007
"Siguro magandang desisyon na rin yun. Ikabubuti naman namin pareho," Nilagok ulit ni Maddie yung hawak niyang alak. Puta, nakaka-apat na bote na siya pero mukhang nasa wisyo pa.
"Ayos lang yan. Mas maganda nga yang rason para magbreak kayo kaysa naman kung nambabae siya diba?" Tumahimik siya sandali pero tumango rin.
"Mas maganda nga, kaya mas masakit," Tumawa siya ng sarkastiko at uminom na naman.
Maga-alas dose na pero hindi parin kami natatapos uminom ni Maddie. Sobrang wasted niya, iyak lang siya ng iyak! Sinisisi niya parin yung sarili niya sa lahat ng nangyari kaya natatakot tuloy akong iwan siya mag isa.
"Mawawala din yan! Ano ka ba, atsaka alam naman natin na mahal niyo parin ni Zech ang isa't isa!" Pach-cheer up ko sakanya pero mukhang hindi naman gumagana dahil inom lang talaga siya ng inom.
First time ko lang makitang ganito si Maddie kaya sobrang naawa ako. Ang dami nang nangyari sa buhay niya at lahat nang 'yon ang sobrang sasakit. Ngayon dumagdag pa si Zech sa pain na 'yon.
"Cr lang ako, Ate!" Paalam ko. Tumango lang siya at tuloy tuloy parin sa inom.
Nakakaawa talaga.
Nang makarating ako sa Comfort Room ay nakalock ang pintuan nito kaya paniguradong may tao sa loob. Tumayo na lang tuloy ako sa harap nun, ihing ihi na ako! Ang bagal naman umihi nito!
"Bakit mo ba sinisisi sarili mo ha? Tanga ka ba? Kasalanan nga ni Maddie! Gumising ka nga gago!" Natigilan ako sa narinig ko.
What the fuck?!
"Gago ka rin! Hindi ako tanga! At hindi rin kasalanan ni Maddieson yun! 'Wag mo nga siyang sisihin!" I'm sure that's Zechariah's voice.
Nanatili akong nakatayo sa harapan nang CR habang pinapakinggan ang usapan nilang dalawa.
Siguradong sigurado ako na boses ni Zechariah yung isa habang yung naninisi naman kay Maddie ay si Knight. That fucking asshole.
"Dami mong dada! Tanga tanga ka kasi kaya tignan mo yang sarili mo ngayon. Bigay ka ng bigay kay Maddie kaya wala nang natira sayo. Sabi ko naman sayo 'wag mo ibigay ang lahat sa isang walang kwentang babae," Kumulo kaagad ang dugo ko dahil sa sinabi nang magaling na Knight Zyfried.
Ang kapal talaga ng mukha nitong hayop na 'to ah?! Hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan nila August 'to. Ang babait nung mga kaibigan niya habang siya? Puta, walang respeto sa babae. Nakakasuka.
Nakarinig ako nang flush at pag agos ng tubig galing sa sink. Naririnig ko din yung pagmumura ni Knight at tuloy tuloy lang sa pangb-bash kay Maddie habang si Zech naman ay tinatawanan lang siya.
Nang bumukas ang pinto, mukha agad ni Knight ang nakita ko kaya naginit ang dugo ko at mabilis siyang sinapak.
"Kapal nang mukha mong hayop ka! Ang dami mong sinasabi kay Maddie e hindi naman ikaw ang nasa relasyon nila. Wala kang karapatan na tawaging 'walang kwenta' ang Ate ko! Kaya kitang tuluyan ngayon, tangina mo ka!" Nagulat yata siya sa suntok ko kaya napaupo siya habang hawak ang panga niya.
Tangina niya! Namumuro na talaga sa akin 'tong mayabang na 'to.
"Isa pa, Knight! Hindi lang sapak ang aabutin mo sa akin. Tangina ka! Hoy Zech, pag sabihan mo yang kaibigan mo ha. Ilulublob ko talaga mukha niyan sa inidoro!" Sigaw ko at naglakad palayo sakanila.
Hinila ko si Maddie at naglapag na lang ng isang libo sa table namin. Wala na akong pakielam sa libre libre na yan basta ayaw kong makita pa ng kaibigan ko yung hayop na ex niya at yung mayabang na yun! Alam ko namang hindi na niya kakayanin pag nakita niya si Zech, paano pa kaya pag narinig niya yung mga pinagsasabi ng Knight na yun?!
"Oh? Anong nangyari? Bakit ka nanghihila?" Tanong niya nang isuot ko ang seatbelt niya. Lasing na ang gaga.
"Basta! Ayaw ko nang uminom!" Reklamo ko saka pinaandar ang kotse.
Nagkataon pa talaga na nakita ko yung dalawang gago na naglalakad papunta sa parking kaya binabaan ko kaagad sila ng bintana.
"Putangina mo, Zyfried!" Sigaw ko at mabilis na sinarado ang bintana.
Isa pa talaga, Zyfried. Tutuluyan na kita!
———————————
sorry for d foul words hUhUh. galit na galit si mamang hatinggabi ih
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top