Chapter 1
Portal Pendant
DUMATING ang madaling araw at seryosong nakatayo si Elysia sa bandang sala ng kanilang bahay. She's dressed in the Indigo cloak that extends to the floor, making her look like a fighter. Huminga ito nang malalim at unti-unting inipon ang lakas ng kanyang pwersa patungo sa bawat ugat ng kanyang mga kamay.
As soon as she sensed something surging, she swiftly clasped both hands together, causing a portal to materialize from the house. It spun in a circular motion, resembling a doorway to another place or dimension.
"Ang cool talaga nito," malawak itong ngumiti. Maya-maya pa, pumasok na ito sa portal at binaybay ang lugar na lagi niyang pinupuntahan.
The portal transported her to a lush forest, just a short distance from their house. Hindi naman sa tinatamad siyang maglakad patungo sa gubat, pero kailangan niya lang talaga ito sa pagsasanay.
Malawak ang kagubatan. Dahil pasikat pa lamang ang araw, hindi pa tuluyang naaaninag ang buong kapaligiran. Tanging ang matatangkad na mga puno't makapal na mga damo't halaman ang nahahagip ng kanyang pananaw. Sa kanyang paglalakad, binati siya ng sariwang hangin at inawitan ng matatamis na huni ng ibon.
Isang taon na ang nakalipas matapos niyang makuha ang blessing. Para kay Elysia, walang katumbas ang kanyang saya dahil sa nakuha niyang abilidad na portal creation. Base kasi sa mga kuwento, bihira lang daw ang makatanggap ng ganitong kapangyarihan.
That's why from her point of view, the ability to create and traverse portals makes her the most formidable woman in their world. Yet, she believes that such power demands rigorous training. Mula noong matanggap niya ito, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang magsanay. Day by day, she strives to master her ability.
She laughed as she reminisced about something. Iyon ay noong unang beses pa lang siya gumagawa ng mga portals. Maraming beses na dumugo ang kanyang ilong, sumakit ang kanyang ulo, at ang pinaka-malala, ang mawalan ng malay sa loob ng isang araw.
For her, portal creation demands the right energy requirements, stability, and control.
Biglang napapitlag si Elysia nang makarinig siya ng kaluskos sa 'di kalayuan. Mabilis itong naging alerto at inilibot ang mga mata sa kanan at kaliwa hanggang sa muli siyang makarinig ng sunod-sunod na yabag ng mga paa na tila sinasadyang apakan ang mga tuyong dahon.
"Sino 'yan?" Takot ngunit matapang nitong tanong sa kapaligiran. Pinagkrus nito ang kanyang dalawang kamay upang gumawa ng lagusan, kaya't bigla na lamang siyang nagkaroon ng wooden staff na ngayo'y mahigpit na niyang hawak.
She took a step back as a woman in a military uniform charged at her. Agad niyang ginawang kalasag ang kahoy na baston mula sa pagsugod ng babae gamit ang dalawang baston at muling umatras. Nagkatinginan ang dalawa at nagsimulang mag-ikotan na parang magkalaban.
"Good reflexes," the woman in green uniform complimented.
Elysia smirked. "You know. It runs in our genes." Nang walang pasabi, bigla na lang sumugod si Elysia sa babae. Iniikot ni Elysia ang kanyang sandata pababa upang talakirin ang babae, ngunit mabilis itong nakatalon at nakailag. The air seemed to cooperate as the cloak danced with her every movement. Elysia continued to twist the staff in the air until it struck the woman on her shoulders.
Napahawak ang babae sa natamaan niyang braso. "Iyan lang ba ang kaya mo?" The woman attempts to provoke Elysia's emotions, as if she wants to draw something out of her.
"Marami pa akong kaya. Gaya nito." With her ability, Elysia was now beside the woman. Bahagyang nagulat ang babae at hindi na niya nagawang ilagan ang atake ni Elysia. Dumadaing itong napaatras dahil nagawang matusok ni Elysia ang kanyang tiyan.
A few seconds passed, their eyes met, and the atmosphere shifted dramatically. Ang kaninang tensyon sa pagitan ng dalawa ay pinalitan ng tawanan.
"Haha! Gotchu, Ma! Natalo rin kita sa sa wakas!" Lumapit si Elysia sa kanyang ina upang magmano.
"Magaling, 'nak. Kayang-kaya mo nang gamitin ang ability mo." Lyria proudly uttered. She was wearing a green military uniform and her jet black hair was tied in a military bun. Daig pa ni Lyria ang mga karaniwang kalalakihan dahil sa matipuno nitong kanyang katawan at makikita mo rin ang awtoridad sa kanyang tindig.
Dahil nga isa siyang rora, matagal na ang kanyang serbisyo bilang parte ng Arcus Military Defense Forces o AMDF—ang hukbong sandatahan ng kanilang mundo. Gamit ang kanyang kaalaman sa pagiging militar, gusto ni Lyria na hindi lang sa paggawa ng portals ang maging abilidad ng kanyang anak—na kaya niya rin gumamit ng mga sandata at makipaglaban nang malapitan.
Alam niyang magiging mailap ang buhay ni Elysia sa papasukan niyang paaralan. Kaya't sinasanay niya ito para kaya niyang ipagtanggol ang sarili.
Lyria went in front of her daughter and hugged her tightly. Nagtaka si Elysia ngunit tinanggap na lamang niya ang yakap.
Hinawakan ni Lyria ang mga kamay ni Elysia. "Remember this, Elysia . . ."
" . . . in this world, every color mirrors power. Sa kulay na natanggap mo, don't you ever use it for destruction, rather use it to protect your loved ones, to protect your people." Lyria wept quietly. Ang bawat luhang tumutulo ang nagpapaalala sa kanyang asawa. To the man who disappeared long ago, after the battle between the seven ennum and the seven niji. Hindi niya alam kung isa na nga bang ennum ang kanyang asawa ngunit kung nagkataon, natatakot siya na baka magkatapat ang mag-ama. At matagal niya iyong tinago sa kanyang anak.
All she can do is train her daughter for what's coming; for the truths she must bravely face.
"Rainbows symbolize connection. Connect yourself with people, but the most crucial connection is with yourself. Harness your inner strength. Dahil sa mundong ito, bawal ang mahina."
She saw her daughter crying. Nararamdaman ni Elysia ang bawat salitang binibitawan ng kanyang ina, na para bang may pinanggagalingan ang lahat. Matagal na niyang naiisip na baka may tinatago ito sa kanya, pero naniniwala siyang ginagawa niya iyon para sa ikabubuti niya.
Elysia is no ordinary woman. May nararamdaman siyang kakaiba sa kanyang mismo. Kung bakit malayo ang kanilang tinitirhan mula sa mismong bayan. Kung bakit lumaki siyang walang kaibigan. At kung bakit ... nawala na lang ang kanyang ama pitong taon na ang nakararaan.
Yet she's more than ready to seek answers from those questions.
This time, Elysia extended her hands to her mother, presenting a glowing necklace. The pendant was shaped like a single tear. Nagulat naman ang kanyang ina.
"Anak . . . bakit na sa'yo ito?"
"He gave me his necklace before he fought the Seven Ennum, Ma."
Matagal itong iningatan ni Elysia, lalo na't alam niyang may misteryo sa likod ng kwintas na iyon. Before entering Rainbow High, she must entrust the necklace to her mother.
"At bakit mo ibinibigay ito sa akin?" Her mother asked, her gaze still fixed on the necklace, perhaps still mourning her husband. "This is a portal pendant, Ely."
"It is, Ma. Delikado po kapag susuotin at dadalhin ko pa po iyan." Tinikom na ni Elysia ang kamay ng kanyang ina, kung saan naroon ang kwintas. "Pero, Ma . . . kukunin ko po iyan sa inyo pagdating ng araw."
"I will retrieve that necklace when the time is right, Ma ... when the threats of Nevermore come to happen."
In the back of Elysia's mind, she partly knows something about his father's sudden disappearance. At dumating na ang oras para kumpirmahin ang mga ito sa Rainbow High at hanapin ang anim niya pang makakasama sa laban—sa labang hindi natapos ng kanyang tanyag na ama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top