065

"Midnight! Okay ka lang?!" Tumayo kaagad ako nang marinig ko ang boses ni Sofria.

She quickly hugged me tight habang ako naman ay walang tigil sa pag iyak. Kung ano anong comforting words ang binubulong niya sa akin pero ni isa doon ay walang pumapasok sa utak ko.

"Sofria, I don't know what happened! We were just arguing! Hindi ko alam kung bakit ganyan!" Humagulgol ulit ako at patuloy lang si Sofria sa pagpapatahan sa akin. Nahihirapan na din akong huminga dahil barado na ang ilong ko pero wala akong magawa.

After our call dumiretso kaagad ako sa condo ni Knight. Mabuti na lang at alam ko password ng unit niya. Then I saw him unconsciously lying on the floor at kitang kita ko iyong mga luha niya sa pisngi niya.

Kasalanan mo 'to, Midnight.

"He's going to be alright, Midnight! Knight pa ba? Sabi niya nga, masamang damo yan kaya hindi siya mamamatay!" Tumawa ito at pinunasan ang mga luha ko, "Mukhang matatagalan pa sila Doc. Want me to share stories?" Tumango na lang ako habang pilit pinapakalma ang sarili.

"Bata pa lang yan si Knight may sakit na siya sa puso kaso ayaw niya sabihin kung anong problema basta daw may sakit siya doon. Pero dahil nga sa sakit niya, pinaubaya siya ng Mama niya kanila Tita Jackie dahil wala daw silang pera para gamutin si Knight. He was so hurt." Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa sinabi niya.

I remembered how Knight said that he loves Tita Jackie more than he loves his real Mom. Pinamigay daw siya nito kay Tita Jackie, kahit minsan daw ay hindi siya dinalaw o kinamusta tapos bigla nalang daw nanghimasok sa buhay niya noong sumikat at yumaman na siya.

"l met Knight when we were 15 years old. Mga bata pa, highschool pa lang. I had a crush on him, a big fat crush! Na obsess yata ako! Pero lagi niyang sinasabi sa akin na crush na crush ka daw niya. Lalo na nung nag 18 tayo, grabe ang taka ko nun! Tatlong taon ka na niyang crush! Ganda ka teh?" Tinawanan ko na naman siya habang siya naman ay nagiisip pa rin ng ikkwento.

"Dapat gagawa na siya ng moves para mapalapit sayo kaso biglang sinabi ni Joaquin sakanya na gusto ka nito kaya umatras si Knight dahil gusto ka din ni Joaquin at malaki ang utang na loob niya dito," That's why he never came whenever we invite him in our dates, "Ilang taon niyang tiniis yung sakit, Midnight. Sa tingin ko nga e sobrang in love na niya sayo noon! Hulog na hulog. Lagi kang iniiyakan niyan, nagddrama tuwing may date kayo ni Joaquin! Kesyo mas pogi daw siya ganto ganyan!" Tumawa ako. Knight really knows how to make me laugh!

"Tapos ayun, umamin ako na gusto ko siya pero wala na akong pakielam kung maging rebound ako or what! Ayaw ko lang na makitang nasasaktan si Knight! Sinubukan niya akong mahalin pero wala eh. Kahit ayaw niyang sabihin sa akin, ramdam na ramdam ko na ikaw talaga. Then I met Matthew, sabi nila I cheated daw pero nobody knows na si Matthew iyong napagk-kwentuhan ko tungkol sa sakit dahil kay Knight. Siya iyong nandyan para sa akin!" Umiyak na din si Sofria kaya hinagod ko ang likod niya.

"You really do love him," Saad ko. Tumango lamang siya at pinunasan muli ang mga luha niya.

"We were all 18 when a sudden tragedy happened. Alam mo ba kung bakit biglang umuwi si Joaquin?" Umiling ako. I never did know that dahil ayaw naman sabihin ni Tita Jackie sa akin, "Knight had a heart attack. Heart failure? Ewan! Basta sabi ng Doktor noon na may 1 week pa para mabuhay si Knight kaya kailangan kaagad nila maghanap ng heart donor. Halos isang linggong tulog si Knight noon, nagpapanic na kaming lahat kaya halos lahat ginawa na namin. Nung narinig ni Joaquin yun sobrang panic siya kaya nag book kaagad siya ng flight pauwi," Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko sa narinig ko. Knight almost died that day?

"And then ayun, alam mo na. Plane crash," Naalala ko bigla kung paanong sinabi ni Tita Jackie na kasama si Knight doon sa mga pasahero ng eroplanong bumagsak. Tumigil ang buong mundo ko noon, "Worst week ng buong buhay ni Tita Jackie yon. Siguro kami, nahihirapan na kami noon sobra! Pero paano pa si Tita Jackie diba? Parehong anak niya yun. At alam nating isa lang ang mabubuhay," My broke into million pieces when I imagined how hard it is for Tita Jackie. Ang dalawang mga lalaki na mahal na mahal namin.

"Hirap na hirap si Tita Jackie noon and then she saw a text message from Joaquin, the day that the plane crash happened. Sabi niya," Huminga muna ng malalim si Sofria bago magsalita muli.

"Ma, I wouldn't make it. This is too much damage for me. Hindi ko na kakayanin 'to, I know it already. So please, please, let me be the donor. Ma, hayaan mo na akong magpahinga. Pagod na ako. I'm just 18 and I already did a lot, I'm alright now. Kuntento na ako. Now, I want Knight to live a longer life, I want him to forgive Tita Prestine, I want him to live his life pa. So let me do this. Alam kong gusto niya si Midnight, ayaw ko nang maging selfish, Ma. Please. Let me do this for my brother."

And there, I lost it. He gave up his life, his everything para kay Knight, para sa aming dalawa. Puso niya pala iyon? And here I am paulit ulit na sinasaktan yon. Not only his heart but also his brother, Knight. Lagi na lang, lagi ko na lang siyang sinasaktan. Little did I know, pareho ko pa lang silang sinasaktan.

"50/50 ang chance mabuhay ni Knight noon pero nakasurvive siya. Miracle nga daw eh. Bihira lang daw yung mga pasyente na nabubuhay after a heart transplant dito," Nakahinga ako ng maluwag. He made it.

"Also, I want to say sorry," Kumunot ang noo ko sakanya, "Suportado naman talaga kayo ni Tita Jackie dahil iyon ang bilin ni Joaquin pero I brainwashed her. Kung ano anong sinabi ko sakanya," Ngumiti siya ng mapait.

Hindi mawala ang paningin ko sakanya. I really made this girl insecure? Kasalanan ko na naman, "Naalala mo ba nung panahon na nagbreak kayo? Diba madalang lang na bumisita sila Isaiah sainyo?" Tumango ako, "Sinugod sa ospital si Knight noon, sobrang lungkot niya kasi na halos hindi na kayanin ng puso niya. He was confined for weeks and then I said sorry. This is all my fault. Sorry," Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni Sofria. She really blames herself when in fact this is all my fault.

"Please be happy, Midnight. It's time to move on," Tumango ako. Now that I know everything, I'll choose Knight. Maybe it really is time for us to be happy.

"Midnight? Anak!" Tumayo kaming dalawa ni Sofria nang marinig namin ang boses ni Tita Jackie.

Nasa likod niya sila Isaiah na tumatakbo at pati na rin sila Maddie. Napangiti tuloy ako, look at you friends, Knight. Please be alright.

"Tita!" Niyakap ko siya. Hinahagod niya lang ang likod ko at panay bulong ng 'Sorry' at 'Kaya niya yan'.

"I'm sorry, Anak. Walang may kasalanan nito ha? Please don't blame yourself. Magagalit si Joaquin sayo, sige ka!" Tumawa ako at ngumiti.

Napabitaw kaagad ako sa yakap namin nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan, "Sino po ang Family ni Mister Zyfried?" Naglakad kami palapit sa Doktor habang nasa harapan namin si Tita.

"Mabuti at nadala kaagad siya dito kung hindi, baka mas lalong lumala lang ang sitwasyon niya. Sinabihan ko na siya noon, Ma'am! E mukhang hulog na hulog itong si Knight kaya nagkakaganyan!" Tumawa kaming lahat at nagkantyawan naman sila Isaiah, "Wag niyo siyang masyadong palungkutin ha? Bantayan niyo ng maigi yang si Knight!" Tumango naman kami.

"Midnight, diba?" Tanong niya sa akin kaya mabilis akong tumango, "Sagutin mo na kasi para hindi na nagkakaganyan yang alaga ko!" Tumawa ako.

Hintayin mo lang na magising yan, Doc. Aangkinin ko na talaga yan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top