67

“Girl! May kailangan kang panoorin!” hiningal na bungad ni Yohan nang makapasok siya sa office ko.

Malaki ang ngiti kong tumingin sa kanya dahil katatapos lang mag-aya ni Salem na mag-dinner kami sa penthouse niya. Na-miss ko ’yon at masaya akong bumabalik na kami sa dati.

“Ano ’yon?” tanong ko.

Tumakbo siya papalapit sa akin at binigay sa akin ang phone niya. Kinuha ko iyon at kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang naka-pause na YouTube video kung saan nandon ang younger version ni Salem na kaharap ang isang babaeng mukhang host sa isang talk show. Mukhang interview sa kanya bilang manunulat base sa title ng video.

Umangat ang tingin ko kay Yohan. “Bakit ‘to?”

Umiling si Yohan. “Basta panoorin mo! I think kailangan mong mapanood ’yan.”

Napanguso ako at binalik ang tingin sa phone niya. Agad ko namang ni-play ang video.

Ang mga naunang tanong ng host ay kung kailan siya nagsulat at kung paano siya naging publish author at gaya ng naging sagot ni Salem sa akin, gano'n din ang naging sagot niya rito sa interview.

Pero agad na nakuha ang atensyon ko nang tinanong siya ng host kung sino ang inspirasyon niya sa pagsusulat at kung may girlfriend na ba ito.

Umabot hanggang tainga ang ngiti ng batang Salem. Mga ngiti niya tuwing nakatingin siya sa akin ngayon. Natulala ako saglit nang matanto kong mukhang umibig na rin siya noon.

“Actually, it was my best friend . . . na girlfriend ko na ngayon.”

Nalaglag ang panga ko sa pagkakagulat. Sumikip ang dibdib ko at tila nabasag ang puso ko sa narinig. Inulit ko pa hanggang sa makasiguro akong tama ang narinig ko.

“Oooh, what an interesting story! Paano ka umamin sa kanya? At paanong naging kayo?”

“After my book became the best selling book. I collected all of the poems I secretly wrote for her. I personally made it as a book and gave it to her. Inside those poems I was low-key confessing to her. And she got it right and confessed her feelings for me, too. And that's how me and my greatest love start our love story.”

Greatest love. . .

Damn it.

You fucking liar, Salem Alexandrius!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top