CHAPTER 3
Tuwing umaga ay pumupunta ako sa bahay nina Nathaniel. Hindi dahil ito ang kaniyang hiling kundi ginugusto ko rin.
Isang linggo na rin ang nakalilipas noong una kong marinig ang kaniyang boses.
Isang linggo. . . ngunit hindi ko pa rin nakikita ang kaniyang mukha.
Wala namang problema sa akin kung ayaw niya talagang lumabas pero syempre gusto ko rin siyang makausap ng personalan hindi lang sa intercom.
"Labas ka na kasi," pamimilit ko pero isang tawa lang ang kaniyang isinagot. Bukod sa tinatamad daw siyang lumabas ay nahihiya rin. Gusto niya raw kapag nagkita kami ay iyong maayos siya.
Nasabi rin niya sa aking mommy niya lang ang kaniyang kasama. Iyong daddy niya nandoon sa unang asawa. Pangalawa lang sila sa madaling salita pero wala naman daw siyang hinanakit. Siguro noong una raw ay nagalit siya ngunit sa huli'y naunawaan din.
Magkasundo sila ng Daddy niya dahil minsan-minsan ay bumibisita raw ito.
"Ba't kayo lumipat?" tanong ko saka sumipsip sa dala-dalang chocolate drink.
"Its kinda weird pero ang dahilan ay nagsasawa na raw si Mommy sa mga mukha ng kapitbahay namin. Gusto niya raw ng bagong kachismisan." Natawa ako sa narinig na dahilan. Napaka-weird naman kasi talaga.
"Asan si Tita?" I asked ng dumapo ang tingin sa loob ng kanilang garden, hindi kalayuan sa garden ay nandoon ang garahe. Wala ro'n ang kotse nila.
"Namili ata ng. . . supplies?" Bakas sa boses niyang hindi siya sure sa kaniyang isinagot.
Isang beses ko pa lang nakita ang mommy ni Nathaniel. Hindi ito katangkaran ngunit maputi, shoulder length ang brown na buhok. Hindi mo agad mahahalatang may anak na ito kung hindi mo pa tatanungin. Para lang kasi siyang nasa mid 20's.
Gusto kong mainggit dahil mas mukha siyang teen keysa sa akin.
Nang mapansing wala ng nagsasalita ay sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sabay kaming natawa. Dahil do'n ay muli akong natawa.
May koneksyon talaga sa aming dalawa.
Muli ay nagbukas siya ng topic. Sasagot siya sa tuwing may itatanong ako, kapag siya naman ang nagtatanong ay sasagutin ko.
"Bukas ulit." Nagpaalam na kami sa isa't isa. Nilapitan ko ang bisikleta saka sinilip ang bintana, napangiti ako ng makitang may istatwa sa likod ng kurtina. Kinawayan ko ito pero hindi siya kumaway pabalik.
Nagkibit-balikat na lang ako sabay sakay sa bike. Habang nagbibisikleta palabas ng kanilang subdivision ay nakasalubong ko ang pamilyar na kotse.
"Si Tita," bulong ko at nilingon iyon. Nanlaki ang aking mata nang huminto ito at ibinababa ang bintana. Sumilip do'n ang Mommy ni Nathaniel.
Nilingon ako nito saka nginitian. Sumenyas siyang lumapit ako kaya ganoon ang aking ginawa.
"You're Antheia, right?" Kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tumango ako't pilit na ngumiti.
"Don't be too nervous, Iha. I just want to say thank you. . . for everything. . . for making my son happy. Hindi mo alam kung gaano ko ikinagagalak na makitang tumatawa si Nathaniel." Nahihiya akong ngumiti. Hindi ko alam kung ano gagawin kaya walang salita na lumabas sa aking bibig. Nahihiya ako.
"Mag-ingat ka sa pagbibisikleta," nakangiti nitong paalala bago isinarado ang bintana. Parang biglang nawala ang mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kinabahan ako ro'n.
Pagkauwi ko ng bahay ay si Kuya lang ang aking naabutan. Nagdeliver daw si Mommy at mamayang 7:00 pa ng gabi ang uwi ni Papa.
"Saan ka galing, panget kong kapatid?" Inirapan ko siya at umupo sa single sofa. Nasa double sofa siya nakaupo habang may nakapatong na popcorn sa kaniyang binti.
Tutok na tutok siya sa panonood ng basketball ngunit sigurado akong hinihintay niya ang aking sagot.
"Oy, ano na? Bingi ka na ba? Saan ka kako pumunta?" Inirapan ko siya saka inagaw ang popcorn.
Sinabi kong galing ako kina Eliza, mabuti nga't naniwala. Hindi pa ako ready'ng sabihin ang tungkol kay Nathaniel.
Ibinalik ko kay Kuya ang popcorn saka tumayo. Umakyat ako ng hagdan at pumunta sa kuwarto.
Dumiretso ako sa balkonahe ng aking kuwarto. May hanging chair do'n na paborito kong inuupuan. Tamang-tama kasi iyon tuwing naiisipan kong tumambay ng gabi, o kaya kapag hindi dinadapuan ng antok.
Umupo ako sa hanging chair at nilingon ang kalsada ng subdivision. Kita galing sa kalsada ang balkonahe na ito.
Napangiti ako ng makita ang tatlong bata na naghahabulan. Isang lalaki't dalawang babae.
Nakangiti ko lang silang tinitignan ng mapalingon sa aking direksyon ang batang lalaki, kumaway ako ng nginitian niya ako.
Sumenyas ito na para bang pinapalapit ako. Tinuro ko pa ang aking sarili para masiguradong ako ang kinakausap.
Pumasok ako sa kuwarto at saka lumabas. Ilang sandali lang ay nasa labas na ako ng bahay.
Tinanong pa nga ako ni Kuya kung saan na naman daw ako pupunta. Sinabi ko na lang na lalabas lang.
Tinalo pa talaga niya sina Mommy. Bawat labas ko sa bahay ay tatanungin niya kung saan ako pupunta. Hindi naman mahigpit si Kuya pero gusto niya ay alam niya kung saan ako tutungo.
Pero hindi no'n mababago na mapang-asar siya.
"Hello, Ate!" bati niyong batang lalaki ng lumapit ako sa kanila. Napalingon sa akin iyong dalawang batang babae, ngumiti sila na ginantihan ko rin nang pagngiti.
"May gusto ka bang sabihin kaya mo ako pinapunta rito?" tanong ko. Kitang-kita ko ang pamumula nang kaniyang pisnge ng sandali ay dapuan ng tingin iyong batang babae. Morena ito, kulay itim ang buhok na hanggang kilikili, at pabilog ang mukha. She's cute.
"Sasali ka ba sa laro, Ate?" tanong niyong isa. Ito namang isang babae ay morena rin at kulay brown ang wavy hair na lampas ang haba sa dibdib.
"I do love, too. Pero ano munang mga pangalan niyo?" Isa-isa silang nagpakilala, nagulat pa ako no'ng sabihin niyong batang lalaki na Nathaniel ang pangalan niya.
Dahil tuloy ro'n ay hindi na mawala-wala ang ngiti sa aking labi.
Nagmukha man akong isip bata ay masaya akong nakisali sa laro nilang tatlo. Noong una ay habol-habulan hanggang sa naisipan nilang mag-tumbang preso.
Napuno ng tawanan naming apat ang kalsada. May minsan napapasilip sa kanilang bintana at sasabihing hinaan ang boses.
Hindi ko alam kung anong oras na basta ay masaya ako. Masaya akong muli kong nalaro ang mga larong sa probinsiya ko lang malalaro.
Iba na kasi talaga ngayon. Kung dati ang mga bata ay tsinelas ang hawak-hawak ngayon ay cellphone.
Nagpaalam ako kina Tyra at Vina ng tawagin na sila ng mga magulang. Nagtataka ko namang nilingon ang batang Nathaniel, nakaupo kasi ito sa tabing kalsada.
"Ate, alam mo 'yong crush?" Nilingon ako nito ng may inosenteng tingin. Tumabi ako sa kaniya bago tumango.
"Nabasa ko po kasi sa isang libro. Masasabi mo raw na crush mo ang tao kapag masaya ka tuwing nakikita mo siya." Nangingiti pa itong nagsasalita na para bang may naiisip.
"Ate Antheia, sa tingin mo magugustuhan ako ni Tyra sa paraang ng pagkagusto ko sa kaniya?" Nagulat ko siyang nilingon. Grabe naman sa pagiging straight-forward nito, I mean una pa lang naman ay nahalata ko nang may crush siya kay Tyra. Kung makatitig kasi ay unti na lang matunaw na ang babae.
"Hindi naman impossibleng hindi ka niya magustuhan pero baka nakalilimutan mo, 10 years old ka pa lang. Ang tutukan mo ay ang pag-aaral. Okay?" Tumango-tango siya na para bang naliwanagan sa isang bagay na kaniyang iniisip.
Ilang minuto lang ay nagpaalam itong uuwi na ngunit hindi pa man nakalalayo ay lumingon ulit siya sa akin.
"Ate, pagka-eighteen ni Tyra. Liligawan ko siya." Hindi pa man ako nakasasagot ay tumakbo na ito palayo. Natatawa akong umiling.
Sandali ko munang pinalipas ang oras hanggang sa maisipan ng tumayo. Agad akong napalingon sa hindi kalayuan ng may mapansing gumalaw. Pinanliitan ko ito nang mata para makita ng maayos ngunit wala naman.
Gutom na ata ako.
•••••
03-19-2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top