nakasama ng matagal. He was so weak before that I didn't even know if he's alive.

"I want to meet him." I said with a small smile. "As me, I mean. With me knowing him this time.

Bahagyang ngumiti ang binata. "You will. He's a great child Storm. Hindi siya mahirap alagaan."

Napahinto ako sa akmang pagtayo ng may maisip ako. A new kind of fear clutched on my heart. "Ikaw di ba ang nag-aalaga sa kaniya? Bakit? Hindi ba siya tanggap ng pamilya ko?"

Umiling siya. "Mahal ng pamilya mo si Ale."

Nanginginig ang mga kamay na hinawi ko ang tumatabing sa mukha ko na buhok. Bahagya ko ring pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. "Minahal pa rin nila si Ale kahit alam nila na isang halimaw ang ama niya?"

"Storm-"

"I won't let anyone hurt him. Lalo na si Wyatt Claw. They can't take him away from me. I won't let it."

"Storm, listen..." he said turning my head towards him for me to look at him. "Paano kung hindi si Wyatt Claw ang ama ni Ale?"

Sunod-sunod na umiling ako. "That's impossible. Walang iba. Siya lang...ang halimaw lang na iyon." my tears welled up again. "Don't let him take away my son, Hermes. Don't let anyone take him. He's mine. Kinuha na lahat sa akin. Ang katawan ko, ang pagkatao ko, ang buhay ko. Ayokong mawala sa akin ang anak ko. Siya na lang ang natitira sa akin. Siya na lang. H-He's the only part of me that's still mine.. T-They...t-they...they can't..."

"Shh. It's okay, Storm. No one will take him away from you." inalalayan niya akong makatayo at nakita kong kinuha niya ang phone niya at tumipa roon. Ibinalik niya na rin sa bulsa niya ang cellphone at hinarap ako. "Makikita mo na siya. I promise."

Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil bigla na lang may kumaluskos. Lumabas mula sa isang parte ng lugar ang isang lalaking matangkad. Lumapit siya sa amin at umangat ang kamay niya para hawakan ako pero agad na nakaatras ako. "No! Don't touch me!"

"What-"

"Buddy, back off." Hermes said to him as he hold me in his arms.

Tumingin sa akin ang lalaki. Kita ang kaguluhan sa mga mata niya. "Storm, si Triton ito. I'm not gonna hurt you."

Mula sa likuran ng lalaki ay sumulpot ang dalawang babae. Lumapit ang isa sa kanila sa nagpakilalang Triton. "Anong problema?"

"Hindi ako makilala ni Storm."

Tumingin sa akin ang babae. "Everything will be alright, Storm. Dadalin ka namin kay Tito Wynd at Tita Autumn. You'll be okay."

Napatingin ako kay Hermes ng kumilos siya at bahagya akong hinarap sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mga mata at bahagya siyang ngumiti. "She's right. Magiging ayos din ang lahat. I promise you."

"I don't know her."

Napalingon kami sa babae ng bigla na lang siyang humikbi. Naiiling na lumapit ang isa pang babae sa kaniya at kinindatan ako. "I'm Athena and she's Dawn. She's your cousin. Emosyonal lang siya dahil buntis siya. Idagdag pa na inaasahan ng lahat na naaalala mo na ang lahat. But you'll come around. But for now maiwan na muna namin kayo. Susunod na lang kami sa inyo ni Kuya Hermes."

Hinila na niya ang dalawa pa niyang kasamahan at tahimik na pumasok sila muli sa kasukalan ng lugar. Nang tuluyan na silang mawala ay humarap ako kay Hermes. "I'm hurting them."

"No you're not."

"I'm broken."

"Storm-"

"Don't you see?" I asked him. "We will never be okay."

Sandaling nakatingin lamang siya sa akin. Pagkaraan ng ilang sandali ay hinawakan niya ang isa kong kamay at dinala iyon sa tapat ng dibdib niya. "Then, maybe we don't need to be okay. We don't need to be fixed or perfect. Maaring hindi na bumalik laht ng memorya mo. Hindi natin masasabing sisimulan natin ulit lahat. Hindi natin mabubura kung ano ang mga nangyari. But what we should not do is stop living. We need to continue from where we stopped and try to live and be happy"

"I'm broken." I repeated.

"Even broken something can still be beautiful."

Marami siyang pag-asa para sa akin at para sa aming lahat. Na magiging ayos kaming lahat pagkatapos ng mga nangyayari. Siguro tama siya. Imposible na maayos lahat na para bang hindi nagkalamat ang mga buhay namin.

Lagi naming maaalala ang mga nangyari. I just hope that I can live with it. That I can hold myself together for them.

Because I know I'm barely keeping everything together. I'm not the old storm. Kulang na ako. Marami ng nawala. What I am now is someone tainted. Someone who killed people not because it is not inevitable kundi dahil sinadiya ko na patayin ang mga taong iyon. Hindi ko na mabubura ang mga ginawa ko. Hindi ko gustong burahin. Wala akong pinagsisisihan.

But all I know now is that I'm not done. At kahit na unti-unti ng bumabalik si Storm alam ko na may iisa silang gusto ni Serenity at iyon ay ang tapusin ang nasimulan.

Tapusin ang Claw.

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang naglalakad kami sa pasilyo ng headquarters. I remember this place clearly. Pero hindi ang ilang mga tao na nakakasalubong ko. Ilan sa kanila ay naalala ko pero hindi lahat.

Pumasok kami sa isang kwarto. A conference room. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko kay Hermes ng tuluyan ng bumukas ang pintuan.

Ang unang nakita ng mga mata ko ay si Sky. My sister. Nakayakap sa bewang niya ang isang lalaki na hindi ko rin kilala. I look around us and I saw my two brothers who's staring at me. Then my parents.

"Storm..." my mother, Hurricane, murmured as she take a step towards me. Nakaalalay sa kaniya ang ama ko.

"M-Mommy." I whispered.

Lumuluhang kumawala siya mula sa pagkakahawak ni Daddy at tinakbo niya ang iilang hakbang papunta sa akin. Naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ni Hermes kasabay ng pagyakap sa akin ng ina ko.

Sumubsob ako sa leeg ni Mommy at bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. "I'm so sorry, Mommy. I'm sorry I failed you."

"My baby. Don't ever leave me again. Hindi ko na kakayanin, Storm. Ibinigay kayong apat sa akin para mahalin, para alagaan...para protektahan. I failed you more than you think you failed me. Ayoko na ulit maranasan na maglibing ng anak, Storm."

"Mommy..."

Pinunasan niya ang luha na naglalandas sa pisngi ko. "Hindi iilang beses na nakita kita sa lugar na ito. Kada lumilingon ako nakikita kita pero alam kong hindi totoo. But now you're really here. You're really here."

Luhaan na nag-angat ako ng tingin ng maramdaman ko na may kamay na pumalibot sa akin. I was greeted eyes of my father that are welling with tears. Kitang-kita sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Kasabay niyon ay lumapit sa amin ang mga kapatid ko at sumama sa pagkakayap sa akin.

"Wag mong isipin na karapatdapat lahat sa iyo ang mga nangyari. Hindi ko alam kung bakit mo itinago sa amin lahat, Storm. Kung bakit lagi mong pinipili na saktan ang sarili mo kaysa ang hingan kami ng tulong." my father said with a pain in his voice. "But I won't bury you again. Kung kinakailangan na itali kita dito, gagawin ko. Kung iyon ang paraan para protektahan ka. Natatakot ka na masaktan kami di ba? Na mapahamak kami dahil sa mga pangyayari na hindi mo naman kasalanan? But we've been hurting for quite some time. Hindi dahil sinaktan kami ng kung sino man kundi dahil nawala ka sa amin. I can't even sleep at night knowing that the daughter that I raised won't be there when I wake up. Na araw-araw haharapin ko na nakikita ko sa mga kapatid mo at sa asawa ko ang sakit ng pagkawala mo. Na araw-araw haharapin ko ang katotohanan na hindi ko nagampanan ang tungkulin ko sa'yo. That I failed as your father."

"No. No daddy...you didn't. Dapat sinabi ko sa inyo-"

"You deserve a normal life. Kayo ng mga kapatid mo. Hindi namin kayo dapat ipinasok sa buhay na ito."

"Hindi niyo kami pinilit. Pinili namin na maging katulad ninyo."

Kumawala sila sa pagkakayakap sa akin. Masuyong tinapik ni Daddy ang pisngi ko at tumingin sa likuran ko. "You don't understand but you will."

Dahan-dahan na tinignan ko ang tinitignan niya. Nanlambot ang tuhod ko ng makita ko si Hermes na ngayon ay hawak si Ale na nagpapasag para makakawala mula sa kaniya. Ibinaba niya ang bata na nakangiting nakatingin sa akin habang dahan-dahang naglalakad.

Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa sahig. At that exact moment I realized what my father meant.

Dahil alam kong gagawin ko ang lahat para lang mailayo si Ale sa buhay na ito. Generation by generation, agent gave birth to future agents. I don't want that for my child. I want him to live a normal life.

Hindi ko siya pipigilan kung gugustuhin niya na maging kahit na ano. Pero hanggang kaya ko...'wag ang buhay na ito.

"Ma...ma."

Ale took another wobbly step and I raised my hands when he staggered. Mabilis na ikinulong ko siya sa mga bisig ko at mahigpit na niyakap ko siya. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. Halos wala na rin akong makita dahil sa mga luhang dumadaloy mula sa mga mata ko.

"I'm sorry. I'm sorry nakalimutan ka ni Mama. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita, anak. Please forgive Mama. Forgive me for forgetting about you. I'm sorry."

Hindi ko siya nakitang lumaki. Hindi ko siya naalagaan. But I'm glad. I'm glad that I took him here. Dahil hindi nila pinabayaan ang anak ko.

Wala akong pakielam kung sino man ang ama niya. He's my son. He's my own flesh and blood. At gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Para masiguro na magiging ligtas siya.

"I'll keep you safe. I will always keep you safe."

"Ma..."

I kissed his chubby cheeks and looked at his innocent eyes. "I will do anything to keep you safe."

He raised a tiny hand and touched the tears on my cheeks. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa basang kamay niya. "Mama."

Anything. Everything.




HERMES' POV

"Hubby."

Hindi ko na kinakailangan na mag-angat ng tingin para alamin kung sino ang tumawag sa akin na iyon. Una, dahil wala namang ibang tatawag sa akin niyon maliban sa isang taong pinilit ko noon na iyon ang itawag sa akin ng mga bata pa kami. Adonis.

Nanggaling kami sa iisang bahay ampunan. Inampon siya ni Althea Evangelista, isang agent ng The Camp at inampon naman ako ni Fierce at Cloak Scott. Magkaibigan kami mula bata pa lang kami at ako lang din ang nakakasundo niya dahil ako lang ang hindi sumusuko sa kaniya. Dahil natural ako na bibo noon pati bahay-bahayan natripan ko na ring laruin. Pero dahil wala kaming iba na kalaro ni Adonis, siya na lang ang pinilit ko na maging wifey ko at ako naman ang hubby. Pinagtitripan ko lang siya noon pero dahil nakatuwaan ko na, hindi ko na rin inalis sa paglipas ng mga panahon.

Pinagpatuloy ko lang ang pag-inom ko sa hawak ko na bote ng brandy habang nakatingin sa kawalan.

"Kailangan ko bang maghanda para kapag tumalon ka diyan sa pool sa harapan mo?"

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na umupo si Adonis sa tabi ko at inagaw sa akin ang hawak ko na bote. Imbis na ilayo iyon ay uminom siya roon at ibinalik rin sa akin ang bote.

"Nasaan si Storm?" tanong niya.

"Alam mo naman kung nasaan siya."

Kasama ngayon ni Storm ang mag-asawang Reynolds at ang mga kapatid niya. Kasalukuyan sila ngayong nasa isa sa mga villa ng BHO CAMP na ipinagamit muna nila Dawn sa kanila. Nandoon rin ang mga pinsan nila Storm.

"Something's bothering you."

"Yes." I said as I take a drink again. Ipinasa ko iyon sa kaniya at siya naman ang uminom. "Hindi pa naaalala ni Storm lahat."

"Natural lang iyon. Marami siyang pinagdaanan, Hermes."

"Hindi niya alam na ako ang ama ni Ale." Napalingon sa akin si Adonis. Tumingin ako sa kaniya at malungkot na ngumiti. "Hindi niya naaalala na may nangyari sa amin."

"She's with her parents now. They will-"

"I told them not to."

"Are you insane?" he asked with a surprise in his voice.

Kinuha ko sa kaniya ang bote ng alak. "Ayokong matakot siya na aagawin ko sa kaniya ang bata. Ayokong makihati sa kaniya."

"Hindi ka makikihati, Hermes. Ale's your son."

"And she's gone through so much. Maraming pinagdaanan si Storm. I don't want her to think that I'm taking away the only thing that's left to her."

"Hahayaan mo siya na isipin na ang ama ng anak niya ay isang halimaw?"

"Alam niya na si Wyatt Claw ang ama ng anak niya at alam niya na hindi natin hahayaang makalapit ang Claw sa kanila. But with me, it's different. She'll be threatened. She'll hate me."

"Hermes-"

"Hindi mo nakita ang ekspresyon sa mga mata niya kanina. I don't want her to feel that way. Hindi ko lang ito gagawin para sa kaniya kundi para rin sa akin. She's back now, Adonis. She's not mine...she might not be mine. It's okay with me as long as I won't see hate in her eyes when she looks at me. Kung ano ang gusto niya iyon ang ibibigay ko sa kaniya. Kung dadating ang panahon na maaalala niya ang pinagsaluhan namin, then I'll carry the consequence of my actions. But for now, I'm fine with this."

"You're giving up your right for your son."

Umiling ako. "Wala akong sinusuko. Mahal ni Storm ang anak namin. At mahal ko silang pareho. I'm not giving anything up, I'm just simply giving."

Namayani ang katahimikan sa paligid namin. Patuloy lang naming ininom ang bote ng brandy na pinagpapasahan namin.

"Hindi niya din ako naaalala." basag ni Adonis sa katahimikan.

Nilingon ko siya. "What?"

"Hindi niya ako naaalala. Nakita ko iyon sa kaniya kanina ng kasama namin siya ni Sky. She tried to hide it so she won't offend me."

"Imposible-"

"Mabuti na rin iyon. Mabuti na rin na hindi niya ako naaalala. Maybe this is God's way of erasing her feelings for me. Or at least erasing what she thought she feels so she can focus on what is real."

Nabitawan ko ng wala sa oras ang hawak ko na bote. Nanlalaki ang mg mata na tinignan ko siya. "A-Alam mo?"

"Noong una akala ko nagkakamali lang ako. May napapansin ako sa kaniya mula ng mga bata pa lang tayo pero hindi ko pinagtuunan ng pansin kasi akala ko hindi totoo." tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. "But now she'll realize that she also learned to love another person but she just failed to recognize it. Dahil nakatanim na sa isip niya na ako lang ang mahal niya."

Bumuka ang bibig ko para magsalita ng bigla na lang sumulpot mula sa kung saan si Dawn. Maputla ang mukha niya ng lumapit siya sa amin. Agad na tumayo kami ni Adonis mula sa pagkakaupo sa gilid ng pool at sinalubong siya.

"Anong problema?" tanong ko.

"Kasama ba nila tita Hurricane si Storm?"

"Oo." kumunot lalo ang noo ko. "Anong nangyayari?"

"Natagpuang patay si Detective Bach."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: