CHAPTER 2
"What are you doing there, lady?" Kagaya kahapon ay nanigas ako sa aking kinatatayuan, mabilis din ang kabog ng aking puso na para bang may humahabol dito.
Hindi ko pa rin nililingon ang intercom o ni-alisin ang paningin sa bike ay hindi ko magawa. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Ano bang ikinahihiya mo, Antheia? Go, harapin mo ang pinasukan mong kalokohan.
Huminga ako nang malalim saka hinarap ang intercom. May pinindot ako ro'n upang marinig ng taong nasa kabila ang aking sasabihin.
"Uhm, hmm. Yah." Napasapo ako sa aking noo at parang ewan na tinakpan ng dalawang kamay ang mukha. Ano bang nangyayari sa akin?
"So, is there something you want to discuss?" Bahagya akong umatras at sinilip ang bintana, nakasarado pa rin ito.
"Anong sinisilip mo riyan?" Napapahiya akong ngumiti, lumapit na lang ako sa intercom.
Kung nakita niya akong nakasilip, ibigsabihin ay nakatingin siya rito sa labas at nakikita ng taong iyon ang pinaggagagawa ko.
Should I say sorry dahil sa ginawa naming magkakaibigan kahapon?
"Lady——"
"Don't call me Lady, its too formal. Just call me Antheia," pagputol ko sa balak nitong sabihin. I heard his okay kaya napangiti ako.
"Kahapon nga pala. Pasensya na kung doorbell niyo ang napagtripan namin." Napakamot ako sa aking kilay ng walang marinig na sagot. Galit pa rin ata.
"Oy, sorry na. Nasira ba namin 'yong doorbell niyo? Hindi na ba natunog?" tanong ko sabay pindot sa doorbell. Nagulat ako ng marinig ang tunog nito.
"Hala, sorry. . .Oy, sumagot ka naman." Natigilan ako ng marinig ang pag-ubo sa kabilang linya at ilang segundo lang ay narinig ko ang isang bagay na nabasag.
"Oy, ayos ka lang? Anong nangyayari?" Ilan pang ubo ang narinig ko bago ulit siya magsalita.
"Yah, I'm okay. Nasamid lang dahil sa kinakain. And, about what happened yesterday, ayos na 'yon." Napangiti ako dahil sa aking narinig. Siguro naman ay matatahimik na ako, siguro naman ay patutulugin na ako ng aking isip.
"Oh, by the way. What's your name?" I asked at muling sinilip ang bintana, may nakikita ako roong tao. Naaninag kong nakatayo siya at nakatingin dito.
"Nathaniel, but you can call me Nath."
Kinagabihan ay maaga akong nakatulog. Siguro nga ay kinailangan ko lang talagang humingi ng pasensya lalo pa't bagong lipat sila tapos ganoon agad ang mangyayari.
Ala-sais ako nagising, mas maaga sa normal kong oras ng pagtayo. Nagulat pa nga si Kuya ng makita akong bumababa ng hagdan.
"Oh, Antheia'ng panget. Maaga ka ata?" Inirapan ko lang siya at nilampasan. Dumiretso ako sa kusina upang magluto ng itlog, hotdog, tocino at sinangag para sa umagahan namin.
Once in a blue moon ko lang ginagawa ang pagluluto ng aming umagahan dahil na rin sa oras ng aking paggising. Kung hihintayin pa nila ako ay baka maging pananghalian na ang dapat na umagahan.
Eksaktong pagbaba ni Mommy at Papa ay siyang tapos ko rin ng pag-aayos sa lamesa. Parehas sila ng naging reaksyon, gulat na gulat na para bang ganoon na lang talaga ka-impossibleng magising ako nang maaga.
"Weird niyo you know? Tara na nga, kumain na tayo," natatawa kong sabi saka umupo sa upuan. Umupo na rin silang tatlo. Ako ang naglead ng prayer bago kami nagsimulang kumain.
"Ang aga mo ata, Anak." Nilingon ko si Papa pagkatapos sumubo ng sinangag. Hindi na lang ako sumagot.
"Na'ko, Pa. Maaga 'yan kasi may kikitain 'yang lalaki." Sinamaan ko ng tingin si Kuya, hinintay kong maubos ang laman ng aking bibig bago magsalita.
"Paepal ka, Kuya. Palibhasa ikaw, maaga ang gising pero ang totoo umaga na gising pa rin." Nilingon ko si Mommy na aking katabi.
"Alam niyo, Pa, Mommy. Si Kuya alas singko na natutulog kaka-mobile legends." Nilingon ko si Kuya sabay belat, nag-make face lang ito at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.
"Anthony, hindi kita pinipigilang maglaro ng larong iyan pero huwag mo namang ipagpalit ang pagtulog dahil sa laro. Mas importante pa rin ang kalusugan, Anak." Binelatan ko ulit si Kuya. Akala niya riyan, huh. Hindi naman kasi puwedeng magpapabully ako sa aking kapatid, wala namang masama kung minsan ay papatulan mo.
Natapos ang umagahan namin. Si Papa ay nag-ayos na para sa kaniyang trabaho, si Mommy naman ay magbebake dahil may order sa kaniya. Pagbebake ang pampalipas oras niya. Kami naman ni Kuya ay parehas na nakatengga, summer kasi kaya walang pasok.
Naisipan kong lumabas, tinungo ko ang aming garden at doon ay nagpahangin. Diniligan ko ang mga ito habang nagsasalita. Kwinekwento ko ang gusto kong i-kwento hanggang sa bigla na lang lumabas sa aking bibig ang pangalang Nathaniel.
Kumusta naman kaya siya?
Umiling-iling ako sabay upo sa damuhan.
Hinihintay niya kaya akong bumalik?
What? As in, what? Kung ano-anong tanong ang pumapasok sa aking utak.
Bakit naman niya ako hihintaying bumalik? Ni-hindi nga niya ipinakita ang mukha no'ng nag-uusap kami kaya I'm sure hindi siya interesado sa akin.
Ano naman kung hindi siya interesado?
Oh my freaking brain. Ganito na ba ang epekto ng summer? Tumayo ako at naglakad papunta sa garahe kung saan nakatago ang aking bike.
"Ahm, lilinisin ko. Tama, lilinisin ko kasi marumi na 'yon," pagkukumbinsi ko sa aking sarili. Siguradong mapagkakamalan akong baliw kapag may nakakita sa akin, dagdag mo pa ang pagtango-tango ko na parang may kinakausap talaga.
*****
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nagba-bike patungo sa subdivision nina Nathaniel.
Hindi naman ata masamang mangamusta.
I chuckled at pinagpatuloy ang pagpedal.
Ilang minuto ang lumipas nang makarating na sa tapat ng bahay. Wala pa ring ipinagbabago, sarado ang pinto't mga bintana.
Lumapit ako sa intercom at may pinindot.
"Hey." Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat at napakamot sa tainga. Hindi ko inaasahang magsasalita siya kaya naman medyo nagulat ako.
"Hey. Hmm, actually napadaan lang ako," aniko at tumalikod na.
"Really? Kaya pala nakita kitang nagba-bike na patungo sa bahay namin." Huminga ako nang malalim at muling nilingon ang intercom.
Hindi naman ata masamang makipagkwentuhan.
"Fine. Pumunta talaga ako rito para mangamusta. So, how's your day?" Rinig na rinig ko ang mabigat niyang buntong-hininga na agad na ikinangunot ng aking noo.
"Why——?"
"Nothing. Wala namang special sa bawat araw ko pero, yeah, ayos naman. You, kumusta ka naman? Asan pala ang mga kaibigan mo?" Sinabi ko sa kaniyang maayos din ang araw ko. Iyong tungkol naman kina Eliza ay hindi ko na nasabi dahil may panibago na naman siyang tanong.
Atleast hindi siya boring kausap.
"Bakit hindi ka lumabas para dito tayo magkwentuhan?" Nangunot ang aking noo ng tawa ang isagot niya.
"Bakit pa ako lalabas? Saka tamad akong maglakad, mas gusto kong nakahilata sa aking kama," pahina nang pahina ang boses niya habang tinatapos ang sinasabi. Nagkibit-balikat na lang ako saka nagtanong.
Inabot ng halos dalawang oras ang pagkwekwentuhan namin. Madali kaming nagkalagayan ng loob at wala akong nararamdamang awkwardness which is good.
"Antheia." Tumayo ako sa pagkakaupo sa semento saka lumapit sa intercom. Rinig ko naman kahit nakaupo ako kaya lang ay nangangalay na ako sa pagkakaupo.
"Yes?"
"Can you give me a favor?" Bago sumagot ay nilingon ko ang bintana. Inaninag kung nandoon ba siya ngunit napabuntong-hininga ng makitang wala.
"Yah, sure. What is it?" Napahigpit ang hawak ko sa aking shirt ng marinig ang sunod niyang sinabi.
"Puwede bang bumisita ka rito araw-araw?"
"Why?" tanong ko.
Naghintay ako nang susunod niyang sasabihin pero wala. Baka gusto niya lang ng makakausap.
•••••
03-18-2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top