62
career>>>
00:50AM
putangina
tara inom
***
“Nine, tama na ’yan. Lasing ka na,” pag-aawat sa akin ni Vesper sabay hila sa bote ng alak mula sa kamay ko habang kasalukuyan kong iniinom ito. Agad ko iyong hinabol pero agad din akong sumubsob sa sahig. Tumawa ako hanggang sa napalitan iyon ng paghikbi.
Tinulungan ako ni Yohan na makatayo pero tinulak ko siya papalayo at nanatiling nakahiga sa malamig na sahig.
“Tangina. M-Miss ko na siya. . .” hikbi ko.
Naramdaman ko ang pag-upo nila sa tabi ko. Iniangat ni Yohan ang ulo ko saka niya iyon pinatong sa hita niya para maging unan ko. Dahil don ay mas lalo lang akong umiyak na parang bata.
“Bakit ganon? Bakit parang ako lang ang nagkakaganito sa amin? Bakit parang okay lang sa kanya na mawala ako? Ang daya. . . Ang daya daya niya.”
Tinapik ni Vesper ang balikat ko kaya mas lalong sumikip ang dibdib ko. Niyakap ko ang sarili ko at dahil sa ginawa kong paggalaw ay biglang umikot ang paningin ko at tila gumaan ang katawan ko.
“Ang daya niya! Bakit ako lang lagi ang nagbababa ng pride sa amin? Bakit ako lang ang hindi nakakatiis sa amin? Nakakainis!”
“Kami pa rin ba? Kasi pakiramdam ko wala na kami e. Ang sakit. Bakit ganon? Puro nalang siya sorry pero palagi pa rin kaming hindi okay. Bakit. . . parang nag-iba na siya?” paos kong tanong.
Sa sobrang sikip at bigat ng damdamin ko ay wala na akong masabing salita. Sinigaw ko nalang lahat ng hinanakit ko hanggang sa tuluyan na akong napahagulgol at maya-maya pa ay dumilim na ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top