CHAPTER 6

Occupied ang aking utak ng mga salitang narinig ko galing kay Nathaniel. He's getting weird again.

Magsasabi ng mga words na madali lang namang intindihin pero kapag sa kaniya nanggaling ay parang napakalalim nang meaning.

Naabutan ko sina mommy na palabas nang bahay, eksakto lang ang aking dating. Sinabi nilang aalis na kaya pumasok muna ako para itago sa garahe ang ginamit na bisikleta.

Pagkatapos ay lumapit na ako sa kanila. Van ang gagamitin naming sasakyan. Hindi ko nga alam kung kami ba ang passengers o itong mga maleta namin, halos punuin nito ang likod.

Naunang sumakay si mommy dahil doon sila sa unahan ni papa. Si papa ang magmamaneho dahil wala siyang tiwala kapag si kuya ang may hawak ng manibela.

Sumakay na kaming lahat. Nagsimula ng umandar ang Van. Binuksan ni mommy ang radio para daw kahit papaano'y magkaroon manlang nang ingay.

"Welcome to Mobile Legends!"

"Five seconds till the enemy reaches the battlefield, smash them!" Nilingon ko si Kuya sabay iling. Kahit saan talaga magpunta, hindi puwedeng hindi siya mag-ml.

Nilingon ko na lang ang katabi kong bintana. Nakalabas na kami sa aming subdivision, ngayon ay nasa kalsada na kung saan marami-rami nang sasakyan.

Isang ngiti ang sumilay sa aking labi ng marinig ang intro ng paboritong kanta, uptown girl. Tina-tap ko ang mga paa ko kasabay ng beat habang nili-lyp sync ang bawat lyrics.

"Bwesit! Ang lag!" Napalingon ako kay kuya ng bigla itong sumigaw. Pati si mommy ay napatingin din.

"Our turret has been destroyed."
"You have been slain."
"An Enemy has been slain."
"Enemy Double Kill!"

"Kuya, hinaan mo nga 'yan!" pagsasaway ko rito habang masama ang tingin. Hininaan naman niya ang volume dahil defeat na ang maririnig sa kaniyang cellphone. Talo sila.

"Oh, ano?" Inirapan ko siya at isinandal ang ulo sa upuan. Baliw talaga. Bakit ba umiinit ulo niya kapag natatalo sa ML.

Naramdaman ko ang aking antok. Imbes na pigilan ay hinayaan kong lamunin ako ng madilim na dimension. For sure kapag hindi ako nakatulog ay sasakit lang ang ulo ko, ako rin ang mahihirapan kaya much better na matulog na habang malayo pa ang byahe.

Isang lalaki ang naglalakad palapit sa akin, hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil tumama rito ang sikat ng araw. Palapit ito nang palapit ngunit malabo ang mukha.

Gamit ang isang kamay ay hinarangan ko ang sinag nang araw na tumama sa aking pisnge ngunit hindi ko inalis ang paningin sa taong naglalakad palapit sa akin.

Panandalian ko munang inalis ang paningin sa kaniya at nilingon ang paligid. Wala ni-isang building o istraktura akong nakikita sa paligid, walang tao't walang puno.

Where am I?

"Antheia. . ." Nanlaki ang aking mata ng makilala ang boses, nilingon ko siya nang hindi nagbabago ang reaksyon.

Nathaniel. Si Nath ang kaharap ko! Subalit kaharap ko siya pero hindi ko maaninag ang kaniyang buong mukha. Bakit?

Kailan ko ba siya puwedeng makita? I really want to his face.

Wala na lang ako sa sariling niyakap siya at ganoon din naman ang kaniyang ginawa. Ilang minuto kaming magkayakap bago humiwalay.

Nakatitig lang ako sa kaniya at alam kong nakatitig din siya. Ang pagkakaiba lang ay nakikita niya ang mukha ko habang ako naman ay ni-buhok niya sa ulo ay hindi ko masilayan.

Inalis ko na lang ang isiping iyon at ngumiti sa kaniya. Atleast, he's here. Nathaniel is with me.

"Your smile is so fascinating. I'd always want to see that smile of yours. That lovely laugh of yours. Huwag mong aalisin 'yan, huh," anito kaya tumango-tango ako. Wala namang dahilan para tumigil ako sa pagtawa't pagngiti.

"I'll go na, Antheia. Take care, always." Unti-Unti itong umaatras, gusto kong sumunod pero parang may pumipigil sa akin.

Tinawag ko na lang ang kaniyang pangalan ngunit hindi siya tumigil sa pag-atras hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.

"Nathaniel!"

"Nathaniel!" sigaw ko sabay mulat ng mata. Umayos ako nang upo, panaginip lang pala. Yes, it was a dream but. . .no, no. Gutom ka lang kaya ganoon ang pakiramdam mo, Antheia.

Napansin kong nakatitig sa akin si Kuya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi naman ito gumanti bagkus ay ibinalik na lamang ang tingin sa nilalarong mobile legends.

Tinignan ko kung ano ang puwedeng makain. Siguro sa sobrang gutom ko kaya kung ano-ano na lang ang naiimagine ko.

Inabot ko ang isang bag na may lamang mga chitchirya at biscuits. Pagbukas ko ay nauna pang dumukot ng pagkain sa akin si Kuya.

"Mandurukot ka ba noong past life mo? Bilis ng kamay." Nag-make face lang ito saka binuksan ang kinuhang sour cream and onion na piattos.

Ako naman ay iyong malaking moby na chocolate ang kinuha. My baby. Ibinalik ko sa dating puwesto ang kinuhang bag bago ito buksan.

*****

"Here we go!" Rinig kong sabi ni papa nang pumasok kami sa nakabukas na gate. Nakangiti kong tinitigan ang paligid na nalalampasan ng sasakyan.

Province. . .

Doon sa maluwag na puwesto ni papa ipinark ang Van. Nauna akong lumabas at sumunod si kuya, hawak-hawak pa niya ang basura ng piattos. Habang ako naman ay hindi pa rin ubos ang kinakain. Masyado ko atang ninamnam ang lasa, hindi ko napansing lampas isang oras ko na itong kinakain pero hindi pa rin nauubos.

Tinupi ko muna ang balot nito at sandaling bumalik sa loob ng Van. Basta ko na lang ito pinatong sa upuan.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang huwag mapayakap sa sarili. Summer naman pero malamig pa rin dito.

Nakangiti kong tinignan ang mga nagsasayawang dahon ng puno dahil sa hangin. Pati buhok kong tahimik lang kanina ay nakisabay na sa pagsasayaw.

Nakaka-miss ang probinsiya.

Nakaka-miss ang lupang pinagtatakbuhan namin noon.

Napatakbo ako ng makita ang aking pinsan na si Yenna, matanda ito sa akin ng dalawang taon.

"Kumusta ang paborito kong pinsan?" tanong ko sabay akbay rito. Hinarap naman niya ako sabay flip ng hair.

"Antheia, ako lang naman ang pinsan mo kaya ako lang talaga ang magiging paborito mong pinsan." Natawa naman ako at ganoon din siya.

Totoo ang kaniyang sinabi dahil walang kapatid si Mommy at si Papa naman ay may isang kapatid na siyang Tita ko na siyang Nanay ni Yenna.

Pumunta kaming magpinsan sa kubo na kami mismo ang gumawang dalawa. May sira na rin ito dahil sa mga bagyong nagdaraan pero ma-swerte pa rin kami't hindi nasisira o tinatangay ng hangin.

"Spill the tea, Theia." Nagsimula aking magkwento ng mga nangyari sa akin.

Pati kung papaano nagsimula ang lahat. Kung papaano ko nakilala si Nathaniel.

"You mean, you're inlove with a guy na hindi mo sure kung gusto o mahal ka rin?" Bumuntong-hininga ako sabay tango. Wala namang mali kung mahalin ko siya, right?

Hindi naman ito exchange gift na kapag binigyan mo ng love ay bibigyan ka rin ng love dahil required.

Totoo't masakit magmahal sa taong walang kasiguraduhan kung mamahalin ka rin pabalik pero wala nang sasakit kung pipilitin mong mahalin ka niya pero ang totoo hindi naman talaga.

I realized that sometimes you need to be contented of what you have.

•••••
03-23-2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top