|| Fanfiction

NOTE:

Ni-repost ko ito rito. Ito 'yung ginamit kong piece no'ng nilaban ko sa MHIAMB One-Shot Story Constest ni YanaJin. So, ibig sabihin... sa kanya ko ito i-de-dedicate. Ito rin yung ginamit kong One-shot na sinelf-publish namin sa naganap na PogingWattpadWriter Project. Remind ko lang, this is just a #FANFIC. Hindi ito related sa mismong story ni YanaJin, at saka mahahalata naman. Aysus! :)

PS. Wala na 'tong Part 2!

MAINGAY. MAGULO. MASAYA.

Isang normal na gabi para sa mga taong nandirito ngayon sa bar sa may Cubao. Sayaw dito, giling doon. Halos dito mo lang makikita ang mga taong gustong sumaya, magliwaliw, at gumimik. Ngunit kabaligtaran ang lahat ng iyan para sa akin. Para sa normal kong gabi.

"Tol, tama na 'yan. Lasing na lasing ka na oh."

Nilingon ko si Sebastian. Isa mga kaibigan ko at kasama ko kanina pa rito.

"Kung gusto niyong... umuwi, mauna na kayo. Iwan niyo nalang ako rito."

Napapailing hindi lamang si Sebastian maging sina Vash, Kaizer at Jacob sa aking tinuran. Bakit ba nila ako pinipigilang maging masaya kahit ngayong gabi lang? Ayos lang naman sa akin kung iwan nila ako rito mag-isa dahil kaya ko pa namang magmaneho mamaya.

"C'mon, dude. Hindi mo na kakayaning magmaneho pa mamaya.” Anas ni Jacob.

“Pare, kaya pa. Kaya ko pa.” Saad ko sa maliit na tono ng boses.

“Gago mo, luluray luray ka na nga d’yan ta’s sasabihin mong kaya mo pa?” Utas ni Vash na kinainit na ng aking ulo.

“Sabi nang iwan niyo muna ako eh!” Bulyaw ko sa kanila sabay bato ng shot glass na ginagamit ko.

Naramdaman ko ng mga oras na iyon ang tinginan sa akin ng mga tao. Ngunit hindi ko sila pinagpapapansin at inutasan na lamang ang waiter na dalhan ako ng basong tatagayan.

“Hayaan niyo nga 'yang mokong na iyan rito.” Anas ni Kaizer.

Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ko na lamang ang pag-inom ko rito.

Habang hawak ko ang kopita ay hindi ko naiwasang hindi ito pagmasdan. Bumuntunghininga ako ng malalim at kapagkuwa’y nilunok ang laman nito.

Sabi nila, may dalawang dahilan daw ang isang tao kung bakit umiinom ng alak. Ang una, dahil sila ay masaya. Masaya na maaaring may naabot na tagumpay, o ‘di kaya nanalo sa lotto o 'di naman kaya ay nasagot na ng taong nililigawan. At ang pangalawa raw, dahil sa lungkot na nararamdaman. Lungkot na maaaring dala ng problema sa pera o pamilya, nakipagbreak ang iyong syota sa araw ng inyong monthsary at maaaring wala na sa mundong ito ang isa sa mga taong pinagkakaingat-ingatan mo.

Alin nga ba ako sa dalawang dahilan na ito? Bakit nga ba ako nag-iinom ngayong gabi? Maaari kayang may nangyaring maganda o may sakit ng damdamin akong iniinda?

Nakasandal ako sa sopa ng inuupuan ko habang pinapakiramdaman ang sarili kung nakakaramdam na ba ako ng pagkalasing. Sinubukan kong tumingin sa isang bagay sa itaas at tiningnan kung hindi pa ba blur ang aking paningin.

Nung una’y malinaw pa naman ngunit maya-maya’y bigla itong nagiging malabo, kung hindi malabo nagiging madami.. Ugh! Shit, 'di pwede. Kaya ko pa.

Napatigil ako nang marealize ko ang ginagawa ko. Oo nga pala, tinuro sa’kin ‘to ng isa sa mga naging kaibigan ko. 'Di ko tuloy naiwasang maalala muli ang araw na tinuro niya sa’kin iyon. Dito rin iyon sa bar na ito.

“Anak ka nga naman ng pitumpu’t puting tupa, Zeke oo! Naglalasing ka na naman?” Dinilat ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng isang napakatinis na boses na nanenermon sa’kin.

“Uy! I-Ikaw pala ‘yan? Ha-ha-ha. Shinu—sinusundo mo na naman ako? Hik! Iuuwi mo na ba 'ko? Hik!”

“Oo! Pusanggala ka, iniwanan ka lang ng babae mo nilalasing mo kaagad ang sarili mo? Magkakasakit ka niyang gago ka eh.” Utas pa nito habang tinutulungan niya akong tumayo sa sopang hinihigaan ko.

“Bakit? ‘Di pa naman ako lasheng—lasing eh. Hik! ‘Di pa kaya ako nahihilo.”

Nagulat na lamang ako nang bigla niyang kong binagsak sa sopa.

“'Di ka pa lasing, huh, sige tingnan natin kung hindi ka nga lasing. Hala sige! Sandal sa sopa!”

Nginisian ko siya at pinagsingkitan ng mata. “Oh, bakit ka gan’yan makatingin? Hala sige! Sandal na nga sabi eh!”

“Ba’t mo 'ko pinapasandal? Shiguro—Hik! Siguro re-rapin mo ‘ko hano?— Ugh! Ang shakit—Hik! Sakit ah.” Hinambalos ba naman sa’kin ‘yung napakabigat niyang bag. Kaya heto at napahilata na ako sa sopa.

“Oh, ngayon. Itingala mo ang ulo at tumingin sa kisame.” Wala sa sariling sinunod ko siya.

“Nakikita mo ‘yung maliit na bombilya roon?” tumango ako. “Ngayon iyan lang ang titigan mo.”

Tinitigan ko nga ‘yung bombilya. Nung una ay nakikita ko pa ito ng ayos ngunit habang natagal ay bigla itong nagbu-blur. “Bakit dumadami? Hik!”

Narinig kong natawa ito ng bahagya. Kapagkuwa’y inalalayan na niya muli akong tumayo. “Hindi daw lasing ah.” Sabi pa nito sa sarili.

“Oo na po. Ingay mo, Yana, ssshhh! Ka lang, tutulog ako sa balikat mo.”

“Huy! Adik ka ba? Ang bigat mo kaya! Hoy!”

Napabalik ako sa aking ulirat nang may maramdaman ako sa kaliwang pisngi ko. Nang dapuan ko iyon ng aking kamay ay doon kong napagtantong luha iyon. Tss. Nakakaloko. Umiiyak ako? Habang nakangiti? Kalokohan.

Naramdaman kong may umakbay sa akin. Hindi na nakakapagtaka na nandirito pa ang mga mokong na 'to.

"Ayos ka lang?" Nilingon ko si Kaizer. "Gumigripo na naman yung uhog mo pre oh!"

Napatawa ako ng bahagya sa kanyang tinuran. Tarantado talaga ang gagong 'to oo.

"Mukha ba 'kong nagsisinungaling kung sakaling oo ang isagot ko sa tanong mo 'tol?" Alam ko sa mga oras na ito na malumanay at puno ng pagsusumamo ang hilatsa ng mukha ko.

Nginitian lang nila ako ng tipid. 'Yung tipong matik na ang mga tinuran ko sa kanila. Na alam na nila ang ibig sabihin ng mga sinabi ko.

"Ayaw mo bang maghanap ng iba tol? Maraming chix dito pre. Ano kuha kita?" Sunud sunod akong umiling sa paanyaya ni Sebastian.

"Gusto ko lang uminom ngayon 'tol. Kahit ngayon lang uli mga p’re. Kahit ngayong gabi ulit."

Nanahimik na sila. Senyales na pumayag na sila sa hiniling ko.

Tumagay muli ako ng alak at nilagok iyon ng diretso. Nanunuot sa lalamunan ko ang matinding lasa ng inumin na kinakangiwi ng aking mukha.

Hindi na 'ata ako sanay ah.

Matagal tagal na rin pala nung huli kong inom. Kaya siguro madali akong tamaan ngayon. Ngayon lang muli simula noong insidenteng iyon…

"Hoy orangutan! Ano bang ginagawa natin dito huh at dinamay mo pa 'ko sa trip mong laging palpak?" Bulanghit ni Yana sa akin nang makapagtago kami sa isang pader. Nasa likuran ko siya at ramdam ko ang sunud sunod niyang paghingal dala ng kakatakbo.

"Ssshhh! H'wag ka na lang maingay d'yan mahal. Alam ko namang 'di mo 'ko matitiis 'di ba?"

Napangiti naman ako sa biglaan niyang pananahimik. Ibig sabihin sasang-ayon 'yan kapag sinabi ko na sa kanya ang trip ko. Ginamitan ko siya ng endearment namin na mahal eh.

Nang makasiguro na 'ko sa sinisilip ko sa gilid ng pader ay bigla kong pinihit ang sarili ko sa nakasandal na Yana sa pader. Halata sa mukha nitong bestfriend ko ang pagkagilalas sa ginawa ko.

"A-Anong g-ginaga—" pinutol ko ang kanyang sasabihin sa pamamagitan ng paglalagay ng hintuturo ko sa ibabaw ng kanyang labi.

Nginisian ko siya ng nakakaakit. Lihim akong napatawa nang makita ko kung paano namula ang mga pisngi nito sa ginawa ko.

Unto unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Napapapikit pa ng mariin si Yana sa ginagawa ko. Lalo kong nilapit ang katawan niya sa katawan ko. Isinantabi ko ang biglaang dating ng kuryente sa aking katawan at nilapit ko naman ang aking mukha sa kanya.

Hanggang sa...

Hanggang sa nalapit ko na ang aking mga labi sa kanya... sa kaliwang pisngi niya.

"Okay na bestfriend. Mission Accomplished." Utas ko sa kaliwa niyang tainga.

Bigla niyang dinilat ang kanyang mga mata at mabilis na lumingon sa kaliwa. At doon niya nakita kung paano nagpapadyak si Fiona palayo sa aming dalawa.

Nang nilingon niya 'ko ay hindi ko inaasahan ang isang malutong na sampal mula sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa aking kaliwang pisngi dahil sa ginawa niya.

Nilingon ko siya. "Ano bang prob—"

Napatigil ako sa aking pagbubulyaw nang makita kong sunud sunod na umaagos ang kanyang mga luha.

"Ganoon ka na ba kasama, huh, Ezekiel?"

Nanlamig ang buong sistema ko sa mga unang salitang namutawi sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang boses habang sinasabi ang mga ito sa akin.

"Ganoon ka na ba talaga kamanhid at manggagamit?"

Mas lalong hindi ako nakaumang sa sunod niyang inutas.

Manggagamit? Bakit dahil ba siya ang lagi kong pinapakiusapang maging fake girlfriend ko para sa mga babaeng hindi ako tinatatantanan?

At... ako? Manhid? Paano akong naging manhid? Alam kong may gusto siya akin. Oo. Matagal na. Isa siya sa mga babaeng nag-confess ng nararamdaman niya sakin last year lang. At dahil sa generous ako ng mga oras na iyon at kailangan ko nga lagi ng magpapanggap na girlfriend ko ay in-entertain ko siya. Tinuring ko siyang bestfriend ko gaya ng gusto niya noon. Alam niya kasi sa simula palang na wala siyang pag-asang maging girlfriend ko at magkagusto sa kanya. Kung kaya't kahit pagiging bestfriend lang daw ay ayos na sa kanya. Papatusin na niya.

Ni hindi ko nga inexpect na tatagal kami sa ganoong set up eh. At sa tagal ng panahong lagi kaming magkasama ay nakilala ko siya ng personal.

Simpleng babae lang siya at katamtaman ang karangyaan sa buhay. Hindi tulad ko na pinagkalooban ng mga magulang na mayayaman.

Sa pagiging mag-bestfriend namin ay pinapadama niya sa akin lagi na may masasandalan ako. Na pwede rin siyang maging nanay ko kapag wala ang mga tunay kong magulang sa bahay at nagtatrabaho. Na pwede rin siyang maging ate ko dahil daig pa niya ang kapatid kong si Sabrina kung makapangsermon sa akin sa t'wing nakikipagbugbugan ako sa kung sinu-sino.

Tiningnan ko siya diretso sa kanyang mga mata niya. Hindi alintana ang mga luhang lumalandas sa mga pisngi niya.

"Ginusto mo naman ang ganitong set up natin 'di ba? Normal na nga lang ang mga ganitong gawain sa atin ta’s ngayon ka pa magagalit? Ngayon ka pa nagrereklamo?!"

Ilang minuto bago siya muling nagsalita. Nakaramdam pa nga ako ng mga oras na iyon ng panlalamig nang bigla itong ngumiti. Pilit na ngiti ngunit halata sa mga mata ang lungkot na namumutawi.

"Ang gaga ko pala... ako pala itong umasa ng sobra. A-Ako lang pala nag-akalang may tsansa sa ating dalawa."

May kung ano ang biglang dumagan sa dibdib ko ng mga oras na iyon habang nagsasalita siya. Pagdagan na sa sobrang bigat ay hindi kaya ng kalooban kong tanggapin ng maluwat.

"Ang akala ko, sa lahat ng pinagsamahan natin ay makakaramdam ka na rin kahit konti. Kahit konti lang na pagmamahal para sa akin. Masyado akong nag-assume sa mga banat mo t'wing magkasama tayo, t'wing namamasyal tayo sa baywalk kapag nagcucutting tayo, at sa t'wing yakap mo 'ko oras oras kapag magkasama tayo!"

Hinayaan ko siyang hampas hampasin ang dibdib ko habang sinasabi niya ang mga iyon sa akin. Baradong barado na ang lalamunan ko sa mga oras na ito. Parang may kung anong bagay ang hindi ko malunok lunok. Nakabara, at tila ang hirap ang huminga.

"Bakit ba 'ko nagpakatanga sa'yo, Zeke? Bakit ba sa t'wing nagkakaaway tayo ay hindi ko mapigilan ang hindi ka patawarin kaagad? Na kapag hindi kita kausap, namimiss kita ng sobra. Na kapag may kasama kang iba, ang hirap itago sa harap mo na halos mamatay na'ko sa selos samantalang ikaw... parang tuwang-tuwa ka pa dahil may babae ka." Suminghot siya kapagkuwa'y nagpatuloy sa pagsasalita. "Ngayon mo sa'kin sabihin na hindi ka manhid! Ngayon mo sa'kin sabihin na hindi mo ginagamit ang nararamdaman ko para sa ikaliligaya mo! Ngayon mo sa'kin sabihin na hindi mo rin ito ginusto!"

Hindi ko na napigilang yakapin siya. Maging ang mga luha ko ay hindi ko na rin napigilang lumabas. Shit! Ayoko ng ganitong pakiramdam. Bakit pakiramdam ko... bakit parang pakiramdam ko sa mga oras na ito ay lalayo na siya? Bakit pakiramdam ko, ayaw na niya sa'kin? Bakit pakiramdam ko naitutulak ko na siya ng palayo, na iiwanan niya ako? Tangina, ang bigat sa dibdib. Puta, bakit ngayon lang ako namulat na nasasaktan ko na siya?

"Ang sakit, Zeke. Ang sakit sakit na. Akala ko rin noong una, kakayanin ko pa ang sakit na binabato mo sa'kin, iyon pala ay mas isasakit pa. Sabi ko noon sa sarili ko na sa oras umiyak na ko sa harapan mo at hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko na pinapadama mo..."

Puta, ayan na. Shit! Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Utang na loob, Yana. Please... h'wag. H'wag mong bibitawan ang mga salitang iyan.

"... ako na mismo ang bibitaw sa laylayan ng damit mo at magpapakahulog na lamang sa bangin kung saan kailanman... walang kamay o tao ang sasalo sa'kin mula sa pagkahulog."

Idiniin ko ang mukha ko sa leeg niya. Tangina, ang sama ko. Ang sama sama kong tao.

"I fell inlove with you, Ezekiel. Pero kung patuloy ko lang ikakapit ang isang daliri ko sa'yo, mamamatay lang ako sa pagmamahal na 'yun. Dahil kahit kailan hindi mo kayang magmahal ng isang tulad ko. Kahit kailan, kahit kuko nalang ng isang daliri ko ang nakakapit sa'yo ay hindi mo pa rin magagawang iahon ako at ikulong ng buong puso d'yan sa mga bisig mo."

Bakit ganito? Bakit? Hindi kita kayang bitawan, Yana? Bakit ayaw kitang mawala? Makasariling tao na ba ako kung sasabihin kong h'wag kang susuko sa nararamdaman mo para sa'kin? Huli na ba ang realization ko ngayon na hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko? Tangina talaga oo, bakit pa kailangan umabot sa ganito para lang marealize kong mahal na kita at kaya na kitang iahon sa pagkakakapit mo at ikulong sa mga bisig ko gaya ng ginagawa ko ngayon? Bakit ngayon ko lang natanggap sa sarili ko na noon pa man... ay naabot ko na ang daliri mo mula sa pagkakakapit sa laylayan ng damit ko? Siguro nga, ginamit lang kita. Siguro nga, manhid nga ako dahil kahit ang sarili ko ay hindi ko namalayang hulog na hulog na ako sa'yo.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo… Hanggang dito lang ako. Nangangarap na mapa-sayo"

Nagsimula na siyang kumanta at mas lalong dumagsa ang mga luha ko sa aking mata. Mas humigpit na rin ang yakap ko sa kanya hindi alintana kung hindi na siya makahinga pa.

“Nahihilo, nalilito. Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo? Nahihilo, nalilito…”

Utang na loob, Yana. H'wag mo 'kong sukuan. Kung kailangan kong magmakaawa ako sa'yo gagawin ko, kung gusto mong magmukha pa kong gayshit sa pagsusumamo sa iyo gagawin. H'wag mo lang ako iwan utang na loob.

Bakit ba kasi hindi ko masabi sa'yo 'to ngayon? Bakit umuurong ang dila ko? Oo na. Duwag na ako. Ako na ang duwag.

"Aasa ba 'ko sa'yo...? Aasa ba ko sa'yo?"

Sandali kaming tumahimik. Ngunit nagulat na lamang ako ng kumakalas na siya sa pagkakayakap ko.

"Zeke. Please. Bitawan mo na 'ko."

Umiiling iling ako habang yinayakap pa rin siya.

"Ayoko, Yana. Please. Oo na, duwag na 'ko. Oo na, makasarili ako pero please..."

Hindi na siya nakinig dahil patuloy siya sa pagpiglas.

At isang malaking suntok sa dibdib ko nang pinakawalan ko siya at hinayaan.

Sa pagkakakalas ko ay siya niyang takbo palayo sa akin. Iniwan niya 'ko rito. Naiyak. At nilipat sa akin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Tumingala ako sa langit at napangiti ng mapait.

Timing talaga ang ulan kung minsan. Kapag alam niyang nasasaktan ka at bigo... ay saka siya bubuhos. Kung gaano ka nasaktan, katumbas rin ng lakas ng ulan na ibubuhos. Napapailing iling na lamang ako sa kabadingang pinagsasabi ko rito pota.

"OH, TISSUE..." NAPATINGIN ako sa nag-abot ng tissue. Iwinasiwas ko 'yun para malaman ni Jacob na hindi ko iyon kailangan.

"Wengya, tulo uhog ka 'tol oh!" Hirit ni Sebastian. Nagtawanan kami dahil roon.

"Pakyu, sa naalala ko siya eh." Utas ko na may himig ng kalungkutan.

Nanahimik muli sila. Alam nila kung sino ang tinutukoy ko.

"Ang daya daya kasi niya tyanggala." Ito na naman 'yung sakit. Naramdaman ko na naman uli. Parang pinipisa na naman ang puso ko sa sakit. Lalo na nung...

"Wala pa ba kayong balita sa kanya?" Tanong ko kina Vash nang dumating sila dito sa mini bar na tinatambayan namin.

"Negative tol. Hindi namin siya makita."

Naitapon ko ang bagay na malapit sa akin.

Limang buwan na rin ang nakakaraan ng magkahiwalay kami ni Yana. Sinubukan ko siyang kausapin kinabukasan nung araw ding iyon. Ngunit wala akong naabutang tao sa bahay nila. Sabi sa akin ng caretaker ng bahay ay umalis na raw sila roon at lumipat na ng bahay.

"Ba't mo pa kasi hinahanap 'yung taong ayaw ka namang makita? Sinukuan ka na nga—"

Walang isip isip kong binangasan sa mukha si Kaizer.

"At sinong nagsabi sa'yong tinataguan niya 'kong hayop ka, huh?! Hindi niya pagtataguan. Mahal ko siya at mahal niya 'ko kaya hindi niya ako iiwan!"

Hindi ako nakaumang nang suntukin niya rin ako pabalik.

"Taena mo ka! Magising ka nga d'yan sa kahibangan mo! Ikaw? Mahal mo siya? Nagpapatawa ka ba? Anong klaseng pagmamahal 'yan tol? Iyan ba yung de-switch na magbubukas lang kapag wala na siya d'yan sa tabi mo ta's mag-o-off kapag nakikita na ng mga mata mo? Gago ka pala eh— Pigilan niyo ko! Hayaan niyong sirain ko ang pagmumukha ng gagong 'to!"

Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya.

"Wala kang alam, tol. Wala kang alam sa nararamdaman ko kaya manahimik ka!" Bulyaw saka muling nagbitaw ng suntok sa mukha nito.

Napadapa sa sahig si Kaizer. Natatawa siyang pinupunasan ang labi niyang dumugo nang sinuntok ko.

"Alam mo? H'wag mo 'kong ihalintulad sa'yong isang manhid. Baka nakakalimutan mong parehas lang tayong hindi makuntento sa iisang babae pre. Pero kung tatanungin mo 'ko kung ano ang pinagkaiba natin? Ako, kayang kaya kong sabihin sa babaeng mamahalin ko na mahal ko siya at ipapadama kong siya at siya lang at wala ng iba. Yes, I'm capable of that, Zeke. Kaya kong tumino. Dahil alam mo ang natutunan ko sa pambababae natin? Isa lang. Na naghahanap lang tayo ng atensyon sa ibang babae. Na tayo mismo ang naghahanap ng babae na mamahalin natin kesa sa hintayin ang tadhanang ibigay sa atin ang tamang babaeng makakasama habangbuhay. Pero ikaw? Nasa harap mo na mahigit isang taon, ta's ginagamit mo lang at pinapaasa? At ngayong umalis siya sa tabi mo, kung kailang nagsalita na siya na nasasaktan na ang puso niya saka mo lang mararamdamang mahal mo siya? Ngayon mo sa'king sabihing pagmamahal 'yang gago ka!"

Hindi ako makahinga sa mga sinasabi ng kaibigan ko. Ang hirap pala... ang hirap pala kapag pinapamukha sa'yo ng iba na nagkamali ka. Na naging gago't tanga ka. Na wala kang ginawang tama para sa taong nagmamahal na sa’yo ng tunay, sinasaktan ko pa. Pero may mali siya sa sinabi niya.

"Tama ka... maaaring gago at naging tanga ako. Pero maling sabihin mong hindi pagmamahal 'tong nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko siya... noon pa man. Hindi lang matanggap ng puso kong kaya ko palang magmahal."

Matapos ng komprontasyon naming dalawa ni Kaizer ay itinuon ko muna ang sarili ko sa pag-aaral. 4th year college na 'ko at kailangan ko ring i-survive ang pag-aaral ko. Kahit na lagi akong lutang at tuliro sa klase ay nakaya ko.

Hanggang sa dumating ang araw na... 'di ko alam kung ikakatuwa ko o ikakalungkot lalo.

Dumating sa bahay namin ang nanay ni Yana. Noong una ay halos kating kati na akong kausapin siya. Ngunit napigilan ko 'yun nang mapansin kong mugto at namumula ang ilong ng ginang. Tila galing sa iyak.

Winaksi ko ang unang ideyang pumasok sa isip ko. Hindi. Hindi. Hindi pwede.

"Kamusta na po kayo, tita?"

Nginitian niya lamang ako at kapagkuwa'y nagsalita.

"Hindi na ko magpapaliguy ligoy pa, Zeke..." nakadama ako ng matinding kaba sa sasabihin ni Tita.

"A-Ano po 'yun?" Nang magtanong ako ay saka siya umiyak at humagulgol.

Hindi ko napigilang manikip ang dibdib ko at nahihirapang lumunok dahil sa nakabara sa lalamunan ko.

"Si... Y-Yana..."

"A-Ano... pong mayroon sa kanya?"

RAMDAM ko ang kamay ng mga kaibigan ko sa balikat ko habang tuluy-tuloy ang agos ng luha ko. Alam kong awang awa na sila sa akin. Dahil halos tatlong taon na rin ang nagdaan nang dumating ang isang malagim na balita sa buhay ko noon.

"She-she died. Noong isang buwan pa."

Nung una ay 'di ako naniniwala noon kay Tita Amesyl. Kahit na kitang kita ko sa mga mata nito ang sakit at pighati dala ng balitang binigay niya sa akin.

"Sinabi niya sa akin noon na h'wag na h’wag sasabihin sa’yo ang kalagayan niya dahil ayaw niyang sisihin mo ang sarili mo. She has a heart disease. And it's uncurable at once na magtrigger ito ay tiyak mas malaki na ang tsansa niyang mamatay. Nag-trigger ang sakit niya noong huling umiyak siya limang buwan na ang nakakaraan. Alam ko ang nangyari sa inyo noon Zeke. Pero dahil alam kong may karapatan kang malaman ang tungkol ay ‘di na’ko nag-atubiling pumunta rito at sabihin sa’yo… Kahit huli na ang lahat. "

"Okay lang yan pare. Sige, papahintulutan ka uli naming umiyak tol. Kung minsan kailangan ring umiyak ang mga lalaki. Hindi nakakabawas ng pagkakalaki iyon."

Mas lalo akong nagdamdam dahil sa sinabi ni Kaizer. Muling nagbalik ang sakit ng puso ko.

"Tangina 'tol, bakit ba kasi ang duga duga niya? Bakit ba kasi iniwan niya ko ng gano'n gano'n lang? Masyado ko ba talaga siyang nasaktan para ilihim sa akin pati ang sakit niya? Hindi ba bestfriend ko siya noon? Bakit gano'n? Hindi ko naman siya kakaawaan eh. Bakit?! Bakit?!"

Anak ng tokneneng. Hindi ko pa rin siya makalimutan pota! Kahit na anong gawin kong paglimot ay hindi pa rin siya maialis sa sistema ko. Nung unang buwan matapos kong malaman ang balitang iyon ay para akong isang Zombie. Kikilos lang kapag inutusan. Kapag pinakiusapan. Para akong living dead noong mga oras na iyon. Iiyak kapag dumadating ang kaarawan niya at kapag naaalala ko muli siya.

Tulad nga ng sabi nila ay pinagbigyan nila akong umiyak ngayong gabi.

Ngayon, naaalala ko na ang dahilan kung bakit ako naglalasing ngayon. At alam ko na ang sagot sa katanungang... bakit nga naglalasing ang isang tao?

Habang hinihinahon ko ang sarili ko ay saka ko narinig na may kakanta sa stage nitong bar.

"Kamusta na kayo guys! Namiss niyo ba ‘ko? For sure yan syempre. So, since toka ko ang stage ngayon ay siempre kailangan ko kayong kantahan. And this song is dedicated sa mga taong umasa, umaasa at patuloy na umaasa. Here it is..."

Inangat ko ang ulo ko. Nakita ko ang mga mukha ng mga kasama ko ngayon na nakatigalgal at nakaumang ang bibig. Nakakunot noo kong sinundan ang kanilang tinitingnan.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo… Hanggang dito lang ako. Nangangarap na mapa-sayo"

Napasinghap ako sa nakikita ko ngayon. Totoo ba ito? Ang babaeng kumakanta ngayon sa stage ng bar na ito. O namamalikta lan gang mga mata ‘ko?

"Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko. Asan nga ba ako? Andiyan pa ba saiyo?"

.

.

.

"Yana?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top