CHAPTER 1

CHAPTER 1

STORM'S POV

"I convinced myself that everything is just a game. A game that I will not lose. Pero habang tumatagal mas lalo kong hindi na mapaniwala ang sarili ko. Paulit-ulit kong tinatanong. Bakit ako nasasaktan na may kasama kang iba? Bakit ako nasasaktan kung hindi naman kita mahal? Ang hirap pa lang mag sinungaling sa sarili. Because no one can live a lie forever. At hindi ko iyon maiintindihan kung hindi dahil sa inyo ni Storm. Mas pinili niyong saktan ang mga sarili ninyo...para sa akin."

Masaya ako para sa kanila. Masaya ako na makita ang tuwa sa mga mata nila. Dahil sa haba-haba ng paghihirap nila ay ngayon magsisimula na sila sa isang buhay na magkasama sila.

I can feel my heart clenching as if trying to ready itself with the pain. Kailangan. Kasi ayokong may makakita kung gaano kahirap para sa akin ang mga oras na ito. Kung saan sa harapan ko ay makikita kong ikakasal ang lalaking mahal ko sa taong napaka importante sa buhay ko. Sa taong mula pagsilang ay kasama ko na.

My sister. The twin of my whole.

Ikinuyom ko ang mga kamay ko nang lumingon sa akin ang kapatid ko at ngumiti. "Thank you. Thank you for everything, sis. Salamat na ginising mo ang kapatid mo sa kabaliwan niya."

Ginising ko din ang sarili ko Sky. Dahil alam kong mahal mo siya at mahal ka niya. Dahil alam ko na hindi ko na siya pwedeng mahalin. I've been in love with Adonis for all this years. Kahit noong mga bata pa kami may gusto na ako sa kaniya. Dahil nakakasundo ko si Adonis kesa sa bestfriend niya. Pero kahit noon pa man alam ko na hindi pwede. Dahil kahit na noong mga bata pa kami si Sky lang ang nakikita niya.

Nakakatawa nga kasi walang pinagkaiba ang mukha namin ni Sky. We're both sharing the same face and sometimes the same attitude. Pero sa kabila no'n ay iba ang pagtingin niya sa amin. Ako bilang kaibigan at si Sky bilang minamahal niya.

Mahirap kasi buong buhay namin ay magkakasama kami. Lumaki kaming lahat na magakkasama sa iisang lugar. Our parents are agents for a secret organization BHO CAMP that handle low to high risk missions for their clients. Nakalakihan na namin iyon hanggang sa iyon na rin ang naging buhay namin ng mga magkaisip na kami.

Araw-araw nakikita ko sila. Araw-araw naaalala ko kung bakit kinakailangan lumayo ng matagal ng kapatid ko. My sister was in her teens when she decided to leave BHO CAMP. She said because she want to have her own identity. Identidad na hindi niya mabubuo kung laging iisa lang ang tingin sa amin ng lahat. But I know her real reason.

Nahihirapan siya dahil sa akala niya ako ang mas pinipili ng taong noon pa man ay gusto niya na. Hindi niya alam na kahit kailan ay hindi ako naging option. It's always been her.

Sa kabila ng lahat hindi ako kailanman nagtanim ng galit kay Sky. Gusto ko siyang maging masaya. Gusto ko silang maging masaya ng lalaking mahal ko. That's why when I realized why Sky left...why she kept on hurting herself. Gumawa ako ng paraan.

Paraan kung saan kailangan ko siyang masaktan at kinakailangan ko ring masaktan. Para parehas kaming magising. I'm glad that I did what I did. Kahit libo-libong sakit matatanggap ko kung kapalit naman niyon ay ang kasiyahan na nakikita ko sa kanila ngayon.

Adonis and I formulated a plan. Nagpanggap kami na may namamagitan sa aming dalawa. Dahil kilala ko ang ugali ng kapatid ko. Kahit na makasama niya pa si Adonis sa sarili niyang paraan ay bibitaw at bibitaw siya. Because she always give up when life gets tough. Lagi niya kasing iniisip na hindi siya karapatdapat. That's why I want her to realize what's worth fighting for...and in the process, to realize myself what I need to let go of.

"Ang watermelon!"

Sa kabila ng nararamdamang sakit sa puso ay hindi ko mapigilang ngumiti ng lahat ay mapatayo nang makita ang biglang pagtalon ng malaki na ang tiyan na si Sky sa ngayon ay asawa na niya na si Adonis. Kaagad naman siyang sinalo ng lalaki na ngiting-ngiti na pinagmamasdan siya.

Ilang sandali lang ay tinawag na kami ng mga original elites para makapagpapicture. Lumapit sa akin ang kapatid ko at ikinawit ang braso niya sa akin para magawa akong hilahin papunta sa mga nagkukumpulan naming mga kasamahan. I was about to turn to look at the photographer but I stopped when Adonis met my eyes. He nodded his head at me and smiled before putting his arm around his wife's waist and looked in front of us.

They're happy and that's what matters.

"Smile everyone!"

And so I did.

Even with my heart breaking.



BINATUKAN ko si Hermes ng makakawala ako sa pagkakatali ko. Bakit ako nakatali? Ginulo lang naman nila ang bachelorette party na inihanda namin para kay Sky. Pinalitan ba naman ng mga kolokoy na kasama niya ang mga macho dancers na kinuha namin para sa event na ito at pagkatapos ay sila ang pumalit.

I wish I could just fry my brain so I'll be able to forget that moment when he's all touch me touch me and dancing with all he got in front of me. Isang malaking bangungot.

"Aray naman!" reklamo ng lalaki na hinihimas-himas pa ang ulo niya.

"Aray ka diyan. Tignan mo ang nangyari! Nawala tuloy sila Sky!"

"Good for you."

Natahimik ako sa sinabi niya. Nilingon ko ang iba pang agents pero mukhang wala namang nakarinig sa kanila.

Binigyan ko ng matalim na tingin ang lalaki at bumulong. "Don't you dare say anything."

"Alam mong hindi ko gagawin 'yan."

He knew about my real feelings. Siya ang huling tao na gugustuhin ko na makaalam. Hindi dahil sa siya ang tinuturing kong mortal enemy mula pa noon mga bata pa kami kundi dahil alam ko...alam ko ang nararamdaman niya para sa akin.

If I could just tell my heart to love him, I will. Pero kailan ba naturuan ang puso? Kasi kung may paraan siguro ginawa ko na.

"Storm."

Nilingon ko siya. "Ano?"

"Bakit siya pa?"

Nag-iwas ako ng tingin ng matukoy ko ang ibig niyang sabihin. "I don't know."

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Parehas naming alam kung ano ang magiging susunod niyang tanong. Tanong na alam kong hindi ko kayang sagutin. Dahil ilang beses ko rin iyon na tinanong sa sarili ko.

"Why not me?"

"I don't know." I whispered.

But I wish it was you.



NAPABUGA ako ng hangin na para bang ang tagal ko ng inipon iyon. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Una mong mapapansin pagpasok sa kwarto na ito ay ang kusina. Malaki iyon at kumpleto sa gamit. Kasunod niyon ay ang koleksyon ng iba't-ibang wine sa isang malaking wine rack.

"O, nandito ka na naman."

Hermes Scott.

Siya kasi ang may ari ng kwarto na ito. Sino pa ba eh siya lang naman sa lahat ng agents ang kumpletong kumpleto ang kwarto ng mga kagamitang pangkusina. Siya kasi ang chef ng Craige's restaurant kung saan halinhinan nilang pinamamahalaan ng isa pa naming kasamahan na si Ocean.

"Masama ba?" maangas na tanong ko.

"Kwarto ko kaya ito."

"Hindi ko naman inaangkin."

Pagkasabi niyon ay kumuha ako ng wine sa rack at pagkatapos ay umupo ako sa high stool malapit sa kitchen island niya. Hindi na ako nag-abala na kumuha ng baso at basta ko na lang iyong binuksan at tinungga.

Napapailing na lang siya sa ginawa ko. "Lasengga."

"Kung naiinggit ka gayahin mo ako. Hindi iyong sermon ka ng sermon riyan."

Napabuntong-hininga na lang siya at kumuha ng mauupuan niya. May kung anong parang kumurot sa puso ko. What a rotten person I am for doing this to him. Dapat lumayo na lang ako sa kaniya. Dahil kada magpapakita ako sa kaniya mas nasasaktan ko lang siya. But I cant. I don't know why but I needed him. Siguro dahil siya lang ang nag-iisang tao na nakakaalam ng totoo ko na nararamdaman.

"What is it this time?" he asked.

"Wala.."

"Right."

I rolled my eyes and drink again from the bottle. Ano pang saysay na magsinungaling ako sa kaniya kung alam naman niya lahat? "Every time I seem them, it kills me."

"Every time I see you like this it's killing me." Napatigil ako sa aktong pagtungga sa bote. Malungkot na ngumiti si Hermes at inagaw sa akin ang bote at tumungga rin siya. "Funny how life works huh?"

"Yeah." I murmured.

Tahimik na uminom kami. Ganito lagi ang ginagawa namin kapag pumupunta ako rito. Alam ko ang security code niya at hindi naman niya iyon binabago. Kung babaguhin niya maiintindihan ko. Hindi na ako ulit pupunta dito. Pero hanggang ngayon ay hinahayaan niya lang ako sa gusto kong gawin.

Walang nakakaalam sa nangyayari sa amin. Ang alam lang ng mga co-agent namin ay aso't pusa pa rin kami. Iyon ata ang nag-iisang pagkakapareho namin ni Hermes. We're both a great pretender.

"Mahal mo pa rin ako?" diretso kong tanong.

A small smile curved his lips. "Unfortunately."

"Bummer. By this time you should have seen my selfishness. If you're smart you'll run as far as you can away from me."

Nagkibit-balikat siya. "Patunay na tanga talaga ako. Kapag hindi na kita mahal ikaw ang unang makakaalam."

"Good." pagkasabi niyon ay inagaw ko sa kaniya ang bote at muli akong uminom.

Tahimik na nagpatuloy kami sa pag-inom. Paminsan-minsan ay nagkakatinginan kami pero nanatiling walang mga salita ang lumalabas mula sa amin. Siguro kaya gusto ko siya laging makasama pag ganito ang nararamdaman ko. Kasi malaya ako na maramdaman kung anong gusto kong maramdaman.

"Hey, Storm."

"Hmm?"

"Paano kung matanda na tayo ikaw pa rin ang gusto ko at siya pa rin ang gusto mo? Paano kung hanggang matanda na ako at malapit ng mamatay ikaw pa rin ang mahal ko?"

Ngumiti ako at inabot sa kaniya ang bote. "Huwag kang mag-alala. Hindi mangyayari iyon. Malay mo mauna akong mawala kaysa sa iyo. Kapag nangyari iyon...magagawa mo na akong kalimutan. Makakahanap ka na rin ng taong mamahalin mo na mamahalin ka pabalik."

"Ewan."

"Malaki ang mundo, Hermes. Hindi man ako panigurado na merong isang tao na magagawang ibigay sa iyo ang hindi ko kayang ibigay."

"Why can't it be us?"

I smiled at him. "Why should it be us?"

Questions. Too many questions. Will they be answered or they will forever remain unanswered?



NAKATITIG lang ako sa kisame habang nakahiga ako sa kama ko. Dalawang araw na akong hindi lumalabas ng kwarto. Wala rin naman akong gagawin dahil hindi pa ako kumukuha ng mission. Masyado ding busy ang mga agent sa mission ni Freezale kay King.

That King of Jerks. My cousin, Freezale is still being stupid about him. Pero sino nga ba ako para magsalita? Iyon din naman ang pinagdaraanan ko ngayon.

I groaned and get up. I can't stay like this. Baka mabaliw na ako sa sobrang pag-iisip. I need to relax and have fun.

Wala ako sa mood para mag-inom ngayon at isa pa hindi pa pinapalitan ni Hermes ang paborito kong wine na nasa rack niya. Maghahanap na lang siguro ako ng ibang mapaglilibangan.

Tumayo na ako at hindi na ako nag-abalang magsuklay man lang. Dumiretso ako sa kinaroroonan ng kwarto ni Sky. Makikipaglaro na lang ako kay baby Russia na manang mana sa kagandahan namin ni Sky. I love that child. Ang liit-liit pa pero mana na sa amin sa kakulitan.

Hindi na ako nag doorbell ng makarating ako roon. Alam ko naman ang password. Nang makapasok ay napakunot noo. Nasa living room ang crib ni Russia at mahimbing ang pagkakatulog niya roon pero wala ang mag-asawa. That's odd. Hindi nila iniiwan ng sabay si Russia. Kapag kinakailangan naman dahil sa trabaho ay sinisiguro nila na nandito ang grandparents ng bata o sa aming magkakapatid naiiwan.

Nagpalingon-lingon ako at pagkaraan ay tahimik na naglakad ako papunta sa kwarto nila Sky. Natagpuan ko na ahagyang nakaawang ang pintuan niyon.

"I can't...I can't believe this."

Umatras ako nang makita ko sila doon. Hindi tamang manatili akong nakikinig sa usapan nila. Pero bago pa ako makalayo ay muli akong napatigil nang magsalita si Adonis.

"I can't believe it too. This is a blessing, Sky. And this time I won't miss even a second of it. Hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo."

"Sana lalaki naman this time, Stranger!"

"That would be great, Miss."

Napagtanto ko ang tinatakbo ng usapan nila. My sister is pregnant again. Tahimik na umatras ako dahil hindi na ako dapat magtagal pa dito. Lumapit sa crib ni Russia at umukwang ako bago marahang hinaplos ko ang pisngi ng bata.

"Hey there little fella. You will be a great big sister, Russia. I know you will."

Napakurap ako ng makita kong namasa ang pisngi niya. Umayos ako ng tayo ng maramdaman ko ang tuloy-tuloy na paglalandas ng luha mula sa mga mata ko. Nanlalabo ang paningin na lumabas ako ng flat nila habang pilit na kinokontrol ang emosyon ko.

I am happy for them. I'm not just happy for me. It hurts too much when it shouldn't be.

"Storm?"

Nagtatakang mga mata ni Dawn ang sumalubong sa akin paglabas ko. Tumikhim ako at pilit na ngumiti. "I need a mission."

"Okay. We have-"

"A big one."

Sandaling tumitig sa akin si Dawn na para bang inaalam niya kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Bumuntong-hininga siya pagkaraan bago walang salitang tumalikod at naglakad patungo sa daan ng opisina niya. Kaagad na sumunod ako sa kaniya. Kasalukuyan siyang may tinitignan na folder at ng makalapit ako ay inabot niya sa akin iyon.

"De Leon's case. A police officer that stole a great sum of money-"

"I don't want this." pagpuputol ko sa sasabihin niya.

Tumingin ako sa table niya at nahagip ng mga mata ko ang isang folder na nakabukas at halatang pinag-aaralan pa ni Dawn dahil hindi pa nakalagay sa mga released mission.

"I want that."

"Hindi pa pwede."

Tumingin ulit ako sa folder. "It's stated that it needed to be done immediately. I want that mission, Dawn. Please."

Kailangan ko 'to ngayon.. Kailangan ko ng distraction. I need to feel like I still have control over my life. Nang hindi siya sumagot ay ako na mismo ang kumuha sa files at binasa ko ang nilalaman niyon. Isang salita ang unang nakakuha ng atensyon ko.

Claw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top