Chapter 26: Official
#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC
CHAPTER 26: OFFICIAL
ERIS' POV
Nakasandal ako sa sasakyan habang abala ako sa pagkain ng ice pop na nabili ko sa naglalako kanina dahil nainip na ako sa pag-aantay. Bukod pa roon ay ang init talaga ngayong araw kahit pa sabihin na mahangin sa kinaroroonan namin.
"I have a jacket."
Nilingon ko si Blaze na sa kabila ng itim na itim niya na sunglasses ay sigurado akong kasalukuyan akong pinaniningkitan ng mga mata.
"O? Congrats," pilosopong sagot ko.
Alam ko naman kasi kung ano na naman ang pinagsesentir niya. Maluwag na tawny-colored pants at kaparehas na kulay na tube top lang kasi ang suot ko. Hindi na ako nag-abalang magdala ng jacket nang sinabi niya sa akin kahapon na bababa kami ng Carmona ngayong araw. Sigurado kasi ako na maiinitan ako. Siya lang naman ang malakas sa langit kaya umulan kagabi kahit na supposed to be ay maganda ang panahon the whole week.
"You can borrow it."
"No thank you," matamis ang ngiti na sabi ko habang patuloy pa rin ako sa pagkain.
Napabuntong-hininga siya at hindi na ako pinilit pa. Sa halip ay lumingon siya sa gawi ng mga kalalakihan di kalayuan na kanina pa patingin-tingin sa direksyon ko habang nagngingisihan. Akala mo naman ngayon lang nakakita ng babae. Balot pa nga ako kung ikukumpara sa iba na konting kilos na lang ay wala ng itatago. The only visible skin I'm showing are my arms, my neck, and a small part of my belly button.
"I didn't think of you as a person that gets sensitive about clothes."
"I'm not," he answered as he turned back to me. "I don't care what you wear but I care about who's looking at you. Especially when the people that do doesn't know the difference of looking and ogling."
Iginalaw ko ang kamay ko na para bang pinapalapit ko siya. Hindi naman niya ako binigo at sandali lang ay mas malapit na kami sa isa't isa. Inangat ko ang hawak ko na ice pop at idinikit ko iyon sa pisngi niya.
"Ang init na ng panahon. Huwag mo ng sabayan ng init ng ulo."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko lang siya sa pag-aakala na titikman niya ang hawak ko. Hindi na ako nag-alangan na baka ayaw niya dahil nalawayan ko na iyon. Ngayon pa ba kami aarte eh halos hindi na maghiwalay ang mga labi namin nitong mga nakaraan?
Iyon nga lang hindi ang ice pop ang isinubo ni Blaze. Instead, he flicked his tongue on my fingers that are sticky with the sweet juice of the frozen refreshment.
"Sweet," he murmured before he raised his head from my hand and went close to me. Marahang nilapat niya ang mga labi niya sa akin sandali. "But this is sweeter."
Sa isang iglap ay nawalan ng kuwenta ang pagpapalamig ko dahil kahit iyon ay hindi magagawang pawiin ang init na kumalat sa mukha ko.
"A-Ang harot mo."
"Free trial lang 'yan." He reached for a lock of my hair. "Mas maharot ako kapag dinala mo na ako sa simbahan."
"Ako pa talaga ang magdadala sa'yo no? Nagdadalaga 'yan? Saka may pa-free trial ka pang nalalaman diyan hindi mo naman tinutuloy."
Wala naman kasi kaming ginagawa talagang kakaiba. We just kissed and kissed and kissed. Kung umakto siya parang siya itong baguhan sa aming dalawa pagdating sa mga makamundong-bagay.
"Kaya nga free trial lang. Kapag tinuloy ko, subscription na ang tawag doon. One that will last for a lifetime." He ran his forefinger on my nose and I just swatted his hand away, making him smile more. "You need to agree on the terms of marrying me first and subscribe to be with me for the rest of your life."
"Nagpopropose ka na ba ng lagay na 'yan?"
"Hindi pa."
Pa. Hindi pa. May balak. "Good. Kasi mag-iisip pa tayo kung anong pakikipagpustahan na naman ang gagawin natin laban sa tadhana."
"I don't think I want to challenge fate again."
"Why not?"
"Even though I'm confident on always winning, I'm not going to risk losing you."
Dati hindi ko maintindihan kung ano iyong hindi maipaliwanag na pakiramdam kada kausap ko si Blaze. Iyong bang nanggigigil ako sa kaniya pero hindi naman ako naiinis. Ngayon ay naiintindihan ko na iyon. Kinikilig lang talaga ako.
"Pero kung sakali, anong klase bang hamon ang gusto mong ibigay sa tadhana?" tanong niya.
Nagkibit ako ng balikat. "Ewan. Siguro this time hindi ka magpopropose hanggang wala ka pang nahaharap sa akin na love bird na hindi marunong magmahal."
He burst out laughing and I couldn't help but join him. Siguro ito na iyong sinasabi nila Hera. Dumating na kami sa punto na parehas na naming tanggap ang pagmumukhang kulang-kulang.
"Yeah, that won't work," he chuckled.
"Bakit? Ang saya nga no'n. Maghahanap ka ng love bird na nadala na sa pag-ibig."
"It's more possible for me to dance with a flash mob for you than to look for a broken-hearted bird."
Nalukot ang ilong ko sa sinabi niya. "Kapag tinangka mong gawin iyang sinabi mo o kahit na ano pang maglalagay sa akin sa gitna ng atensyon, mag-isa kang ikakasal."
He didn't even looked bothered by my threat. "As if I didn't know that."
"Pero kung may balak kang sumayaw sa harap ko in private, wala akong balak tumanggi."
Despite the sunglasses he's wearing, I can feel his gaze burning behind it. Ang kamay niyang nakahawak pa rin sa akin ay bumaba sa mga labi ko at pinadaanan niya iyon ng hinlalaki niya.
"When I danced in private I would be doing it with you underneath me, Fairy."
Pakiramdam ko ay nalunok ko lahat ng alam kong letra. I didn't expect the rush of heat that didn't just spread from my cheeks. This time it's enveloping my whole body like the summer came not for anyone else but just for me. Manghaharot ka pa kasi doon sa tanong hari ng kaharutan. Pro 'yan, girl.
"B-Bakit... bakit ang tagal naman?" Nang umangat ang kilay niya ay alanganing ngumiti ako. "Nang turn natin. Iyon ang ibig kong sabihin. Ang tagal bago tayo ang matawag." Tumikhim ako at umusog ako pakanan para magawa kong lumayo sa kaniya. "Wew, ang init!"
Blaze just let out a low laugh that is telling me that he knows what I'm doing and as always, he's letting me get away.
"I'll ask them," he said.
"Alam mo sa dami nating ginawa sa bucket list ko ngayon lang tayo hindi nagkaroon ng express o special treatment? Wala kang ex-kaharutan dito no?"
He pressed his lips together but he didn't answer. Nilingon ko ang kinaroroonan ng mga tao na naghahanda para sa pag-paraglide nila. Lahat ng instructor na naka-uniporme na nakikita ko ngayon ay puro lalaki.
Bahagya kong itinulak si Blaze. "Kausapin mo na sila Kuya. Binibigyan kita ng pass na landiin sila. Now na."
Natawa na lang ako nang mahina niyang hinila ang tenga ko. Naiiling na yumuko siya at binigyan niya ako ng mabilis na halik sa noo bago siya naglakad palayo.
Nangingiting sumandal ako ulit sa nakaparadang sasakyan ni Blaze at inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot ko. I scrolled through all the pictures of Chance that Blaze's sister Storm sent me. Si Storm kasi ang nag-volunteer na bantayan si Chance dahil hindi namin siya pwedeng isama rito. Storm said it reminded her of her Labrador before and she doesn't mind to keep him for the day.
Nang makapagpadala ako ng text sa kaniya ay ibinalik ko na ang device sa bulsa ko. I decided to follow Blaze but I was stopped by a man wearing a uniform.
"Maam gusto niyo kayo na po ang mauna? Nagdadalawang isip pa po kasi iyong sasalang sana at pumayag sila na magpauna muna ng iba."
Sinundan ko ang tinuturo niya at napaangat ang kilay ko nang makita ko ang tatlong lalaki na kanina ay abala sa pagtingin sa akin at ngayon ay parang mga mawawalan na ng ulirat habang nag-uusap sa isang tabi. Baka mga first timer.
First time ko rin naman. Sa paragliding nga lang. Nakapag-hang glide na ako dahil merong device ang BHO CAMP no'n.
Height could make me hesitant sometimes but not when I'm geared up. I trust gears since I grew up being surrounded by the inventions of the people around me. Mas matatakot pa akong mag-horseback riding. Horse is not an object. They have their own temperament. Idagdag pa na kaya lang naman talaga ako hindi mapalagay noon ay dahil kay Blaze at hindi dahil sa pangangabayo.
"Sure. Sabihan ko muna iyong kasama ko."
Nakangiting nagpaalam ako sa lalaki bago ako excited na naglakad sa kinaroroonan ni Blaze na may kausap na isang pang naka-unipormeng lalaki. I tried not to get annoyed when I saw a group of women staring at him. Naiintindihan ko na si Blaze. Looking is really different from ogling.
"Hey, Angel."
Hindi lang si Blaze ang napatingin sa akin o ang kausap niya kundi maging ang mga babaeng kanina ay tutok na tutok sa kaniya ang atensyon. I saw the women looked around as if they're searching for the person I just called "angel" while Blaze just shook his head with his lips tugged up into his usual smile. Bakit? Babae lang ba dapat ang tinatawag na angel? Puro masculine reference nga ang pangtukoy sa mga angel sa Bible eh.
"Tayo na raw." Matamis ang ngiti na tumingin ako sa kinaroroonan ng mga babae. "Though tayo naman na talaga officially kahapon."
Blaze pulled me by my wrist after thanking the man he talked to. I retrieved my hand but not to let go and instead I tangled my fingers with his.
"You're cute when you're jealous."
Tumaas ang kilay ko. "Hindi ako nagseselos."
"Then what was that?"
"I was just showing my warning. You don't want me jealous."
"Bakit? Babatuhin mo ako ulit ng alatiris?"
Nanlaki ang mga mata ko. Alam niya 'yon? "Hindi ko sinasadiya 'yon no! Saka hindi ako nagseselos no'n."
"Hindi mo pa lang alam na nagseselos ka kay Alize no'n. You're jealousy was clear as a day, you just can't admit it that time." Hinila niya ako palapit gamit ng mga kamay naming magkasalikop bago niya iyon binitawan para lang ipalibot sa balikat ko ang isa niyang braso. "Don't worry. I'm sure I'll find your chaotic jealous side as endearing as you always been to me."
"Endearing ka riyan. Some people will call it suffocating."
"As well as they will call our usual banters as toxic. Who cares?"
Oo nga naman. Who cares? I remember I have a friend na parang gawain ata nilang mag-boyfriend na mag-away sa umaga. Hindi naman sila naghiwalay. Hanggang ngayon nga sila pa ata.
It's not that arguing should be normalize. It shouldn't. Especially when it comes to important things. Blaze and I know how to communicate seriously when it's needed. Pero iyong kapag normal na araw, parang hindi kasi kumpleto kapag hindi namin napapatunayan sa isa't isa na talagang tama lang na kami ang pinagtagpo ng tadhana dahil kawawa naman ang mga taong magiging sakit kami ng ulo kung sakaling sa iba kami napunta.
Bumaling kami sa sasakyan at may kinuha si Blaze mula sa trunk niya at bitbit ang mga iyon na lumapit kami sa lalaking kausap ko kanina.
"I want to ride alone," excited na sabi ko.
"You're flying with me," Blaze contradicted.
"Ayoko nga. Kaya ko mag-isa."
Magsasalita pa sana siya nang mapatingin kami sa dalawang magkasintahan na nakasuot na ng gear. Imbis na sumama sa mga tandem partner nila na lilipad kasama nila ay akala mo pinaglalayo ng mundo na patakbong lumapit sila at yumakap sa isa't isa.
"Gusto ko magkasama tayo!" palahaw ng babae.
"Gusto rin kita kasama, love, pero hindi pwede. Para sa safety mo rin."
"Pero gusto ko ma-experience 'to na kasama ka."
"Magkikita naman tayo sa taas. Para na rin tayong magkasama. Kahit naman magkalayo tayo lagi namang gano'n di ba?"
Hindi maipinta ang mukha na pinanood ko sila. Parang gusto kong manakit. Nakangiwing nilingon ko si Blaze na pigil ang ngiti na muling nagbaba ng tingin sa akin.
"Kung ine-expect mo sa akin ang gano'n, mag-expect ka na lang. Hindi naman masamang mangarap."
He cough out a laugh and pulled me towards him again. Animo nanggigigil na kinulong niya ang magkabila ko na pisngi sa mga kamay niya. Pinalo ko siya at nakasimangot na lumayo ako.
"I'm going alone," I said.
"Still a no."
Pinandilatan ko siya ng mga mata pero hindi siya natinag. Ang instructor na kanina pa kami pinapanood ay nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. "Matagal na kayo ni Sir, Ma'am?"
"Hindi. Kahapon lang. Bakit?"
"Para po kasing malapit na kayong maghiwalay," nagbibirong sabi niya.
Blaze threw back his head back and laughed heartily. Maging ako ay hindi magawang pigilan ang tawang kumawala mula sa akin.
Hindi naman ako na-offend sa tanong ng instructor. Kung magtalo kasi kami ni Blaze para kasi kaming married couple na ilang dekada ng magkasama.
"Babe, fly with me."
Nagdududang tinignan ko siya. "Kung may balak kang mag-propose sa taas para mas masuportahan ka ni Lord dahil mas mapapalapit ka sa Kaniya, ako na ang nagsasabi na huwag na. Baka malaglag mo lang ang sing sing." Humalukipkip ako at hindi ko pinansin ang kakaibang tingin na ibinibigay sa amin ng paragliding instructor. Kasal na kasi ang pinag-uusapan namin ngayong kasasabi ko lang na kahapon lang kami naging official ni Blaze. "Saka kakasal lang ng mga kapatid natin. Parehas tayong may ikinasal na kapatid. Dobleng sukob 'yon. Grabeng panunubok sa tadhana iyon kung sakali."
"When I proposed, you won't be able to know that it's coming. It could be while we're eating breakfast one morning or it might be while I'm eating y—" Natatawang hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang malakas na hinampas ko siya sa braso. Akala mo naman kaya niya eh born again virgin siya ngayon. "All I'm saying is I know what you want and I know how we are. It would be just the two of us. I promise."
"Good." Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Pero gusto ko pa rin mag-paraglide mag-isa."
"You can't. If you want to fly without me, you'll paraglide with him." He inclined his head to the instructor. "I have a flying license, and you don't."
Gusto ko sanang sabihin na nakapagpalipad nga ako ng eroplano na walang lisensya sa BHO CAMP pero dahil hindi naman kasi legal na paraan iyon kaya wala na akong nagawa kundi ngumuso na lang.
Nangingiting iniladlad niya ang kanina ay kinuha niya sa sasakyan at nakita kong mint green na paragliding suit iyon. Nauna niyang isinuot ang sa kaniya na kulay itim lang at pagkatapos ay tinulungan niya akong maisuot ang akin. Inalis niya rin ang suot niya na salamin pati na ang eyeglasses ko at ipinasuyo niya iyon sa instructor. After that he zipped me up but he didn't let me go. Instead he leaned down so that our face are on the same level.
"Stop pouting, baby. I might think that you don't want to do this with me."
"Of course I want to."
"Then smile for me."
Pinaikot ko ang mga mata ko bago siya binigyan ng sobrang lawak na ngiti na sigurado akong parang ngiti ng batang pinipilit ng magulang na magpapicture dahilan para mahinang mapatawa ulit ang binata.
Pagkaraan ay tinulungan na kami ng instructor para masuot na namin ang mga kakailanganin namin. To be exact, I just stood there while they strap me with everything. Ilang beses pang dinouble check ni Blaze ang lahat na para bang sinisiguro niya na pagdating namin sa taas ay hindi ako basta lulusot sa kung saan.
After a few minutes, I realized how paragaliding is not as easy as I thought it is. Dahil nang umabante kami ng kaunti dahilan para tumaas ang canopy ng paragliding equipment ay pakiramdam ko isa akong lobo na hinahatak sa kung saang direksyon. I'm just lucky that with years of experience as an agent, I learned how not to panic because if I am in deed in trouble, I know that my instinct will kick in anytime.
"You okay, babe?"
I looked back at him to show him that I'm okay. Nag-thumbs up pa ako.
"We're going to do a forward launch since it's the easiest. Just run forward. You don't need to do it too hard. I'm right behind you."
Bumilang siya hanggang tatlo para maging sakto ang galaw namin at nang umabot siya sa huling bilang ay sinunod ko ang sinabi niyang gawin ko.
One moment I can feel my feet running on land and the next it was like I was threading through air. I let out an excited scream when I looked down and saw how we're being pulled away from solid ground.
It was one of the most exhilarating thing I ever experienced. Marami na akong naranasan na kayang talunin ang taas na kinaroroonan namin ngayon. Mababa pa ito kung tutuusin. But it's different when you're doing it for fun and not for a mission. It feels freeing when you don't need to hurry and you can just relax to enjoy everything.
I could see an endless green in front of me and far from where we are, rows of houses could be seen that looks small from here.
I looked back and I saw Blaze's lips moving while looking above us. I gave him a questioning look when his eyes went down to mine. Nakangiting umiling lang siya at iginalaw niya ang hawak niya. It pulled the string connecting it to the canopy making it change its shape. When it does, our glide also changes its behaviour.
Nilakasan ko ang boses ko para magawa niya akong marinig nang magsalita ako, "This is our first official date."
"It is."
The curve of his lips made his face glow like a welcoming morning sunlight as his eyes reflected the beauty in front of us; clear and free.
The waves that took us where we are now weren't always kind. It wasn't always peaceful as there are times that the currents were too unappeasable and furious. And when I look back, I can't help but be in awe at how far we've come.
Everything is a process and Blaze and I are together to work on our progress. There's no such thing as a one great fix in life. If there's one thing I learned about us is that we never forced to conclude a problem in a snap. We work on it until we conquer them. Our tangled connections from the past, the struggle of living in the present when the course of our path changed, the looming complication of the future because of my condition, the demons he's been fighting and learning how to share with me, and accept light back into his life, and more that awaits for us.
We went with the flow of the tide, overcoming one rip and undertows after another and another. We faced them and we got passed through them not by fighting the tides until we exhaust our strength, but by leaning back and slowly letting the movement of the currents move us to calm waters.
I let my head fall back to beam at him. "You're a fun date, Angel."
"And so are you, Fairy."
________________________End of Chapter 26.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top