9 : Good kid

Hindi na ikaw ang laman

Ng mga panaginip ko't dalangin

Hindi na ikaw ang unang ideyang

Naiisip ko sa tuwing

Sasapit ang takip-silim

***

Lumunok ako habang sinusuklian nang blangkong tingin ang nanay ni Reon, mula sa tapat ng lamesa.

Sasabihin ba niya ang nangyari sa hostess bar?

Parang gusto kong magmura.

Marahan itong ngumiti sa akin. "Anong pangalan mo?"

"Alexis... po."

"Salamat sa pagdala sa akin sa ospital, Alexis." Hindi nagbago ang ngiti niya nang manatili ang tingin sa akin.

My dread slowly subsided when I sensed her gentleness. Hindi naman siguro niya—

"Minors like you going in a hostess bar isn't the best idea."

Gago muntik akong nalaglag sa upuan ko. Sakto niya 'yong sinabi nang nakabalik si Reon mula sa kusina dala ang isang malaking mangkok na may sabaw. Bumagsak agad sa akin ang namimilog nitong mga mata, samantalang ang nanay niya ay balewalang nakatingin sa akin, suot pa rin ang malumanay na ngiti. Sa puntong iyon hindi ko alam kung matatawag na ba 'yong sarkastiko.

"You went to a hostess bar, Lex? Kaya ba nakita mo si Mama ro'n?"

Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Reon. Pucha. Kailan pa ba ako nagkaroon ng pakialam kung paano ako tignan ng mga taong nasa paligid ko?

"Pareho pa kayong bata ni Julian para ro'n," dugtong ng mama niya bago nagsimulang lagyan ng sabaw ang maliliit na mangkong.

"You're with Julian?" dismayadong anas ni Reon.

Bumagsak ang mga mata ko sa hapag at nagdesisyong 'wag nang magsalita. Hindi rin naman bago sa akin ang mapagsabihan ng ganito. Mas malala pa nga. At alam ko namang mali iyong ginagawa namin ni Julian. Nakakawalang-gana na rin naman iyon at tingin ko wala nang rason pa para ipagpatuloy.

Bahagya akong natigilan nang nilagay niya ang isang maliit na mangkok ng sabaw sa gilid ko, tulad ng ginawa niya kay Reon. Wala sa oras akong napaangat ng tingin para lang muling salubungin nang magaan niyang ngiti.

Hindi ko maintindihan kung paano niya ako nakukuhang ngitian pa ng ganito, sa kabila ng nalaman niyang kalokohan ko. 'Di ba dapat galit siya sa akin at pinapalayo na ako sa anak niya?

"Mukha namang alam mo ang tama sa mali. At nakikita kong mabuti ka ring bata."

Sa unang pagkakataon ay ginapangan ako ng hiya para sa mga kalokohang nagawa ko. Lahat ng iyon, ni ultimong pinakamaliit ay isa-isang nagbalik sa akin. Parang gusto kong pihitin pabalik ang panahon at bawiin ang lahat ng iyon kung pwede lang. Just so I could amount to that good person they're saying that I am.

Pero sino bang niloloko ko rito? Hindi ako good boy. Bukod sa pang-pet name 'yon, alam ko sa sarili kong gago ako at aminado ako ro'n. Siguro hindi ako masamang tao, pero hindi rin ako imakulado. Ewan ko ba sa mag-inang ito at paano nila nasasabing mabuti ako. Siraulo, manapa.

"Akala ko wala na rito si Julian? How come you can still hang out?" Matabang ang boses ni Reon nang tinanong ito.

"He said he'll be here often for visits." A brief pause. "You know him?" I mean it in a personal sense, dahil bukod sa anak ng governor ang ungas na iyon, kilala rin iyon sa mga kagaguhang ginawa.

Hindi sumagot si Reon hanggang sa muling nagsalita ang mama niya. "Kumain na tayo!"

Sukbit ang isang strap ng back pack sa balikat, walang gana akong naglalakad sa hallway, Monday ng umaga. Ang maiingay na estudyanteng nadaraanan ko roon ay natatahimik sa tuwing malapit na ako. Wala rin akong nakakasalubong dahil lahat sila'y kundi tumitigil sandali, ay agad nang gumigilid para bigyan ako ng daan.

Mahaba ang naging hikab ko at sandaling napapikit dahil doon. Nang muli akong dumilat ay natigilan akong bigla sa paglakad, dahil sa estudyanteng mabilis na sinundan ang isang tumilapon na bag sa tapat ng daraanan ko. Ang biglang pagtahimik ng kaninang maingay na classroom sa tapat ay hindi natural. At kahit hindi ko lingunin ay ramdam ko ang tingin ng mga naroong nalipat sa direksyon namin.

Habang itinatabingi ang ulo ay tamad ko itong niyuko, para lang tignan ang ginagawa nitong pagsinop ng mga natapong gamit sa sahig. Masyado itong abala sa ginagawa at ni hindi namalayang nakabara na siya sa daan.

Nakapa ko ng dila ang paligid ng pisngi ko sa loob habang pinagmamasdan ito. Ang bagal namang kumilos.

Bagot akong napabuga ng hininga. Akma ko na sanang hahakbangan na lang ang nakakalat niyang gamit nang bahagya akong mapakunot-noo. Muli ko itong binalingan ng tingin at maiging napagmasdan. Teka nga.

Hawak pa rin ang isang strap ng bag sa balikat, dahan-dahan akong tumalungko sa harap niya para lang makita nang mas maayos ang mukha niya. Muli kong itinabingi ang ulo nang maging magkalebel ang linya ng mga mata namin. Wala sa oras itong natigilan sa ginagawa at napalingon sa akin, namimilog sa gulat ang basang mga mata.

Galing sa biglang pagtahimik ay unti-unti kong naulinigan ang ilang bulungan.

Napangisi ako sa sarili. Sabi na. Ito 'yong kapatid ni Naik no'n sa bar. Ano nga ulit ang pangalan niya?

Mula sa sandaling pagkakatigil ay tila gatilyo itong kinalabit, nang puno ng pagmamadaling sininop ang ilang natitirang gamit at isinilid sa bag.

"Alam ba ng kuya mo na hinahagis lang ng kung sino ang mga gamit mo sa hallway?" bakas ang humor sa boses ko nang sinabi ko ito, nang siya lang ang makakarinig.

Mabilis niyang pinalis ang bagong tulong luha sa pisngi habang nananatiling abala sa ginagawa. Hindi siya sumagot. At hindi ko naman kailangan ng sagot niya dahil halata naman ang sagot doon.

Tumayo ako at mabagal na nilingon ang katapat na room. Ang ilang estudyanteng nanonood doon ay napaatras nang masalubong ang tingin ko. Ang iba naman ay natigil sa pagbubulungan.

Nagbalik ang tingin ko sa babaeng kapatid ni Naik nang sa wakas ay tumayo ito, mukhang natapos na sa pagliligpit ng gamit niya.

Tamad ko itong sinundan ng tingin hanggang sa muling pumasok sa loob ng room nila, ang ulo'y nanatiling nakayuko na animong may ginawang malaking kasalanan. Muntik pa akong magdalawang-isip kung siya nga ba ang parehong babaeng 'yon, dahil malapit na akong makumbinsing hindi.

Mahina na lamang akong napabuga ng hangin bago nagpatuloy sa paglakad. Ngunit dadalawang hakbang pa lamang ang nagawa ko nang matigil akong muli.

"Sad girl! Parinig naman ng mga emo'ng tugtugan mo."

"Bakit wala kang eyeliner ngayon? Magtatampo si Gerard niyan! Pa'no nang future ng MCR?"

Matapos mapasulyap sa sahig ay yumukod ako sandali at saka tamad na naglakad.

"Nagi, sad girl! Isang screamo lang o?"

Ang tawanan sana ng mga ito ay napanis nang tumambad ako sa pintuan ng classroom nila.

"Hoy."

Lumingon ang mga ito sa akin at animong mga binusalan nang pare-parehong matahimik. Ang mga lalaking kaklase niyang nang-aasar ay napalunok pa. Matatawa na sana ako kung hindi lang ako inaantok. Itutulog ko na lang 'to mamaya sa first period.

Katulad ng mga kaklase niya'y napako rin sa akin ang nanlalaki niyang mga mata. Tignan mo ang mga tangang ito. Parang hindi ako nakikita sa araw-araw na pagpasok, samantalang pare-pareho lang naman kami ng building.

Isang palatak at kumunot ang noo ko. "Ang bagal mo nang kumilos may naiwan ka pa."

"Huh?"

Pagkatapos bahagyang i-toss sa ere ang itim na kwintas na may logo ng isang kilalang banda, ay inihagis ko iyon patungo sa direksyon niya. Nabigla man at muntikan pang hindi nakuha iyon ay nasapo naman niya. Isang sulyap doon at muli siyang nagbalik ng tingin sa akin, laglag ang panga at mukhang hindi makapaniwala.

Ngumisi lang ako. Ayos ang mga tipo niyang banda ah. Magkakasundo yata kami. Kung hindi lang siya parang pusang takot sa kaluskos.

Balewala akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Isang hikab at hindi na ako makapaghintay na makarating sa sariling room para umpisahang matulog.

Tumutunog na ang bell nang magising ako. Ayos, tapos nang morning class.

Habang nag-iinat ng mga braso ay ibinalik ko ang tingin na natanggap mula sa ilang kaklase. Mabilis naman akong binalewala ng mga ito matapos bahagyang mapatalon, nang tumama ang linya ng mga mata sa akin.

Tulad ng mga ordinaryong araw sa school, walang bago at interesanteng nangyari para sa araw na iyon. Tamad kong pinagtyagaan ang pagtambay sa mga klase ko dahil wala akong ganang mag-cutting.

Natatawa na lang ako sa sarili sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari nitong nagdaang weekend. Napahugot tuloy ako sa phone at agad napatipa ng message nang may maalala.

You:

Hoy san libre ko?

Lex to

Reon:

Anong libre? Wala ka bang klase? Why are you texting?

You:

Di ba natanggap ka kamo sa part time? San yon? Di mo naman sinabi

Reon:

Malalaman mo rin sa tamang panahon

Pay attention to your lectures!

You:

Pinagsasabi mong tamang panahon

Saan nga?

Napabuntonghininga na lang ako nang hindi na sumagot ang babaeng may saltik. Kakaisip ko kung anong part time ang nakuha niya'y buong sandaling kunot ang noo ko, habang wala sa sariling nakatitig sa nagdi-discuss na teacher. Nasundan ko na lang ito ng tingin nang naghahadaling lumabas sa room pagkatapos na pagkatapos ng period niya, namumutla na animong nakakita ng multo o ano.

Isang palatak at muli kong hinugot ang phone. Wala pa ring reply ang babae. Asar.

I was bored out of my head until the end of the day. Parang may gusto akong gawin ngunit wala namang nagawa. Halos umabot yata ng isang buong linggong iyon ang pagkabagot ko, na kahit dumating na ang weekend ay wala pa rin akong gana. At sa nakalipas na mga araw ay may tanong ako sa sarili na hindi ko magawa-gawang paunlakang pag-isipan: if I have all the time in the world for myself, what would I do?

Sabado ng hapon nang natagpuan ko ang sarili sa tapat ng bar, kung saan ko unang nakita ang mga kaibigan ni Reon. Sarado pa iyon at mukhang pabukas pa lang para sa gabi.

Ilang sandali pa akong tumayo roon bago napagdesisyunang umalis na. Ngunit ilang planong hakbang ko pa lang paalis ay natigilan na ako sa boses na narinig.

"Alexis?"

Nagbalik ako ng tingin sa bar para lang makita sa tapat noon si Vance—mukhang kagagaling lang sa loob. Bahagya niyang itinago ang hawak nang mapansing sinulyapan ko iyon. Hindi ko alam na naninigarilyo rin siya.

Tinanguan ko ito nang ngumiti sa akin.

"What are you doing here? Come inside," he said, sounding casual as he cocked his head in the bar's direction.

"Okay," mabilis kong payag sabay tungo papasok. Sumunod siya sa akin. "Hindi ka ba maninigarilyo?"

Umiling siya at mahinang natawa bago tuluyang ibinulsa sa likod ng suot na pantalon ang kaha ng sigarilyo. "Forget it. I'm actually trying to quit."

Muli na lamang akong tumango. Tahimik sa loob at tanging mga staff pa lang ang laman ng bar.

"Mukhang madalas ka rito ah?" puna ko. Didiretso na sana ako para maupo sa isang stool, nang bigla-biglang umalingawngaw ang isang lumang kanta.

Marahas ang lingong nagawa ko sa paligid dahil sa gulat.

"A relative of mine owned this bar. Kaya madalas kami rito." Napahalakhak siya nang masundan ang linya ng tingin ko.

Hindi ko matungo ang stool dahil hindi ko maialis ang tingin sa babaeng may asul na buhok. Sa tapat ng isang lumang jukebox ay para itong nasisiraang sumasayaw mag-isa. Hindi ko malaman kung ibinabalibag ba niya ang mga braso at binti o kung naduduwal ba o kung sinasapian. Basta ang alam ko may saltik talaga ang babaeng ito.

"Nakailang hithit ng bato 'yan?" Ngumiwi ako pagkasulyap kay Vance bago naupo sa katabi niyang stool sa wakas.

Parehong nakapatong ang magkabilang siko sa lamesang sinasandalan, tumatawa siya nang sumagot, ang tingin ay nanatili kay Reon. "Paborito niya 'yan."

Napapadaing kong nahilamusan ng palad ang mukha. Buti na lang at wala pang ibang tao kundi ang ilang staff, na mukhang sanay na sa pagkakalat niya. Tangina kumanta na lang kasi kung walang talent sa pagsayaw.

Sapo ko ng palad ang mga tawang hindi na napigilan, nang bigay-todo siyang sumayaw sa huling bahagi ng kanta. Tawang-tawa ako at halos hindi na makahinga. Mamamatay yata ako ng maaga hindi sa pag-inom at paninigarilyo kundi sa babaeng ito.

"Hoy!" sita nito agad nang mangibabaw ang paghagalpak ko sa tahimik na muling bar.

"Ree, I think you broke him." Humalakhak muli si Vance habang pinanonood ang paglapit sa amin ni Reon.

Umamba ito ng sipa para sa akin ngunit hindi naman ako naabot dahil sa ikli ng biyas.

"Hindi ka na naawa sa mga staff. Ang dami na nilang trabaho pinaglinis mo pa ng kalat mo!" sabi ko sa pagitan nang hindi matapos kong katuwaan.

"Shit ka!" parang batang angil niya sabay akma muli ng sipa.

Nakatalon na ako pababa ng stool bago pa man niya ako matamaan. "Pikon!"

"Who let you in? Bawal ang minors dito ah?" aniya, bahagyang nakasimangot.

Inginuso ko si Vance kaya't agad niya itong binalingan, may pagtatanong ang tingin.

"I didn't give him any alcoholic drink." Kumurap ito. Matapos bawiin ang isang braso mula sa pagsandig sa lamesa ay lumapit ito nang kaunti kay Reon, at saka pilyong ngumisi. "Yet."

"You're such a bad influence," she said it like it wasn't really a bad thing—dahil sa ngising sumusupil sa labi, na siyang mabilis naglaho nang bumaling sa akin. Nakuha pa akong ituro gamit ang daliri. "Watch the people you surround yourself with. You're still a kid."

Ako naman ngayon ang sumimangot. Naupo akong muli sa stool at isinilid ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot na itim na pullover. Walang interes ko siyang tinapunan ng tingin matapos.

"Una sa lahat, alam ko ang mali sa hindi. At sinabi ko na bang hindi na ako bata? Baka magulat ka sa dami ng posisyong alam ko."

Halos maibuga ni Vance ang iniinom nang biglang mapabunghalit ng tawa. Kunot-noo naman itong tinapunan ng tingin ni Reon, ang pagtataka sa ekspresyon ay malinaw pa sa sikat ng araw.

"Ha?"

Tignan mo nga, 'di niya alam ibig sabihin n'on? Tapos ang lakas ng loob niyang tawagin akong bata? Hah!

Napapailing ko na lamang itong tinapunan ng tingin, animong may napanalunan ako sa ngisi ko.

"Lexy boy!"

"Alexis," kasabay ng agaran kong pagtatama ang muli kong pagsimangot pagkabaling sa pinanggalingan ng boses.

Malaki ang ngisi ni Naik habang nakaabang sa ere ang isang palad para sa akin pagkalapit. Napapailing ko na lamang itong sinalubong para sa isang high five, kahit hindi talaga ako natutuwa sa tawag niya sa akin.

Abala naman ang tatlo sa pag-uusap dahil sa pagdating ng kaibigan, nang bumagsak ang tingin ko sa kasama nito. Sa 'di kalayuan ay naabutan kong nakatingin sa akin ang kapatid niya. Bahagya itong napatalon nang masalubong ang linya ng mata ko.

Hinugot ko ang isang kamay mula sa pagkakasuksok sa bulsa para lang ihilig ang braso sa lamesa. Ipinaling ko nang bahagya patagilid ang ulo at maiging pinagmasdan ang pananatili nito sa kinatatayuan, tila nagdadalawang-isip kung tuluyan bang papasok o hindi.

Ano nga ba kasi ang pangalan nito?

"Nagi! Halika rito, bakit ka nakatayo riyan?" Muli itong napatalon dahil sa pagpuna ng kapatid.

Ah. Nagi. Kapatid ni Naik. Ang babaeng mahilig sa mga banda na binu-bully ng mga classmates niya.

Balot pa rin ng pag-aalinlangan ang ekspresyon, sumulyap ito sa akin. Makalipas ang ilang sandali ay napangisi na lang ako sa sarili, habang pinanonood ang tuluyan nitong paghakbang papasok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top