64
“Na-miss kita. . . sobra,” bulong niya sa tainga ko habang mahigpit kaming magkayakap matapos lang naming nagkita rito sa office ko.
“Ako rin. . .” mahinang saad ko at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya.
Napansin kong namayat siya. Napabuntonghininga ako nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap. I cupped his face to check him. Hinayaan niya lang ako.
Namayat nga siya. Ang itim din ng ilalim ng mata niya, halatang ilang araw na wala siyang maayos na tulog. Mukha rin siyang pagod na pagod.
“Anong nangyari, by?” bakas ang pag-aalala sa boses kong tanong.
Hinawakan niya ang dalawang kamay kong kumukulong sa mukha niya. “Sobrang dami ko lang inasikaso. Magiging okay din ako, hmm?”
Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko hanggang sa lumabo na siya sa paningin ko. “Hanggang kailan ka maglilihim sa akin? Hanggang kailan mo sasabihing magiging okay ka rin? Ramdam kong may problema, Salem e. Hindi lang ’yan trabaho e. Magsabi ka naman oh. Hirap na hirap na akong mangapa sa dilim e.”
Lumipat ang mga kamay niya sa pisngi ko at pinunasan ang mga luhang nakatakas mula sa mata ko. “Saka ko nalang sasabihin kapag kaya ko na ha?”
“Tayo pa naman, ‘di ba?” kinakabahang tanong ko.
Tumitig siya sa mga mata ko bago siya tumango. “Of course, baby.”
“Kung ayaw mong mag-open up sa akin. Anong gagawin ko para makatulong sa ’yo?”
Napapikit ako nang nilapit niya ang mukha niya sa akin. Ngayon ay magkadikit na ang noo namin. I felt him brush his soft lips against mine.
“Just stay. . .” he whispered against my lips. Malakas ang pagkabog ng puso ko at napatigil ako sa paghinga.
“‘Yan lang ang gusto kong gawin mo. Just stay, baby. It really helps me to keep going. . .” he softly whispered before crashing his lips on mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top