Hazel


"Hindi naman porke ganito ako hindi na ako nasasaktan! Alam mo sumosobra na kayo eh. Balang araw, tatamaan din kayo ng karma, kingina niyo. At 'pag tinamaan kayo, panalangin ko, sa nguso kayo tamaan. Nang mabawas-bawasan iyang pamimintas niyo."

"Cut!" Sigaw ni Direk Fred. Isang linggo pagkatapos kong umuwi galing sa Japan, sa wakas ay nakapunta rin ako sa audition ngayong araw. Inayos ko ang buhok ko at naghabol ng hininga dahil sa matinding eksena. Nakatulala ang mga staff- production assitant, cameraman, at ang producer dahil sa acting ko. Nakikipagbulungan si Direk Fred sa producer bago sinulatan ang papel at nagtaas ng tingin sa akin.

"Iha, I like your acting, 'no? May pagka-bitchesa pero posibleng may heart of silver — sorry, I find silver better than gold. Fight me. But you get the idea, 'di ba?"

Tumango-tango ako, kinakabahan.

"Kaya I don't see you sa role ng bida. Kasi dapat 'yung bida natin, isang tingin mo lang – pak! – bida. Miss Friendship. Santa Lutgarda. Gets mo?"

"Yes, Direk."

Nagbulungan ulit sina Direk. Naiinip ko namang pinagsiklop ang mga daliri ko.

"Iha, are you willing to play a kontrabida role?"

Napatingin ako kina Mama at Papa na nakasilip sa malayo. They shrugged. Hinahayaan nilang ako ang magdesisyon sa pagkakataong ito. Sana itinext na lang ako ni Direk ang alok niya hindi itong ni-on the spot ako. Pero naisip ko ang career ko, nung nakaraang linggo lang, G na G ako maging rapper, kontrabida roles lang, tatanggihan ko pa?

"Game po ako." Kahit hindi ako sure kung kaya ko ba. Huminga ako ng malalim, naghahanap ng tamang sasabihin. "Banas naman na ang mga tao sa akin, so I think magiging effective po akong kontrabida."

"Hindi namaaaan..." Isang pekeng ngiti ang pinakawalan ng producer.

"Okay then, welcome to the project, Hazel. Oo nga pala, ate ka dito ni Tana."

Napakurap-kurap ako. "Tana.. Frias po? Siya po ang bida?"

"Tatlo kayong magkakapatid, puro babae. Ikaw 'yung middle child. Ikaw 'yung napariwara, kaya kontrabida ka. Si Tana at saka 'yung ate niyo sa kuwento, sila talaga 'yung bida sa show."

May bida na pala kaya wala na talaga akong tsansa para roon. Tumango ako. Magtiis sa kung anong meron, Hazel.

Lumabas ako ng audition room, tatalon-talon si Mama at masaya akong niyakap. Ngumiti na rin lang ako kahit hindi ako sigurado kung paano ako magsisimula bilang kontrabida.

"Hazel, masaya akong tinanggap mo. Tiyak na magiging maingay ang pagtanggap mo na kontrabida dahil malayong-malayo ito sa branding mo!"

"Ma, no choice lang tayo kaya huwag tayong magdiwang na parang big deal."

Inakbayan ako ni Mama, naramdaman ko ang init ng haplos niya sa buhok ko. "Walang kalatoy-latoy ang bida kung walang kontrabida. Huwag ka ngang nega! Masyado pang maaga."

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw. Sabi nung ibang artista, swerte pa nga ako dahil sa daan-daang artista, isa ako sa may project. Nagsimula na rin akong makisama sa mga kapwa ko sa industriya. Mas gumaan ang trabaho ko nang hindi na nila ako pinag-uusapan sa likod ko.

"Ma'am Hazel, heto na po ang ipinabibili niyo."

"Ay, salamat Kuya Poi." Tinanggap ko ang box ng paborito kong cheesebread.

"Sukli niyo po." Inabot sa akin ni Kuya ang palumpon ng barya.s

"Itago mo na iyan, Kuya. Inabala naman kita. Kuha ka 'o."

Kumuha ng isang cheesebread si Kuya Poi pero pinilit ko siyang dagdagan pa. Inalok ko rin ang stylist at ang iba pa na naroon sa waiting area.

Nag-ring ang cellphone ko habang nagmemeryenda, unknown number pero sinagot ko.

"Hello? Sino 'to?"

"Ano buhay ka pa?"

Pinanlakihan ako ng mata, "Sino 'to? Louie?"

"Nasa Manila ako."

Ni-double check ko pa ang caller ID para makasiguro. "Seryoso? Oo nga 'no, pang-Pilipinas ang number na pinantawag mol My God! Nandito ka nga!"

"Puwede ba tayong magkita?"

"Naku, nasa shooting kasi ako ngayon. Madaling-araw pa kami magpa-pack up sigurado."

Hindi agad nagsalita si Louie, siguro nag-iisip ng ibang araw, pero gusto ko na siyang makita kaya naman, "Punta ka na lang kaya dito sa set? Text ko sa'yo ang address."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #makiwander