Beyond The Horizon

It was a wonderful day to start with. I walked at the shore to adore how beautiful the ocean is. Little seashells were scattered at the whole place while the rising sun never failed to make my mind at peace every time I take a glance to it. The cold wind blew my hair as I smiled to the boat approaching me.

"Ma! Nandiyan po na sila Papa!" I shouted at the back where my mother is busy arranging the big buckets. Doon kasi ilalagay ang mga nahuling isda nila Papa.

Simple lang at hindi magarbo ang pamumuhay namin. Masaya kahit tuyo lang ang nasa hapag-kainan. Masaya kahit nagsisikan kami sa isang maliit na bahay. Aanhin mo ang marangyang buhay kung hindi naman kumpleto at masaya ang pamilya.

"Vhier! Tulungan mong ibaba ang mga nahuling isda ni Papa dahil kami na ni Mama ang bahalang magbebenta no'n." sabi ko sa nakababata kong kapatid. Tumango naman siya at lumakad na papunta kina Papa.

Nasa palengke na kami ni Mama nang inutusan niya akong bumili ng saging sa kabilang kanto.

"Venice, bumili ka nga muna ng saging doon." Aniya at inabot sa akin ang pera.

I walked until I reached the fruit section. Isang kilo lang ang binili ko dahil doon lang kasya ang ibinigay na Mama. Habang pabalik ay namataan ko ang isang lalaking prenteng naka-upo sa may gilid ng poste. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Marumi ang damit at magulo ang buhok pero kung titingnan ang mukha ay pwedeng isabak sa pag-momodel. His pointed nose, fair skin, and well-defined jaw catched my attention. Pwede ba 'yon? Pulubi na sobrang gwapo?

Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at nagpatuloy na lang sa paglalakad, ngunit muntik na akong natapilok dahilan para mahulog ang dala kong isang supot ng saging.

Pinulot ko kaagad iyon. I was stunned when the beggar I saw earlier was already in front of me. He suddenly smiled which made my eyes widened. What is he after? Don't tell me he has bad intentions!?

"I don't have bad intentions," he chuckled.

Is he a mind reader or something? Hay naku Venice! Iyan ang napapala mo sa kakanood ng fantasy movies eh.

"I will answer your question in one condition," sabi at ngumuso sa dala ko.

"Saging?"

He smiled.

"Huh? Ano ka sinuswerte? Alam mo, imbes na mamulubi ka at pakalat-kalat diyan sa daan ay maghanap ka ng trabaho. Huwag kayong umasa sa puro hingi at matuto kayong kumayod," Inis na singhal ko. Kainis rin talaga itong mga pulubing 'to eh!

"What did you say? I am not a beggar! Do you see this?" ipinakita niya sa akin ang isang singsing na may nakasulat na Acosta. "Whatever, hindi mo lang rin naman maiintindihan..." pagpapatuloy niya 'tsaka umirap.

Ninakaw niya ba 'yon?

Nanlaki ang mga mata niya na parang narinig ang sinabi ko. The hell! I'm starting to get goosebumps.

"Hindi ako pulubi Miss. Mayaman ako, kaya lang hindi ko inaasahan na mapapadpad ako sa lugar na ito, kaya pwede mo ba akong bigyan kahit isang saging lang please? I'm starving..." he begged while holding his tummy.

"If you're rich then buy your own food! Asshole!" singhal ko.

Napatigil siya dahil doon. Oh ano? Lalaban ka ba?

"No one ever dared to talk to me like that. Watch your words. You are talking to the Prince." he said coldly while his brows furrowed.

Ilang sandali kaming nagkatitigan. Later on I let out a laugh. "Prince!?" hindi makapaniwala kong sabi habang nakahawak sa tiyan kong pinipigilan ang pagtawa.

"Pwes! Ako ang unang taong gagawa sa'yo no'n Prince!" pagkasabi ay hindi ko na ulit napigilan ang paghalakhak. May saltik pala itong si Prince eh.

"My name is Kaiser and I am a Prince." h said calmly controlling his anger.

Napa-oh ako na parang nagulat at naniniwala sa sinasabi niya. Pero sa totoo? Hindi!

Prince prince! Eh wala namang palasyo dito.

"We have a palace..."

I blinked twice. Feeling ko talaga nababasa niya ang isip ko eh. Uh! Kumuha ako ng isang saging at hinagis sa kanya. Pagkatapos ay tumakbo ako paalis dahil naninidig na talaga mga balahibo ko.

"Anak, ang tagal mo naman. At bakit kulang ito ng isa?" tanong niya nang makitang may kulang na isa.

"Ahh, k-kasi Ma, ano... nagutom ako kaya... kinain ko," sabi ko habang kinakamot ang ulo. Buti na lang naniwala si Mama at hindi na nagtanong pa. Sana hindi na ulit magpakita iyong misteryosong lalaking iyon. Pero napatalon ako nang narinig ko ang boses niya.

"Thank you pala..."

Nanlaki ang mata ko nang nasa likod ko lang pala siya at halos magkadikit ang mukha naming dalawa. He was smiling brightly while my face was still shocked.

Ang gwapo niya ng malapitan...

Ano ka ba Venice! Anong iniisip mo? Uh, erase! Erase! Erase!

He chuckled sexily. "You look so cute."

Napakurap ako. Ako? Cute? Napa-iwas tuloy ako ng tingin dahil baka mahalata niyang kinikilig ako.

"Can we talk? I just want to thank you for giving me the banana," he smiled widely.

I was trying so hard not to laugh. Tsk! Para iyon lang eh! Mukha naman siyang mabait kaya napatango na lang ako at sumunod sa mga lakad niya. We just found ourselves at the seaside. Kami lang dalawa doon at walang tao. Hindi ko alam pero imbes na natatakot ako sa kung ano ang gawin niya sa akin ay wala akong maramdaman. I feel safe... and secure. Napaparanoid lang siguro ako nang isipin kong nababasa niya ang isip ko. Weird.

Kung tutuusin ay hindi naman talaga siya mukhang pulubi eh. His posture says that he came from a rich family. The way he talk and walk screams elegance and class. Idagdag mo pa iyong suot niyang mamahaling tux na may dumi nga lang.

He stopped under the shade of the coconut tree. Huminto na rin ako nang umikot siya para harapin ako.

"Do you believe that another world exists?" he suddenly asked while his eyes are fixed at the ocean.

"Hindi! Science Fiction lang naman ang mga 'yon. Ikaw naniniwala ba?" balik kong tanong.

He nodded which made me so shocked. Bata lang ang alam kong naniniwala sa mga ganoong bagay. Pero bakit siya?

"Talaga?"

He nodded and remained silent. May upuan sa gilid kaya nagpasya kaming umupo doon. It was a small bench so I felt his warm body near mine. My heart suddenly raced without knowing what's the reason behind that.

"You are the first person I trusted when I came here," he said

"Taga saan ka ba? Sabi mo mayaman ka? Bakit bigla kang napadpad dito?"

"I came from a far away place. Sa ngayon, hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo," he said then looked at me in the eyes. I just nodded.

Ang ganda ng mga mata niya. Ocean eyes.

"I got my eyes from my Mom." Aniya at hinawakan ang mata. Nagbaba siya ng tingin animoy iniiwasang makipagtitigan sa akin. I feel so awkward tuloy.

I tried to break the silence. "Kung hindi ka taga rito, eh saan ka tumutuloy?"

"I slept for the first time in my life, on the streets last night." Bakas sa mukha niya ang lungkot at galit nang sinabi iyon.

"Seryoso!?" dahil kung ako ay hindi ko rin kakayanin. Oo mahirap kami, pero hindi naman namin naranasang matulog sa kalsada. Lumiwanag ang mata ko nang may naisip.

"Gusto mong magside-line? Tutulungan kita para magka-pera ka!"

Kumunot ang noo niya. "What is side-line?"

"Magta-trabaho. Duh?"

"You will let me work? No way!" sabi niya na parang labag sa loob niya.

"Edi bahala kang magutom diyan sa daan. Ikaw na nga tinutulungan eh!" singhal ko sa mukha niya dahilan para magulat siya mapa-usog ng konti.

Wrong move Venice! Tinakot mo yata siya...

"F-fine... tell me what to do."

Napapalakpak ako nang pumayag siya. Choosy pa, eh siya na nga ang tinutulungan. Noong gabing iyon ay sinabi ko kay Papa ang tungkol kay Kaiser. Sabi niya kasi ay kulang sila sa mangingisda ngayon kaya ni-recommend ko na ipasok niya si Kaiser. My father agreed to it kaya wala ng problema.

Doon ko na rin pinatulog si Kaiser sa maliit na bahay-kubo malapit sa amin. Naaawa na kasi ako sa kanya eh. I gave him a pillow and a comforter.

"Thank you..." I did not expect that he'd say this. Akala ko nga magrereklamo pa siya eh. Marunong rin naman palang tumanaw ng utang na loob ang lalaking ito. Akala ko kasi puro yabang lang ang alam. Kesyo mayaman daw, eh wala namang patunay.

"This is the work you want me to do!?" tumaas ang boses niya na siyang ikinagulat ko. Nandito kami ngayon sa dalampasigan kaharap ang mga bangkang ginagamit sa pagpapalaot.

"Oo! Sasama ka kina Papa para mangisda. Sinabi ko na sa kanya kagabi kaya wala ng problema. Ayaw mo 'yon? Hindi ka na nag-hirap sa paghahanap ng trabaho. Iyong iba nga diyan eh nagpapakahirap sa mga interviews ganyan ganyan. Ikaw, instant kaagad. You should thank me Kaiser. If it weren't because of me, nganga ka pa rin ngayon." Dire-diretso kong sabi.

Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Later on, my father and the other fishermen, including Kaiser, went to their boats. I bid goodbyes to them as the engine started. Busangot ang mukha ni Kaiser at nakakunot ang noo. Our eyes met.

Ayusin mo 'yan Kaiser dahil naku! Lalaki ka pa naman, kaya dapat matuto kang kumayod. Gwapo ka nga, eh tatamad-tamad naman.

The frown in his face faded and suddenly turned into a smile. I smiled back and waved my hand as their boat gets farther away from me.

Habang hinihintay silang dumating ay tinulungan ko muna si Mama na mag-ayos ng mga timba. After helping my mother, I walked towards the rock formations near the ocean. Sana naman ay ayos lang si Kaiser. I think this is his first time doing fishing.

Teka bakit ba ako nag-aalala sa lalaking iyon? Hindi ko naman siya responsibilidad kaya bahala siya.

Maya-maya ay natanaw kong may papalapit na bangka. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang matanaw si Kaiser na walang damit pang-itaas. I clearly saw his fine eight-pack abs and muscles. Does he work-out? I wonder.

Hawak niya ang lambat at nakasandal ang likod sa gilid ng bangka. Ang mga mata niya'y naniningkit dahil sa sinag ng araw. Basa ang kanyang katawan dahilan para mas lalong pumula ang pisngi ko. Hindi ko alam kung pawis ba iyon o tubig alat na tumalsik lang.

Napangiti siya nang makita ako. Bumaba siya sa bangka at akmang lalapit sa akin ngunit nag-iwas ako ng tingin at umatras. His v-line at the top of his jeans is showing and I can't stop myself looking at it. Kainis ka Venice!

"I actually enjoyed fishing. That was fun. Thank you Venice..." he sincerely said.

"Magdamit ka nga muna! Anong silbi ng mga pinamigay ko sa'yong damit kung hindi mo lang rin isusuot?" I said angrily.

"Huh? What's wrong?" kumunot ang noo niya at napatigil. I think he already realized what I meant by that. He smirked.

"You don't want to see this great view?" he said playfully pointing his index finger at his stomach. Napalunok ako at bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Gusto...pero hindi! Matatag ako!

Tumawa siya ng malakas 'tsaka ako umirap. Tumalikod ako at umalis na pero naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko.

"Bakit mo ako sinusundan?" nagtaas ako ng kilay.

"I'll go with you."

"Saan?"

"Ibebenta natin iyong isda remember?"

My eyes widened. "N-natin?"

He nodded.

"Ako na ang magbebenta no'n! You're done with your job and it's my turn now to sell those fishes."

"Then the two of us will sell the fishes." ngumiti siya at nilampasan ako. Tumungo siya sa doon sa bahay kubo at nagsuot ng damit habang nanatili ako ditong nakatitig lang sa kanya.

Siya ang nagbuhat ng mga isda papunta sa palengke. Nagulat rin si Mama nang nalamang sasama sa akin si Kaiser. I don't want her to get the wrong idea but she keeps on teasing me with Kaiser. May pa kiliti pa sa bewang ko animoy kinikilig na parang teenager. Si Mama talaga!

Tinuruan ko si Kaiser kung paano magbenta, at kung magkano ang bawat kilo ng mga isda. Napansin kong dumami ang benta namin kumpara sa mga nakaraang araw. Napansin ko ring puro babae ang bumibili at nagpapa-cute dito sa kasama ko. Mukhang enjoy na enjoy naman ang loko!

"Magkano ang isang kilo dito Pogi?" ani babae na parang nahihiya pa.

"120" he answered.

"Ang mahal naman..."

I rolled my eyes and spoke. "Ganyan talaga iyan ate! Wala ng mura ngayon. Kung inaakala mong bababaan namin ang presyo niyan dahil sa pagpapa-cute mo sa lalaking 'to, ay mas mabuting umalis ka na." inis na sabi ko.

Umasim ang mukha ng babae at naglakad na palayo.

"What did you do? We lost a customer, sayang 'yon." panghihinayang na sabi sa akin ni Kaiser.

"Bahala ka na nga diyan!" tumayo ako at umalis doon. Nagpunta ako sa ilalim ng puno ng niyog. Umupo ako at sumandal doon.

Bakit ba ako nagkakaganito? May kung anong kumirot sa puso ko nang makita kanina na nilalandi ng mga babae si Kaiser. Is this normal? I was never like this before. Not until now when I met Kaiser, I've been having wierd feelings.

Ipinagsawalang bahala ko iyon at tiningnan na lang ang napakagandang tanawin sa harap ko.

"Sabi ko nga, nandito ka lang eh..." I heard his husky voice behind me.

Tumingin ako sa kanya. He was holding a banana in his hand. Inabot niya iyon sa akin. "This is your favorite right?"

"Paano mo nalaman?"

"Your mother told me."

Kinuha ko iyon. "Bakit ka nandito? Sinong nagbabantay ng mga isda doon?"

"Your mother was there..." he said and sat beside me.

Gamit ang isa kong kamay ay binuksan ko ang bigay niyang saging at kinagatan iyon.

"I remember my sister in you, she also loves bananas so I always tease her like she's a monkey." he suddenly laughed.

Kumunot ako noo ko.

"Don't worry, I will not do the same thing."

"Do you miss them?" I asked pertaining to his family.

"Yes, especially my Mom and Dad. They passed away last year so..." yumuko siya.

"I'm sorry..."

"It's okay. Everything happens for a reason." he smiled. Ang positive niya na tao.

"Eh bakit ka nandito? Sinong kasama ng kapatid mo doon sa inyo?"

"Marami namang maids doon, kayang-kaya nilang alagaan si Scarlet."

"Maids...so mayaman ka nga."

"Hindi naman." ngumiti siya at nagkamot ng ulo.

Pinagmasdan ko ang mukha niyang naka-ngiti. My heart raced when our eyes locked.

Ang gwapo niya talaga kapag malapitan. He's kind too. I wonder if he has a girlfriend? Ang swerte niya siguro.

Siya ang unang nag-iwas ng tingin. I got up and told him that we should go back to the market.

Puno ng pawis ang noo ko pagbalik namin sa palengke. Napansin iyon ni Kaiser at nagulat ako sa ginawa niya.

"You're sweating." aniya at may kinuha sa bulsa niya. It was a white handkerchief. His name was engraved to it.

Kaiser Lawrence Acosta

Pinunasan niya ang noo gamit ang panyo. Napatulala lang ako habang ginagawa niya iyon. My heart raced and I don't know what to say.

"Thank you... Lalabhan ko na lang." I muttered.

"Keep that," pointing his finger to the handkerchief. Hinawakan ko iyon ng mahigpit at tumingin sa kanya. A smile was plastered on his face so I can't help myself to smile back.

Nang sumapit ang gabi ay doon sa bahay naghapunan si Kaiser. I was a bit uncomfortable because Mama at Vhier said that we should date. My God! They're unbelievable. Mas lalo tuloy akong na-awkward nang nagtama pa ang paningin namin ni Kaiser.

I was stunned when he poured me a glass of water in the middle of our dinner. Tumikhim tuloy si Papa kaya pati siya ay ipinagsalin ni Kaiser.

Nag-usap sila ni Papa tungkol sa pangingisda. Mukhang nag-enjoy naman si Kaiser dahil panay tawa siya. Nagpresinta si Kaiser na maghuhugas ng pinggan. Pinigilan siya nina Mama pero mapilit siya. Sa huli, ay kaming dalawa tuloy ang naghugas.

"They are too kind," he said.

My lips formed a smile. "Ganyan talaga sila."

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin.

"Matutulog ka na ba?" tanong niya.

"Huh? Oo eh..." mahina kong sabi.

"Sige... Goodnight," he said with a smile on his lips that made me feel butterflies in my stomach. I smiled back at him and bid my goodbye.

Naka-ilang ayos na ako ng higa pero hindi ako makatulog. My mind is still thinking about Kaiser. Kung gaano siya ka-gwapo kanina. Fuck! Kulang na lang pumasok ako sa utak ko para alisin siya doon.

Isang oras na ang nakalipas pero ganoon pa rin ako. Kaya naman nagpasya akong lumabas muna para magpahangin. The moon was the only light to fight against the darkness covering the whole place.

Natanaw ko sa malayo ang isang lalaking nakatayo habang tinititigan ang kabilugan ng buwan. I went to him.

"Can't sleep?" I spoke.

"Yeah... Ikaw rin ba?"

I nodded.

"Why? Thinking about me?" his lips twisted.

Umirap ako. "Kapal..."

He laughed and rubbed the bridge of his nose. He is still handsome in the dark, bakit ganoon?

"Kaiser..." I said which made him turn his head. "I uh... like you..." I sighed heavily after finally saying those words. I already realized my feelings for him and I am sure of this. Kahit sandali ko palang siyang nakilala, na-attach na ako sa kanya nang ganoon kabilis.

Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natahimik siya sa sinabi ko bago nagsalita. "Venice... I don't feel the same," mahina niyang sambit at nag-iwas ng tingin.

A tear fell from my eyes. "It's okay." nagbaba ako ng tingin. My heart ached.

"Venice..." tawag na sa pangalan ko habang nagsimula na akong naglakad papalayo sa kanya.

"Venice..." I can feel the loneliness in his voice.

Kinabukasan ay itinuring kong normal na parang dati, na parang walang nangyari kagabi. Kaiser tried to strike a conversation with me regarding last night but I always find a way to get away with that. Kinakausap ko lang siya tuwing may importante akong sasabihin at bukod doon, wala na.

Days passed, and I still avoid Kaiser as much as I can. Ilang beses niya akong kinakausap pero lagi ko siyang tinatanggihan. Buti na lang at hindi nanaig sa akin ang karupukan. Pilit kong sinasarili ang sakit na nararamdaman ko dahil sarili ko lang naman ang nakakaintindi sa akin.

I was in deep thought while sitting on the rock formations when Kaiser appeared in front of me holding a bouquet of flowers.

"Happy Birthday Venice..." he handed me the flowers while biting his lower lip.

"H-how did you..." I can't believe it. Tinanggap ko iyon. Maybe he thought that I wouldn't accept it.

"I h-heard from your little brother. I really don't know what kind of flowers you want so... I j-just bought roses... Pinag-ipunan ko 'yan, pero... okay lang naman k-kung... hindi mo tatangapin. Wala kasi akong pambili ng magandang regalo para sayo." halos nauutal niyang sabi at nasa baba ang tingin.

Humikbi ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi umiyak sa harap niya.

"Hey, why are you crying?" natataranta niyang sabi.

"Salamat... This was the best gift I've ever received,"

Ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak galing sa isang lalaki. Ganito pala ang pakiramdam. Umaalon ang puso ko sa sobrang saya.

"Venice..." he suddenly called my name. I looked up to him and our eyes met.

This is my best birthday because I'm with you. Even if you can't like me back, I am still happy that you chose to be with me today.

He gently wiped my tears using his thumb until he was already caressing my cheeks.

"Venice..." his husky voice filled my ears. How I love to hear when he says my name.

Napatulala ako sa asul niyang mata nang unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin. My eyes widened when I felt his lips with mine. Wala akong nagawa kundi pumikit dahil mas pinalalim niya ang halik.

Siya ang unang humiwalay. "I love you so much Venice. Sorry kung hindi ko kaagad sa'yo sinabi. I was just lying the other day," siya naman ang lumuluha ngayon.

Nanatiling naka-awang ang mga labi ko tila hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Shit! My heart hurt when I saw him in tears.

"Shh..." pagpapatahan ko sa kanya.

"I want to spend my remaining days with you, Venice. Nagsisisi na ako ngayon kung bakit hindi ko ito ginawa agad,"

"Kaiser... what are you talking about?" Tears pooled from my eyes. Remaining days?

"Venice, I am not supposed to live here. I came from another world. I need to go back to our palace until Sunday because if not, the portal will close at baka hindi na ako makabalik." he explained.

My jaw dropped. Another world? Is he joking?

"Please don't get too shocked Venice but I am not an ordinary person. I can read minds whenever I look at them in the eye. Huwag kang matakot sa akin, please..."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. He's a mind reader? So nababasa niya ang isip ko.

"T-teka, naguguluhan ako..."

"I will prove it to you, Venice,"

Hinuli niya ang kamay ko at hinila ako kung saan. Dinala niya ako sa kakahuyan malapit sa likod ng bahay namin. Anong meron dito? Bigla siyang huminto sa gitna. Hinubad niya ang singsing mula sa kamay niya at nagulat ako nang umilaw iyon. Lumitaw sa harap namin ang isang portal. Napa-atras ako sa gulat.

Humigpit ang hawak ni Kaiser sa kamay ko. Natatakot na baka makawala ako sa tabi niya. "I will find a way for us, Venice..." he said while hugging me to stop my tears.

What I am feeling isn't infatuation anymore. I think this is love. Iyong tipong iisipin ko pa lang na aalis na si Kaiser ay parang tinutusok ng punyal ang puso ko. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin kapag dumating ang araw na iyon.

Nakita kong ang singsing niya ang ginagamit para mabuksan ang portal. What if kunin ko iyon at itapon para hindi na siya makaalis?

Uh! You are being selfish Venice! Isipin mo naman ang mga taong naiwan niya sa lugar nila.

Pero paano ako?

Sigurado rin namang mahuhuli ako ni Kaiser dahil kaya niyang magbasa ng isip. Wala akong sekretong matatago sa kanya kapag nagkataon.

"Venice, let's dance..." Kaiser said happily while looking at me and at the moon.

We agreed that we should not think about the negative side. Kailangan sulitin na namin ang natitira naming panahon.Sa nakalipas na mga araw ay lagi kaming magkasama at hindi mapag-hiwalay. Gumawa si Kaiser ng bonfire dito sa harap ng dagat habang nakatingin sa kalawakan.

"Sure..." pagpayag ko.

Natawa ako nang makitang handa siya. Nasa bulsa kasi niya ang maliit na bluetooth speaker at nagsimulang magpatugtog. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at inilagay iyon sa batok niya habang nasa bewang ko naman ang kanya.

Tanaw pa rin kita, sinta

Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala

Sa tuwing nakakasama ka

Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata

Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay

Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay

I closed my eyes and felt the music as our body swayed in the rhythm. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ako. Sobrang sakit isipin na ito na ang huling gabing kasama ko siya.

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan

Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan

"I love you even if our love is against the world Venice..." he said in a sweet voice. "Please don't cry when I leave. Baka mahirapan ako,"

I cried. Tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Umalingawngaw sa buong paligid ang hagulgol ko.

"I promise, babalikan kita dito... I promise." His voice broke as he continuously kissed every part of my face.

"I love you..."

Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan

Nating dalawa

Nating dalawa

I gave myself to him that night. Wala akong pinagsisihan dahil mahal na mahal ko siya at ibibigay ko sa kanya lahat ng kaya ko.

Exactly 5 AM at dawn when I felt that no one was beside me. I shivered and opened my eyes nervously. Isa-isang pumatak ang mga luha ko nang napagtantong wala siya sa tabi ko. Agad-agad akong bumangon para tingnan ang paligid pero wala akong makita ni anino niya.

May usapan kami! Na magpa-paalam muna siya sa akin bago aalis, pero nasaan siya!? Kaiser nasaan ka...

I silently sobbed and got up from bed as I hurriedly went to the woods. Dala-dala ang flashlight lakad-takbo ang ginawa ko nagbabakasakaling maaabutan ko pa siya. Pero pagdating ko doon ay wala ng tao. Hindi ko makita ang portal at sobrang dilim ng paligid.

Nanlamig ako at naestatwa sa kinatatayuan. Hindi ko magalaw ang mga paa ko at tila namamanhid.

Kaiser...

I started shedding tears and shouted his name wondering if he's still out there and can hear me, but no one came. Kaiser didn't came.

Buwan ang lumipas at hinihintay ko pa rin siya. His promise was stamped in my mind and I will trust him about that. These past few months I am trying my best to live my life without him and so far I am doing a great job.

Minsan ko lang siya naiisip pero masakit pa rin. Ganoon talaga dahil mahal ko siya. Hindi ko rin naman maiiwasan ang hindi umiyak kapag nangyari iyon.

"Vhier diba sabi ko sa'yo tulungan mo si Papa doon sa mga nahuling isda? Tama na muna iyang laro."

"Opo ate..." aniya at yumuko.

Nagpatuloy ako sa pagwawalis ng bakuran nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"You're still the same..."

Sandali akong natigilan at napako ang tingin sa baba. Maya-maya'y lumingon ako sa likod ko at nakita ang isang binatang nakatayo habang kumakain ng saging.

Walang lumabas na salita mula sa bibig ko at nagsimulang umiyak. Nakatingin lang ako sa kanya habang lumuluha.

"Come here..." he said in open arms.

Kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"You came..." I said in between my sobs.

"And you waited..." his lips rose.

All my life I thought that I will never love a person like this. To the extent that I will cry every night because I miss him. He was worth every tear, every wait, and every pain. I never knew that just because of a banana, I found my true love.

I looked at him straight in the eyes. I know that he can read my mind so I didn't bother saying it out loud.

Kaiser, I feel like everything in my life has led to you. My choices, heartbreaks, and regrets. You made me whole and make my life complete. Without you, I was lost in the dark and you were the one to serve as my light. Thank you for coming back in my arms again. I love you so much as our destiny lays beyond the horizon.

©havellana2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top