Chapter 30: Twice
#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC
CHAPTER 30: TWICE
ERIS' POV
Mula pagkagising ko talaga kaninang umaga ay mainit ang ulo ko. Pakiramdam ko wala akong tama na nakikita kahit wala namang ginagawa sa aking masama ang mundo. Kung panahon lang ng tagtuyot, dilig lang ang sagot. Eh paano kung tagtoyo?
Pwedeng dilig din. Iyong masayang klase ng dilig.
Love, lustful conscience ft bad conscience.
Alam ko naman kung bakit mainit ang ulo ko. Bukod sa hindi ako nakakalabas ng bahay ay parang naging permanente na ang gutom ko.
Napapabuntong-hininga na kumutsara ako ng ice cream at isinubo ko iyon. Iyong ibang tao siguro lalo na ang mga bata matutuwa kung laging nakakakain ng ice cream, pero ako hindi. Ito na kasi lagi ang snack ko kapag nagugutom ako.
Bukod sa ice cream at yogurt, ang tanging nagbibigay ng nutrisyon sa akin ay ang iba't ibang klase ng malamig na protein shake na ipinaiinom sa akin ni Blaze. Kung anong kinawalang talent niya sa pagluluto ay iyon naman ang ginaling niya sa pag-imbento ng shake para hindi ako magsawa kaagad. Dahil nawawalan na ako ng will to live kada makakakita ako ng avocado. Iyon kasi ang madalas niyang ihalo sa shake ko noong first two days.
"Chocolate Banana Peanut Butter Protein shake for Eris and Blaze."
I rolled my eyes at Blaze that is holding a tray with two tall glass of smoothie on them. Ibinaba niya iyon sa coffee table na nasa harapan ko at pagkatapos ay sumalampak siya ng tabi sa akin sa sahig. Inilagay niya sa tapat ko ang isang baso bago niya inabot ang isa pa.
"Pwede ka namang kumain ng normal na pagkain," sabi ko sa kaniya.
Sa loob kasi ng isang linggo ay lahat ng kainin ko ay iyon lang din ang kinakain niya. Minsan pinagdududahan ko siya kapag lumalabas siya para bumili ng sopas pero kapag tinatanong ko naman ay sinasabi niya sa aking wala siyang balak kumain sa labas dahil gusto niya sabay kami. And Blaze doesn't like lying to me.
"Ayoko nga. Mainggit ka pa."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Eh di huwag kang kumain sa harapan ko."
"I told you before remember? I want you to have your every meal with me."
Inangat ko ang inumin at tinikman ko iyon. Infernes naman kay Blaze masarap naman ang mga ginagawa niyang smoothie. Dahil sa malamig iyon ay nakakatulong iyon para mamanhid kahit paano ang sugat ko. Hindi naman kasi ako pwedeng dumepende sa pain reliever lagi kahit gustuhin ko man.
"Sus. Ang sabihin mo clingy ka lang."
May kapilyuhan sa mga mata na marahan niyang pinunasan ang gilid ng mga labi ko. "I wasn't planning on denying it, Fairy. Hindi pa ba proof na hindi na ako humiwalay sa'yo mula ng matanggal ni Hero ang wisdom teeth mo?"
He's right. He never left my side for the whole week. Pakitang tao na lang ang unan at kumot na nasa may sofa dahil sa tabi ko naman siya natutulog. Kinakabahan lang talaga siya dahil minsan ay sumusulpot ang mga magulang ko para dalhan ako ng prutas na pwede kong gawing shake. Aside from his trips to Craige's and the grocery, he's always with me. Sa paliligo na lang ata kami nagkakahiwalay.
How sad.
Love, your consciences.
Ipinilig ko ang ulo ko. Pati na ata si good conscience nahahawaan na ng mahaharot ko na konsensya.
"Pwede ka naman kasing kumain ng mas mabigat na pagkain. Ikaw lang ang ayaw," sabi niya.
"Says the man that won't let me eat a real chicken soup."
Pakiramdam ko nga gusto ng umiyak ni Ocean kada magpapaluto sa kaniya no'n si Blaze. Sa tagal ba naman nilang naging chef parang nag-downgrade siya bigla. Chicken stock, gatas, at elbow macaroni lang kasi ang sangkap ng bersyon ng sopas na pinapakain sa akin ni Blaze. Chicken soup na walang chicken.
Sabi ko nga ako na lang ang magluluto pero ayaw niya naman na kumilos ako. Wala na ata kaming ginawa sa loob ng isang linggo kung hindi manood ng TV o maglaro sa PS5 niya.
"Because you freaked out when a carrot got lodged near your wound and you couldn't get it out. Ako pa nga ang nagtanggal."
Napasimangot ako dahil tama na naman siya. Pakiramdam ko ay naaalala ko na naman ang kahihiyan ko sa araw na iyon.
Supposed to be kapag bago lang kayo sa relasyon ay nag-iingat pa kayo sa galaw ng isa't isa. I remember that my dad used to tell me that he wasn't sure if women can fart too because he never witnessed any woman do it. Nang ikasal sila ni Mama ay saka niya napagtanto na may mga bagay pa pala silang hindi alam sa isa't isa.
I remember laughing so hard that time. Ewan ko ba. Babae man kasi o lalake kapag bago lang kayo ay gusto mo hanggang makakaya mo ay hindi kayo nagpapakita ng nakakahiyang mga bagay sa isa't isa.
Pero kami ni Blaze parang na-cross na namin lahat ng boundary. We even act like an old married couple when we're arguing.
"Do you want to go to the mall later after your dentist appointment?"
Sigurado akong umilaw ang mga mata ko nang tumingin ako sa kaniya. Balak ko sanang pumunta na lang ng naka-pajamas kay Dr. Barquillan tutal ang lapit lang naman ng kinaroroonan niya. Aalisin na niya kasi finally ang stitches ko. But if we're going to the mall...
"Really?"
"Yes." Hinawi niya ang magulo ko na buhok. "Para ma-delute ng kaunti ang toyo mo. You can try to eat heavier foods now since mapapanatag na ang loob mo kapag naalis na ang tahi mo."
I pressed my lips together and give him a look. Nginisihan niya lang ako at diniretso niya ng inom ang shake niya. Ginaya ko na rin siya dahil kailangan ko ng maligo para makapag-ayos pa ako. When we were done, he took my glass from me.
"Go get a shower, I'll take care of this."
Hinalikan niya ako sa noo bago siya tumayo na at dala ang mga pinag-inuman na pumunta siya sa kusina. Imbis na sundin ang sinabi niya ay nanatili akong nakaupo sa kinaroroonan ko habang pinapanood siya.
Hindi ko alam kung paano ako makaka-survive this week kung hindi dahil sa kaniya. He was so patient and gentle with me. Lalo na sa mga gabi na hindi ako makatulog dahil sumasakit ang sugat ko. Minsan naman naalimpungatan ako na pinapalitan niya ang gel pack na nasa head wrap ko kapag nawawala na ang lamig no'n para masigurong komportable pa rin ang tulog ko.
Para bang may sariling mga buhay ang mga paa na tinungo ko ang kinaroroonan ng binata. I felt his body stiffened in surprise when I suddenly wrapped my arms around his waist.
Sa aming dalawa mas affectionate siya. Something that I wouldn't have imagined before. Hindi kasi siya iyong mukhang klase ng tao na laging nakadikit sa girlfriend niya. Pero sobrang clingy niya talaga. Tinalo pa niya si Chance na hinahayaan lang kami sa mga buhay namin at parang umay na umay na sa aming dalawa kapag nakikipaglaro kami sa kaniya.
"What's wrong, baby?" he asked.
"Nothing. I just want a hug."
Ibinaba niya ang baso sa lababo at pinunasan niya ang kamay niya bago siya umikot para humarap sa akin. He wrapped his arms around my shoulder and then he kissed the top of my head.
He didn't even question why I need a hug. He just gave me what I wanted.
Ako na ang unang humiwalay sa kaniya at nangingiting pinakawalan naman niya ako. Dumiretso na ako sa banyo para makaligo dahil may schedule talaga ako kay Dr. Barquillan. Mag-aayos pa ako kaya kukulangin talaga ako sa oras kapag hindi pa ako kumilos.
It took me about twenty minutes to finish before it was Blaze's turn. Kasalukuyan na akong nasa kama at naglalagay ng makeup nang lumabas ang lalaki mula sa banyo. Bumaba ang mga mata niya sandali sa nagkalat na makeup sa harapan ko bago siya lumapit at umupo rin sa kinaroroonan ko.
He watched me apply my makeup as if he's fascinated with what I'm doing.
"Do you think that I look good with makeup?" I asked as I put on my mascara.
"Yes."
"And without?"
"You still look beautiful either way."
"You don't mind that I'm taking too long then? Kung pwede naman na hindi na lang ako mag-ayos?"
"If you're putting it on for me then don't bother. If you just want to do it and you feel better doing it, then it's okay." Ginaya niya ang ginawa kong pagngiti nang maglagay na ako ng blush dahilan para mapatawa ako. There was laughter in his eyes too when he continued, "My mom used to tell us four na masyadong mahal ang makeup products niya at wala siyang balak magpakahirap ilagay iyon para lang sa tatay namin. She used to tell us that you need to feel good for yourself and not just for everyone else. She said that we all deserve to be pampered once in a while."
"How do you pamper yourself?" napapaisip na tanong ko.
"Working out is my way to destress. Pero noong bata pa kaming magkakapatid, sinasama kaming lahat ni Mommy sa spa. Hindi lang sina Storm at Sky ang nagpapa-hair care treatment. My brother and I will even often get our nails cleaned at minsan pinapa-foot spa pa kami ng nanay namin."
"I can't imagine you having mani and pedi," nangingiting sabi ko.
Hindi lang naman kasi babae ang dapat magkaroon ng Me time. Pero duda ako kung pupunta si Blaze sa kahit na anong salon o spa kahit pa tutukan siya ng baril ng mag-isa. Unless kasama ako.
"Parang hindi ko gusto ang naiisip mo," sabi ni Blaze habang nagdududang nakatingin sa akin.
I just gave him an innocent smile before I stood up from the bed. Kinuha ko ang notebook ko at hinugot ko ang nakaipit doon na ballpen bago ako bumalik kay Blaze. Inilapat ko ang notebook ko sa kama at nilagyan ko ng guhit ang number fifteen sa list.
"I would love to hike pero sa trabaho natin hindi na big deal ang hiking. Ilang beses na ba tayong pinaakyat sa bundok nina Dawn at ni Freezale?" Sinulatan ko iyon ng panibago at napangiti ako ng marinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Us Day instead of Me Day."
"Your bucket list should be something you haven't done before. You haven't hiked for fun."
"Eh. It's still the same. Wala na atang bundok sa Pilipinas na hindi natin naakyat." Muli kong sinulatan iyon at iniharap ko iyon sa kaniya para makita niya ang isinulat ko. #15. Us Day with my boyfriend (Manicure, Pedicure, and Foot spa). "Hindi ko pa nararanasan magkaroon ng Us Day. Not even with my exes. I mean... siguro try kong tawagan si Hugo—"
"The hell you will. Bakit mo siya tatawagan? Siya na ba ang boyfriend mo ngayon?" Tumayo siya at tinawag niya si Chance na kanina ay nakahiga sa sariling kama na nandito rin sa kuwarto. "Let's go get your harness, Chance. Tuturuan na rin kita paano mangaggat ng taong may pangalan na Hugo."
Sorry, Hugo, and thank you. Hahanapan din kita ng love life kapag kailangan mo someday.
KANINA KO PA PINIPIGILAN na mapatawa sa ekspresyon sa mukha ni Blaze. Mula kasi nang pumasok kami sa beauty salon sa mall na pinuntahan namin ay kung hindi si Chance ang pinagkakaguluhan ay siya naman ang target ng mga beautician mapa-babae man o binabae.
Hindi ko sila masisisi. Blaze looks like he came out of a GQ magazine. Minsan kasi balewala lang sa akin iyon dahil sanay na akong mapalibutan ng mga taong katulad niya. Lalo na at mga kamag-anak niya halos ang malaking percentage ng population sa BHO CAMP. But now, looking at him with the help of the light from other's perspective, I'm really seeing how good looking he is. He's just wearing a simple black shirt and jeans and yet I'm sure that he's the most handsome man in the entire mall. O bias lang ako.
Kinuha ko ang inabot sa akin ng nail artist na bote ng kulay lilac na nail polish na siyang ginamit din sa akin kanina. Kanina kasi ay palihim ko siyang kinausap at tinanong ko kung posible ang bagay na gusto ko. Since tuyo naman na ang sarili kong mga kamay ay posible ko na iyon na magawa ngayon.
"Blaze?"
Nag-angat ng tingin sa akin ang lalaki na kanina ay pinapanood ang ginagawa sa kaniyang pag-pedicure ng babaeng nasa harapan niya. "Hmm?"
"Give me your hand."
Walang tanong na ibinigay niya iyon sa akin pero nang makita niya ang hawak ko ay akmang babawiin niya iyon. Natatawang pinigilan ko siya at inipit ko ang kamay niya.
"Eris, no."
"Just a tiny heart?"
"No."
"A tiny heart that is a representation of my love for you?"
Nilakasan ko pa ang boses ko para siguradong maririnig iyon ng iba. Even the men waiting for their girlfriends and wives looked towards our direction.
Hindi na ako nag-expect na mahihiya si Blaze dahil gaya ng inaasahan ay umilaw ang mga mata niya sa ginawa ko. Aside from being clingy, alam ko namang PDA ang trip niya. Parang ang saya niya kasi kapag napapakita niya sa mundo na may relasyon kami. As if kailangan ko pang ipagsigawan iyon eh kung makadikit siya sa akin wala na sigurong kahit na sino ang magkakamaling mag-isip na hindi kami.
"Fine. Just one," he relented.
"Three."
"No—"
"Para I Love You."
Kumibot ang mga labi niya na parang pinipigilan niyang ngumiti at pagkatapos ay naiiling na bumuntong hininga na lang siya. Kilig yern?
Nilagyan ko ng base coat ang kuko niya at hinayaan kong matuyo iyon bago ako gumawa ng tatlong maliit na heart sa mga iyon. Isa sa hinlalaki, isa sa gitna, at isa sa hinliliit niya. When I finished, I put a top coat on them.
"See? They look cute," I said as I beamed at him.
"You're lucky that you are the cute one." He tapped my nose gently. "You can get away with a lot of things because of it."
"It's not my fault that you love spoiling me."
"Hmm." Inangat niya saglit ang kamay niya na nilagyan ko ng nail polish at inabot niya gamit ng isa pa ang kamay ko. He tangled his own fingers with mine. "I do love spoiling you."
"Why is that?"
"Because I'm yours."
Sabay kaming napatingin sa dalawang babae na nag-aayos sa amin nang parehas silang impit na tumili. Napatawa na lang ako sa reaksyon nila.
"Sorry, Ma'am. Bihira kasi kaming makakita ng katulad niyo ni Sir," sabi ng isa na Carla ang nakalagay sa name tag. "Kadalasan talaga naghihintay lang ang mga kasama ng mga nagpapaayos sa amin."
Tumango si Prinsesa na siyang nag-aayos sa akin. "Saka wala pa kaming nakikita na kasing gwapo ni Sir." Nang makita niyang nakangiti lang ako sa sinabi niya ay nagpatuloy siya, "Saan ba makakahanap ng katulad ni, Sir, Ma'am? Para naman hindi lang kami taga-sana all lagi."
"May boyfriend naman ako," sabi ni Carla na pinaikot ang mga mata niya. "Pero hindi nga ako nag-sana all pero puro naman ako sana more. Sana more patience."
"Nag-iisa lang sa mundo 'yan." I raise an eyebrow at the smiling Blaze. "Nahulog lang siyang bigla sa buhay ko." I mouthed that it's because he's a fallen angel.
"At pagkatapos nahulog ako sa kaniya." He mouthed something as well. 'Kasi natisod ako sa punso mo.'
Hindi talaga kami normal na dalawa. Tanggap ko na iyon ngayon. Dati naman matino pa kami kahit paano. Pero noong pinag-combine kami ay para kaming lalong naging mahirap intindihin.
Another half an hour passed before we were finally done. Mukhang malaki ang naging tip ni Blaze sa dalawa base na rin sa kasiyahan na nakabalatay sa kanila at sa patuloy nilang pagpapasalamat hanggang sa makalabas kami.
Sakto naman na pagkalabas namin ay muntik akong humagis dahil sa isang babae na mukhang papasok naman ng salon.
"Blaze?"
Tumaas ang kilay ko sa tono ng boses ng babae. Kaparehas na pakarehas kasi iyon ng tinis ng boses ng ex ni Blaze na si Bambilina. Or Bibimbolina. Same thing.
She's a tall woman and she has the physique of a model. Ayos na ayos din siya na iisipin mo na sa runway ang punta niya at hindi sa mall.
"Destiny," Blaze said as a greeting.
"OMG! This must be destiny!"
Dumilim ang paningin ko nang humagikhik pa siya sa sarili niyang joke at humawak sa braso ni Blaze. Mukhang bumalik ang kaninang umaga ay init ng ulo ko. Kahit ang kinain namin kanina ni Blaze na unang mabigat na meal na nakain ko sa linggo na ito ay mukhang hindi kayang pawiin ang inis ko.
"I'm going to the salon but we can have coffee instead. Ang tagal nating hindi nagkita." Lumapit pa siya sa lalaki. "Na-miss kita."
Umangat ang mga kamay niya na parang yayakap siya kay Blaze pero bago pa niya magawa iyon ay nagawa ko ng maisingit ang sarili ko sa pagitan nila dahilan para hindi niya maabot ang lalaki at halos ako na ang mayakap niya. Perks ng pagiging maliit. Kahit saan kasya.
The woman looked down at me and I instantly realized that it's not just literally. She looks at me as if I'm just a bug on her windshield.
"Who are you?" she asked.
"Hindi mo kailangang malaman. Ikaw sino ka?"
Naramdaman kong pumalibot sa bewang ko ang isa sa mga braso ni Blaze at bahagya akong hinila paatras. Hindi ko siya masisisi. Iyong last na ex niya na umattitude sa harapan ko ay dumudugo ang ilong na umalis sa BHO CAMP.
"I'm Blaze's Destiny."
"Mahal na mahal mo ang pangalan mo no? Maganda sana kaso hindi maganda ang ugali mo." She gasped at my insulting tone but I ignored her. "Hindi ka niya "destiny". You're not his "destiny" literal man o figure of speech."
"Excuse me—"
"You're not excuse."
I heard Blaze chuckled behind me. Siniko ko siya pero natatawa pa rin na iniwasan niya lang iyon.
"Kapag nakita mo si Blaze sa susunod, walk the other way."
"At sino ka para utusan ako?" tanong niya at pinagkrus pa ang mga braso sa tapat ng non-existent niyang dibdib. At least ako meron hindi man kasing laki ng kay Bimbolina.
"Ako 'yung taong makakasalubong mo kapag hindi ka tumalikod kapag nakita mo si Blaze." Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Nang hindi pa ako makuntento ay tumingkayad ako para siguradong damang-dama niya iyon na lalong ikinatawa ni Blaze. Bakit kasi ang tangkad masyado ng taong 'to? Mukha tuloy akong five years old na naghahamon ng away. "Hindi mo ba alam na past time namin na hamunin ang tadhana at lagi kaming nananalo? Hindi kami naniniwala sa destiny kaya shoo bago kita silaban!"
This time, Blaze laugh could be heard even way back at BHO CAMP. Halos buhatin niya na ako palayo sa laglag ang pangang nakatulala na si Destiny. First time sigurong mainsulto at mapagbantaan at the same time. Maging si Chance na mukhang naramdaman ang tensyon sa paligid ay kulang na lang hilahin ako palayo.
"I thought I'm the worse one when it comes to jealousy," he said after he was done laughing.
"Hindi ako nagseselos. Warning lang iyon." Salubong ang kilay na tinignan ko siya. "Saka huwag ka ngang ano riyan. Si Hugo nga pinagbantaan mo pang ipapasok sa Infinity room."
"Hindi ko siya pinagbabantaan. I was just offering."
"Semantics." Nagbaba ako ng tingin kay Chance. I gently pat his head. "Next time kapag may lumapit kay Blaze na ganito magsalita—" I called out Blaze's name in a high-pitch tone. "Kagatin mo agad."
"Don't teach our son bad behaviors."
Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Our son. Pakiramdam ko ay hanggang talampakan ko na ang nararamdaman kong pamumula. "I-Ikaw nga gustong turuan siya na kagatin si Hugo."
"Iba 'yon. Lagi kong nakikita si Hugo which means he's constantly pissing me off." Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ako. "What's wrong with you?"
"Wala."
Humiwalay ako sa pagkakahawak niya sa akin bago pa niya marinig ang malakas na tibok ng puso ko. Iyon nga lang ay mabilis siyang nakahabol at ipinalibot niya ang braso niya sa balikat ko.
"Gusto mo bang sundan?"
Kung hindi nakaakbay si Blaze sa akin at kung hindi ako napahawak sa kaniya ay baka tuluyan akong bumagsak sa sahig nang bigla na lang manlambot ang tuhod ko. Panahon na ata para mag-calcium ako.
"Fairy?"
I probably look like a tomato when I met his gaze. "A-Anong sinasabi mo?"
"Ha?"
In all fairness to him, he genuinely looked confuse.
"Su... sundan?"
Tumango siya. "Si Destiny. Para ipakagat kay Chance. I don't want you to think I'm siding with her. Hindi ko siya ipinagtatanggol. Kung gusto mo siyang ipakagat kasi gusto ko rin gawin iyon kay Hugo then okay."
Kumibot-kibot ang mga labi ko. Gusto ko siyang bulyawan pero hindi ko rin magawa iyon dahil mukha talagang clueless siya sa inaakto ko.
"Chance is not biting anyone," I said.
"Okay." Nagkibit-balikat siya. "I was just joking anyway. Even with Hugo. As long as he knows that your off limits."
"I know."
"Okay," he said.
"Okay."
"Okay ka lang ba talaga?"
Sunod-sunod na tumango ako at nag-thumbs up pa ako para i-emphasize iyon. Mukhang hindi siya naniniwala pero hinayaan niya na lang ako. It's a good thing that he let it go. I wouldn't know how to explain it to him anyway.
Paano ko naman ipapaliwanag sa kaniya na for a moment ay dalawang pangalan ang biglang umikot sa utak ko; Lucilia and Silver. Ang imaginary naming future na mga anak.
Hindi kasi nililinaw ang sinasabi. Mapipikot 'tong si Blaze ng wala sa oras eh.
"Lucilia and Silver."
Nanlalaki ang mga matang napapitlag ako. Did I said those out loud? Ninenerbyos na nilingon ko si Blaze pero hindi siya nakatingin sa akin at sa halip ay sa store kung saan kami ngayon napatapat. It's a spirit and liquor store.
Itinuro niya ang estante ng display sa likod ng salamin. "Should we buy them?"
"N-No."
He smiled and nodded before pulling me towards him. Inipit niya sa likod ng tenga ko ang buhok ko bago bumulong, "Bakit pa tayo bibili kung pwede naman na tayo na lang ang gumawa?"
This time I have no doubt of what he's talking about because the meaning behind his words is clear as a day.
"Shut up," namumula ang mukha na sabi ko.
Natatawang hinalikan niya ako sa pisngi. "What? I'm just saying."
"Mapipikot ka ng wala sa oras, Blaze Reynolds."
"Pikot pa bang matatawag kung willing, Eris Lawrence soon to be Reynolds?"
I'm going to burn into ashes in the middle of a mall. I swear I would if Blaze won't stop his teasing.
"Chance, bark twice if you want a sister or a brother, and bark one if not," Blaze said to our dog. Our son.
Chance did barked.
Twice.
______________________End of Chapter 30.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top