55

Salem_
09:32PM

baby

nagkaron ka ba ng
girlfriend before me?

Wala, baby

You're my first and last

(Sigurado na ako diyan)

Bakit mo natanong?

anue baaaaa

wala, na-curious
lang ako bigla

binasa ko rin kasi yung
isa mong book na
'Always You' yung
pinaka-sikat na
book mo

paano mo nasulat yun?

ang ganda!

like parang naranasan
mo talaga e

Like na nga parang pa
ano ba, baby😭

HAHAHAHHAA

che

HAHAHAHAHA

pero ang galing mong
mag-sulat

as in

I'm a fan🫶🏻

Thank you, baby

pero paano ka nakakasulat
ng ganong mga scene?

I've watched too many movies

And read too many books
to be inspired in writing
my own story

Yung mga scene na gusto
kong panoorin o basahin
pero hindi ko mahanap
kaya sinusulat ko nalang

grabeee🙇🏻‍♀️

ang galing!

kailan ka naging publish
author? at paano?

I was eighteen back then

Nagkasakit si papa at
kailangan ko ng pera

Hindi na ako pwedeng
mangutang non kasi
baon na talaga kami
sa utang

At wala rin akong
mahanap na trabaho

I was so hopeless

Hindi ko na alam ang
gagawin ko

and?

And then suddenly my
best friend suggested that
I can apply my story to some publishing house

successful?

Nope

ha? bakit?

Sobrang daming errors
na kailangang i-edit

Marami ring loopholes

What do you expect
for a first timer?

Pasuko na talaga ako

Pero yung kaibigan ko
talaga ang desidido at
naniwala na may potential
ang story ko

Sabay naming inayos
yon at inedit

Halos hindi na kami
natulog matapos lang
agad namin yon

Mas inuna pa namin
yun kesa sa thesis
namin HAHAHAH

napaka-supportive
naman nya

Grabe, bilib talaga
ako don

tapos? anong nangyari?

Nung natapos namin yun

May isang publishing
house sa New York ang
naghahanap ng novel
na romance ang genre

Nagdadalawang isip pa
'ko non kasi don nga sa
Pinas ni-reject yung story
ko, sa New York pa kaya?

Pero 'tong kaibigan ko
hindi pa man ako nakaka-
decide sinend niya na sa
gmail nung publisher
yung story

Wala talaga akong tiwala
na papasa yung story

But then after 3 days

natanggap ka?

Yes

woahhh

ang galing!!

Yeah tuwang tuwa kami
non ng kaibigan ko

Sabi ko dapat pangalan
namin ang nasa libro

Pero tumanggi siya

Ayaw ko kaya pinilit ko siya

Kaya sinabi niya na
Alexandrius ang gamitin
kong penname ko dahil
mas gusto niya yun na
pangalan ko kesa sa Salem

That way parang kasali na siya

I hated my second name
back then

Kaya parang quits
lang kami

At hanggang ngayon
yun pa rin ang gamit ko

At swerte ako kasi yung
perang bayad sa libro ko,
yun ang pinanggamot ko
kay papa at pinambayad
ko sa utang namin

grabeee

life is full of unexpected
plot twist talaga

Yeah

And that book is 'Always You'

ang special ng librong yan🥺

Sobra

Kaya hanggang ngayon
malaki ang pasasalamat
ko sa kaibigan ko na yan
kasi hindi siya sumukong
ipush ako at suportahan ako

sino siya?

bakit hindi ko
siya nakikita?

Ipapakilala ko siya
sayo soon

is it a boy? or a girl?

A girl

oh okay

Don't be jealous, baby

You're the only one that
I love and will always
be my love

oo na

I love you

I love you more, baby

good night maaga pa
tayo bukas

Good night, baby

Sleepwell
(🤍)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top