Louie


Waking up smiling is the best way to start your day. Ngayon ko lang napagtanto ang sabi nilang 'every gising is a blessing'. Napahawak ako sa labi at napangiti, may humalik sa akin kagabi.

"Ohayou Gozaimasu!" Napangiti ako nang batiin ako ni Hazel na naroon sa kusina, gumagawa ng tsaa. Mukhang walang pinagdaanan kagabi.

"Hindi magandang umiinom ng tsaa kapag walang laman ang tyan." I dismissed Hazel's bubble bringing a cup of tea at the dining.

"Tikim lang." Hinipan niya ang tasa at tinikman iyon, "Ikaw nga."

Tinikman ko ang tsaa na inihanda niya, napangiwi ako. "Dapat hinayaan mo munang mag-brew ng mas matagal."

"Ay, ganon?"

Naglakad ako patungo sa kusina, sumunod naman si Hazel. Inobserbahan ko ang inihanda niyang brew, "at saka masyadong kaunti ang dahon."

Hinablot ko ang kamay ni Hazel, natigilan ako dahil sa init na dumaloy sa dugo ko sa muling pagdampi ng aming mga balat. Inilagay ko ang kamay niya sa container ng sencha tea at nagpanggap na seryoso, kinontrol ko ang pagkuha niya ng karagdagang dahon at dinala ko iyon sa teapot nang hindi binibitawan ang kanyang kamay. Ayaw ko mang aminin pero gusto ko ang pakiramdam na hawak ang kamay niya at nangangarap ako na sana ganoon din siya.

"Louie, kung dito na lang kaya ako?"

Huminga ako ng malalim, hindi nagmadali sa isasagot. I don't want to look too eager.'

"Extend mo ang bakasyon mo?" Kunwa'y balewalang tanong ko.

"As in dito na lang ako. Kasama ka. Tulungan kitang humuli at magdeliver ng isda. Igagawa kita ng tsaa. 'Pagluluto kita. Madali lang naman matutunan ang mga 'yun."

May naglarong ngiti sa labi ko. Hindi ko maintindihan kung natatawa ako sa idea o kinikilig.

"Hindi ko maimagine." I said, having cute thoughts in my mind that I internally shoo-ed.

"Yung dito lang ako o yung nangingisda ako?" Hazel asked innocently.

"'Yung araw-araw kong nakikita ang pagmumukha mo."

"Ayaw mo nun? Para kung malungkot ka, ako ang magpapasaya sa iyo, ganern."

"Bakit naman ako malulungkot?" Nakaramdam nga lang ako ng lungkot nung dumating si Hazel. Sa sobrang emo niya, naalala ko na naman iyong mga nagpapalungkot sa akin.

"Wait, so ayaw mo sa idea ko?" She looked offended.

"Idea na?"

"Dito lang ako."

Seryoso siya. Hindi ko magawang barahin siya this time. Napakawalang puso ko naman kung gagawin ko iyon.

"G-gusto." I truthfully said. "Pero—"

"Pero?"

"Pag-isipan mo muna ng mas matagal." Minadali kong tikman ang tsaa para maiwala ang usapan. "Ayan, mas may lasa."

Pagkatapos ng breakfast, isinama ko si Hazel sa fishport. Nakasuot din siya ng jumpsuit kagaya nu'ng sa akin. Nanghiram kami ng fishing boat sa kaibigan kong mangingisda dahil sa ganitong oras nakauwi na ang mga mangingisdang magdamag pumalaot para sa huli. Wala naman akong balak manghuli kagaya ng normal kong nakagawian, vacation mode pa rin ako. Gusto ko lang maintindihan ni Hazel ang trabaho ko para kabahan naman siya sa mga 'idea' niya.

Good mood si Hazel habang tinutulungan akong hilahin ang net ng isda sa ibabaw ng balsa na nakalutang sa dagat.

"Louie! Never pa akong nagkakaboyfriend." Natatawang sambit ni Hazel.

"Sabi mo nga nu'ng isang gabi."

"Puwede bang ikaw ang pinakauna?"

"H-ha?" Mabuti na lang at nakakapit ako sa banlsa, kundi, baka nalaglag na ako sa dagat.

"Narinig mo ako."

"Paano kapag umuwi ka na sa Pilipinas?" Sumakay naman ako sa sinabi niya.

"Dito na nga ako, 'di ba? Ano game ka?"

Hindi ko maiwasan ang matawa, ang lakas ng trip ni Hazel. Tumango ako at nagpamewang. Hazel threw her arms at me. Gumalaw ang balsa pero wala siyang pakialam.

"Thanks, Babe. I love you. Tandaan mo ang petsang 'to, ah? Para 'pag monthsary at anniversary natin, aasa ako ng regalo."

Napailing na lang ako. Gusto lang yata magka-boyfriend ni Hazel para sa regalo. At saka 'I love you' agad? Hindi niya inisip na baka maniwala ako at mag'I love you too' sa kanya, mabilis pa naman akong umasa.

Tanghali nang nakabalik kami sa port. Hinila ko ang malaking crate na puno ng huli pero ipinilit ni Hazel na siya na ang gagawa.

"Pa-try, Babe."

Malayo ang inabot ng paghila ni Hazel sa net papalapit sa likod ng truck pero hirap na hirap siya. Tumakbo ako papalapit para tulungan siya. Dripping with sweat, she nudged my elbow and smiled, "pasado ba?"

"Mukhang bibigay na ang matres mo, 'o!"

"Sanayan lang iyan, Babe." She flexed her arm and creased her forehead, "Might Baby Nene!" Pagkasabi niya non ay pinatakan niya ako ng mabilis na halik sa labi. I looked around. Nakahinga ako nang walang nakakita.

"Teka, seryoso ba ang lahat ng 'to? Girlfriend na kita? At boyfriend mo na'ko?" Ang bilis naman. Hindi man lang ako nakapanligaw.

"Oo. At saka seryosong dito na rin ako for good."

"Bakit? Ano ba ang visa mo? Hindi naman puwedeng basta-basta ka na lang magpasyang tumira rito. May proseso." Nakalapit na kami sa mini truck ko.

"Magti-TNT ako."

Hazel said that as if it was easy. She hit something again inside me. That word triggered my sleeping anger.

"Maraming gan'un sa Japan hindi ba?" She continues.

"Huwag."

"Kaya dapat turuan mo akong mag-Nihongo para hindi mahalata na hindi talaga ako residente—"

"Tama na!" I growled, panting. Hazel took a step back. I knew I scared her.

"Ang lakas ng boses mo." Pinilit kong ibulong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #makiwander