058

"Uy Midnight! Welcome back!" Bati sa akin nung isang staff.

Nginitian ko naman siya, "Thanks," Nilagpasan ko sila at nagsimulang mag lakad patungo sa dressing room ko.

"Hoy!" Bumungad sa akin ang malakas na sigaw na nanggagaling sa sofa. Nakaupo doon si Sapphire habang hawak hawak ang cellphone niya.

"Andun na sa labas sila Maddie! Kasama nila si Amber," Tumango tango ako. I miss Amber! Gusto kong pisilin 'yong pisngi niya!

"Oh? Bakit nandito ka?" Nilapag ko iyong bag ko sa tabi at umupo sa harap ng vanity mirror.

Sinusulyapan ko naman si Sapphire habang nagsisimula ang mga makeup artist na ayusan ako, "Natatakot kasi ako na baka mamaya after ng YTFF kayo na ulit ni Knight," Kumindat siya.

My God, her mind!

"Nah. I don't like him anymore," Ngumiti ako.

Hindi ba talaga, Midnight?

"In denial bitch!" Pati iyong mga makeup artist ay natawa sa sinabi niya. Gaga talaga.

Hindi ko na kinausap si Sapphire dahil inayos na rin ang buhok ko. Mabuti na lang at hindi siya nag open ng mga topic tungkol kay Knight, nakakahiya naman kung ganoon!

"Midnight, stand by na daw. Tapos na iyong stage ni Knight," Nasamid ako sa sinabi nung staff. Talagang sinunod pa nila ang stage ko sa stage niya, ah?

Tumayo ako sa gilid ng stage habang tinitignan ang dami ng tao. Ang daming sumisigaw, ang daming sinisigaw iyong pangalan ni Knight kaya naman lumipat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa stage ngayon.

"I love you all. Thank you for choosing to stay with me!" Hindi ko namalayang ngumingiti na rin ako dahil sakanya.

Ang saya na after 3 years ganoon pa rin siya, tumangkad siya at mas gumanda ang hubog ng katawan niya pati na mas gwapo na siya ngayon pero hindi parin nagbabago ang ugali niya.

Siya parin iyong Knight na minahal ko.

Na mahal ko.

"Sige, I'll see you all next time, ha? Salamat!" Sigaw niya at kumaway sa mga tao. Lumakas lalo ang tilian ng mag flying kiss siya.

Silly.

Naglakad siya papuntang backstage at kumalabog naman kaagad ang puso ko ng mag tama ang mga mata namin. He's eyes suddenly softened, napalitan ito ng sakit at lungkot.

Tipid lang akong ngumiti at tumabi sa gilid nang dumaan siya. Nang malagpasan niya ako ay nang hina naman ang mga tuhod ko, I suddenly find it so hard to breathe.

Is he even real?! Damn, Knight is really making me crazy.

"Let's all welcome, The Queen of the Night! The one and only, Midnight Duxe!" Bigla akong nabalik sa reyalidad nang marinig ko ang malakas na sigawan.

Halos lahat ng tao sa arena ay nagwawala puro pangalan ko ang sinisigaw nila kaya naman hindi ko maiwasang hindi maluha.

"H-Hi?" Nahihiyang bati ko. Lumakas lalo ang sigawan at kitang kita ko ang mga banner na ginawa para sa akin, mayroon ding mga WackyNight at MidKnight banners.

"It's been awhile," Panimula ko, "The last three years, hindi naging madali iyon sa akin. I went to Canada to escape from everything. To escape the cruel reality. And I think I owe you alot! Tatlong taon? Walang paramdam? Kalokohan ko nga naman," Tumawa ako. I started reminiscing everything. Naalala ko kung paano ko iniyakan iyong unang beses mag post si Knight ng litrato nila ni Sofria. Nung lumabas iyong balitang nagbalikan sila, ang sakit.

"But I think, I'm good now. Ayos na ako and I'm happy to say that I am back," Lumakas kaagad ang sigawan at nakita ko naman ang pagth-thumbs up nila Maddie sa akin pati na rin si Amber!

Halos isang oras din akong nagpe-perform sa stage at kahit katiting na pagod ay hindi ko maramdaman. Ang saya lang talaga na ang dami pa ring sumosuporta sa akin kahit tatlong taon na ang naka lipas.

"Isang oras na pala? Hehehe, I think last song ko na 'to?" Tumawa ako. Nalungkot naman iyong mga tao.

Kinanta ko ang Nothing Like Us ni Justin Bieber. Muntikan pa akong maiyak dahil naaalala ko kung paanong kinakanta sa akin ni Knight ito noon hanggang sa makatulog ako. I miss cuddling with him.

"Maraming salamat! Sa walang sawang pagsuporta sa akin! Hindi kayo nag sawa kahit na tatlong taon na. Salamat talaga. Mahal ko kayong lahat!" Nag bow ako bago tuluyang nag lakad papuntang backstage.

Pinunasan ako ng pawis nung staff at pinapaypayan naman ako nung isa. Nag ikot ang mga mata ko at kaagad din akong natigilan nang makita ko ang mga pamilyar na mata.

Fuck.

"Encore stage na daw next. Kaya mo pa?" Tanong nung isang staff. Tumango lang ako at binalik ang tingin sa stage.

"Uy! Midnight! Kamusta na?" Nilingon ko si Sofria.

Ngumiti ako, "I'm good. Ikaw? Kamusta kayo ni Knight?" Nasaktan rin ako sa sinabi ko. Tanga ko talaga.

"Ayos lang ako. Kami ni Knight? Ayos lang," Kumirot ang puso ko, "Best friends! Walang kami nun!" Pagsisiguro niya. Nakahinga naman ako ng maluwag! Thank God.

"Ah ganon," Tumango tango ako.

"Oo, ikaw parin naman ang mahal non. Ikaw lang!" Masayang sigaw niya. Ngumiti naman ako.

"Ako rin naman," Mahinang bulong ko.

Nawala ang ngiti ko nang may maamoy akong pamilyar na amoy sa likod ko.

"Perfect,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top