Prologue


Looking at him with a wide smile while talking to the girl was causing a lot of pain. That girl's face remained in my mind. It was still fresh in my mind—that day was our 5th monthsary—when I saw him kissing that girl. On that day, he chose that girl while I was waiting for him to celebrate our day. I began to despise September.

Akala ko iba siya....

Akala ko matino siya....

Akala ko totoo iyong pinapakita niya sa akin....

Pero lahat lang pala ay maling akala. Everything was a lie; he was just playing with my feelings. Bakit sa tuwing nagmamahal ako ay sa maling tao.

Iyong paaasahin ako at iparamdam sa akin na mahal na mahal ako. Pero kapag hulog na hulog na ay iiwan na lang ako bigla. Malalaman ko nalang ay may iba na pala ito, kay bilis lang akong ipagpalit. Shit..

I wipe away my tears and take a deep breath. Muli ko silang pinagmasdan na masayang nag-uusap at naghaharutan na parang sila lang ang tao sa restaurant. Tumalikod ako sabay alis sa lugar na iyon. Hindi naman ako manhid para tingnan sila habang ako ay lumuluha.

"Kaya mo ito, Yanna. Mas masakit pa iyong ginawa ng mga gago mong ex." Pampalakas loob ko sa aking sarili habang hindi ko na naman mapigilang maluha. Bumalik na naman sa akin ang mga nakita ko kanina at sa araw na iyon. Muli na naman nadurog ang aking puso.

"ANG TANGA MO KASI. NANIWALA KA AGAD SA GAGO NA IYON." Pinunasan ko ang aking luha dahil nanlalabo na ang aking paningin.

Gusto ko tawagan ang aking mga kaibigan pero nahihiya ako. Baka sasabihin na naman nila na ang dali ko kasi mauto at maloko. Kaya lagi ako nasasaktan. Bakit hindi nalang ako magkaroon nang manliligaw tulad ng kay Leign o kaya super loyal na boyfriend tulad ng kay Kystal.

Bakit laging maling tao ang napili kung mahalin?

Bakit sa tuwing nagmamahal ako ay doon pa sa sasaktan ako? Bakit doon pa sa taong lolukohin ako? Tanging hangad ko lang naman ay mahalin nila ako ng totoo. Gusto ko lang naman makaranas ang tunay na pagmamahal. 

Bakit laging pinagkait ito sa akin? Bakit parang ang hirap mangyari sa akin? Ano bang dapat kung baguhin sa sarili ko? Para kay bilis nila akung iwanan o ipagpalit sa iba. Binigay ko naman lahat sa kanila. Pero bakit lagi pa rin ako iniiwan sa iri. Bakit ako na lang palagi ang umiiyak?

Wala ba akong karapatan makaranas ng tunay na pagmamahal? Hindi pa pwedeng maging masaya ako? Tatanda na ba akong mag-isa?

Ang dami kung tanong sa aking sarili. Minsan naiisip ko kung saan ako nagkamali at nagkulang. Kung bakit nila ako iniiwan. Ginawa ko naman lahat, wala na nga akong tinira para sa sarili ko. Pero bakit ganoon pa rin?

Matapos ko silang mahalin ng lubos ay iiwan akong wasak at durog. Iiwan luhaan at nabaon sa mga kasinungalingan alaala.

"Yanna? Okay ka lang?" Napatingin naman ako sa aking harap at nakita ko si Leign na may hawak na bulaklak. Mukhang binigyan na naman ito ni doki. Napaka-swerte talaga nitong aking kaibigan. Nasaktan naman din ito noon pero nakahanap na din siya ng taong magmamahal sa kanya ng tunay.

Pero bakit ako hindi? Ilang beses pa ba ako kailangan masaktan upang mahanap ang taong magmamahal sa akin?

Nginitian ko siya. "Oo naman, ako pa? Nahulog kasi iyong sampung piso ko sa kanal kaya  nakakalungkot. Sayang pa naman iyon!" Umaarte na sabi ko at may pa hawak pa sa dibdib.

"Ikaw talaga.. para sa sampung piso. Bibigyan na lang kita. Akala ko pa naman may nangyari nang masama sa iyo." Magkasalubong ang kilay nito habang sinasabi sa akin.

"Hoy, Leign! Sayang din iyon. Hindi mabubuo ang isang daan kung wala ang sampung piso." Pilit kung pinapasigla ang aking boses upang hindi nito mahalata na may problema ako. Ayaw ko na itong mag-alala. Ayaw ko na rin malaman nito ang nangyari. Problema ko ito dahil pumasok ako dito kaya ako nasasaktan.

"Iwan ko sayo, Yanna. Akyat na ako." Nakasimangot na sabi nito sabay talikod sa akin at umakyat sa taas.

Bigla naman naglaho ang mga ngiti sa aking labi at kasabay ng pagbagsak ng aking balikat na umakyat sa taas at nagtungo sa aking kwarto. Mabilis akong sumampa sa kama at inabot ang unan saka niyakap ito. Doon inilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tahimik akong umiiyak dahil ayaw kung marinig ni Leign at Kystal ang aking mga hikbi. Ayaw ko sila mag-alala sa akin, ayaw ko madamay sila sa problema ko. Kasalanan ko ito kung bakit ako nagpauto sa lalaki na iyon.

Tinakpan ko ang aking mukha nang-unan upang maitago ang aking paghikbi.

Ayaw ko ng magmahal, nakakapagod masaktan. Paulit-ulit nalang akung umiiyak sa maling tao.

Nakakasawa na.. kailangan ko na siguro tanggapin na hindi para sa akin ang pagmamahal. Siguro habang buhay na akong mag-isa at tanging sarili ko lang ang aking kasama.

I'm tired of putting myself at risk for a man who will not see my worth and abandon me like trash. My heart was bewildered by their actions and intentions toward me.

Fuck this bullshit, love! It simply causes too much pain, which slowly kills you.



----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top