CHAPTER 4
Isa't kalahating buwan na kaming nag-uusap ni Nathaniel sa intercom. Sa loob ng mga araw na iyon ay ni-minsan ay hindi ko pa nakita ang kaniya mukha, ni-sulyap ay hindi ko magawa.
Alam kong may mali. Ramdam kong may mas mabigat pang dahilan kung bakit ayaw niyang lumabas subalit kung ano man iyon ay hindi ko alam.
Tuwing tatanungin ko ay ang sagot niya'y tinatamad ako, may ginagawa ako, at iba't iba pang palusot para lang hindi ko na siya pilitin.
Nakatatampo. . . minsan nga'y tinatanong ko sa aking sarili kung bakit ako nananatili sa ganitong set-up.
Kung gugustuhin kong huwag ng pumunta ay magagawa ko pero may pumipigil sa aking kalooban.
"Hey, are you alright? I keep asking you kung kumain ka na ba? but you're not kumikibo." Pilit akong tumawa at sinagot ang kaniyang tanong.
"You're being conyo again, Nath," natatawa kong saad kaya naman pati siya ay natawa. Minsan daw ay hindi niya talaga maiwasang paghaluin ang tagalog word at english words.
Nai-kuwento niya sa aking noong 3 years old to 10 years old niya ay sa America siya nag-aral kaya naman hindi na rin maiwasang maghalo-halo ang tagalog at english.
"How's your day?" I asked bago umupo sa semento. Nakinig lang ako habang siya ay nagkwekwento. Imbes na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi niya. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya dahil 'di ko man nakikita ay alam kong masaya siya, ramdam ko.
Kagaya ng mga nakalipas na linggo. Bibisita ako sa kanila ng alas-syete nang umaga at uuwi bago mag-tanghalian o minsan naman ay hapon ako pumupunta.
Umuwi ako ng bahay na bagsak na bagsak ang balikat. Naabutan ko si Kuya na nanonood ng TV.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Kuya. Bumuntong-hininga ako at pabagsak na umupo sa sofa, I faced Kuya with a serious face. Nilingon naman ako nito habang nakakunot ang noo.
"What's with that face? Problema mo?" Tama bang tanungin ko ito?
Wait, mali ang tanong ko dapat ay tama bang kay Kuya ko ito itanong knowing him?
Well, its now or never. Siguro naman ay kahit ngayong oras lang ay magawa niyang magbigay ng sagot na seryoso't walang halong biro.
"Kuya, I'll ask you something but promised me sasagutin mo ito ng maayos?" Sandali ako nitong tinitigan na para bang kinakalkula ang buo kong pagmumukha bago tumango.
"Na-inlove ka na ba?"
*****
"Good afternoon, Antheia." Binati ko rin siya bago umupo sa lagi kong pwinepwestuhang semento. Mabuti na lang talaga't hindi ito nadadapuan ng init dahil sa halamang nasa likuran kundi ay sobrang ngalay ang mararamdam ko habang nakikipag-usap sa kaniya. Bawal pa naman umupo kung mainit ang semento.
"Nathaniel, can you sing?" Sandaling katahimikan ang nabalot sa aming dalawa. Balak ko na sanang bawian ang aking tanong ng bigla kong marinig ang pag-strum na sigurado akong nanggagaling sa gitara.
Napahawak ako sa aking dibdib. Normal lang ang tibok niyon. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, hindi naman ako kinikilig.
I love you 'til the last of snow disappears
Dahil do'n ay napatayo ako at tinignan ang bintana. Ramdam ko ang paninigas ng aking katawan nang makita siyang nakatayo sa likod ng kurtinang puti.
Nathaniel. . .
Why are you doing this to me?
Gabi-gabi ay ikaw ang laman ng isip ko. Tuwing titingin ako sa salamin ay ini-imagine kong kasama kita; blurd nga lang ang mukha. Isa pa sa malupit ay inutusan na ako nga ako ni Kuya na maghugas ng mga plato ay nakangiti pa ako.
Normal pa ba 'to?
Normal pa ba ako?
I'm in love with you, and now you know. . .
Nilingon ko ang intercom at tinitigan 'yon. Tama ba 'to?
"Na-inlove ka na ba?" Kita ko ang pagguhit nang gulat sa mukha ni Kuya ng marinig ang aking tanong.
"Weird mo, Panget." Nilingon niya ang labas ng pinto at muling binalik ang tingin sa akin bago magpatuloy sa sasabihin.
"Pero, oo. Na-inlove na ako sa isang babae at hanggang ngayon ay inlove pa rin pero. . . asa ka namang i-kuwento ko sa 'yo love story namin." Umirap lang ako at hindi na siya pinatulan.
Hindi ko na talaga maasahang walang kalokohan na lalabas sa bunganga ng kapatid kong 'to.
"Paano mo nalaman na inlove ka sa taong 'yon?" Narinig ko ang buntong-hininga nito saka lumingon sa nakabukas na TV.
"Hindi ko alam. Basta ang alam ko na lang ay nasaktan ako nang makita ko siyang may kasamang iba. Iyong para bang may milyon-milyong karayom ang tumusok sa puso mo at mapapakanta ka na lang ng ingatan mo siya, binalewala niya 'ko dahil sa 'yo." Literal na napasapo ako sa aking noo. Kahit kailan talaga.
"Siguro kung pinansin ko lang ang nararamdaman ko para sa kaniya ay ayos ako ngayon. Ayos ang puso kong hanggang ngayon ay sawi pa rin." Hindi ko maalalang sabado ngayon. Bakit para akong nakikinig sa MMK, kunti na lang ay kumanta ako ng maalaala mo kaya.
"Alam mo, Panget. Malalaman mo naman kung inlove ka ba sa taong 'yon o hindi. Hindi mo masasabing may nararamdaman ka sa kaniya porket sinabi ko kung paano ko nalamang inlove ako sa taong iyon. Nasa sa iyo pa rin 'yon. Porket ba pakiramdam mo tumigil ang ikot nang mundo ng makita mo siya ay inlove ka na porket gano'n ang naramdaman ko? Iba't iba 'yan, Panget."
"Ang masasabi ko na lang ay gawin mo kung ano ang nagpapasaya sa iyo," pagtatapos niya sa mahabang litanya bago tumayo at naglakad palabas ng bahay. Nilingon ko si Kuya at kitang-kita ko ang bagsak nitong balikat.
Ngayon ko lang nakita si Kuya na parang unting tanong na lang tungkol sa sawi niyang puso ay magigiba talaga siya.
Kapatid ko siya pero hindi ko alam na broken pala ang heart niya. Siguro ay dinadaan-daan niya lang talaga sa pang-aasar sa akin pero ang totoo ay sirang-sira siya sa nga oras na iyon.
Hindi mo talaga malalaman ang nararamdaman o pinagdadaanan ng isang tao kung hindi mo kauusapin.
"Antheia?"
"Hey, Antheia!" Bumalik ako sa ulirat dahil sa paulit-ulit niyang pagtawag sa aking pangalan. Napangiti ako at lumapit sa intercom.
Sa tingin ko ay alam ko na ang sagot sa katanungan sa aking isip.
"Nathaniel, na-inlove ka na ba?" Narinig kong bigla siyang napaubo, hindi ko alam kung dahil sa aking tanong o may iba pang dahilan.
"I'm sorry, nagulat lang ako sa question mo. Can you repeat ypur question?" Tumango ako na para bang makikita niya 'yon. You're totally crazy, Antheia.
"Na-inlove ka na ba?" May narinig ulit akong strum galing sa gitara, soft lang ito at hindi siya kumakanta.
Para bang background music and its actually sweet. . .for me.
"I think mali ang question mo sa akin. Bakit hindi mo sa akin itanong kung are you inlove imbes na na-inlove ka na ba?" Napakagat ako sa aking labi at halos matusok nang kuko ang aking palad dahil sa sobrang diin nito.
"Are you. . .inlove? Kanino?" Halos pigil na pigil ang aking hininga. Bakit ganiyan ka, Nathaniel?
Hindi nga mabilis ang tibok nang aking puso ngunit ramdam ko naman ang kaba.
Hindi nga ako kinikilig pero ramdam ko panginginig at pag-init nang mukha.
"Yes, I'm inlove. With someone who can't be mine. Sa isang tao na bigla lang ay dumating sa akin. I'm inlove with a moon na I know kaya kong abutin pero. . ." Bigla ay narinig kong tumunog ang intercom. Tunog ito kapag tinigil ng taong kausap mo ang nasa kabilang linya.
Nagsalita ako pero hindi siya sumagot. I asked him if he's alright but I didn't get a response.
Tinignan ko ang bintana, wala roong istatwa na nakatayo.
Nanatili pa akong nakatayo sa tapat ng kanilang gate pero ilang minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya nagsasalita.
Bumuntong hininga muna ako saka nagsalita sa intercom.
"Bukas na lang ulit," pagpapaalam ko bago tumalikod sa bahay. Umaasa akong may maririnig na boses at pipigilan muna akong umuwi pero wala.
Baka may mas importante pa siyang kakausapin keysa sa akin. Afterall, sino nga ba naman ako sa buhay niya?
•••••
03-21-2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top