68

Damn it.

I know it's already been in the past. But why does he have to lie to me? Bakit kailangan niyang ilihim na naging sila ng best friend niya? Is it because he still loves her?

Greatest love, e. And greatest love is the worst kind of enemy when it comes to your lover. Tangina.

Ano ba talaga, Salem?

Gulong gulo na ako sa 'yo.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko at tila pinatay ako sa narinig mula kay Salem pagkapasok ko palang sa penthouse niya.

“Don’t worry. Sasabihin ko rin sa kan’ya kapag handa na siya. Kapag kaya na niya yung sakit—”

“Anong kailangan kong marinig, Salem?” pilit kong pinatatag ang boses ko.

Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Hindi siya makaharap sa akin. Napalunok ako kasabay ng pagkuyom ko sa kamao ko.

“Harapin mo ako at sagutin, Salem. Ano ang kailangan kong malaman?” may halong galit kong tanong.

Binaba niya ang cellphone niya bago siya humarap sa akin.

“Listen, baby—”

Marahas akong umiling. “Huwag mo ‘kong matawag-tawag na baby kung ginagago mo ako!”

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkakagulat.

“Sinungaling ka!” punong puno ng hinanakit at galit kong sigaw habang tinuturo siya.

“Sabi mo ako lang? Bakit nalaman kong naging kayo pala ng best friend mo? At greatest love mo pa pala, putangina.” Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis bago marahas na bumuntonghininga.

“Ayos na sana, e. Itatanong ko lang sana kung bakit ka nagsinungaling pero naabutan kitang may kausap at mukhang sasaktan mo pala ako?“ pagak akong natawa. “’Yan na ba yung best friend mo, Salem? Binabawi ka na ba niya sa akin? O iba na naman ’yan? Bakit mo ako ginagago, Salem? Anong kasalanan ko sa ’yo?” halos iyak kong tanong sa kanya.

Umiling siya at humakbang papalapit sa akin pero habang lumalapit siya ay umaatras ako papalayo.

“Baby, let me explain please. . .”

Tumigil ako sa pag-atras.

“Sige! Sabihin mo ngayon din. Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit balak mo akong saktan? Bakit hindi ka makapag-open up sa akin? Sinong yung kausap mo kanina? May iba ka na ba? Minahal mo ba ako?” sunod sunod kong tanong.

At habang nakatingin sa kanya parang nabudburan ng asin ang malalim kong sugat sa natanto.

Hindi ko na kilala ang Salem na kaharap ko ngayon. Hindi na siya yung Salem na minahal ko. Ang dami ko nang hindi alam sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay napailing siya.

Bumagsak ang mabigat kong luha. “Ano? Hindi mo ako masagot?”

Napapikit siya at umiling.

“Bakit?”

Hindi siya sumagot.

Mapait akong natawa at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. “Talagang wala kang tiwala sa akin ‘no?”

Dumilat siya at tumingin sa akin. Namumula ang mga mata niya.

“Baby. . .”

Umiling ako.

“Tama na, Salem. Alam ko namang iiwan mo rin ako e. Alam ko namang may iba ka na. Kaya pala kayang kaya mo akong iwan lang kasi may sumasalo naman pala sa ’yo. Kaya pala hindi ka makapagsabi ng nararamdaman mo sa akin kasi may sinasabihan ka na pala. Akala ko pa naman ako ang kailangan mo kasi girlfriend mo ako e. Girlfriend. Alam mo ’yan ‘di ba? Pero iba na pala ang tinuturing mong girlfriend.”

Paulit-ulit siyang umiling. “No. . .”

“Huwag na tayong maglokohan, Salem. Tama na, ayoko na. Tapusin na natin ‘to.”

’Yan ang huling salitang binitawan ko bago tuluyang umalis sa buhay niya.

Hindi man lang niya ako hinabol.

Ang sakit.

Putangina, sobrang sakit.

Kasi ayaw ko naman talagang umalis e pero kailangan. Tangina, hindi lang naman siya ang iniwan ko ro’n e. Pati na rin ang puso at buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top