CHAPTER 10 ~ Storm ~

CHAPTER 10

SKY'S POV

Kita sa mga mata niya ang labis na pagkabigla ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko siya masisisi. Dahil kahit ako ay hindi makapaniwala na nangyayari ang mga ito. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon.

"Storm."

"No..."

Sa isang mabilis na galaw ay kaagad siyang nakakawala mula sa mahigpit ko na pagkakahawak. Even without her memory, her body still remembers. Gumalaw ang kamay ko upang muli siyang hawakan pero tumayo siya at umiiling na umatras.

"No..."

"Storm." I whispered.

"Don't call me that!"

"Nakukuha na ninyo ang atensyon ng mga tao, Sky. Get her out of there fast." narinig ko na wika ni Freezale mula sa kabilang linya ng listening device na suot ko.

Without taking my eyes off her, I took a step closer. "I won't hurt you. Look at me. I'm your sister."

"No!"

Mabilis na tumakbo ako para sundan siya ng bigla na lamang siyang tumakbong paalis. Madali ko lang siyang maaabutan kung hindi lang dahil sa napakadaming tao sa loob ng simbahan. Nauuna siya sa akin kaya sigurado ako na mas mauuna siyang makalabas. And when that happens, even just a second of losing her on my line of vision, she'll disappear.

"Adonis, get Sky out of here."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Triton mula sa LD. Nagpatuloy ako sa pagsunod kay Storm. "What the hell, Triton?"

"May nga tauhan ang Claw na dumating. Hindi ka nila pwedeng makita."

"On it." I heard my husband, Adonis, whispered.

Nanatiling tutok ang mga mata ko kay Storm. "Hindi ako pwedeng umalis. Kailangan kong mabawi si Storm!"

"Nasa labas na ang mga kapatid mo. They'll go after her. Trust me."

Animo may pumiga sa puso ko ng tuluyan ng mawala ang pigura ni Storm mula sa nagsisiksikan na mga tao. Alam ko na kailangan kong sundin si Triton. Hindi ako maaaring magpakita sa Claw. Hindi lang para sa kaligtasan ni Storm kundi para na rin sa akin.

But I can't let her do this alone. Marami ng pinagdaanan si Storm ng mag-isa. I can imagine her in pain, scared...no one to save her.

I can't let her be alone. Not again.

Nang makakawala ako sa madaming tao ay ang mukha ni Adonis ang una kong nakita. Lumapit siya sa akin pero agad akong nakalayo at tumakbo palapit sa isang kotse na kasalukuyang may bumababa na babae. Itinulak ko ang babae at bago pa siya makapagsalita ay pumasok ako sa loob ng kotse at pinasibad iyon paalis.

"Damn it!" Adonis shouted at the LD. "Get back here, Sky!" he hissed.

"I'm sorry, Stranger. I'll make it up to you later." I said to him as I maneuvered the car. "Freezale, cut the connection, except with my brothers and Dawn,"

"Don't do it Freezale!" Adonis warned.

"Freezale, alam mo. Alam mo kung bakit ko 'to ginagawa. Alam mo kung bakit kailan ko itong gawin." bulong ko.

"Do it." I heard Dawn said.

"Don't." singit ni Triton.

"Jeez, people. Yes, Dawn, I'm cutting the connection because I wanted too and not because you say so. Triton and Adonis? Fuck off. Alam ni Sky kung anong ginagawa niya." Freezale said.

"She's my wife!"

"Yes, Adonis, I know since I was there at your wedding. But I'm still cutting the connection. Dahil kapatid niya ang pinag uusapan natin at kung sa tingin mo na ipapahamak ni Sky si Storm o ang sarili niya, mag isip ka. Because Sky won't do anything to put her life in jeopardy when she knows Russia and Nero are waiting for her at home."

After saying that, Freezale cut the connection. Kasabay niyon ay nagbeep ang cellphone ko. Kinabit ko iyon sa cradle at ng buksan ko ang home screen ay lumabas ang navigation na tinatahak ng mga kuya ko na sinusundan si Storm.

"Who's driving kuya?"

"Blaze." my brother Stone answered in a short clipped tone.

"You're on her track?"

"Yes. But she have something on her sleeves. I'm sure of it. Storm managed to master the art of escaping at a young age. Hindi na ako magtataka kung matatakasan niya tayo ngayon."

I gritted my teeth at my brother's controlled voice. "And you're not even worried?"

"No. Because I know a person who can always find her better than we can. With a few exemption of course. Una, kung wala siya sa mga kamay ng Claw. Pangalawa, if he knows that she is alive."

Of course. Of course he's right.

"Dawn?" Tawag ko sa atensyon ng pinsan ko.

"Yes?"

"Go to him."

"Sky..."

"Do you know where he is?" I asked.

Bago pa siya makasagot ay nauna na si Freezale na magsalita. "Phoenix knows. He's living right next to her."

Sandaling katahimikan ang namayani. Pare-pareho naming tinitimbang ang mga pangyayari. Hung tama ba ang desisyon na sabihin na sa kaniya lahat ng nalalaman namin. But we all know that if there's a perfect time then this is it.

Hermes need to know.



HERMES' POV

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang tunog ng door bell. Wala naman ako na inaasahang bisita. Siguro iyong kapitbahay ko na naman. Ang lakas talaga ng tama sa akin ng Serenity na iyon. Galit na galit sa akin pero lagi naman akong hinahanap.

Kahit na lagi kaming nagkakainisan, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay nabubuhay ang mga pakiramdam na akala ko ay nakalimutan ko na. Bantering with her reminds me so much of Storm. The way her voice sounds and the way emotions colors her eyes. Kaya ayoko na makita siya dahil pakiramdam ko pinapaalala niya sa akin ang mga bagay na nakakapanakit lang sa akin. I don't want to look at her and see another person that won't ever come back.

Nang una ko siyang makilala kahit na balot na balot siya, pakiramdam ko nakikita ko sa kaniya si Storm. And when I heard her voice it was as if it's physically stabbing me because she sounded so much the woman that I love. Pero alam kong imposible. She's gone and I need to accept that.

Ilang beses ko na bang nakita si Storm na para bang buhay na buhay siya? Ilang beses bang bigla ko na lang maririnig ang boses niya na para bang kasama ko pa siya? But everything is not real. Hindi na siya babalik.

Lumapit ako sa pintuan at pinindot ko ang maliit na screen sa gilid niyon. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko ng wala akong makita roon. Ibig sabihin lang niyon ay tinakpan ang security camera ko sa labas ng bahay.

"Ano na naman ang trip ng babeng mummy na 'to?"

Napapabuntong-hininga na binuksan ko na lang ang pinto. Sa katarayan ng babaeng iyon, baka isang tingin niya lang ay matunaw na lang bigla ang pintuan ko.

"Anong kailangan mo-"

Naputol ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ng pintuan ko. Triton and Dawniella Lawrence.

"Kailangan ko na ba na maghanda kapag dumating pa ang ibang agents dito? It looks to me that you're all planning to ruin my peace." I said to them when they didn't speak.

"We're here to discuss some things." Dawn said and welcomed herself inside. Sumunod sa kaniya si Triton na tahimik lang.

Nagtataka man ay sinarado ko na lang ang pinto at sumunod sa kanila. Natagpuan ko sila na nakaupo na sa sofa habang si Dawn ay karga-karga si Ale na nakangiting nilalaro ang buhok ng babae. I felt a pang on my chest as I look at them. It's something that I can never give Ale. A whole family.

"Dawn-"

Pinutol ni Dawn ang sasabihin ko. "Mahal mo ba si Storm, Hermes?"

Lalong bumigat ang nakadagan sa dibdib ko sa pagbanggit niya ng pangalan ng babaeng pinakamamahal ko. I know the weight in my chest will never ease. Not until I'm living in a world where she doesn't exist.

"More than anything in this world."

"Why'd you let her go?"

"I didn't."

Nag-angat siya ng tingin mula kay Ale at sinalubong ang mga mata ko. "Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." sabi ng babae. "If you love her, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mapasaiyo si Storm? Why didn't you try enough?"

"I don't want to own her, Dawn. She's not a property. I want her to be just her."

"She can be herself with you."

Nagkibit-balikat ako. "Maybe. Maybe it just needs time. But Storm made her choices and I'm respecting that."

"Wrong choices."

"For her but not for the people around her. Storm can be selfish and selfless at the same time. That's why I love her no matter how crazy that sounds. Because she's real. Nagkakamali siya at itinama niya ang mga pagkakamaling iyon. Wala siyang ginawa kundi mapasaya ang taong nasa paligid niya. To ease their pain."

"Can you till love her even though she gone through all that?" Triton asked for the first time.

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. It breaks my heart to even think of it. But it's always there lurking inside my head. "Can? I never stopped loving her."

"Paano kung hindi na siya katulad ng dati? What if she's more broken that we all thought? Paano kung ibang iba na siya sa Storm na nakilala mo?" Dawn asked, her voice turning into a whisper.

Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mag-asawa. May kakaiba sa mga tanong nila. Idagdag pa na alam kong hindi gusto ni Dawn na pag usapan si Storm lalo na sa harapan ko at ng pamilya niya.

"What's going on?"

"Paano kung hindi na niya gustong balikan ang nakaraan niya?"

"Anong-"

"Paano kung may iba na siyang pagkatao?"

Kinuyom ko ang mga kamay ko hanggang sa halos mamuti na iyon sa higpit no'n. "Anong ibig mong sabihin, Dawn?"

"Paano kung buhay pa siya?"



STORM'S POV

Halos kapusin na ako ng hininga pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Alam ko na nakalayo na ako sa kanila pero kailangan ko na makasigurado. Hindi ako pwedeng makampante. Kailangan kong lumayo sa abot ng makakaya ko.

Hindi nakakatulong na parang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit. But I need to bear with it for awhile. I even lost my mouth mask and my jacket because I can't take it with me anymore. I'm too exhausted to carry it and I'm too busy with the pain to think about it.

Seeing that woman...the woman with the same face that I have, sent my mind into turmoil. Halos lahat ng mga malabong flashbacks na naalala ko ay nagkaroon ng mukha. Nang mukha naming dalawa at ng dalawang lalaki na magkamukhang magkamukha.

But I need to get away from them or that's what I think I need to do. Not because I'm scared of them but because for some reason I'm scared for them.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Inihinto ko kanina ang sasakyan ko sa gitna ng trapiko at mabilis na sumakay ako sa pampasaherong sasakyan bago ako maabutan ng mga humahabol sa akin. Dinala ako ng mga paa ko sa Cavite hanggang makarating ako sa Tagaytay.

I was overcome with my thoughts and with the pain it brings as memories flooded me. Pero nagawa kong ilagay sa ligtas ang sarili ko. Sa lugar kung saan sa tingin ko ay magiging ligtas ako. And now here I am.

Animo pamilyar ang katawan ko sa tinatahak kong daan. With each step the feeling of security tightened around me. The feeling of being safe.

"Freak! The Quadrufreak!"

"Huwag mo na silang pansinin Storm. Naiinggit lang sila dahil hindi sila kasing unique natin. Hindi ba kuya Blaze, kuya Stone?"

"Hindi naman kasi tayo freak, Sky."

"Alam ko, Storm. Wala naman tayong pinagkaiba sa ipinanganak sa magkakaibang taon. Superman at Superwoman kasi ang parents natin kaya nabuo tayo. Eh sila? Ordinary people."

"Wala ding masama sa pagiging ordinary Sky." singit ni kuya Blaze.

"Wala nga. Masama lang kapag katulad nila na bad."

Aalis na sana kami peri bigla kaming hinarang ng mga batang bully. Nakangising nakatingin sa amin ang leader nila na si Jimbo."Quadrufreak! Ang names niyo freak! Quadrufreak, quadrufreak! Siguro ang parents niyo ay freak!"

Nanlaki ang mga mata namin ni Sky ng halos sabay na umigkas ang kamao ng mga kuya namin. Huminto ang mga kamao nila isang dangkal sa mukha ni Jimbo. Bumagsak ang bata sa takot na hindi naman tinamaan ng suntok nila kuya habang nagtakbuhan naman ang mga kasamahan niya para magsumbong.

"Reynolds!" sigaw ng teacher na kaagad lumapit. "Fighting is not allowed in this school."

"Really?" walang ganang tanong ni kuya Stone.

"I'm gonna call your parents-"

"Sure thing, Ma'am." my brother Blaze said. "Para makalipat na rin kami sa school na ang mga guro ay magtatanong muna kung ano ang nangyayari at hindi lamang basta nag-aakusa."

"My brother is right, Ma'am. Makakalipat na rin kami sa paaralan na naturuan ang mga tao na rumespeto sa mga tao sa paligid nila." sabi naman ni kuya Stone.

Tumango tango si Sky. "Masyado kaming matalino para sa lugar na ito. Bye!"

Hinila na ako ni Sky palayo. Sabay kaming napahagikhik ng makalayo na kami. Naiiling na inakbayan ako ni kuya Stone habang si kuya Blaze naman ay nasa kabila ni Sky.

At that moment, everything feels safe. Because of them. Because we're whole.

Hinihingal na hinawi ko ang mga matataas na halaman sa harapan ko. Pumasok ako at tinawid ko ang mga iyon. The smell instantly hit me. The smell of different flowers.

Maingat na naglakad ako. Papalubog pa lang ang araw kaya ng makalabas ako mulsa sa mga halaman ay halos mawala ang aking hininga sa nakita ko. It's a small circular meadow full of flowers, but at the northern part of the place is a small spring. The beauty of the place is striking but the feeling of seeing it took my breath away.

Ito ang unang beses na nakita ko ang lugar na ito pero pakiramdam ko ay pamilyar na pamilyar ako dito. Pakiradam ko ay napakaespesyal sa akin ng lugar na ito. At kahit nararamaman ko ang seguridad sa pananatili rito ay pakiramdam ko nahihiwa ang puso sa maliliit na parte.

"You remember."

Pain engulfed my heart as I heard the familiar voice. Boses na kinaiisan ko nitong mga nagdaang mga araw, boses na pamilyar ng marinig ko pa lamang siyang nagsalita ng una kaming magkita sa tapat ng bahay niya.

Pamilyar. Pamilyar dahil hindi iyon ang unang beses na nagkita kami.

"D-Don't..."

"You remember our place."

I heard a movement behind me. Mabilis na lumayo ako ng hindi lumilingon sa pinanggalingan ng ingay. "Don't do this."

"Why?"

Hindi ako sumagot. Sinandig ko ang isa kong kamay sa punong malapit sa akin, isinasandig roon ang bigat ng aking katawan.

"Virgin!"

"Ikaw din naman!"

"Supot!"

"Hoy! Paninirang puri na yan! Halika dito at makipag face to face ka sa kadakilaan ko! Hinahamon mo ako ha?!"

"Marshmallow wiggles! Kahit makipag face to face ako diyan wala akong makikita! Hot dog ka! Bite size!"

"Don't fight it, Storm. Come back." I heard him say.

Umiling ako at umawang ang bibig ko para magsalita pero hindi ko na nagawa ng sunod sunod na rumehistro sa akin ang mga ala-ala ni Storm. Ala-ala ng isang tao na hindi ko na gustong balikan pa.

"I love you not because of any reason. I just love you, Storm. You don't know how I wish that I can tell you why but I guess that's the reason of loving. Now knowing, just feeling."

Hermes. Hermes Scott.

"I don't want to come back." I whispered.

"Why?"

I can feel him now. He's so close. Dahan-dahan na humarap ako sa kaniya na tigmak ng luha ang mga mata. Then I finally saw him. Ang mukha ng kapitbahay ko na kahit kinaiinisan ko ay aminado ako na may hindi maipaliwanag akong nararamdaman kapag nakikita ko siya.

Because he's Hermes Scott. My companion. The person who saves me from things he doesn't even know. The person who loves me with all his heart. The person that I hurt the most.

"Where's my son, Hermes?"

Tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Sa isang iglap ay nakapalibot na ang mga braso niya sa akin at mahigpit akong niyakap.

"What's his name?" I asked with a sobbed even though I know all the answers.

Hindi sinagot ni Hermes ang mga katanungan ko. Nanatiling nakayakap siya sa akin ng mahigpit na para bang binibigyan niya ako ng lakas at kasabay niyon ay kinakailangan niya rin ako.

"I'll hurt you again. Them. Every single one of you." I whispered. "You need to let me go."

"No, Storm. You can kick me, punch me, burn me, rip my heart out...you can take everything from me but nothing will hurt more than losing you. Nothing will hurt more than walking away from you, watching that car explode, knowing that I didn't able to save the woman I vowed to love forever."

"You'll all be in grave danger."

Marahang hinaplos niya ang mukha ko. Nababakas sa mukha niya ang matinding saya at sakit. Like his happiness hurts. "Then we'll face it together."

Umiling ako. "Ayoko na kayong madamay."

"It's not just your choice now, Storm." He said with a soft voice. "We choose not to lose you."

My body racked with uncontrolled sobbed as I felt the fear lurking around me. Knowing that it won't go away yet I'm gonna be safe here in his arms....back in his arms. It's funny how happiness and security can be scary.

Dahil ang saya, pwedeng maagaw. Ang kaligtasan pwedeng mapalitan. Maybe those two are not the scary things. Maybe I am just frightened to lose it and to be the reason for someone to lose it.

But it's too late now. Hawak ko na naman sa mga kamay ko ang isang bagay na hindi ko kayang mawala sa akin. Isang bagay na hindi ko kayang itaya.

Pamilya.

"Save my child. It's too late for me."

My own voice. That accident. My child. Ang anak ko na nauna pa akong makilala bago ko siya magawang maalala. "He is my son isn't he?"

A tear fell from the corner of his eyes as he answered. "Yes."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: