CHAPTER 5
CHAPTER 5
STORM'S POV
"T-Tama na..."
"Magsasalita ka na ba?"
Nang hindi ako sumagot ay naramdaman ko ang pagtama sa katawan ko ng makapal na sinturon na hawak ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ko na kaya. Hirap na hirap na ako. Gusto ko ng sumuko. Hindi iilang beses na halos masabi ko na sa kanila. Pero kumakapit pa rin ako. Dahil hindi ko kayang ipagkaluno ang pamilya ko sa kanila.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin lumaban.
"You can do it, Storm. I know you can. We'll be waiting for you."
I can hear his voice again. Kahit anong pilit ko na itaboy ang boses niya ay naririnig ko pa rin siya. I want him gone. I want his voice to go away. Dahil ang boses niya ang nagbibigay sa akin ng lakas. And I don't want to be strong anymore. Ayoko na. Tama na,
"Sino ang mga kasamahan mo?!"
Mga kasamahan ko. Ang pamilya ko. Sky, kuya Blaze, kuya Stone...ang mga magulang ko. Pero hindi ako makakapayag na madamay sila. Hindi ko kakayanin kapag nakita ko maranasan nila ang nararanasan ko ngayon.
"Sagot!"
Halos hindi na marinig ang sigaw na kumawala sa bibig ko nang maramdaman ko na hindi na sinturon kundi bakal na ang sunod na ipinalo niya sa katawan ko. Sumigit ang kirot sa binti ko dahilan para mawalan iyon ng lakas habang ang mga braso ko ay halos magsugat dahil sa tindi ng pagkahila sa mga tali dahil sa bigat ko na dumepende sa mga iyon.
Malakas na nagmura ang lalaki. "Wala tayong mapapala sa babaeng iyan! Ibalik niyo na muna iyan sa kwarto. Pagbalik ni Sir Wyatt, tignan ko na lang kung hindi pa 'yan magsalita."
Nanghihinang napapikit ako. And when the darkness enveloped me...I gladly embraced it. To be able to escape reality for awhile.
Away from this nightmare.
KUMATOK ako sa kwarto ni Sky. Nang walang sumagot ay pinagpatuloy ko ang pagkatok. Nakaayos na ako para pumunta sa prom namin pero hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas si Sky sa kwarto niya.
"Sky? Malelate na tayo."
"Hindi naman ako nagpaayos di ba? Hindi ako pupunta."
"Pero last prom na natin 'to."
"I said I'm not going!" she said loudly from the inside of her room.
Nanatili ako na nasa tapat ng pintuan niya. Alam ko kung bakit...kung ano ang dahilan kung bakit ayaw niya na lumabas. Because of me. Dahil hindi ko itinama ang narinig niya kaila Adonis. Hindi ko sinabi sa kaniya kung ano ang totoo.
I will forever hide this moment in my heart. That I'm taking something away from my sister. Just this once. Dahil alam ko kung ano ang mangyayari sa huli. Alam ko na siya lang ang gugustuhin ng taong gusto ko. Dahil imposible na maging ako.
Ngayon lang, Sky. Ibabalik ko din siya sa iyo. Gagawa ako ng paraan, para makabalik siya sa'yo. Gusto ko lang maranasan na mahalin katulad ng pagmamahal niya sa iyo. Kahit na hindi totoo...kahit na hindi magiging totoo kahit kailan.
"I'm sorry, Sky." I whispered before I turned around and walk away.
Kung nagtataka man ang mga magulang namin ay hindi sila nagsalita o nagtanong pa. Hinatid ako ni Daddy sa sa school gym namin kung saan gaganapin ang prom. Nang huminto na ang sinasakyan namin ay humarap siya sa akin. "Storm."
I nervously tightened my hand into a fist. "Yes, Dad?"
"You know what's going on with your sister."
The way he said it he's not asking a question but stating. I want to deny it but I can't. Hindi ko kayang magtago sa kanila ni mommy dahil alam kong malalaman at malalaman pa rin nila na nagsisinungaling ako. "Dad..."
"Meron bang rason kung bakit itinatago mo?"
"Dad, I-I'm..."
"Kapag nakasakit tayo ng isang tao, malaki ang balik sa atin niyon, Storm. Hindi agad-agad pero balang-araw."
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi na kailangan iyon sabihin ni Daddy. Dahil ang kapalit na sinasabi niya ay nararamdaman ko na.
"I will always love you, Storm. Like how I love your sister and brothers. Remember that. Kahit na ano pa ang maging desisyon ninyo nandito lang ako."
"Y-Yes, Dad."
Naramdaman ko na may inilagay siya sa pulsuhan ko. Dumako doon ang tingin ko dahilan para mapasinghap ako sa nakita ko. "Dad, that's the bracelet I wanted!"
"Yes." he said with a smile.
"You said it was too expensive para lang i-partner po sa prom dress ko."
I'm wearing an apricot princess style dress with a asymmetrical drop waist. Dahil sa intricate design niyon sa bandang itaas ay hiniling ko kay Daddy na bilin sa akin ang suot ko ngayon na bracelet dahil sa disenyo nito na tugma sa gown ko. But Daddy declined.
"Great things comes to those who wait."
Animo binundol ng kung ano ang puso ko sa sinabi niya. Kilala niya talaga kaming magkakapatid. Kilala niya ako.
"Dad..."
"Whatever happens make it right in the end."
Hindi ko na nagawang makapagsalita nang bumaba siya ng sasakyan at ipagbukas ako ng pintuan. Nang makababa ako ay binigyan lang ako ni Daddy ng magaang halik sa noo ko at umikot na para bumalik na sa likod ng manibela. Nang paandarin niya na ang sasakyan ay naiwan ako roon na nakatingin na lamang sa papalayong sasakyan.
"Storm!"
Humarap ako sa tumawag sa akin pero hindi ang taong inaasahan ko ang bumungad sa akin. "Anong kailangan mo?"
Sumimangot si Hermes. "Galing ako sa kwarto ninyo sa headquarters pero wala ka naman. Bakit hindi mo ako inintay?"
"Bakit naman kita hihintayin?"
"Ako kaya ang date mo!"
"Hindi kita date." tinignan ko ang sasakyan na ginamit niya. Marunong na kasi siyang magdrive. "Nasaan si Adonis."
Nang hindi pa rin siya sumagot ay nilingon ko na siya. Nakatitig lang siya sa akin habang walang emosyon ang mga mata niya. "What?"
"Hindi pa dumadating si Adonis."
Hindi ako sumagot at niyakap ko ang sarili ko habang nililibot ang paningin sa lugar. He should be here by now.
"Hindi ka pa ba papasok sa loob?" tanong niya.
"Hindi. May hinihintay pa ako."
Sandaling katahimikan ang muling namayani. Nang magsalita siya ay may kung ano na nabago sa kaniya na hindi ko matukoy. " Sa loob mo na hintayin. Baka magkasakit ka pa kung dito ka maghihintay."
"Dito lang ako. Mauna ka na."
Saglit na nakatingin lamang siya sa akin bago walang salita na tumalikod at naglakad papasok ng gym. Nanatiling nakatayo lamang ako sa kinaroroonan ko. Hindi ko pinansin ang mga tingin na inaani ko mula sa mga kabatch ko pati na ng mga juniors. Hindi ko din ininda ang lamig na nanunuot sa akin dahil sa manipis lang naman ang suot ko.
"Sky?"
Lumingon ako ng may magsalita. Hindi dahil sa pangalan na binaggit pero dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.
"Storm." Adonis smiled bitterly. "Of course. Imposible na dumating si Sky dahil galit siya sa akin."
"Adonis..."
"Uuwi na lang ako."
"Huwag!" pigil ko sa kaniya. Nang lumingon siya sa akin ay animo napulupot ang dila ko. Ano nga bang pwede kong sabihin sa kaniya? Ano bang inaakala kong magagawa ko? Baguhin kung ano ang nararamdaman niya? "A-Ano...kasi...sayang naman ang ipinunta mo rito kung hindi ka papasok sa loob."
"Ano namang gagawin ko sa loob?"
"M-Magsasayaw?"
"Wala naman ang babae na gusto kong isayaw." muli siyang ngumiti ng mapait at umiling. "Mauna na ako sa iyo, Storm. Pumasok ka na sa loob."
"Pero-"
"Hinihintay ka na ni Hermes."
Ikinuyom ko ang mga kamay ko. "S-Sayang ang ipinunta mo. Sumama ka na lang sa akin sa loob. I can...I can dance with you."
He looked at me for a minute. Studying me. "I can't."
"Why?"
"Dahil hindi ikaw ang makikita ko."
Hindi ko na nagawang pigilan siya ng naglakad na siya paalis. Nanginginig ang mga kamay na nagbaba ako ng tingin habang unti-unting nanlalabo ang mga mata ko mula sa luhang nag-uunahan sa pagpatak,
"Kapag nakasakit tayo ng isang tao malaki ang balik sa atin niyon, Storm. Hindi agad-agad pero balang-araw."
Ito na ba ang sinasabi ni Daddy? O meron pa? Marami pa ba?
Alam ko naman eh. Akala ko lang...akala ko pwede kahit sandali lang. Pero kahit wala siya dito siya pa rin ang iniisip ni Adonis. Siya pa din ang gusto niyang makita. Hindi ko na dapat sinubukan. Sinira ko ang araw ng kapatid ko. Sinira ko kung ano ang dapat nabubuo sa kanila.
Tahimik na pumasok ako sa loob ng gusali. I can barely appreciate the vintage themed prom. Kung saan naming magkakaklase binuhos ang lahat ng oras at pagod namin. I lightly touched the train style pathway that we made for those who will enter the gym. This was my idea. Because I dream of walking through this with him.
Hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit siya. Kung bakit siya pa. We all grew up together but I always looked up to him. Magaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Kalmado. I always liked him and I always see him. But he don't see me.
There's a reason why he knows how to distinguish Sky from me. Dahil kilala ng puso niya ang isa ay madali na lang malaman kung sino sa amin ang kaharap niya. For him...it's always been Sky. Pero kailangan ko lang ng isang pagkakataon. Gusto ko lang malaman. Gusto ko lang ng kahit konting pagkakataon. Kahit na alam kong mali at alam kong imposible.
Wala sa sariling nagtuloy-tuloy ako sa dance floor kung saan halos hindi na mapaghiwalay ang mga magkakapareha sa pagsayaw sa saliw ng tugtog na pumapainlang. Ilang sandali ay naramdaman ko na may humawak sa akin. I turned around, hoping it's him, but of course my wish weren't granted.
"Hermes."
"Nakita mo na siya?"
"Y-Yes."
Nanatiling nakatingin lang siya sa akin na para bang may hinahanap sa mga mata ko. After awhile, he spoke, "Did you tell her?"
"No."
"Storm."
"Would you tell her?" I whispered.
"No. Never."
Umiling ako at mapait na ngumiti. "Bakit mo ako tinutulungan?"
"Hindi kita tinutulungan. Ginagawa ko lang ito dahil naiintindihan kita. If you can have a chance...just a tiny bit of chance to be with that someone you love sino ba ang hindi susugal?"
"At ikaw? Sumugal ka na ba?"
"Hindi pa." humakbang siya palapit sa akin. "Pero ngayon, oo."
Sa pagkagulat ko ay bigla na lamang niya akong hinila at hinalikan. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan. Hindi ako tumigil at pilit pa rin akong kumawala sa kaniya hanggang sa tuluyan na niya akong binitawan.
"Hermes bakit mo ginawa iyon?!"
"Mahal kita."
Napaatras ako habang sunod-sunod na napailing. Hindi ko maintindihan kung bakit. Paanong ako? "You...you can't. Hindi kita...hindi kita..."
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko na may tumatapik sa akin. Nanlalabo ang paningin ko pero naaninag ko ang mukha ng babaeng nakatunghaw sa akin na kita ang pag-aalala at takot sa mga mata.
"Wake up. You need to wake up."
"W-What are you doing?" I whispered.
"Eat."
Umiling ako at pilis na iniwas ko ang mukha ko. Ayoko na. I have no fight left in me. I just want everything to end. "H-Hindi...h-hindi ko kailangan ng pagkain."
"Kailangan."
"No...please..."
Kinuha niya ang kutsara at inilagay niya iyon sa palad ko. Bahagya siyang yumuko at bumulong. "Kailangan mong kumain. Tonight, I'll get you out of here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top