Beyond the Cliff (One-Shot)

RADJID'S POV

"Ah!" matinis na hiyaw ni Ashrille nang muntik na siyang matapilok sa batong nakaharang sa daan. Nasalo siya ng mga bisig ko bago pa man siya matumba. Her hands wrapped around my nape as she faced our band members behind us.

"Buwisit kayo! Dito n'yo talaga balak gumawa ng music video?" Inayos niya ang kaniyang tayo na siyang inalalayan ko dahil baka matumba na naman siya.

Tatawa-tawa lang sina Baste at Jarred na bitbit ang kanilang mga bag pati na ang kay Alyanna. Umirap ang carbon copy ni Ashrille at inayos ang bonet na itinatago ang kalahati ng kulay-pulang highlights ng kaniyang buhok. Nakitawa rin ang tatlong nasa likuran nila: dalawang cameraman at isang make-up artist na hindi ko kakilala. Kamag-anak daw ni Jarred.

Ashrille and Alyanna are twins. They happen to have the same fascination about music so they opened an audition for the band that they are planning to establish. At ako, si Jarred, at Baste ang mga mapapalad na pumasa sa metikulosang audition na pinangunahan ng kambal.

Sa kasalukuyan, gagawin na namin ang ika-limang music video na ipo-post namin sa YouTube. Apat pa lang ang napo-post online pero nakahakot kaagad kami ng fans. Ashrille wants to post more since she appreciated the fans' desire to see and listen to more of our music. And since she just finished to write a song about nature, we are currently slumped on this ridge that's owned by Baste's family.

Aniya, may maganda raw puwesto para sa music video at angkop daw iyon para sa kanta namin. Although, we only shared a two-month friendship, I knew he would not lie about it. Baka nga kami pa ang mapanganga kapag narating na namin ang location.

"Aly, binu-bully nila ako!" Ilang beses na pumadyak si Ashrille na tila nagdadabog. Her smooth hair danced as the wind blew faintly.

Tinaasan ng kilay ni Alyanna si Ashrille. "Your fault. Already told you at first hand that they're not suitable as band mates," malamig nitong tugon.

"Ouch!" Kunwaring napahawak si Jarred sa kaniyang dibdib na siyang kinantsawan ni Baste. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman naming lahat na may gusto siya kay Aly.

Sumimangot si Ashrille na siyang nagpakusot sa itaas na bahagi ng kaniyang matangos na ilong. Her pouty lips became redder as she bit it out of annoyance. Tucking her tank top in her fitted high waist jeans, she walked hand in hand with me while whispering her rants about her twin sister.

"Hay naku!" She clicked her tongue. "Nakakapikon talaga 'yang si Aly! 'Di ko alam kung bakit napaka-weird niya! Kakambal ko ba talaga siya?"

She sounded like she's talking to me so I answered her, "Lengthen your patience, Missy."

"Nakakabuwisit kaya, Radjid! Sa music lang talaga kami magkasundo, e! 'Kainis! Magsama sila no'ng acoustic guitar niya! Parehas silang melodramatic!" Humawak siya sa akin nang medyo kumapal na naman ang talahib sa nilalakaran namin.

Napailing lang ako. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ni Ashrille sa balikat ko. Tinaboy ko ang mahahabang damo gamit ang isang patpat na galing sa Tatay ni Baste kanina noong nagtanghalian kami sa kubo nila na nasa may patubig nila.

Pumulupot ang isang braso ni Ashrille sa akin nang nasa gilid na kami ng ilog. Bingit na ito ng bangin kaya siguro natakot na siya. Pero wala namang ibang madaraanan dahil makakapal ang dahon. Sa gilid lang talaga may espasyo at dahil takot si Ashrille sa matataas na lugar, inalalayan ko siya nang mabuti para hindi na matakot pa.

"Sh*t, Mama! Mamamatay na 'ko!" iyak niya habang nakasandal sa dibdib ko.

Sumulyap siya sa ilog na batid kong malalim na dahil umulan kanina kahit tag-init naman. Suminghot siya at muling ibinaon ang ulo niya sa dibdib ko. Nauulinigan ko sa likod ang mga hagikhik nina Baste at ang nakisama pang si Alyanna. I gave them a sharp look as I continued comforting Ashrille.

"Papatayin kita, Baste, kapag nakalampas ako rito! Siraulo ka! 'Di mo sinabi na makipot pala ang daan dito!" bulyaw ni Ashrille na nakapikit marahil para iwasan ang pagtingin sa ilog.

"'Di ka naman nagtanong, Master!"

"Go, Ashrille! Kaya mo 'yan! Mas madali pa 'to sa pag-strum ng electric guitar mo!" panunuya ni Jarred.

"E, sa mas gamay niya 'yong electric guitar kaysa rito, e. Tsk. Why so acropobhic, Sis?" panggagatong pa ni Aly.

"Hayop kayo!" tugon ni Ashrille na mas humigpit pa ang hawak sa akin.

Muli, naghalakhakan na naman ang lahat maliban sa akin. Ayaw kong gumagawa sila ng ikaiinis o ikagagalit ni Ashrille. She's too fragile to feel that.

But on the second thought, it's only okay. Nandito naman ako.

"Radjid, 'wag mo 'kong bibitiwan, ah?" tila takot na takot niyang hiling.

I gave her an assuring smile. "Don't worry, I'm not like them."

I held her carefully all throughout the walk at the verge of the cliff. Sa kabutihang palad, natauhan yata sina Baste sa likuran dahil tinigilan na nila ang panunukso kay Ashrille.

Lumampas kami sa gulod at puro talahib na naman ang nasalubong namin. Hindi gaya kanina, hindi na masyadong makapal kaya hindi na ako nahirapan sa paghawi. Humiwalay na rin sa akin si Ashrille para tuyuin ang mga luha niya at para batuhin ng empty plastic bottle ang dalawang lalaking nasa likuran. I smirked because the fierce Ashrille I knew came back after being scared trudging through the ridge.

"Malapit na tayo, pips!" pag-iimporma ni Baste matapos siyang makatanggap ng sunod-sunod na hampas mula kay Ashrille na nangunguna na sa paglalakad.

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi, patay ka sa 'kin!" nakairap na banta ni Ashrille.

"Naman! Takot ko lang sa 'yo, Master!"

Hinawi ni Ashrille ang dalawang malaking dahon sa harap niya. Pumikit ako nang bahagya at hinarang ang kamay ko sa napakaliwanag na sikat ng araw na bumungad sa amin. Nagmulat lang ako nang biglang tumili si Ashrille. Worried and alerted, I ran towards her direction, only to be left at gape because of the one of a kind scenery I've ever seen my whole life.

Large green trees are surrounding the beautiful landscape full of fresh flowers blooming in different varieties. Malinis din ang lugar at nabigyang-diin ang matitingkad na kulay ng mga halaman lalo na ang mga damong naaapakan ko. Tuwang-tuwa si Ashrille habang pinapasadahan ng hawak ang bawat bulaklak na nadaraanan niya. Nang makita ako, sumenyas siya na lumapit ako sa kaniya na siyang mabilis kong tinanguan.

Nagsipit siya ng puting lily sa kaniyang tainga. Hinawakan niya ang isa kong kamay at sabay naming tinakbo ang malawak na garden. Para siyang isang paslit na tuwang-tuwa dahil napuntahan sa wakas ang paborito niyang lugar.

"Ang ganda rito! Gosh!" komento niya.

Ngumisi ako. "Blame Baste," I half-mocked.

Nabawasan ang kaniyang ngiti. "Oo na! Hindi na! Maganda nga rito!"

"'Oy, meryenda muna!" Sabay kaming napalingon ni Ashrille kay Baste nang bigla na lang siyang sumigaw. May naka-setup nang lamesa roon na may mga junk foods at soft drinks sa ibabaw.

"Mamaya na kayo magligawan d'yan!" dagdag pa ni Baste.

"Ulul ka!" natatawang tugon ni Ashrille bago ako muling hinila papunta naman sa mga kasamahan namin.

I smiled as I watched her uncontainable happiness. Long ago, I was just staring at her from afar, cheering her silently as her beautiful voice sings nonmainstream songs that was composed also by her. Ngayon, hindi ako makapaniwala na malapit na ako sa kaniya at nagagawa kong makisama sa kasiyahang natatamasa niya.

Kapwa kami nakaupo ni Ashrille sa dalawang foldable chair na hiniram namin doon sa dalawang cameraman kanina. Nagshu-shoot na sina Jarred at Baste habang inaayusan naman si Alyanna noong makeup artist na kasama namin. Katatapos lang namin ni Ashrille since kaming dalawa naman ang vocalist.

"Alam mo, dapat siguro, mag-acoustic guitar na 'ko," untag ni Ashrille na seryosong tinatanaw ang nagaganap sa shooting na ilang metro lang ang layo sa amin.

"Bakit naman?" kuryoso kong tanong.

Suddenly, my head throbbed painfully. My vision became blurred as well. Hinilot ko ang aking sentido at kumurap-kurap para mas makita si Ashrille.

"Wala lang. All these years, I've been playing an electric guitar. It's time to change since people knew me for using that. I so hate mainstream."

Napatitig ako sa kaniya. She's weird; that's her signature asset no one could imitate. Kahit pa si Alyanna. Mas gusto ni Ashrille ng hindi uso habang si Alyanna naman, mas pinipili iyon para mas makahakot ng fans. Pero hindi siya kailanman nanalo kay Ashrille na walang ibang gusto kundi gumawa ng musika para sa entertainment ng madla.

Ang pagsali sa banda niya ang dahilan kung bakit mas lalo ko siyang nakilala. Kung bakit mas lalo ko siyang nagustuhan at...minahal.

Pero hindi pa ito ang tamang oras para umamin.

"Anong balak mo 'pag nagkaro'n tayo ng concert?" pag-iiba ko sa topic namin.

She laughed roughly before twisting her head to look at me. "Are you serious? 'Di pa naman tayo gano'n ka-sikat."

"It's just a hypothetical. So, what will you do?"

"Paghihirapan ko 'yon, s'yempre." Nagkibit-balikat siya. "Pangarap ko 'yon, e. Pero malabo namang matupad."

"Why? Nandito naman kami para tulungan ka."

"E, sa hindi nga matutupad." Tumayo siya at nag-inat-inat. Nginitian niya ako at sinenyasan na pupuntahan niya si Alyanna kaya tinanguan ko siya.

Saktong pag-alis niya, mas lalong lumala ang sakit ng ulo ko. I could also hear a familiar voice calling my name and talking like I'm in a middle of danger. Massaging my head to seek convenience, I felt myself slowly giving in to the sweet surrender of rest.

And I dozed off.

Coated with sweat and filled with deep breaths coming from my exhausted lungs, I quickly opened my eyes to see the world I neglected for a while when I took a nap after our music video shoot. Unang hinanap ng mga mata ko si Ashrille pero iba ang nabungaran ko. I saw my best friend — Daniella, tearing up while staring at me. Both shock and happiness were written on her face.

I tried to move my hand to dry her tears but I was surprised I could not move any of my limbs. My throat also felt weirdly dry. Iba rin ang puwesto ko kaysa sa naalala kong pag-upo ko sa foldable chair katabi si Ashrille. Nakahiga ako ngayon sa kama at may suwerong nakakabit sa akin.

"You're awake!" Daniella screamed.

Someone entered the white room we're in. It was a doctor, basing from her lab coat and stethoscope coiled on her neck. She beamed at me before checking me up with a nurse at her side.

"He's fine, Miss Salazar," she said, talking to Daniella. "He's so lucky to wake up when he's already in a critical state last week. We could call it a miracle." Tumawa ang doktora.

"Thank you! Thank you, doc!" Daniella bowed her head.

May ilang binilin sa kaniya ang doktora na hindi ko naintindihan. I am utterly confused. Why the hell am I in a hospital? I just rested myself after the tiresome video shoot. May kinalaman ba roon ang pagsakit ng ulo ko?

"D-Daniella," I muttered weakly.

"Shh. Don't force yourself, Radjid..." Hinaplos niya ang aking buhok.

"W-Where's Ashrille?"

Natigilan siya. Unti-unti siyang lumayo sa akin habang marahan ding umuukit ang magkahalong lungkot at sakit sa kaniyang mukha. She gulped hardly before sighing deeply.

"Ashrille's gone, Radjid," bulong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "What?!"

"P-Patay na siya. You met an accident, remember? Baste and Jarred...they died, too. Tapos si Alyanna, nandito pa rin sa ospital at na-coma rin katulad mo."

I tried to move and get up. Ambang tutulungan ako ni Daniella pero hinawi ko ang braso niya. Buong-lakas akong bumangon kahit nananakit ang likod at mga braso ko.

"What are you saying? We were shooting for our fifth music video! Stop lying, Daniella!"

"P-Pero totoo ang sinasabi ko. Saka...fifth music video? Hindi 'yon natuloy, Radjid, dahil umulan nang malakas two years ago at naibangga mo ang sasakyan n'yo."

"Two years ago?"

Tumango siya. "Yes. Papunta kayo noon sa Batangas, kina Baste, pero bago pa kayo makarating sa pupuntahan niyo, nabanga na ang sasakyan n'yo sa bingit ng bangin. You were lucky because the driver's seat wasn't that affected but Ashrille, being in the front seat...naipit siya. Pati na rin sina Baste at Jarred na nasa likuran. At suwerteng nakatalon si Alyanna bago pa kayo mabangga..."

"No..." Sunod-sunod akong umiling. "Hindi! Hindi pa siya patay! I didn't confess my feelings for her yet! Hindi! Hindi puwede!"

"P-Please, Daniella, tell me you're lying..." I almost pleaded while drowning myself in tears.

Daniella watched me sadly. "I'm so sorry, Radjid." Niyakap niya ako at idinikit sa kaniyang dibdib ang ulo ko. "She fell off the cliff. She died exactly at the place she's very scared of. I'm sorry..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top