Chapter Three.

***

"Miss, pakibigay ang contact number ng magulang mo."

Napatingin ako sa police officer na nasa harap ko. Nasa presinto ako dahil hindi ko nabayaran ang taxi driver at mukhang... nag-report din si mom sa hindi ko malamang dahilan. I mean, why would she report her own daughter, right?

"I..." tumingin ako ng diretso sa mata niya. "I already did, right?" frustrated kong sagot.

"Hindi ka daw nila anak, miss. Pakibigay na lang para hindi tayo matagalan dito." inilapit niya ulit sa'kin ang kapirasong papel at ballpen.

Tinitigan ko ang papel at ballpen na binigay sa'kin at tumulo na naman ang luha ko sa frustration. Ano ba talagang nangyayari? We're happy and fine last night but why is this happening?

Tinawagan ko ang number nila mom at dad pero ibang tao ang sumagot kanina. But I'm really sure that's their legitimate contact number. Are we robbed last night? But why did mom acted like that? Nasan si dad?

Sumakit ang ulo ko kakaisip. No matter how I think logically, hindi ko pa rin mapagtagpi-tagpi ang nangyayari.

"Miss! Anak naman ng teteng! Maki-cooperate ka naman para mabayaran na yung sinakyan mong taxi!"

I rolled my eyes and I felt my temper snapped. I slammed the table between us and glared at him. "I'm cooperating you piece of a shit!"

"Aba't-!"

Then it happened. I snapped and let my temper managed everything until I found myself, being thrown inside these thick fences while glaring at the police officer.

"Makakalabas ka jan after 24 hours. Kung ako sa'yo hindi na ko sumakay ng taxi at nanggulo sa bahay ng iba." pasaring pa niya at nakangising umalis sa harap ko.

I gritted my teeth and sat in my position. Iilan lang kaming nasa selda at mukhang halos mga kaedad ko lang sila. Most of them reeks of alcohol or what. Bigla akong nagsisi ngayon na at nag-eighteen na ko.

Habang nakaupo, natulala ako sa kawalan. I brushed my hair in frustration and closed my eyes as tight as possible.

Hanggang ngayon... hindi ko pa rin maintindihan. I just can't get it why mom acted like that... at yung bahay... iba ang design ng bahay.

Napahawak ako sa leeg ko at naramdaman ulit ang kwintas na nakasuot sa'kin. Napahawak ako ng mahigpit sa pendant at huminga ng malalim, thinking it would somehow ease my confusion and pain all at once. Pero... mabigat pa rin ang dibdib ko.

Binitawan ko ang kwintas at tinakpan ang mukha ko. Gulong gulo na ko sa nangyayari. Mom... she... she looked at me coldly and irritably like I was a total stranger. Nababaliw na ba ko o sadyang nakalimutan niya ko?

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na talaga maintindihan... bakit ba 'to nangyayari sa'kin?

--

"Makakalabas ka na."

Napataas ang tingin ko sa police officer na nakatingin sa'kin. I instantly stood up and get out of the cell emotionless. Everything's just drained me out.

Lumapit ako sa isang pulis. "Can I take a call?" marahan kong tanong sa kanya na tinanguan niya.

May ibinigay siya sa'king cellphone at agad kong dinial si Shannie dahil siya lang ang kabisado kong number sa kanilang tatlo. I bit my lower lip on fear that I might not reach her pero agad akong napahinga ng malalim nang marinig ko ang boses niya.

"Hello?"

"Shannie!" sigaw ko at nagsimulang tumulo ang luha ko sa magkahalong tuwa at lungkot. "Tulungan mo ko. I'm sorry about yesterday. Kakausapin ko na si Jenna, sunduin mo ko sa presinto."

"Ha? Sino 'to? Ikaw ba 'to Christine?"

"Si Lianne 'to." sagot ko at napasinghap. "Tulungan mo ko. Mom couldn't recognized me. Imposible at ang gulo basta nasa presinto ako."

"A-ah, wrong number po kayo. Wala pa akong kilalang Lianne."

Natigilan ako sa narinig ko. "Sha-shannie... you're kidding, right?" mahina kong sambit kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. "Are you all pulling a prank on me? Please stop, it's not fun-hello? Hello?"

Tiningnan ko ang cell phone at nakitang naputol na ang linya namin. Agad akong nanlambot sa kinatatayuan ko at napaupo. Para bang pinagtutulungan ako ng lahat. This... is... definitely not funny anymore.

Tinatawag ako ng police officer na nasa gilid ko at nakakakuha na ko ng atensyon pero hindi ako gumalaw. I just sat there, digesting all the shit that was happening to me since yesterday.

Napahawak ako sa noo ko at marahang minasahe 'to. Imposible. Imposible talagang mangyari. It's just too impossible for everyone to forget me. No... It's just too impossible!

Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng presinto. They're calling me but I didn't look back. Napansin kong malapit lang 'to sa subdivision namin kaya tumakbo ako papunta ro'n. Gulong gulo na ko at pakiramdam ko nababaliw na ko. Dalawang tao pa lang naman... siguro nga pinagtitripan lang nila ako.

Pagkarating ko sa subdivision, agad akong hinarang ng guard.

"Ma'am, bawal po kayong pumasok." aniya.

"Bakit kuya? Ako po 'to, si Lianne. Anak nila Mr. and Mrs. Rodriguez."

Kumunot ang noo niya. "Hay nako, ma'am. Banned na po kayo sa subdivision. Walang Rodriguez dito."

Marahan akong pumikit ng mariin para kalmahin ang sarili ko. "Kuya please... hindi mo ba ko naaalala?"

Tiningnan niya ko na para bang kinikilatis. "Pasensiya na ma'am, pero bawal na po talaga kayong pumasok."

Napatigil ako. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko. Ilang minuto akong nakatulala sa pwesto ko dahil hindi ako makapaniwala. I just can't accept everything that's happening to me.

Hinayaan lang ako ng guard na napaupo sa gilid ng kalsada malapit sa gate. I was waiting for mom or dad to pass the gate pero nabigo ako. Hindi sila lumabas sa gate hanggang hapon.

Pagod na pagod na ko dahil sa lahat ng nangyayari. I even ran earlier to get here at hindi pa ko kumakain. Gutom at pagod... Kaya sobrang nanghihina na ang katawan ko.

I looked up to the sky at sandaling nandilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. I don't even know if everyone really forgets me or something. But everything's definitely strange.

I let hours passed by until it was already dark. Sobrang sakit na ng tiyan ko at medyo nahihilo na ko.

"Ma'am, umuwi na po kayo."

Napatingala ako at nakita ang guard na mukhang tapos na sa shift niya. Tipid akong ngumiti atsaka tumayo na. I'll just... find a place to get through the night. Magpakulong na lang kaya ulit ako? Hah, even the things that gets through my mind are now ridiculous.

Naglakad ako ng naglakad habang hawak ang tiyan ko dahil parang kinakain na yung bituka ko. My body doesn't feel right dahil nanghihina na rin ako. I was walking beside the road hanggang sa napahinto ako sa isang convenience store. I stared at the people eating until I realized I'm being a creepy shit kaya naglakad na ulit ako.

But my vision swirls at medyo nandidilim na ang paningin ko. Napahawak ako sa pader sa gilid bilang suporta dahil kahit ang katawan ko bumibigay na.

I definitely looked like a beggar and I guess no one will help me if I passed out kaya pinikit ko ng mariin ang mata ko para kahit papa'no maging maayos ang paningin ko. Then I took a step forward pero napaupo ako bigla dahil nanlambot ang tuhod ko. A tear fell in my eye as I was pathetically sitting beside the road with people watching. Hindi ako ganito...

"Stop being pathetic, Lianne." pakiusap ko sa sarili ko habang marahang hinahampas ang paa ko.

Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko sa lahat ng nangyayari sa'kin. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at napatingin sa harap. Nanlaki ang mata ko nang makita ko sila Jenna, Christine at Shannie sa harap ng isang restaurant di kalayuan sa pwesto ko.

Agad akong tumayo at ginamit ang natitira kong lakas palapit sa kanila.

"C-Christine!" sigaw ko. "Shannie! Jenna!" dagdag ko pa at lahat sila napalingon sa'kin.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at napansin ko ang pag-atras nila sa pwesto nila. My chest tightened as I remembered mom's eyes and Shannie's words earlier. I hesitated kaya napatigil ako habang nakatingin sa kanila. But still I was hoping for them not to do the same thing and help me.

Tiningnan ko ang reaksyon sa mata nila at tuluyang nawala ang pag-asa ko nang mabasa ko ang tingin nila sa'kin. Please... bakit ba nila ako tinitingnan ng ganito?

"May pagkain ka ba jan?" rinig kong bulong ni Jenna.

"Geez, Jen. She knew our name." bulong pabalik ni Christine na mukhang natatakot na.

Hinila sila palayo sa'kin ni Shannie pero bago pa sila tuluyang makalayo, nagsalita ako.

"Don't do this, guys." saad ko na nagpatigil sa kanila. This is my last resort. Kung hindi talaga, titigil na ko.

"Ako 'to..." pagmamakaawa ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. "...si Lianne."

Nanlaki ang mata ni Shannie at saglit na may binulong kay Jenna at Christine. Pagkatapos no'n, tumakbo sila papasok sa loob ng restaurant at iniwan akong nakatayo at nakatingin sa kanila.

My eyes became blurry. Hindi ko na kaya... Parang kinalimutan ako ng buong mundo pero bakit? Bakit ako? Bakit nangyayari sa'kin 'to? Shannie, Christine and Jenna won't do this normally even if Jenna and I had an argument. And mom... mom won't do that to me.

Napapikit ako para kalmahin ang sarili ko dahil nagluluha na naman ang mata ko. Pagkadilat ko, napalingon ako sa restaurant, at dahil glass ang nagsisilbing pader nito, nakita ko si Tristan na nando'n din sa loob. But unlike everyone's reaction, he was looking intently at me as if asking himself if he knew me.

I stared back at him, pleading him to remember me. I know he doesn't remember me pero kahit isang tao lang... kahit isang tao lang na makakilala sa'kin please...

Naputol ang tinginan namin nang may lumapit sa kanya at tuluyan na kong nawalan ng pag-asa. I let everything get into me-the confusion, pain, hunger, and exhaustion until everything went black.

——

"Everyone will forget you because this is the cost. But I helped you and you must do something in return."

Napabalikwas ako ng bangon at hinabol ang hininga ko. I was sweating like crazy because of my nightmare. Nakalimutan daw ako ng lahat...

Napatingin ako sa paligid at narealize na hindi ito ang kwarto ko. Nasa ilalim ako ng double deck at ang sikip ng kwarto. May isa pang double deck sa gilid ko at may iilang cabinet na para bang headquarters ng mga katulong.

Saglit akong napatigil at napahawak sa noo ko. Parang gumunaw ang mundo ko habang tinitingnan ang kwarto. Nasan ako? Totoo ba? Totoo ba ang lahat...?

"Gising ka na pala."

Napataas ang tingin ko at sinundan ang boses kung sa'n ito nanggaling. I saw an old woman on the doorway walking towards me.

"S-sino po kayo?"

Ngumiti siya. "Tawagin mo na lang akong Manang Lita. Nakita ka naming walang malay sa daan." umupo siya sa gilid ng hinihigaan ko. "Anong nagyari sa'yo, hija? Bakit ka nasa gilid ng daan?"

She looked at me with utmost concern. Her voice is so soft that it tickles my heart and triggered all the emotions I've been feeling. Yung nararamadaman ko kanina, sama-samang bumalik.

Agad na tumulo ang luha ko at napahagulgol ako. I embraced my legs as I cried hard. Pakiramdam ko mababaliw na ako dahil kinalimutan ako ng lahat.

Everything flashed in my head. From the moment I woke up on the hill up to my friends looked at me without recognition. Yung bahay nag-iba... si mom hindi ako nakilala... and then I was jailed, banned and my friends run away from me. All of them have forgotten that I was existing. Maybe that's because... I woke up on that hill.

"Tahan na, hija." marahang sabi ni manang habang hinahagod ang likod ko.

Pero mas lalo akong napahagulgol. Wait... right. I woke up on the hill. Maybe if I go there at natulog ako do'n, maaalala na ko ng lahat pagkagising ko. Kailangan kong pumunta do'n! Maybe all along, I just need to get back to where it all started!

Umayos ako ng upo at pinunasan ang luha ko.

"Salamat po pero aalis na ko." saad ko at tatayo na sana nang pigilan niya ko.

"Kumain ka muna, hija."

As if on cue, naramdaman ko ulit ang pagkalam ng sikmura ko. Right, I should eat first. Para kahit papa'no may lakas ako papunta sa burol na 'yon. I bit my lower lip and nodded shyly. "S-sige po."

——

Hinihingal akong tumingin sa entrance ng cemetery. Magtatanghali nang magpaalam ako kay Manang. After I ate, I already left. I just can't waste any time anymore. I want to get my life back. I want to go back and embrace my comfort.

Tumingin ako sa langit. The sky is a combination of pink, purple and dark blue. Malapit nang maggabi dahil malayo ang cemetery sa bahay ng amo ni Manang. I promise I'll repay her kindness once I get my life back.

Dumiretso ako sa burol at hinihingal na tiningnan ang view na tinatanaw namin ni Tristan nung isang araw. My eyes became watery. God knows how much I wanted to go back. Pero... pa'no?

Lumapit ako sa puno at humiga kung sa'n ako nagising. I closed my eyes tightly and silently pleaded to go back. I want to go back. I badly wanted to go back.

"Please... please... Ibalik niyo na ko." mahinang bulong ko habang nakapikit.

I don't believe in magic or something. It's just a product of one's imagination and it is all against the logic in the world. Pero... umaasa ako ngayon sa magic na bumalik na ko... na maaalala na ko ng lahat... na kahit may kapalit, tatanggapin ko para makabalik na ko.

I waited for hours. I cried for hours until it's already dark. Pero... walang nangyari. Para lang akong baliw na nakahiga sa ilalim ng puno at nakikiusap sa kawalan na ibalik na ko sa dati.

My heart feels heavy. I feel empty and crazy... and I feel abandoned. Umupo ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa city lights na tanaw mula sa pwesto ko.

I unconsciously held this mysterious necklace I'm wearing. Sobrang pagod na pagod na ko sa lahat ng nangyayari sa'kin. Pumikit ako ng mariin.

"I... Just this once... Please... Gusto ko ng bumalik..." hinang hina kong bulong at sa pagdilat ko, nagulat ako nang mapansing umiilaw ang kwintas ko.

Bigla akong napatayo at tiningnan 'to. Does it work? Am I finally going back?! The wind blew hard as if it comes from the necklace.

"A cost for a cost."

Napatigil ako nang may marinig akong boses sa kung saan. Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakita. Pero biglang lumutang ang pendant ng kwintas ko habang umiilaw. I don't know why but I think the voice came out from the necklace.

I feel relieved. I finally found hope. I'm finally going back!

"You're not going back."

Napatigil ako nang marinig ko ang misteryosong boses mula sa kwintas. A-ano daw?

"A-anong ibig mong..." hindi ko maituloy ang tanong ko. Mali ako ng narinig diba? Hindi totoo 'to. Nababaliw na ko. Makakabalik ako. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Hindi... Makakabalik ako...

Napaluhod ako at tumulo ang mga luha ko pero nanatiling nakalutang ang pendant. "No! Please... Ibalik niyo na ko... Pakiusap... Magpakita ka! Gusto ko ng bumalik! Gagawin ko lahat ibalik niyo lang ako! Pakiusap... Hindi ko na kaya..."

"Thou shall repay the cost..."

Napatigil ako nang may magsalita ulit. "H-ha?"

"Thou shall be forgotten,
Thou shall suffer with anguish..."

Kumunot ang noo ko. Ako ba ang tinutukoy niya?

"Until the day has come,
When thou has saved the soul."

Nagulat ako nang mas lalong lumiwanag ang kwintas. Mas lalo ring lumakas ang hangin at parang tinatangay ako palayo. Napapikit ako at bahagyang tinakpan ng braso ko ang liwanag. Pero napatigil ako nang biglang sumakit ang likod ng kamay ko. Sobrang sakit! Parang pinupunit ang balat ko.

Napadilat ako at napansing hindi na gano'n kaliwanag. Tiningnan ko ang kamay ko at nanlaki ang mata ko nang makita ang mga salitang narinig ko kaninang nakaukit na sa kamay ko! The pain is burning and it was cursively written in the back of my palm!
  
  

"Thou shall repay the cost,
Thou shall be forgotten,
Thou shall suffer with anguish,
Until the day has come,
When thou has saved the soul."
 

 
 

Napatingin ako ulit sa kwintas na nakalutang sa harap ko. "Ba-bakit...? Anong..?"

"That night... you have wished on a star that grants the wishes of the first person who saw it. Fortunately, you are that first person...  but... in exchange of granting one's wishes, it asks... for a cost."

My heart felt heavier and regret has crept my heart. I... I felt my world crumbled. If I just knew this will happen. "No... Bakit? If this is the cost of my wish then I'm taking it back! I want to go back! Give me my li—"

"You shall pay the toll of your wishes, Lianne. You would be forgotten by everyone and your existence will be erased in this world. But... I will help you get your life back."

Nanlaki ang mata ko at tumulo ang luha sa mata ko. "Yes... please... Please help me..." nanghihina kong saad.

"This world has forgotten you except... from one person."

My eyes widened. One person! There's one person who could remember me!

"You shall find him and save him before the year ends. Save him and you'll get your life back. But fail... and your existence shall perish in this world."

I shivered from what he said. Natulala rin ako. I don't know why pero kahit na halos hindi kapani-paniwala lahat ng naririnig at nakikita ko ngayon, parang posible ang lahat.

I don't want to perish or to die. I never wanted worst things for myself. And if finding that person will save me from this, I would definitely do everything to find that person to get my life back.

Pero napatigil ako ulit. Because all of this happened because of that star and my wish, pero... Bakit... gano'n? Why... Why...

"Why can't I remember my wish?"

The wind blew hard and there was silence. No matter how I think back, I just couldn't remember what my wish is all about.

Nawala ang liwanag ng pendant at bumagsak sa leeg ko. I was left there dumbfounded by everything of this.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top