CHAPTER 5
Sa loob ng dalawang buwan ay kilala na namin ang isa't isa. No, I mean kilala na niya ako pero siya ay hindi ko pa rin nakikilala nang lubusan.
Sino ka nga ba Nathaniel?
Bakit pakiramdam ko ay ganoon na lang kahiwaga ang buo niyang pagkatao? Na piling tao lang ang makakikilala sa kaniya ng buong-buo.
Hindi ba ako puwedeng maging isa sa mga piling tao na iyon?
Dumapa ako sa aking kama at paulit-ulit na inuntog ang ulo sa unan. Ano na, Antheia?
Ano nang balak mo sa buhay mo?
Habambuhay ka na lang bang ganito?
Umikot ulit ako, hinarap ang maliwanag na kisame saka bumuntong-hininga.
"You're in love, Antheia? Sa taong ni-minsan ay hindi mo nakita ang mukha?" Napakamot ako sa aking ulo at tumango-tango bilang sagot sa tanong ni Eliza.
Napasinghap ako nang maamoy ang mabangong aroma ng kape na kadadala lang ng waiter sa amin. Isa ang coffee shop na ito sa pinaka-spot ng lugar. Bukod sa masarap ang kape, ay may libre pang malakas na wi-fi pero hindi talaga 'yon ang pinupunta rito kundi ang magandang tanawin na makikita sa third floor nitong coffee shop. Makikita mo ro'n ang dagat.
Dahil sa aroma ay gugustuhin mo talagang bumalik dito.
"Nagsalita ang taong nahulog sa ka-chat. Ni-pangalan, edad, kung saan nakatira ay hindi alam." Seryoso man ang tinig ni Maddy ay alam kong inaasar niya si Eliza.
May naka-chat si Eliza na rp'ier (iyon ang tawag ni Eliza sa naka-chat niya, hindi ko nga alam kung ano ang meaning no'n). Almost 1 year silang nag-uusap, onti na nga lang ay pagkamalan na silang may relasyon pero wala talaga.
Sa loob ng isang taon na iyon ay hindi pa sila nag-meet. Kahit video call ay walang nangyari, as in chat lang talaga.
Hanggang sa mahulog na nga itong kaibigan namin. Balak niyang umamin pero nag-deact 'yong lalaki. Tandang-tanda ko pa kung papaanong pinilit niya kaming uminom ng alak para daw makalimot, as if naman makatutulong ang alak sa pagkalimot ng sakit, eh, dagdag sakit sa ulo lang 'yon.
"Past is past, Mads," aniya sabay irap kay Maddy. Nilingon ako ng dalawa.
"So, ano? Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo kay. . ." Nilingon niya ako na para bang tinatanong kung ano ang pangalan nang taong pinag-uusapan namin.
"Nathaniel kasi, Sis." Si Eliza na ang sumagot.
"Okay. Nath kung Nath. So ano nga?"
"Actually, I'm not. . .sure. Pero sa tuwing kausap ko siya masaya ako. Kahit hindi ko siya nakikita masaya ako. . ." Nilingon ko ang labas ng coffee shop, nakikita ko ro'n ang mga taong naglalakad paroon at parito. May magkakapamilya, couple, magkakaibigan, at mag-isa.
"I realized na, hindi ko naman kailangang makita ang kaniyang mukha. Boses niya lang ay sapat na."
"Naks, rhyme 'yon, ah."
Napangiti ako nang maalala ang usapan naming magkakaibigan. Sa mga oras na iyon, alam kong pumasok ako sa isang gera na hindi ko alam kung sa dulo ba'y mananalo ako o hindi.
Basta ang alam ko lang ay masaya ako sa kung anong nararamdaman ko ngayon.
Kinabukasan ay nagulat ako ng makitang may mga nakahandang maleta sa sala. Nilingon ko mommy na naglalakad palapit dito.
"Mommy, bakit?" Sinabi nitong nagkaroon ng tatlong araw na leave si Papa kaya naman naisipan nilang pupunta raw kami sa probinsiya.
As in now na. Hindi manlang nila sinabi sa akin ng maaga-aga para nakapag-ayos ako. Na'ko talaga.
"Mayamaya lang ay aalis na tayo," pag-aanunsiyo ni Papa nang makita niyang bumababa sa hagdan si Kuya. Humihikab-hikab pa nga ito habang nakapikit ang dalawang mata.
Napa-hagalpak ako ng tawa nang mahulog si Kuya sa hagdan dahil sa biglaan niyang pagmulat ng mata.
"P*tcha." Nilingon ako nito saka sinamaan ng tingin.
"Pa, saan tayo pupunta? Ang daya mo naman, Pa. Akala ko ba mahal mo 'ko, bakit hindi ako ang unang sinabihan mong aalis pala?" Umiling-iling na lang ako at huminga nang malalim. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako dahil ang epic fail no'ng pagkahulog ni Kuya sa hagdan.
"Tigilan mo nga ako, Antonyo——"
"Pa! Anthony. An-To-Ni hindi Antonyo," pagrereklamo nito kaya kaming dalawa ni mommy ay tawa nang tawa. Mauubusan ata ako ng hangin dahil kay Kuya.
"Kasi naman! Kapag talaga nagkapera ako papapalitan ko ang pangalan ko sa birth certificate, gagawin kong Anthony at hindi Antonyo." Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa kaya nilingon ako ni Kuya sabay ngisi. Nanlaki ang aking mata at tinalikuran na lang siya.
Patay na naman ako nito.
"Tawa ka pa riyan. Antheia, Antheia. Antonina ata." Narinig ko ang tawa niya kaya lumingon na ako at nagsimulang makipag-asaran kay Kuya. Ewan ko ba kung bakit napaka-weird ng mga name namin.
Antonina. Ano bang klaseng name 'yon?
"Antonyo."
"Antonina!
"Antonyo!
"Nyenye. Antonina."
Para kaming mga batang nagsisigawan. Hindi titigil hangga't walang nauunang huminto.
"Stop na, Kids. Maghanda na kayo." Nag-belat pa ako bago tumakbo paakyat ng hagdan. Antonyo at Antonina, sorry pero ang bantot ng name kaya napilitan kaming baguhin.
Wala ng nagawa sina Mommy nang binalak naming baguhin ni Kuya ang name namin. Sa susunod nga ay pati sa mga iba pang papeles ay aasikasuhin na rin.
Pumasok ako ng kuwarto at dumiretso sa malaking cabinet na nasa gilid. Binuksan ko 'yon at bumungad do'n ang dalawang maleta, kinuha ko 'yong maliit.
Tatlong araw lang naman, wala naman akong balak dalhin pati kama para gamitin pa ang malaking maleta.
Naglagay ako ng mga susuotin. Pati jacket ay sinama ko na rin dahil kapag gabi ay napaka-lamig do'n. Pagkatapos kong mag-impake ay binaba ko na ito, no'ng nakita ako ni kuyang naghihirap ay tinawanan niya muna ako bago tinulungan.
"Epal ka talaga, Kuya." Nag-make face lang ito at dinala na sa tabi ng dadalhing maleta ang akin.
"'Yan na suot niyo?" tanong ni Mommy sa aming dalawa ni Kuya. Napatingin kami sa suot nang isa't isa bago tinignan ang sariling suot. Napasapo ako sa aking noo ng makitang nakapantulog pa akong damit.
Dali-dali kaming umakyat ni Kuya. Nag-uunahan na para bang masasaraduhan kami ng pinto nang sarili naming kuwarto.
Napili kong suotin iyong cream sweater na pinaresan ng black ripped jeans, and brown boots na medyo lampas sa aking ankle. Inilalim ko ang jeans sa boots.
Pagkatapos ay tinitigan ko ang sarili sa salamin. Hinayaan kong nakalagay ang wavy brown kong buhok.
Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba. Nakita kong nilalabas na nina papa ang mga maleta, ilalagay na ata sa likod ng sasakyan.
"Ang sabi magbabakasyon sa probinsiya hindi pupunta sa fashion show." Umirap lang ako at lumabas ng bahay.
Tatlong araw din akong mawawala. Siguradong magtataka siya kung bakit hindi ako magpapakita, kailangan kong magsabi sa kaniya.
"Papa, may pupuntahan lang ako. Sandali lang!" sigaw ko at tumakbo papunta sa garahe para kunin ang bisekleta. Sinakyan ko ito nang makalabas na ako sa gate namin. Madaling-madali ako sa pagpepedal.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako. Hindi ko na itinabi ang bike dahil hindi naman ako magtatagal.
"Nathaniel," pagtawag ko sa intercom.
"Bakit?" Mahina ang boses nito. Parang walang kabuhay-buhay.
"Aalis ako. Tatlong araw akong mawawala, kaya tatlong araw akong hindi makapupunta rito." Wala akong narinig na sa sagot pero narinig ko ang mga yabag na sa tingin ko'y sa kaniya nanggagaling.
"Wait, may ibibigay lang ako sa 'yo." Bakit ba pakiramdam ko ay ang tamlay-tamlay niya, base na rin sa boses nitong napakahina.
Ilang minuto pa'y narinig ko ang pagbukas ng pintuan nila. Ramdam ko ang kabang bumalot sa aking katawan, siya na ba 'to?
Ngunit agad na nawala ang unti-unting excitement na nararamdaman ko ng makitang si Tita ang lumabas. May dala-dala itong jacket.
"Pinabibigay ng anak ko." Ngumiti ako bago kunin ang jacket. Sinabihan lang ako ni Tita na mag-ingat kami at pumasok na ulit ito sa kanilang bahay.
"Salamat dito! Saktong-sakto, malamig ang pupuntahan namin." Umaasa akong may tawa akong maririnig pero wala.
"Mukhang may ginagawa ka, ah. Di bale, bye! See you, Nath!"
"Mag-ingat kayo." Tumango-tango ako at lumapit na sa aking bike. Muli kong binalik ang tingin sa intercom ng may marinig pa akong sinabi niya.
"Goodbye, Antheia. . .Until soon."
•••••
03-22-2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top