CAPITULO 33 - Glitch

We are almost near the conclusion of the story! PS. Know the diff between based on t̶̶r̶̶u̶̶e̶ story and inspired by a t̶̶r̶̶u̶̶e̶ event. -y


CAPITULO 33 – Glitch


"BAKIT KA NAG-DRAWING NANG GANITO?!"


Nag-angat na ako ng mukha para lang magtaka dahil walang estudyante na nakapila sa harapan ko. Wala pero bakit may mga kamay sa ibabaw ng desk ko?


Mga kamay ng tila nilalang na hindi umabot ang taas sa aking desk, upang makita ko ito!


Nanuyo ang lalamunan ko. Ang mga kamay na nakikita ko sa aking harapan ay maputi, makinis, mahahaba ang mga daliri. Hindi mo iisiping kamay ng isang maliit na tao. Hindi rin sa isang bata.


Marahan akong umahon sa aking kinauupuan. Marahang umusod patungo sa harapan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sisilipin ko lang. Gusto ko lang makita kung anong uri ng estudyante ito, at bakit hindi ko pa ito nakikita.


Tiningnan ko ang aking klase, kanya-kanya sa ginagawa ang mga estudyante. Balewala sa kanila. Kung ganoon ay normal lang siguro ang ganitong pangyayari. Siguro nga ay estudyante ko lang din talaga ito at kanilang kaklase.


Habang palapit ako sa harapan ay nasisilip ko na roon ang sahig. Walang nakatayo. Pero may nakahiga. Tanging ngayon lang. Ngayon ko lang ito makikita Ang dulo ng nakakalat nitong buhok sa sahig ay nasisilip ko na. Bakit ito nakahiga? Anong ginagawa nito?


Palapit na ako... Papalapit nang papalapit nang—


TIGILAN MO.


Isang pamilyar na baritonong boses ang aking narinig.


KENA, TIGILAN MO.


Napatingin ako muli sa mga estudyante ko, pero wala sa kanina ang nagsalita. Sumunod kong tiningnan ang pinto, wala naman doong tao. Saan galing ang boses? Ang pamilyar na boses?


Parang boses ng isang taong nawawala. Isang taong hindi ko mapagdesisyunan kung gusto ko nga bang makita.


Biglang may kumatok.


Saan galing iyong katok?


Bakit hindi naririnig ng iba?!


KRRRIIIINGGGG---!!!


Uwian na? Ang bilis? Nagtayuan na ang mga estudyante. Napakurap-kurap ako. Sobrang absent-minded ko, hindi ko na napansing tapos na ang klase.


"Goodbye, class," sabi ko sa mga ito. Nahihiya ako dahil parang wala ako ngayong gaanong naituro.


Nagsipaglabasan na ang mga ito. Ni hindi man lang nagpaalam sa akin. Excited sigurong mga makauwi. Napalabi ako. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon kaysa sa mga kabataan noon.


Nakalabas na lahat ng mga estudyante ko sa room habang ako ay nagliligpit pa ng aking gamit.


"Kena, magpalit ka na ng damit."


Napatingala ako mula sa pag-aayos ng gamit. Nagulat dahil nakatayo sa harapan ko si Julian. Anong ginagawa ni Julian dito sa classroom? Dito sa school?!


Magkasingtangkad na sila ng kuya niya kaya nakakangalay na siya lalo tingalain. Nagbibinata na kasi talaga. Pati nga ang boses niya, malaki na rin.


Nakangiti ako sa kanya pero nabura ang ngiti ko nang agawin sa akin ang kung ano mang inililigpit ko. Hindi lang iyon, hinila niya pa ako sa braso. Sa pagkabigla ay napasubsob tuloy ako sa ilalim ng mabangong leeg niya.


"Kena, basa ka ng pawis. Magpalit ka." Nang hawakan niya ang laylayan ng suot kong shirt para itaas ay buong lakas ko siyang naitulak ko.


Nanlalaki ang mga mata ko sa gusto niyang gawin. Balak niyang siya ang maghubad ng suot kong shirt? Baliw ba siya?


Wala namang pagbabago sa ekspresyon ni Julian. Seryoso pa rin. Ni hindi nagulat o na-offend. Nang umatras nga lang ako palayo ay saka siya napabuga ng hangin. Napahagod ang mahahaba niyang daliri sa kanyang buhok.


Nakailang buga siya ng hangin na tila kinakalma ang sarili. Matapos ang ilang segundo ay mahinahon ang boses niya na tinawag ako. "Come here, Kena. Don't worry, I'm not mad."


What? Siya pa ang magagalit, samantalang siya ang may balak manghubad?


What was his problem? Tumangkad lang siya, lumapad ang balikat, at lumaki lang ang boses, feeling niya ay puwede niya nang gawin ang gusto niya? At kailan pa siya naging manyak?!


Ang kilala kong Julian ay kahit suplado at iwas sa tao, at least ay hindi gagawa ng ganito.


"Kena," tawag niya sa akin. "Come here. Aren't you hungry? What do you want to eat? I'll feed you."


May matining na tunog ang nagpakirot sa tainga ko. Napapikit ako sa sakit. Sa aking pagdilat ay may tila isang malabong guhit ang lumitaw sa aking harapan. I had no idea where it came from, but it seemed to be a crack in the air.


Ang boses ni Julian ay mas lumalim. "I'll feed you. I'll treat you well. I'll always be there for you. So let's take off your clothes... So let's take off your clothes... So let's take off your clothes... So let's take off your clothes... —"


"NAKAKAKILIGGG!"


I blinked as I looked out the classroom window. Nagdaraan pa rin ang mga pauwing estudyante. May dalawang babaeng estudyante ang nag-aagawan sa hawak na bagong gadget. Iyong MP4 player na mas kilala bilang digicam. May kung anong video sila na doon ay pinapanood.


Iyong sounds ng pinapanood nila ay may kalakasan. May accent kaya malalaman mo agad na foreigner. [ Baby, Ill treat you well. Lets take off your clothes and after, Ill take off mine... ]


Iyong dalawang estudyanteng babae naman ay biglang napabilis ang lakad nang makita ako. "Hoy, narinig tayo! Baka kunin MP4 ko! Tara na!"


Nilingon ko muli iyong lugar kung saan nakatayo si Julian, pero wala na siya roon. Wala si Julian kahit pa saan ako tumingin dito sa classroom. Wala siya, saan siya nagpunta? Talaga bang nandito siya kanina?


Nagdedelusyon lang ako? Dahil iyong mga sinabi niya ay iyon din ang narinig ko sa digicam. Kaya naman pala shirt iyong hinahawakan ni Julian kanina kahit naka-blouse ako na pang-teacher uniform.


Iyong mga narinig kong mga salita ay mukhang galing nga lang talaga sa video na pinapanood ng mga estudyante sa digicam. Pero mukhang foreign movie iyon, kaya bakit Tagalog ang ibang salita kanina ni Julian?!


Natampal ko ang aking pisngi. Delusyon man iyon o ano, bakit si Julian pa ang aking napagdiskitahan? Kahit binata na ito, he was still a kid, and nothing more than a little brother to me.


Binilisan ko na ang pagliligpit. Ang tatahimik na ng mga estudyanteng naglalakad sa labas ng bintana. Sabay-sabay man ay hindi naman mga nag-uusap. Busy kasi sa kanya-kanyang hawak na cell phone.


Noon sa panahon ko ng pag-aaral ay kahit naglalakad lang, nag-uusap pa rin at nagtatawanan ang mga kabataan. But now, everyone was fixated on their cell phones even when walking. Gadgets were strange these days. Ang mga cell phone ay pa-rectangle na, maninipis na, at mas mas marami na roong puwedeng pagkaabalahan.


Back then, we relied on infrared to share blurry pictures, or sometimes animated wallpapers. Ngayon ay may blutooth na. Mas malaki na pati ang memory ng mga phone ngayon, mas marami ng kanta ang puwede ipa-download sa computershop at ipalagay sa phone, may mga front cam na rin, at mas malinaw na ang picture kaysa noon.


Wala na gaanong mga estudyante nang lumabas ako ng room, nakauwi na karamihan iyong mga tagarito sa floor ng building. Pagliko ko sa hagdan ay may nakatambay pa pala roong dalawang lalaking estudyante na nagsi-cell phone.


Iyong isa ay natatawa sa kung anong nakikita sa screen ng phone nito. Kinalabit nito ang kasama. "Par, me tanong ako. Naniniwala ka ba kung sabihin kong hindi talaga balbas sarado si Jezzuz?"


Natigil naman sa pagsi-cellphone ang isa pa. "Ha? Paano mo nasabi?"


"Hindi totoong balbas sarado si Jezzuz, kasi Jezzuz shaves!"


"Havey Maria!" Pagkatapos ay nagkatawanan na ang mga ito.


"Gago, baka mapunta tayo sa impyerno niyan. Suggest ka nga ng best god para makapagdasal tayo."


Kahit gaano pa ka-funny ay off ang dating ng jokes sa akin. Pero hindi naman ako relihiyosa at hindi na rin naniniwala, kaya wala rin naman akong pakialam. Magpapatuloy na dapat ako sa paglalakad nang may umakyat mula sa baba ng hagdan.


"Mga bata, puwede naman sigurong magbiruan nang hindi natin idadamay ang banal na pangalan."


Pamilyar ang mahinahong boses ng babaeng nakatalikod. Nakapuyod ng mahigpit ang buhok nito. Puti ang blouse at itim ang mahabang palda.


"You know it's blasphemy. It's in the Ten Commandments, never use His name in vain."


Napaungol ang isa sa lalaking estudyante. "Sister, nagbibiruan lang naman po kami, e."


"Oo nga, sister. Nabasa ko lang iyong joke na iyan dito sa internet. Natawa lang naman kami."


"Minsan, sa sobrang moderno na ng panahon, sobrang paniniwala ng mga tao sa karapatan nila at kalayaang magsalita at gawin ang gusto, nababaliwala na ang tama at mali. Pero sa simpleng mali na yan, katumbas niyan ay kapahamakan."


"OA." Nabuwiset na ang dalawang lalaking estudyante. "Tara na nga. Feeling perfect amp."


"Feeling banal porke't madre," bulong-bulong pa ng mga ito. "Akala naman niya may bilang siya dahil lang sa tao siya ng simbahan. Tangina, may mga pari ngang pedo at rapist, e!"


"Katulad lang din iyan ng mga nasa labas ng simbahan," sabat ng babae. Narinig nito ang bulungan ng mga estudyante. "Hindi naman talaga lahat ng tao ay mabuti at hindi rin lahat ay masama. Pero, mga bata, what you become is entirely up to you. Because it is not the priest nor the religion that can save you, but your faith!"


"Amen! Solohin niyo na lang, sister, ang heaven niyo. Hayaan niyo na kaming mag-chill-chill sa hell kasama si Daddy Lucy!"


Nag-apiran ang mga ito paglampas sa babae. "Ey!"


Nagtatawanan pa. "Tangina, ang seryoso ni sister, gago! Ganap na ganap!"


Pagbaba ng dalawang lalaking estudyante ay kanya-kanya na ulit tutok sa mga hawak na cell phone habang patuloy sa pagkakatuwaan.


Nagtuloy na ako sa paglalakad kaya nagkasalubong kami ng babae sa hagdan. Nang magkaharap kami ay natiyak ko na tama nga ang aking hinala. Kilala ko nga. She was Sister Gelai from Bataan.


Bumadha ang gulat sa mukha niya nang makita ako. "Kena, bakit nandito ka?!"


Siya pa talaga ang nagulat? E siya, ano ang ginagawa niya rito sa Pangasinan? Dito pa talaga sa school kung saan ako ngayon nagtuturo.


"Kena, bakit ka nga nandito?" tanong niya muli na sa boses ay may pag-aalala. "Bakit ka lumabas?!"


Nangunot ang noo ko. Lumabas?


Hindi ko pinansin ang pagkakamali sa tanong ni Sister Gelai. "Bakit mo kailangang itanong kung bakit nandito ako? Ikaw nga ang dapat na tanungin. Taga Bataan ka kaya anong ginagawa mo rito sa Pangasinan?"


"Pumunta ako rito para sa—"


"Wag mo na palang sagutin. Wala rin naman akong pakialam." Tinalikuran ko na siya para lampasan. Hindi naman kami magkaibigan.


"Kena, sandali!" habol niya. "San ka pupunta?!"


Uuwi na ako dahil uwian na. At ano bang pakialam niya? Hindi naman kami close. Baka gusto na naman niya akong sermunan tungkol sa pananampalataya. Masyado pa rin siyang pakialamera. She could still not accept the fact that not everyone believed in her god.


Paglabas ng building ay dumeretso na ako sa gate. Makulimlim na naman. Napabuga ako ng hangin. Pagpasok sa umaga ay makulimlim, pati pag-uwi ay ganoon pa rin.


Ano bang pesta na? Palagi na lang masungit ang panahon. Kung hindi umaambon ay umuulan naman. Hindi ko na nga alam ang itsura ng maliwanag na araw.


Inilabas ko ang aking phone. Phone na napaglumaan na ng panahon. Hindi kagaya ng mga modernong phone na nakikita ko ngayon. Nag-type ako sa keypad na sira-sira na ang ilang piraso. Tinanong ko lang si Joachim kung susunduin niya ba ako.


Pagkatapos kong mag-type ng text kay Joachim ay ise-send ko na dapat, ang kaso ay nag-check operator services. Ibig sabihin ay walang load. Dumeretso ang text ko sa outbox.


Sandali, bakit wala akong load? Ngayon ko napansin na sa tuwing magti-text ako kay Joachim man o kay Julian, ay lahat napupunta sa outbox. Bakit palagi akong walang load? Hindi ba ako naglo-load?


Tumingin ako sa tindahan sa may harapan ng gate. Sarado na iyon kahit maaga pa naman. Dahil ba uulan?


Lumingap ako sa paligid. Ilang minuto pa lang matapos ang uwian, pero wala nang kahit isang pirasong estudyante kahit saan? Wala na ring katao-tao sa daan?


Bumaling ako sa paradahan ng pedicab. May dalawang pirasong nakaparada roon, pero walang driver. Nasaan ang mga driver? At bakit din sa natatanaw kong hiway ay wala man lang dumaraan na kahit isang sasakyan?


Anong oras na ba? Tiningnan ko ang oras sa aking phone. Hindi makita dahil malabo na sa kalumaan ang bandang taas ng screen. Kung siguro ay nakapagsasalita lang ang phone ko ay matagal na itong nakiusap sa akin na palitan na at pagpahingahin na ito.


Why didn't I consider buying a new phone? Iyong bagong model katulad ng sa mga estudyante. Kaya ko naman sigurong bumili niyon dahil sumasahod naman ako bilang teacher dito. Oo nga pala, magkano nga ba ang salary ko?


Tuwing kailan nga rin pala ulit ang payday ko? Saan ko inilalagay ang sahod ko? Saan ko ginagamit ito? Nag-iisip ako nang may pumatak sa aking pisngi. Patak ng tubig. Napatingala ako sa makulimlim na langit. Hay, uulan na naman.


Bumalik ang tingin ko sa phone. Ah, hindi ko naman talaga kailangan ng bagong phone. Luho lang iyon. Ang kumo-contact lang naman sa akin kadalasan ay ang best friend kong si Bhing. Ito rin ang madalas na tumatawag at sinasahot ko na lang, kaya kahit magpa-load ay hindi na rin kailangan.


Kahit nagsisimula nang umambon ay hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan. Hindi rin ako naghahanap ng masisilungan. Sa mga labi ko ay may ngiti. I simply realized I was contented. That I no longer require anything else, specifically material things.


Ang importante ay wala akong sakit, meron akong trabaho, lugar na inuuwian, at mga kapatid na kahit hindi ko talaga kadugo ay aking kasama naman sa iisang bahay. Sina Joachim at Julian.


Meron din akong best friend na kahit hindi ko na madalas makita, hindi naman nakakalimot sa panungumusta. Kahit graduate na kami at magkalayo na, hindi nagbabago ang samahan namin. Si Bhing.


I thought of Sister Gelai. Hindi ko man ito ka-close at ayoko na ring ituring na kaibigan, ay kahit paanoy masaya naman akong malamang okay ito. Ilang taon na ang nagdaan kaya hindi ko lang inakala na makikita ko pa ito.


Pahakbang na ako para maglakad na. Mukhang hindi ako masusundo ni Joachim kaya uuwi na lang akong mag-isa. Maigi na rin maaga ako, dahil gusto ko sanang ipagluto sila. Napangiti ako, tiyak magugulat na naman ang magkapatid.


Noong nakaraan kasi na nakita nila ako sa kusina ay halos magkadadapa-dapa pa sila sa pag-uunahan sa paglapit sa akin. Gulat na gulat kung bakit daw ako nasa kusina. Alalang-alala kahit magluluto lang naman ako. Ang cute lang kahit parang mga tanga.


Nakangiti ako habang mag-isang naglalakad sa makitid na kalsada. Masaya ako at magaan ang pakiramdam. Kompleto ang lahat, walang naiwan, at walang nawawala. Maayos ang buhay ko ngayon, walang kaproble-problema, at payapa.


Mga tatlong hakbang pa nang magsimula nang pumatak ang ulan. Ang mga paa ko ay natigilan. Paikot-ikot ang aking tingin sa makitid na kalsada kung saan ako palaging dumaraan. Palingap-lingap sa paligid na tila may hinahanap.


Nagkaroon ng parang guhit ang aking harapan. Sa pagkakataong ito ay mas malaki na at malinaw. Parang guhit sa isang colored cell phone kapag nada-damage ang screen. Hindi ko alam kung saan nanggaling, pero tila crack nga sa hangin. Ang crack na iyon ay tila may kinalabit sa utak ko.


Sandali nga, kumpleto ang buhay ko? Bhing, Joachim, Julian, Sister Gelai. Pati si Tito Randy, nandito rin ngayon. Pero kompleto nga ba talaga sila?


Kung kumpleto... bakit may isang nawawala. Nasaan na si... Kit? Si Christian Vergara?!


#JFBOTCP

jfstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top