Chapter 2: Hollow
#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC
CHAPTER 2: HOLLOW
ERIS' POV
Naghihikab na bumaba ako sa sasakyan. Natigilan ako nang mapagtanto ko na wala pa kami sa headquarters at papasok sana ulit ako pero sunod-sunod na napakurap ako nang umandar iyon at iniwan ako. I'm blaming my slow reflexes to my lack of sleep.
May sapat na oras sana sa byahe para makaidlip man lang ako pero dahil sa isang tao na panay angil sa tenga ko ay wala akong choice kundi manatiling gising.
"Do you think you're being a hero? What you did is utterly reckless!"
"And a bomb? For fuck's sake, Eris!"
"You were in an illegal fishing vessel! You could have blown up the whole place with you in it!"
Marami pang sinabi sa akin si Blaze na for some reason ay itinalaga ang sarili niya bilang maging konsensiya na bumubulong sa tenga ko habang binabaybay namin ang daan pauwi. Ang pagkakaiba nga lang siya iyong klase ng konsensiya na sumisigaw. Kahit si Freezale na hindi magawang makasingit sa kaniya ay nanatili na lang na tahimik.
When I realized that answering all his questions just rile him up more, I decided to just sleep. Iyon nga lang natunugan din iyon ng lalaking tatalunin pa ang mga magulang ko sa kakasermon sa akin.
"Bakit hindi ka sumasagot? Are you sleeping?!"
"You can't sleep! You got struck in the head! Gusto mo bang hindi na magising?"
Kaya ngayon pakiramdam ko any moment ay mawawalan ako ng ulirat sa antok. I haven't slept that long a day before... or to be honest maybe ever for awhile now. Bata pa ako ay may problema na talaga ako sa pagtulog. Kahit anong pagod ko sa sarili ko talagang inaabot na ako ng umaga bago dalawin ng antok. So when I'm tired and sleepy, I usually take advantage of it. Like I should have done hours ago kung hindi lang panira si Blaze.
Napatigil ako sa akmang pag-iinat nang makita ko ang mga taong naghihintay pala sa amin. I saw a couple of BHO CAMP Hospital's medical staffs, a woman who looks like she wanted to be anywhere but here, and Blaze that is currently crossing the distance between us with huge steps.
"Kanina ka pa nanenermon. Gusto mo rin ba ng face to face version-"
Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako palapit sa kaniya.
For one moment, a part of me was expecting him to envelope me in his arms. For a moment... it brought me back to that night. Gabi kung saan nagulo ang lahat para sa aming apat. Sa kapatid ko na si Enyo, kay Blaze na noon ay boyfriend niya, kay Stone na kapatid ni Blaze pero may nararamdaman para sa kapatid ko, at ako na hindi na dapat nakisali sa problema na komplikado na nga.
I quickly snapped out of the memories trying to drown me when instead of what I thought he was about to do, he stopped in a safe distance. Pero hindi niya pinakawalan ang kamay ko na para bang inaasahan niyang lalayo ako habang ang isa niyang kamay ay umangat. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ko iyon na humawak sa ulo ko.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Checking your head. Alam kong matigas ang ulo mo pero hindi 'yan gawa sa bakal."
Pumiksi ako para makalayo mula sa pagkakahawak niya at nagtangka akong umtras pero hindi niya pinakawalan ang kamay ko. Inangat ko ang magkakonekta naming mga kamay at pinandilatan ko siya ng mga mata.
"Bibitawan mo ako o kakagatin kita?" When he didn't moved, I tried to pry his fingers off my hand. "Blaze!"
"Go to the hospital."
"Bukas na. Inaantok na ako."
"Hindi ka ba nakikinig sa mga sinabi ko kanina?!"
"Umm." Tumingin ako sa langit at umaktong nag-iisip. "Hindi eh."
"You need to get your head check bago ka pa hindi magising bukas sa katigasan ng ulo mo."
"Ikaw na ang may sabi. Matigas ang ulo ko. So I'm perfectly fine." Kinatok ko pa ang noo ko na parang pinapakita sa kaniya kung gaano katibay iyon. "See?"
I can see red starting to creep from his neck up to his face. Blaze is one of the BHO CAMP's quadruplets. Ang dalawa niyang kapatid ay mga babae. The two women are identical at ganoon din si Blaze kay Stone. They look so identical that it could be really hard to differentiate them.
Personality wise ang tingin ng lahat ay magkaparehas lang ang ugali nila ni Stone. It's hard to see what they're thinking because they're good at hiding it. Some would see them as stoic, indifferent, and calm. Those things might be true, but if there's one thing I know about Blaze ay hindi siya kasing kalmado katulad ng inaakala ng mga tao sa paligid niya.
His name could match his personality in a snap.
"Hospital. Now."
I raise an eyebrow when I felt him tug at my hand. I looked at it pointedly before meeting his eyes again. "Kung makahawak ka parang close tayo ah?"
"We grew up together."
"That doesn't make us friends. Let go of me." Just like I expected he didn't let go. Akala mo talaga ako lang ang matigas ang ulo. "You're my sister's ex but that doesn't make you anything to me. Let me go."
Naramdaman kong lumuwag ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. I saw something crossed his eyes and for a moment, I regretted what I said. I'm pretty sure that I just twisted the knife that is still embedded to him because of his past with my sister. Wala namang ibang dahilan para maging ganoon ang reaksyon niya kung hindi iyon lang. It's not like he'll get wounded because I said he's nothing to me. He just hate the reminder of my sister. Something that he's trying to convince everyone that doesn't affect him anymore.
I hate inflicting pain to others. I hate that I care that I reminded him of his pain. But if there's one thing I know now is that I need to stop minding others business. Kasi minsan mas nagiging dahilan pa iyon kung bakit mas marami ang nasasaktan.
"Hindi tayo magkaibigan kaya wala kang balak sundin ako?" tanong niya.
"Yep."
Tumango-tango siya at binitawan niya ako. I thought I won the argument but I should have known better.
Nakita kong inilabas niya ang cellphone niya at nagpipindot doon. Nakatingin sa akin na inilapat niya iyon sa tenga niya habang tila may iniintay. After a few, his eyes twinkled with something that I know I wouldn't like. "Tita Paige? This is Blaze-"
Mabilis na kinuha ko sa kaniya ang cellphone at pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko nang makita kong pangalan nga ng ina ko ang nakarehistro ro'n. Binaba ko ang tawag at naniningkit ang mga matang ibinato ko pabalik iyon kay Blaze. The corners of his lips went up into a smug smile before he turned to the medical staff and signaled them forward.
Inirapan ko siya at mabibigat ang mga hakbang na nilapitan ko ang mga medical staff na alanganing huminto. I rolled my eyes before I threw myself to the gurney that they're pushing. Prenteng humiga ako roon at pinikit ko ang mga mata ko nang muli nilang itulak iyon. Might as well sleep if I'm doing this.
"Sorry about that Tita. Nawalan ng network."
Mabilis na napamulat ako ng mga mata. Itinukod ko ang mga siko ko sa gilid ko para tignan si Blaze na nakasunod sa amin.
"I was just going to ask if I could join the dinner tomorrow-" Tumingin siya relos niya. "I mean today pala po. Sorry for calling this late nawala na rin po sa isip ko na madaling-araw na. My brother said that he'll be there and he invited me. I'm not a family member sabi ni Eris kaya po I wanted to check with you first."
My eyes bulged and I mouthed "what the fuck" to him but his smile just widened.
Yesterday, I went to my sister to tell her na we will be having a family dinner. Madalas naman talaga kaming mag pamilya na nag se-set ng araw na magkakasama kaming makakapag-dinner or lunch depende sa schedule naming lahat but this time I was the one who set it up because I'm planning to tell them something.
Nang pumunta ako sa kapatid ko ay nandoon din si Blaze na may kailangan naman kay Stone. Since my sister and his brother are now married nagkasabay kami.
He just invited himself to our dinner! Sigurado ako na hindi siya kinumbida ni Stone dahil wala namang sinabi ang asawa ng kapatid ko kahapon noong magkakasama pa kaming apat.
"Really? Thank you, Tita. Sorry again for bothering you this late- ay talaga po? I love that show too. Enjoy watching po and thank you again."
My lips parted in disbelief habang pinapanood siya na magpaalam sa ina ko na para bang biglang naging ka-close niya na. Nang maibaba niya ang cellphone ay pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"What the hell?! Bakit ka sasama sa dinner namin?"
Nagkibit siya ng balikat. "Imbitado ako."
"Walang umiimbita sa'yo!"
"Your mother just did."
"Because you said-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko sa inis at sa halip ay inangat ko ang isa kong kamay sa direksyon niya na para bang gusto ko siyang sakalin. "Argh! You're so irritating!"
"Me? My mother said I was an angel," he innocently said.
"A fallen one."
He chuckled which pushed my irritation to grow. Akmang magsasalita pa sana ako pero napatigil ako nang makita kong nasa loob na kami ng emergency room ng BHO CAMP Hospital. I saw the woman that was waiting outside earlier with the medical staff, idling around as if there's something she like to say.
"Evie, get on with it," I said to her.
Napapalunok na lumapit siya sa kinaroroonan ko. Kita ko ang panginginig ng mga kamay niya. "I-I'm sorry about what happened. There's no excuse to my negligence. I know I failed the test but it doesn't matter. Nilagay ko sa panganib ang buhay mo. I probably don't deserve to be here kahit trainee lang. I'm sorry."
I saw Blaze giving her the death glare that of course the woman saw, making her cower in fear. When he felt my eyes, he turned to me. Pinanlakihan ko siya ng mga mata na para bang sinasabing tigilan niya ang ginagawa niya.
Binalingan ko ang babae. "It's fine. It's not the first time and it won't be the last. Hindi tayo perpekto. Minsan hindi maiiwasan na nagkakamali tayo."
"A mistake that can cause a life."
"That's why the lesson weigh more. You'll learn to do everything not to repeat it."
"I-I... I-"
"You deserve to be here only if you wanted to be here. No one can make you stay. But just saying, you look scared and guilty but you're still here apologizing. You could have pack your bags and disappear and we will understand." Bumuka ang mga labi niya na para bang inaapuhap niya ang tamang sabihin pero nagpatuloy ako. "Sleep it off and try hard again the next time. Train more, listen more, and remember this day." Muli akong humiga sa gurney at sa hindi ko mabilang na pang ilang beses na ay napahikab ako. "I need to get this done with. Stop worrying. I'm still alive."
Nangilid ang luha sa mga mata niya pero sunod-sunod na tumango siya bago nag-aalinlangan na tumalikod para umalis.
Tumagilid ako sa pagkakahiga at inunan ko ang mukha ko sa magkadikit ko na mga kamay. My eyes fell to Blaze's direction. "Ikaw baka gusto mo na ring umalis? Okay na okay lang sa akin."
"Nah. I think I'll stay."
"For god's sake, why?"
"I have nothing better to do."
"Problema ko ba 'yon?" Inangat ko ang kamay ko at umakto akong tinataboy siya. "Shoo! Inaantok ako at hindi ako makakatulog kapag may negative energy na malapit sa akin."
"Good dahil hindi ka pwedeng matulog."
"You know, people with concussion can sleep if they want. Gawa-gawa niyo lang na mga paranoid iyong kesyo bawal matulog porke nabagok ng kaunti."
"When the patient is asleep, it's harder for the doctors to see further indication of damage such as seizure." Pinagkrus niya ang mga braso niya. I tear off my eyes that lingered for a moment at his bulging arms. "At hindi ka nabagok ng kaunti. You were struck by a hard object."
"Ano naman?" Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin na para bang gusto niya akong tirisin. "What?"
"You almost died at ang sasabihin mo lang ay "ano naman"?"
"Stop being melodramatic. Lagi tayong nasa bingit ng kamatayan sa trabaho na 'to. I was at risk but that mission wouldn't have killed me." Muli akong napahikab. Damn it. Mas lalo akong nawawalan ng energy dahil sa taong 'to. "I just don't know why you care so much. Hindi ka naman kasali sa misyon na ito. You just invited yourself into the mission." Katulad kung paano niya inimbita ang sarili niya sa dinner mamaya. "Bakit ka nga ba sali nang sali? At bakit nandito ka pa?"
"I told you. I have nothing better to do."
"And?"
"I'm a good person. This is me being a good Samaritan."
"Just go. Huwag kang mag-alala sasabihin ko kay Bro na bigyan ka ng maraming points sa langit para matanggal ka sa listahan ng fallen angel at tanggapin ka nila ulit."
Pinaningkitan niya ako ng mga mata pero imbis na umalis ay nanatili lang siya sa paanan nang kinahihigaan ko at nakatayo.
Whatever.
I decided to just ignore his presence. Ipinako ko na lang ang mga mata ko sa kulay berde na kurtina ng emergency room. Iyon nga lang talagang hinihila na ako ng antok kaya pakiramdam ko ay lumulutang na ang kaluluwa ko habang unti-unting napapapikit ang mga mata ko.
Iyon nga lang bago ako tuluyang mapapikit ay narinig ko na nagsalita si Blaze.
"Nagpapahinga na siya," sabi ni Blaze.
"I just want to see if she's okay."
Boses ni Hugo ang narinig kong sumagot. Bumangon ako ng bahagya para sana harapin ang isa pang lalaki pero bago ko pa magawa iyon ay nahila na ni Blaze ang kurtina hanggang sa ang tanging espasyo na lang na bukas ay ang kinatatayuan niya.
"She's sleeping."
What? Ayaw niya nga akong patulugin eh.
I opened my mouth to speak. "Hindi-"
Napapadiyak ako nang tusukin ni Blaze ang talampakan ko. Masama ang tingin na ibinigay ko sa kaniya pero nakaharap pa rin siya sa taong kausap niya sa kabilang bahagi ng kurtina.
"She's fine," Blaze said.
I'm pretty sure Hugo heard me. Alam kong alam niyang hindi pa naman talaga ako tulog.
The man didn't speak for a moment and Blaze didn't budge, his eyes are staring directly to who I'm sure is Hugo. After awhile I heard the other man sighed. "Alright. If you could relay a message please tell her that I would like to speak to her when she's well."
Blaze didn't say anything.
Another moment passed before I heard footsteps moving away. Nanggigigil na sinipa ko ang kamay ni Blaze na nakapatong sa paanan ng gurney pero para bang patunay na may sixth sense siya ay nasalo niya iyon bago ko pa maipit ang kamay niya. Pumasag ako para mabitawan niya ako at binigyan ko siya ng matalim na tingin.
"Ganito ka ba sa lahat ng tao? Iyong bang parang gusto mong patayin sila sa inis?" tanong ko.
"Hindi."
"Anong hindi? Kanina sabi mo huwag akong matulog. Ngayon naman pinagkakalat mo na tulog na ako. Ano ba-"
"Hindi ka naman tao."
Napasinghap ako. The nerve! "Ang kapal mo! Anong hindi tao? Anong akala mo sa akin?"
"You look like a fairy."
I was taken aback for a moment. I felt heat spread on my face. I wanted to look away but he keep on staring at me. The few seconds stretch into what seems like eternity. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa binitawan niyang salita. But after a few moments I realized that I don't need to, when his smug smile returned on his lips.
"Iyong klase na walang pakpak, hindi cute, at maliit. Wait. Hindi pala fairy ang tawag doon. Duwende pala."
Kinuyom ko ang mga kamay ko at kung nakamamatay lang ang tingin ay baka kanina pa siya walang buhay.
"One day, I'm going to murder you and take your heart out to donate it to science. So that they could see what a real black heart looks like."
He just chuckled at my words but for some reason it sounded off. Not playful but... different. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at kinuha niya ang mainipis na kumot na nakapatong sa maliit na lamesa sa gilid ng gurney at iniladlad niya iyon. I watch him cover my body with it as if he's tucking me in.
"You can't look at something that doesn't exist anymore, babe."
Sandaling natigilan ako. Hindi dahil sa tinawag niya sa akin kung hindi sa ibig sabihin ng sinabi niya. For a moment I thought he was talking about a black heart being fictitious... but it wasn't long that I understood what he was trying to say.
That it's impossible because he doesn't have it anymore. That on the center of his chest... he's all hollow for he already lost the heart that was once belong to him.
And I know why.
We all know why.
_________________End of Chapter 2.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top