1

CONTENT WARNING: This story contains fictional depiction of gender discrimination, self-harm, and violence. Reader discretion is highly advised.

***

ADONIS

I hate gays.

Marami akong rason kung bakit kinamumuhian ko sila pero ayaw kong i-specify lahat. Sa sobrang dami ay baka lalo lang akong mainis habang pinapaliwanag ko ang mga ayaw ko sa kanila. Ang masasabi ko lang, kumukulo na ang dugo ko kapag nahuhuli ko silang nakatitig ng malagkit sa akin. Sa sobrang pag-iwas ko sa katulad nila ay hindi ko na napapansin ang malaswa nilang tingin. Kung pwede lang sana silang paalisin sa eskwelahan na pinasukan ko, ginawa ko na.

Hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isip ko ang mukha nila na parang asong naglalaway at handang kainin ang aking laman. Alam ko naman na maganda ang aking katawan, postura, at mukha pero hindi ako kumportable kung sila ang pumupuri sa akin. I can't appreciate their admiration because I find it too vulgar and too creepy. Kinikilabutan lang ako sa mga salitang lumalabas sa bibig nila dahil palagi nalang may halong kahalayan.

"Ang pogi talaga ni Adonis," malanding sabi ng boses lalaki pero ang lambot magsalita. Hindi ko tinapunan ng tingin ang nagsabi no'n pero alam kong bading ang nagsabi.

"Daks siya 'te at mukhang masarap sa kama," dagdag naman ng kasama niya na ikinahinto ko sa paglalakad.

Anong sinabi niya? Masarap sa kama? What the fuck!

Pumantay ang kilay ko sa noo at marahas akong lumingon. I saw a group of gays standing in front of me.

"Who said that?" Kalmado pero may diin na sabi ko.

Nawala ang ngiti nila at umiwas ng tingin. Gusto kong matawa dahil halatang nagulat sila sa inakto ko. The hell I care! Sino ba namang matinong tao ang matutuwa sa sinabi nila. Unless that person really needs to have sex with them. Pota. I instantly shooed the thought away because I find it too disgusting.

I lost my temper again. But I need to control my emotions because the last time someone said that-that gay was rushed to the hospital.

"Sa tingin niyo magandang pakinggan ang sinabi niyo?" I demand.

"A-adonis," nauutal na sabi ng isang bakla na may suot na head band at pink na hair clip na nakaipit sa buhok niya. Seriously, ikina-babae niya ba 'yan? "Sorry sa sinabi ni Gio," dagdag na sabi niya at pasimpleng tumingin sa nakasalamin na nakayuko na ngayon sa harap ko.

"Siya dapat ang magsabi niyan," I mocked and pointed that nerdy gay.

Pasimpleng hinawakan ng kasama na tinawag niyang Gio. Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin, "s-sorry, h-hindi ko sinasadya."

My jaw clenched and gritted my teeth because I'm not satisfied with what he said. Ramdam kong nakatingin na ang mga tao sa amin at bad timing naman dahil baka sa DSAS na naman ang abot ko nito. Lintik na 'yan! Nangangati pa naman ang kamao ko.

"Hindi mo sinasadya, huh?" Pinilit kong pakalmahin ang sarili pero hindi ko talaga maiwasang mairita dahil pakiramdam ko sinadya niya talaga 'yon. I'm not assuming pero halatang-halata siya.

Mabilis siyang tumingin sa akin at nakayukong lumapit. Napaatras naman ako dahil baka mahawakan niya ang maselang parte ng katawan ko. Gano'n kabilis ang reflexes ko kapag may lumapit na kauri niya. I would not let him hold me because I remember something I hate in the past. Tumataas lang ang balahibo ko kapag dumadampi ang balat ng mga katulad niya sa akin.

"Sorry, hindi ko sinasadya."

Sarkastiko akong tumawa at marahas siyang kinuwelyuhan. Nagulat siya sa ginawa ko at napasinghap naman ang mga kasama niya. Pota, bakit hindi ko makontrol ang sarili ko? Sabing ayokong hawakan ang katulad niya pero ano 'tong ginagawa ko ngayon? Nakakainis.

"Sa susunod na marinig ko ulit 'yan. Hindi ako magdadalawang isip na lumpuhin ka," I smirked cause noticed his face turned pale and I felt his skin cold and clammy. "Naintindihan mo?"

"O-o, A-adonis."

Kaagad ko siyang binitawan dahil hindi ko siya kayang hawakan ng matagal. Namayani sa isip ko na baka kunin niya ang pagkakataong 'to para hawakan ang maselang parte ng katawan ko. Kinilabutan ako sa naisip, alam kong posible nga na mangyari 'yon.

"Good," sabi ko at iniwan siyang tulala.

Everyone is watching us and I need to stop this kasi alam kong marami na naman ang magsusumbong. Mga duwag! Magpasalamat sila sa akin kasi hindi ko tinotolorate ang mga ganitong bagay na dapat pagbawalan.

"Grabe ka naman sa kanila, bro."

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla nalang akong akbayan ni Leover. Iritado kong tinanggal ang kamay niya at mas binilisan ang maglakad. Ayoko munang sumama sa gimik niya ngayon dahil wala ako sa mood na uminom. Kailangan kong umuwi dahil biglang tumawag si Mama dahil may dumating daw na bwisita sa bahay.

Ayoko sanang umuwi kasi alam kong nandoon ang kinasusuklaman kong tao pero wala akong magagawa dahil pinilit ako ni Mama.

"Hindi talaga kita maintindihan kung bakit ang laki ng galit mo sa mga katulad nila?" Nakakunot ang noong sabi ni Leover ng naabutan niya ako. "Wala naman silang ginawang masama."

"Anong wala?" giit ko. "Narinig mo ba kung paano ako halayin kanina?"

"Pinupuri ka lang nila."

"Puri na pala ang tawag 'don, huh?" Pambabara ko sa kanya.

"Hindi naman sa ga---"

"Shut up!" suway ko habang naglalakad pa rin.

I know Leover has a very kind heart. Madalas niya akong sermonan kasi palagi ko na lang inaaway ang mga baklang tulad ng nakasalubong ko kanina. Who cares? Basta hindi ako masaya kapag iba na ang trato nila sa akin.

"Hindi ka na naman ba pinapansin ni Ms. Campus Queen?" Sabi niya nang mahabol niya ako. "Okay lang yan, bro. Marami pa namang babae diyan."

Tsk.

Kinakalimutan ko na nga siya tapos pinaalala pa ng gagong 'to. Solene Ong, the only daughter of famous engineer Sebastian Ong, rejected me. Nasa akin na lahat ng hinahanap ng babae pero nireject lang ako. Tangina!

Nakita ko si Mang Pedring na driver ko na nakasandal sa sasakyan. Agad niyang inayos ang sarili nang makita niya ako. Tinanggal ko ang nakasukbit na bag sa balikat ko at naiiritang ibinato sa backseat ng sasakyan.

Sumunod naman si Leover na umupo sa likod hanggang sa makapunta kami sa bahay. Nakita ko sila Mama sa veranda kasama ang kanyang bwisita. Agad akong pumunta sa kusina para uminom ng malamig na orange juice. Kumuha ako ng baso at nagsalin doon. Umiinom na ako nang mapansin ko ang bulto ni Leover na nakakunot ang noo at nagtatanong na mata. Inirapan ko siya dahil alam kong magtatanong siya.

"Hindi mo sinabing nandito pala siya ngayon." Hindi ko siya pinansin at inubos nalang ang iniinom ko. "Kaya ba hindi maganda ang timpla mo?"

Napatigil ako.

"Alam mo naman ang sagot diyan, Leo," inis na sabi ko.

Magkaibigan na kami ni Leover magmula noong bata pa kami kaya alam na niya halos lahat ng problema ko sa buhay. Nagpapasalamat nga ako dahil nandiyan siya dahil kung wala siya, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Handa ka na bang harapin siya?" patuloy niyang tanong, "O ginagawa mo lang ito para sa Mama mo?"

"I don't want to talk about it right now," sagot ko at padabog na iniwan ang baso sa sink.

"Okay, bro." Hindi na niya ako kinulit pa at lumapit sa akin. "Always remember that I always got you back."

Hindi na ako sumagot at kaagad na umakyat papunta sa kwarto ko.

Napasabunot ako ng buhok nang umupo ako sa kama. I glanced the picture frame on my study table before shaking my head, disappointed. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ngayon ko lang naisip na harapin siya kahit alam kong kinamumuhian ko siya.

Kaya ko na bang harapin siya?

Wala mang sagot pero alam kong hindi ko pa kaya dahil ramdam ko pa ang sugat na tinamo ko galing sa kanya.

At hindi pa ito ang oras para gawin iyon.

Hindi pa ako handa.

I quickly open my closet and change my uniform. Sorry, mom---I can't face your visitor.

Agad-agad akong bumaba mula sa bintana at mabilis na umalis ng bahay. Buti na lang nasa veranda sila mama at hindi na nila napansin ang pag-alis ko.

Paglabas ko ng bahay, naabutan ko pa si Leover na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Kaagad naman akong lumapit at binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Adonis?" nagulat si Leover nang pumasok ako sa backseat ng sasakyan. "Anong ginagawa mo dito diba---"

"Just go," putol ko sa dapat niyang sabihin.

Nagtatanong ang kanyang tingin kaya hindi ko mapigilang nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga.

"I'm not yet ready, Leover," amin ko sa kanya at hindi na siya nagbigay ng komento sa sinabi ko.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top