050
"Hoy! Ngayon flight mo diba?" Tanong ni Sapphire habang kumakain ng saging.
"Hindi siguro next year pa. Tangina, kita mo ba yan? Malamang ngayon! Tanga naman nito," Iritang sagot ko at tinuro ang mga malentang nakabalandra sa sala.
Uminom siya ng tubig at nginisian ako, "Ang init ng dugo? Aalis ka na nga magtataray ka pa! Sige, umalis ka na! Tutal mas masaya ka ata na hindi mo kami kasama," Umacting pa siya na parang umiiyak.
Tumawa naman si Lexi at binato siya ng balat ng saging, "Gaga! Kaya nga nagsusungit yan para hindi natin mahalata na mamimiss niya tayo," Nag thumbs up pa siya sa akin kaya natawa ako.
"Kaya lang mas mamimiss niya si Knight," Sagot ni Maddie kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko. Biglang nabalot ng sakit at lungkot ang puso ko nang marinig ko ang pangalan niya.
Ilang araw na matapos kaming mag break ni Knight, kahit wala namang kami. Ilang araw din ako halos hindi kumain at lumabas ng kwarto dahil iyak ako ng iyak buti na lang nandito sila Maddie para pagaanin ang loob ko, minsan dumadalaw din sila Isaiah pero madalang lang dahil mukhang pareho lang kami ng estado ni Knight.
Mas maganda na sigurong mag dusa kaming dalawa kaysa naman mag dusa si Tita Jackie na tumayong nanay ni Knight at nag mistulang nanay ko na rin.
"Uy! Affected!" Tumawa ng malakas si Sapphire kaya natawa din ako. Mabuti na lang at kaibigan namin 'tong si Sapph siguro kung walang Sapphire sa grupo namin malamang ang boring namin.
"Gago talaga 'to," Uminom si Lexi ng tubig.
"H'wag ka nga mag mura, Lex! Nandito si Ambs oh!" Tinuro ni Keira si Amber na mahimbing na natutulog sa sofa.
Our little angel!
"Aalis na nga ako at baka magising lang si Amber. For sure, iiyak yan kasi ako ang favorite tita niya!" Umalma kaagad sila Sapphire pero tinawanan ko na lang sila.
"Bye bye! 'Wag kang uuwi dito ng walang pasalubong ha," Bulong ni Lexi at hinalikan ako sa pisngi.
"Hoy! Alam ko namang mamimiss mo ako pero sorry kasi I don't feel the same way! Charot, bye Midnight mag ingat ka doon ah? Hanapan mo ako pogi please lang," Pagmamakaawa ni Sapphire. Inirapan ko lang siya at niyakap.
"Amber, say 'bye bye, Tita Midnight'!" Buhat buhat ni Keira si Amber na nakatingin lang sa akin. Gosh! Ang cute niya! Kamukha ni August!
"Ingat ka dun, Mids! 'Wag kang maghahanap ng kapalit ni Knight ah? Pag balik mo dito sisimulan na namin ang Oplan Balik MidKnight!" Masayang sigaw niya at ginatungan pa ng mga tanga.
Tumango na lang tuloy ako dahil hindi ko naman alam ang isasagot tsaka hindi naman talaga ako maghahanap ng kapalit ni Knight! Siya lang!
"Alagaan niyo condo ko ah! Lalo ka na Sapph hayop ka 'wag kang mangingielam sa kwarto ko!" Nagpaalam na ako sakanila.
"Ayos ka na?" Tanong ni Maddie nang makasakay kami sa kotse niya, "Mukhang hindi pero okay," Ngumiti lang ako at binuksan ang cellphone para magpaalam kayna Isaiah.
Ihahatid ako ni Maddie sa airport dahil susunduin rin yata niya iyong si Calvin. Kababata niya yata iyon at sobrang selos na selos si Zech doon dati! Ano kaya mangyayari ngayong nandito na din si Calvin? Balita ko gwapo daw yun.
Tinignan ko iyong wallpaper kong picture namin ni Knight. Naaalala ko tuloy noong nakita niyang wallpaper ko dati iyong picture namin ni Joaquin. Akala ko nga ay iiyak na siya noon dahil sa sobrang lungkot ng mukha niya!
"Mads, daan muna ako kay Joaquin," Paalam ko.
"Mauuna na ako ah," Tinapik ni Maddie ang balikat ko at itinuro ang sasakyan kaya tumango ako.
Naiwan naman akong nakatayo sa harapan ng puntod ni Joaquin. Binaling ko ang tingin ko dito at biglang gumuhit ang isang ngiti sa labi ko nang mabasa ko ang pangalan niya.
Joaquin Vincent Y. Alfonso
My first love, I miss you.
Tatlong taon na rin ang nakalipas nang mamatay si Joaquin dahil sa isang plane crash. Nasa New Zealand siya noon dahil may filming siya para sa isang TV Show doon pero may nangyaring emergency sa bahay nila kaya kinakailangan niyang makauwi kaagad. Hindi ko alam kung anong nangyari sa bahay nila noon at tila ba takot na takot si Joaquin dahil nagmamadali talaga siyang umuwi. Sadly, a very unexpected plane crash happened. Sobrang saya pa naman ni Joaquin na nasa New Zealand siya dahil dream destination niya raw iyon.
It's been three years but it feels like yesterday.
"Hi Wacky. I miss you! Kamusta ka dyan? Malamang pinapanood mo ako ngayon! Ayos lang ako, okay? Ginawa ko yun para hindi na malungkot si Tita Jackie, ayaw mo pa namang nasasaktan yun! Plus, I also did this for Knight! Mahal na mahal ko yun at alam ko namang pinapatawad mo na ako eh. Kilalang kilala kita! Sorry, Joaquin. Sorry sa lahat lahat ng maling nagawa ko sayo. You don't deserve any of it. You're the most selfless person I know. Siguro naiinis ka na sa akin kasi nagso-sorry ako 'no?! Sorry! Siguro hindi muna ako makakabisita dito sa puntod mo kasi kailangan talaga eh. Don't worry, kakausapin naman kita araw araw! Please, bantayan mo si Knight for me ha? And also Tita Jackie. I love the both of them so much! Don't worry, Joaquin. I'm going to be alright. Sige, mauuna na ako ha. Bye Wacky! See you in my dreams! Labyu!" Nag wave ako sa puntod niya bago pinunasan ang mga luhang umaagos sa pisngi ko.
You don't deserve this, Joaquin.
None of you deserve this.
"I'll see you in two years? or three?" Tanong ni Maddieson habang tinutulungan akong ibaba ang mga maleta ko.
"See you in whenever the time is right!" Tumawa ako at niyakap siya.
"I'll miss you," Bulong niya at ginulo ang buhok ko.
"Will miss you too! Balikan na kayo ni Zech ah? Pakilala mo rin ako kay Calvin!" Tumango lang siya at nginitian ako.
Nagpaalam na ako sakanya at nagsimulang maglakad papasok sa airport. I'll be back.
Patawad, mahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top