EPILOGUE
EPILOGUE
STORM'S POV
"Bakit ba sa tuwing magkikita tayo ay sa ganitong oras?"
Mariin akong napapikit ng muntikan ko ng mabitawan ang hawak ko sa pagkagulat. Matalim ang mga mata na nilingon ko ang nagsalita. Hermes.
"Stalker ka talaga no?" asik ko sa kaniya.
"Yeah, right." iniangat niya ang isang maliit na plastic bag. "Galing ako sa labas. Bumili lang ako ng ice cream. Gusto mo?"
Inirapan ko siya. "Ayoko. Busy ako."
"Dali na! Magkakaroon ata ako ng mission eh. Baka hindi na tayo magkita niyan. Ang bilis mo pa naman akong mamiss." nang-aasar na sabi niya.
Natigilan ako at muli akong napatingin niya. Ito na marahil ang huling beses na makikita ko siya. Ang kahit na sino sa kanila. Dahil bukas pagsikat ng araw, mawawala na ako sa buhay nila. Hindi na ako maaaring magtagal dito. Tama na na kahit saglit lang ay nakita ko sila ulit. Sapat na sa akin iyon.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Hermes habang nakatingin sa akin. "Storm? Okay ka lang ba?"
"O-Oo naman. Pupunta na lang ako sa flat mo. Ibabalik ko lang ito sa kwarto ko."
"Tulungan na kita-"
Mabilis na naiwas ko sa kaniya ang hawak ko. "Ako na. Kaya ko na 'to."
Nagtataka man ay hindi na nag-usisa pa ang binata. "Ikaw ang bahala. Pero ano? Gusto mo ba nitong ice cream? Ube flavor pa naman 'to."
"Oo na. Susunod na lang ako sa kwarto mo."
Imbis na kumilos na para umalis ay nakatingin lang siya sa akin na parang minememorya ang mukha ko. Pilit na pinaseryoso ko ang anyo ko at tinaasan ko siya ng kilay. "Hello? Earth to Hermes?"
"Pakiramdam ko kapag kumarap ako bigla ka na lang mawawala."
Pinigil ko ang emosyon na nais kumawala sa akin. I can't tell him how true his words would be. "A-Ano ka ba. Bahala ka na nga diyan." pagkasabi niyon ay nilagpasan ko na siya at nagmamadaling tinungo ko ang kwarto ko. Nang makarating ako roon ay napasandal ako sa pintuan.
Ayokong umalis. Ayokong iwan ang pamilya ko. But I can't let Claw find me here. Hindi sila pwedeng makalapit sa pamilya ko. Lalong lalo na kay Sky.
Once I'm out there, I know that I won't be safe again. Na ang nararamdaman ko na sekyuridad ay mawawala rin. Once I'm out there there's no assurance for my safety and my child's.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig kasabay ng paglapat ko ng kamay sa aking tiyan. There's a baby inside me. My baby. I don't care if he's the child of a monster. I don't care. I will protect him as long as I can. Bago pa may mangyari sa akin sisiguraduhin ko na magiging ligtas siya. Na hindi siya madadamay.
Humugot ako ng hininga at ipinikit ang mga mata. I need to calm down. I still have a few hours left.
Ilang sandali ang lumipas ay tumayo na ako at lumabas ng kwarto pagkatapos kong iwan ang bagay na dala ko kanina. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Hermes pero bago ako makarating roon ay nakasalubong ko si Sky at Adonis sa hallway.
"Storm? Bakit gising ka pa?" tanong ni Adonis ng makita ako.
Pilit na ngumiti ako at sumagot. "Wala naman. Naglalakad-lakad lang." binalingan ko si Sky. "Kayo din, bakit gising pa kayo? Masama sa buntis ang nagpupuyat ah."
"Hindi ako makatulog kaya inaya ko 'tong si Adonis na maglakad-lakad." Nginitian ko siya at sa pagkagulat niya ay bigla ko na lang siyang niyakap. "Storm..."
"I love you Sky."
"Storm naman eh!"
Kumawala ako sa kaniya at tinignan ko ang naluluhang mga mata niya. My sister. The best sister in the world. Someone that can give up everything for me if I will just ask for it. Marami na siyang tiniis na sakit dahil sa akin. At ngayon ako naman ang babawi.
I won't let Claw touch even the tip of her hair. Kahit na anong mangyari hinding-hindi ko hahayaan na masaktan siya ng Claw katulad ng ginawa nila sa akin.
"Take care of my sister, Adonis."
"Of course, Storm." kumunot ang noo ng binata. "Kung magsalita ka para namang aalis ka. Magbabakasyon ka ba?"
"M-Maybe."
Hindi ko na sila hinayaan pang makapagsalita at tumakbo na ako paalis. Nang makarating ako sa kinaroroonan ng kwarto ni Hermes ay dire-diretso akong pumasok sa loob. Naabutan ko doon si Hermes na kasalukuyang nakasalampak sa sahig habang kumakain ng ice cream.
"Nakasalubong mo sila Adonis?"
"Yeah..."
"Kaya pala nagmamadali ka."
Bumalatay ang sakit sa mga mata niya ng sabihin niya iyon. I know the pain I'm causing him. Dahil iyon lang naman ang kaya kong gawin sa kaniya di ba? Ang saktan siya.
Muli akong huminga ng malalim at umupo ako sa tabi niya. Kinuha ko sa kaniya ang hawak niya na kutsara at kumuha ng ice cream. "Nagdadrama ka na naman."
"Storm."
Sumubo ako ng ice cream at nginitian ko siya. "Ano?"
Sandaling napatitig siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin pero imbis gawin iyon ay natatawang kinuha niya sa akin ang kutsara. "Mukha kang purple monster."
Napaawang ang mga labi ko at hinampas ko siya sa balikat. "Ang yabang mo! Ikaw din naman ah! Pangit!"
"Mas pangit ka."
"Kapal!" sigaw ko sabay kurot sa pisngi niya.
"Aray! Aray! Bitawan mo ko!"
Nakangising binitawan ko siya para lang kagatin ang pisngi niya.
Halos makabasag tenga ang sumunod niyang sigaw. "Aray!"
Humahagikhik na tumayo ako at mabilis na lumayo sa kaniya. Masama ang tingin na inilagay niya ang magkabilang hintuturo niya sa ulo niya na para bang susuwagin ako at bigla na lamang tumakbo palapit sa akin.
Natatarantang tumakbo ako palayo pero nahawakan niya ako sa bewang at hinapit ako palapit sa kaniya. Napatili ako ng mapasigaw din siya ng maapakan ko ang paanan niya. Nawalan siya ng balanse at parehong kaming nahulog sa sahig...his body cushioning my fall.
"Sira ulo ka talaga." natatawang sabi ko sa kaniya.
"Baliw ka naman."
"Parang ikaw."
"Sira-ulo na baliw pa?"
Nag-angat ako ng tingin at nginisihan ko siya. "Oo. Kaya magpadala ka na sa mental ha? Baka lumala pa iyan at ako ang maisipan mong patayin."
"Hindi naman kita kayang saktan. Mahalin pwede pa."
I bit down my lower lip at what he said. Umalis ako sa ibabaw niya at humiga ako sa sahig sa tabi niya. "Hermes-"
"I know, I know. You can't love me. Naiintindihan ko naman, Storm."
Malungkot ang ngiti na lumingon ako sa kaniya habang nakaunan sa mga braso ko. "You're easy to love."
"Then why can't you fall in love with me?"
Imbis na sumagot ay iniangat ko ang isang kamay ko at hinaplos ko ang pisngi niya. "Noong mga panahon na hawak ako ng Claw, ang boses mo ang naririnig ko. You saved me over and over again."
"Storm..."
"Be happy, Hermes."
Hinawakan niya ang kamay ko ng akmang aalisin ko iyon sa kaniya. "Magiging masaya ako kung nandito ka lang sa tabi ko."
"Masasaktan ka lang."
"Kahit na hindi mo ako mahalin basta nandito ka lang kakayanin ko. Someday you'll love me, you'll learn to love me. I'll make you love me. Kailangan lang natin ng oras. Nang panahon.
The two things that I cannot give you. My heart and time.
I'm sorry.
"Be happy, Hermes."
NAGMAMADALING iniligpit ko ang mga gamit ko. Hindi ko na pinag-aksayahan ng oras na tignan pa kung ano nangyayari sa mga gamit ko at basta ko na lang iyong inihahagis sa maleta. I need to get away from here fast. Natagpuan na nila ako.
Hindi ito ang unang beses na kinakailangan kong umalis. Three months ago kinakailangan ko din na umalis na tinutuluyan ko. A month before that ganoon din ang nangyari. Paulit-ulit lang. Napahawak ako sa pader ng makaramdam na naman ako ng matinding sakit. Marahang hinaplos ko ang tiyan ko na ngayon ay malaki na.
I can taste blood from my lips that I bit too hard. Pero hindi ko magawang indahin iyon dahil sa mas matinding sakit na nararamdaman ko. "Sandali na lang, baby. Sandali na lang."
This day was full of mistake. I was always on guard but I lowered it today. Bukod sa dito ako pinakamatagal na namalagi na hindi ako natatagpuan ng Claw ay kagabi pa sumasakit ang tiyan ko. A few hours ago my water bag just broke and I was having painful contractions. I know what it means and it send me in a full panic since I'm just still on my seventh month. I was about to go out to go to the hospital but I can't. Dahil nakita ko sa labas ang tauhan ng Claw na ilang buwan ko ng tinatakbuhan.
I tried to keep quiet...to wait for the right time to escape but I can't wait any longer. I need to get out now or my baby will be in danger.
Impit na napatili ako ng makaramdam na naman ako ng matinding sakit. "No...no please..."
Nagmamadaling isinarado ko ang maleta at pagkatapos ay kinuha ko ang isang glass box. Isang bagay na dala-dala ko ng umalis ako mula sa BHOCAMP.
Tumakbo ako palabas ng apartment ko pero bago pa ako makalapit sa hagdanan ay namataan ko roon ang lalaki na nakita ko kanina sa labas. Mabuti na lamang at lumabas ang may karamihang kabataan sa isang kwarto at hindi niya ako napansin.
Nag-iba ako ng direksyon at tinungo ko ang kabilang hagdanan. Pilit na iniignora ko ang sakit na nararamdaman ko na tumakbo ako patungo sa second floor kung saan pag-aari ko rin ang isang kwarto. My hands were shaking when I fished out the keys from the pocket of my bloodied maternity dress but I fought through the tremors and opened the door.
Nang makapasok roon ay nabitawan ko ang hawak ko na maleta. Nanghihina na lumapit ako sa isang panig ng lugar kung saan may maliit na laptop. Binuksan ko iyon. Pilit na pinalalakas ko ang sarili ko kahit na nakakaramdam na ako ng panghihina.
I clicked some keys and a few windows appeared. Nang una akong pumunta rito ay ang una kong ginawa ay hinack ang security ng buong apartment building. Mayroon pa nito sa isa kong laptop sa itaas. But all my guns and knives are here.
"W-We'll be safe baby...I-I promise..."
I'm scared. I am scared down to my bones knowing that I need to do this alone. Pero kailangan kong maging matibay. Kailangan kong lakasan ang loob ko para sa anak ko.
Malalim ang paghinga na humawak ako sa gilid ng lamesa para suportahan ang katawan ko. I tried to focus my blurry eyes to the monitor. Kumawala ang pinipigil ko na luha ng makita ko ang ilang hindi pamilyar na lalaki na ngayon ay nasa labas ng apartment habang ang iba ay nasa floor kung saan ako nanggaling kanina.
"God no."
Nang muling sumigid ang matinding kirot sa akin ay nagmamadaling lumapit ako sa glass vessel at may pinindot ako roon at pagkatapos ay kumuha ako ng tuwalya mula sa maleta ko. Lumapit ako sa kama at dahan-dahang humiga roon. Inilagay ko ang nakatuping tuwalya sa likuran ko upang umangat ng kaunti ang kalahati ng katawan ko.
I'm scared. For his safety...for the unborn child who's suffering with me. Wala siyang kasalanan. Hindi siya dapat madamay.
Sinunod ko ang mga nabasa ko at napanood ko na paghinga, my eyes on the laptop where Claw's people are looking for me.
I closed my eyes, willing myself to stay focus. But the moment I closed my eyes, I can see them. Ang mga magulang ko, mga kapatid, my grandparents, si Adonis...si Hermes. I can see them trying to give me strength.
Alam ko na kung kasama ko sila hindi nila ako papabayaan. Kung hindi man ako makabalik sa kanila kahit ang anak ko na lang. Kahit siya na lang. I tried to drown it all out. My fears, the pain, the people hunting me...everything.
I don't know how long I quietly cry as I keep on pushing the baby oout. I just knew that it was not that long. Siguro kahit paano, nakatingin pa rin sa akin ang Diyos. Ginagabayan Niya pa rin ako. Na hindi Niya pa ako tuluyang iniwan. Kahit sa pagkakataon lang na ito.
As the tears fall from my eyes I felt a strong pull that almost knocked my breath away. Sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata at panghihina ng katawan itinulak ko ng bahagya ang katawan ko at kinagat ang ibabang labi ko hanggang sa maramdaman ko ang pagdudugo no'n.
With my shaking hands, I reached for him. I endured too much and I've gone through a lot. Sa kabila niyon kung saan pakiramdam ko ay dumadaan sa harapan ng mga mata ko ang lahat ng pinagdaanan ako...sa lahat ng paghihirap na iyon, siya lang ang nakapawi. My sweet little boy.
Kinuha ko siya at inilagay sa mga braso ko. I ran my fingers on his nostrils like what I read. Trying to drain the amniotic fluid. Inabot ko ang towel at marahan na idinampi ko iyon sa mukha niya. That's when I realized something.
He's too quiet.
"Baby..." sunod-sunod na umiling ako habang hinahaplos ko ang bandang rib cage niya. I lowered his head, my hands putting pressure on his ribs while rubbing him. "Baby don't do this to mommy. Please...I-I can't...you're the only good thing in my life. Please."
I cried in relief when I finally felt him breathing. At that exact moment, two things happened. The placenta went out of my body, my baby start breathing heavily, and I heard a noise outside of the room.
Sa kabila ng panlalambot ay tumayo ako at binuksan ko ang glass box. Inilagay ko roon ang anak ko pagkatapos ko siyang ibalot sa twalya. "We'll be okay. I will keep you safe."
Tinakpan ko ang glass box ng isa pang tuwalya at pagkatapos ay kinuha ko ang isang patalim mula sa bulsa ng maleta ko. If there's something I am really good at, it's with handling knives. Dala-dala ang glass box ay pumuwesto ako sa likuran ng pintuan.
Ipinilig ko ang ulo ko ng makaramdam ako ng pagkahilo at panghihina. Hindi pwede. Hindi pa pwede.
Nang pabalibag na bumakas ang pinto ay walang pag-aalinlangan na gumalaw ang kamay ko. I heard the man gurgled back his scream when my knife struck his neck. Without hesitation I went out and walked as fast as I can. I would run if I can...pero ito lang ang kaya ng natitira kong lakas.
"Tigil!"
I glanced back and didn't stop walking. Napahawak ako sa pader ng kasabay ng nakakabinging ingay ay may naramdaman ako na mainit na bagay sa balikat ko. I keep on moving. Tinahak ko ang daan papunta sa kotse ko at ng makarating roon ay nagmamadaling pumasok ako.
I touched my shoulder with my shivering hand and saw the blood as I pulled it back. "S-Shit."
Kinapa ko ang susi sa bulsa ko at tinagka ko iyong ipasok sa ignition. I muttered a curse when I dropped it. Umuklo ako at kinapa ko ang kinaroroonan ng susi.
"Storm Reynolds!"
Napasigaw ako nang sumigid ang kirot sa bandang tagiliran ko saktong nahawakan ko na ang susi. They're using armor piercing bullet. There's no way a normal bullet can penetrate my car.
I put the key on the ignition at nagmamadaling pinaandar ko ang sasakyan. Alam kong hindi nila ako titigilan. Hindi sila titigil hanggang hindi nila ako nakukuha. I can't let that happened. Not until I make sure that my baby is safe. Wala ng iba pang lugar na maaari kong pagdalan sa kaniya.
"Y-You'll be safe."
Kailangan ko siyang mailigtas. Kahit na iyon na ang huling bagay na magawa ko. God, please. Don't take away my baby. Ako na lang. Isinusuko ko na ang lahat sa Iyo. Just save my child. Huwag Niyo pong hayaan na madamay ang anak ko. Wala siyang kasalanan. Ako lang. Ako na lang.
Tinahak ko ang daan kung saan mas mapapabilis akong makarating sa BHO CAMP. I could use the passage by I can't risk it. Kung makakapasok ako sa passage papasok ng BHO CAMP malalaman ng Claw ang kinaroronan niyon. Hindi lang kami ng anak ko ang malalagay sa panganib kundi ang buong BHO CAMP.
I was staying at Batangas. Noong una ay umakyat ako ng norte pero mabilis akong nahanap roon ng Claw. Ilang pang mga lugar ang pinuntahan ko bago ako nagdesisyon na sa Batangas tumuloy. Malapit iyon sa BHOCAMP. Wala akong balak bumalik but it's the safest place for me.
Claw won't easily penetrate the turf because of that reason. Hindi imposible pero hindi rin madali. I was ready. Nakahanda na ang lilipatan ko pero nawalan na ako ng pagkakataon. Now I'm far too late.
Pumainlang na naman ang nakakabinging ingay kasabay ng pagkakagulo ng mga sasakyan sa labas. I looked at my rear view mirror and saw a couple of cars following me. But there's something odd. Hindi lang sila nagpapaputok sa direksyon ko kundi maging sa likuran nila. Someone's following them too.
Kinabig ko ang sasakyan paliko at muli ko iyong pinaharurot. Tinapunan ko ng tingin ang passenger seat. Bahagyang naalis ang ibinalot ko sa glass box. The glass box was an experiment department invention. But despite of it, my son's struggling for breath...his color turning pale.
"Hold on please...malapit na tayo anak."
Humigpit ang pagkakakapit ko sa manibela ng nagsisimula ng dumilim ang paningin ko. Don't you fucking give up! Don't you dare give up. Ilang beses ka ng sumuko sa buhay mo pero hindi ngayon. Hindi pwede ngayon!
I rather felt than heard when a bullet was fired again. Nanggaling iyon mula sa likod at ramdam na ramdam ko ang sakit na idinulot niyon. I felt something clogged my breath and I coughed it out. Blood.
Inabot ko ang glass box at inilagay ko iyon sa kandungan ko. They can't hurt my baby. I won't let them do it. Alam kong huli na ang lahat para sa akin...pero hindi sa kaniya. Hindi ako makakapayag. Hindi siya pwedeng mawala.
I looked back behind me and I saw a man bringing out an unfamiliar rifle. And an instant fear hit me as I looked at it.
Ibinalik ko ang mga mata ko sa harapan at doon ko nakita si Freezale. She's riding a car running from a different direction. Towards me. Towards Claw.
"No!"
I saw her and Triton jumped out of the truck but my attention was pulled from it when my car suddenly thrust forward because of an explosion. The next thing I know my car's sprinting forward head on, on a tree.
Mariin akong pumikit at iniyakap ko ang mga braso ko sa glass box, angling my body so that the force hit me first before the glass.
Pakiramdam ko ay hinugot sa akin lahat ng aking hininga ng maramdaman ko ang malakas na pagtama ng kotse mula sa puno. I threw up blood again as I felt an agonizing pain run through my body.
"Storm!"
"F-Freezale..." I managed to whisper.
"We need to go. I'll help you up."
Everything seems so fast. I'm scared for myself and most of all for this another life. I know I can't make it but I cannot stop here.
Do I deserve this?
For lying, pretending, for being so confident with that mission even though I know that I can't handle it? For hurting someone that loves me with all his heart, for bringing pain to my family...for destroying myself.
Sabi ng mga taong lubos na nakakakilala sa akin ay pwede na raw akong bigyan ng "most selfless" award. Kasi kahit nasasaktan ako kaya kong magparaya kung para iyon sa taong importante sa akin. Lagi ko raw inuuna ang iba kesa sa sarili ko.
But I don't think I deserve to be called selfless. Kasi alam kong nagiging unfair na ako sa sarili ko...at sa kaniya.
I'm selfish. Dahil kahit hindi dapat kahit hindi tama, ginamit ko siya. Every time I feel hurt siya ang ginagawa ko na distraction. Hindi ko alam kung bakit pero lagi akong tumatakbo sa kaniya. Kahit na alam ko ang nararamdaman niya. Kahit na nasasaktan ko siya.
I don't know the answers to my questions. Maybe I won't even get answers.
But one thing is for sure. When I finally close my eyes. When I finally take my last breath. When I can't feel anymore. When I can't think of all the things that ruined me.
That would be peace.
"S-Save...him. It's too late for m-me."
"No. Kaya mo ito Storm. Agent ka di ba? Hindi ka pwedeng sumuko. Kakayanin mo ito."
Nagmamakawa na tinignan ko siya. "L-Let me go. Let me do this please. Just save him...save my child."
Sa nanghihinang mga kamay ay pilit na inabot ko sa kaniya ang glass vessel. She need to help him. "P-Please."
"Storm..."
"It's not h-his fault to be born. You know what happened to me. You know what that monster did to me. But my child is innocent. Save him...save him from his father."
"The more you need to fight!" she shouted.
"N-No. I cant...Every time I open my eyes, all I can think is how that monster ruined me. I want to be at peace. I'm so tired F-Freezale. Take him and save him."
"Storm!"
"Y-You need to upgrade e-everything. Claw is different. BHO CAMP met its match. Take my child, and let me be at peace."
"Storm-"
To my relief someone grabbed the glass vessel I'm holding. Pumipikit na ang mga mata ko pero nilabanan ko iyon. A sharp pain struck my heart when I saw who's holding the vessel. Hermes.
Animo may taling nag-uugnay sa amin sa mga oras na ito. Ramdam ko ang pinipigil niyang sakit ng dumukwang siya at halikan ang noo ko. "I love you."
"H-Hermes..." bulong ko.
"Forever."
Unti-unting sumarado na ang mga mata ko. Ito na marahil ang huli pero hindi na ako natatakot. Because I saw the man who loves me with all his heart, holding my child. I know that he'll take care of him.I know he will keep him safe. I know that he will learn to love him.
Thank you.
WAINE'S POV
Napayuko kami ng ina ko ng nakarinig kami ng ikalawang pagsabog. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang isang sasakyan na paalis mula sa isa pa na nakabangga sa puno at ngayon ay umaapoy na. Storm Reynolds' car.
"She's not dead, Waine!" Matilda Claw shouted.
Itinuro niya sa akin ang mapunong bahagi ng daan. I saw my brother Wyatt holding something or someone. "Stay here, Ma."
"Waine-"
"Kapag tumakbo ako pabalik patakbuhin mo ang kotse."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at tumakbo na ako sa kinaroroonan nila. Ibinaba ko ang itim na head mask na kaparehas sa suot nila. Nagtago ako sa likuran ng isang kotseng nakabangga sa isa pang kotse at sumilip ako sa kinaroroonan ni Wyatt. Nakita kong ipinasa niya si Storm sa isa niyang tauhan habang ang isa ay tinulungan si Wyatt na para bang hindi nito kayang tumayo na mag-isa.
He's injured.
Tahimik na tumakbo ako palapit sa kanila hanggang sa rinig ko na ang pinag-uusapan nila.
"Sir Wyatt paano ang bangkay sa kotse?"
"Hayaan mo na diyan. Tiyak na parating na dito ang iba pang miyembro ng organisasyon na iyon."
"Eh Sir-"
"Hindi nila malalaman na hindi si Reynolds ang nasa loob naiintindihan mo? Umalis na tayo rito. Henry, tulungan mo akong makarating sa kotse. At ikaw Arnold, isunod mo si Reynolds."
Halatang hirap si Arnold sa pagkarga kay Storm. Bukod sa dead weight ito ay may tama rin ng bala ang lalaki. Sumunod na ito kaila Wyatt pero mas nauuna ang kapatid ko kaysa sa kaniya. Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at kaagad naman naalerto si Arnold dahilan para mas mapalayo sila Wyatt na hindi man lang lumingon. "S-Sir Waine!"
Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Waine? Tinamaan rin ba ang utak mo Arnold?"
"Sir Warner?"
"Akina ang babaeng 'yan."
"Pero Sir magagalit po si Sir Wyatt. Kailangan kong isunod sa kaniya ang babaeng ito."
Lalo kong pinatalim ang tingin ko sa kaniya. "Saan ba sa tingin mo ako pupunta? Nakita mo ng may tama ka ng bala. Paano kung mahulog mo si Reynolds?"
Nag-aalinlangan man ay inabot niya sa akin si Storm na wala pa ring malay. Hawak ang kalahati ng kamay niya na hinarap ko si Arnold. "Hanggang ngayon wala ka pa rin talagang utak. Kawawa naman ang kapatid ko sa iyo."
Bago pa siya makapagsalita ay umigkas ang kamay ko at tinamaan siya ng kutsilyo na hinugot ko mula sa holster sa bewang ko. Bumagsak siya sa lupa ng walang malay.
"Waine!"
I lifted the corner of my lips when I saw my brother limping towards me. "See you in hell brother." I said and pulled a gun from my holster, tugging the trigger in the process.
Walang malay na bumagsak siya pero alam ko na hindi pa siya patay. Hindi ko pa siya maaaring patayin. Hangga't hindi ko nalalaman ang kailangan kong malaman mula sa kanila. Hanggang hindi ko pa nababawi ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko mula sa kaniya.
Pag dumating ang panahon na iyon ay sinisiguro ko ako ang tatapos sa buhay niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top