045
"Huy gago! Tama na!" Inagaw ni Isaiah ang baso ng beer na hawak ko.
"Pabayaan mo na ako! Problemado ako ngayon!" Tumawa pa ako at pilit inaabot ang beer mula sakanya ngunit hindi siya nagpapatinag.
"Umayos ka nga. Walang matutulong yang paginom mo dyan sa problema mo," Inis na sambit niya sa akin.
"Meron din. Hayaan mo na ako para naman kahit papaano, kahit isang araw lang makalimutan ko lahat," I smiled bitterly. Pinapanood lang ako ni Maddie at tahimik na kumakain habang si Isaiah naman ay tinataasan ako ng kilay.
"Dapat talaga hindi mo kinausap yung bwisit na babaitang Sofria na yun!" Binalik niya sa akin ang alak na hawak niya.
Mabilis ko itong ininom pero parang walang itong epekto sa akin. Pang limang baso ko na 'to at alam ko namang low tolerance ako pero hindi talaga gumagana ang kapangyarihan ng alak ngayon.
Gulong gulo ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung sinong pipiliin ko. Kung pwede lang sanang walang pipiliin at walang masasaktan edi sana matagal ko na itong ginawa. Ang hirap hirap isipin na gumigising ako na mayroong taong umiiyak dahil sa akin, may umiiyak dahil masaya ako. Hindi ko maisip. Ang sakit sakit.
"Ayos lang. Ayaw mo nun? Hindi na tuloy tuloy yung mararamdaman na sakit ni Tita?" Tumaas iyong kilay ni Maddie at kumunot naman ang noo ni Isaiah.
"What the fuck are you talking about?" Masungit na tanong ni Maddie pero ngumiti na lang ako.
"Oh hell no! Ano nanamang yang nasa isip mo ha?" Sigaw ni Isaiah, "Tigilan mo yan ha! Walang matutulong na maganda yang paghihiwalay niyo ni Knight,"
"Wala namang kami," Bigla naman akong binatukan ni Maddie, "Aray! Ano ba?"
"Tanga ka? Hindi kayo pero dinaig niyo pa mag asawa sa landian," Uminom siya mula sa baso at kumain ulit ng chips.
"Alam mo, minsan kasi sa buhay may mga bagay na sinasakripisyo para may matulungan kang iba," Seryosong sambit ko.
"Kahit na ikaw mismo yung masasaktan?" Curious na tanong ni Isaiah.
"Kahit na ikaw yung masaktan," Ngumiti ako. Tumango tango lang siya at si Maddie naman ay tumawa ng mapakla.
"Nanay ni Joaquin iyon, Midnight. Malamang iba ang pananaw ni Joaquin. Sige kung makikipag hiwalay ka kay Knight sa tingin mo ba matutuwa siya nun? Matutuwa ba si Joaquin na masasaktan ka at yung taong tinuring niya nang kapatid para sa kanya?" Bumuntong hininga ako dahil tama rin naman siya. Ayaw kong saktan si Joaquin pero ayaw ko ring saktan si Knight.
"Pero nagmamakaawa na ang nanay niya sa akin, Maddie. Hindi ko kayang makita iyon," Tumulo iyong mga luha ko. Naiimagine ko pa lang na nagmamakaawa si Tita Jackie sa akin ay nadudurog na ang puso ko.
"Ayaw kong masaktan si Knight pero ayaw ko ring masaktan si Joaquin," Pinunasan ko ang mga luha ko at nginitian silang dalawa.
"Joaquin sacrificed a lot for me and now it's my time to sacrifice for him,"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top