8 : Thank you
Sapat na ba ang paghiling
At gabi-gabing pagdinig
Kung ang sariling luha ay 'di mapalis
Kanino lalapit ang laging sandigan
Oras na siya naman ang maging pagal at mangailangan
***
Ang buong akala ko'y sa hostess bar na paborito ni Julian kami pupunta. Ngunit huminto ang sinasakyan naming tricycle sa tapat ng isang restaurant. Wala nga namang hostess bar ang nagbubukas ng tanghaling tapat. At mukhang hindi lang iisa ang trabahong mayroon ang nanay niya.
Pagkababa ay dire-diretsong pumasok si Reon sa loob, at walang ligoy-ligoy na nilapitan ang pinakaunang staff na nakita. Matapos kong iabot ang bayad sa tricycle ay sumunod ako sa loob, para lang salubungin nang mabilis sa paglakad at mukhang palabas nang si Reon.
"Anong nangyari?" takang tanong ko pagkasalubong sa kaniya.
"She's not here." Lukot ang ekspresyon ng mukha niya, dahil sa pag-aalalang nababahiran ng hindi makontrol na takot.
Nanatili akong nakabara sa harap niya at maiging nakaantabay sa anumang pagbabago sa reaksyon niya, na para bang may magagawa ako roon. Sinubukan kong hanapin ang namumula niyang mga mata ngunit hindi iyon mapirmi.
"Sinabi ba nila kung nasaan siya?" maingat kong tanong.
"Masama raw ang pakiramdam... kaya umuwi muna." Nanginginig ang boses niya nang sinabi ito. Mabibigat ang paghinga at halos hindi mapakali. Ang mga mata'y muli na namang nangingislap dahil sa nagbabadyang luha.
Parang gusto kong magmura at manisi pero wala namang maiaambag 'yon, kaya't nanatili na lamang akong tahimik.
"Paano kung... paano kung may nangyari? Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung anong gagawin ko..." Nasapo niya ng palad ang nanginginig na mga labi at tahimik na napahikbi roon.
She wasn't the sick one but she looked so frail. Malayong-malayo sa matapang na babaeng kayang-kayang harapin ang mga kagaguhan ko. For once, she looked like a girl. And I couldn't get myself to touch her and give her comfort as much as I wanted to, because of the thought that she might break. With just a single fucking touch. I wasn't so gentle myself so I had to back off. Takot na mas lalo ko siyang masaktan.
"Hey... I'm sure she's okay. She's probably chilling at your home right now. Kaya pupunta tayo ro'n at mag-uusap kayo. It will be okay, stop thinking too much. Alam nating parehong hindi kaya ng cognitive skills mo 'yon." Mabigat akong bumuntonghininga nang wala akong marinig na banat niyang pabalik. Nanatili lamang siya sa ganoong posisyon at mukhang malapit nang mawala sa sarili.
She loves her mom this much? Kung ang mga magulang ko siguro ang may taning na ang buhay baka...
"Come on." Bitbit ang itim na case ng ukulele at braso ni Reon sa kabilang kamay, halos wala sa sarili akong humakbang palabas ng restaurant.
Pumara ako ng tricycle at pinauna siyang sumakay doon.
Baka ano?
"You think she's okay?"
Agarang napatid ang linya ng mga iniisip ko nang marinig ko ang mahina niyang boses. Pagkalingon sa kaniya'y tuluyan akong natauhan nang makita ang pagkakatulala niya sa kawalan. I know she was two years ahead of me in terms of age but now that she wasn't being herself, I should step forward and be the rational one. Kahit pa may kaunting sira ang ulo ko, gumagana naman ito nang maayos sa mga piling okasyon.
"We'll make sure she's okay."
"Pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Baka kung ano nang nangyari sa kaniya? Siguro dapat sa ospital tayo pumunta. Baka nando'n siya. Baka hindi siya umuwi. Baka—" tuloy-tuloy niyang bulong kaya't pinutol ko.
"I-check muna natin kung nasa bahay n'yo siya. Pupunta tayo ng ospital kung wala siya ro'n, okay?" maotoridad kong diin. I need to sound convincing and in control just so she'd calm down.
Taming someone with overwhelming violence came out naturally from me. I didn't know I was capable of trying to calm someone down this way, without using any force. It was foreign and almost strange, if I'm being honest.
Tumango siya nang marahan at kumurap ng ilang beses bago tumulala sa labas ng tricycle. Ako nama'y napabuntonghininga sa relief. Ngunit kada sampung Segundo yata ay panay akong sulyap sa kaniya, na para bang may kung anong magbabago sa anyo niya ano mang oras.
Nang huminto ang tricycle ay kalmado na siyang bumaba roon. Inunahan ko siya sa pag-abot ng bayad nang mukhang balak niya pang bayaran iyon.
"Halika na." Inginuso ko ang daan sa harap at binalewala ang inaabot niya sa 'king pera. Nauna akong maglakad, bitbit pa rin ang itim na case ng ukulele.
Mula sa pagtanaw nang mahabang stone path paakyat ay sumulyap ako sa kaniya. Nanatili siyang nakatayo sa kaninang binabaan at nakatingin lamang sa akin. Ang takot at kaba'y naglalaro sa ekspresyon niya.
Sinubukan kong maging kalmado kahit pa maging ako'y paunti-unti na ring nababahala. "Ano na? Dito bang daan?"
"Hindi." Bumuntonghininga siya. Kaya't kibit-balikat kong tinungo ang isa, at ang natatanging daang natira.
"Hindi siya napaano. She's okay. She'll be okay!"
Dali-dali akong napahinto sa paglakad pagkakitang inaakyat na ng ungas na babae ang stone path.
Lintek. "Linawin mo nga agad 'yang mga sinasabi mo!"
Napuno ng mga reklamo ko ang pantanghaling hangin habang tinutungo namin ang tuktok ng stone path. Ang mga mata ko'y nagliwaliw sa bagong tanawin.
"You can see the whole town from up here!" Namamangha kong pinuna at pinangalanan ang mga establishment na nakikita sa baba. It sure was a small town.
Sa tinagal kong nakatira sa lugar na 'to, bakit hindi ko alam na may ganito?
"Ma?"
Napahinto ako sa paghakbang pati nang paglinga kasabay ng panandaliang pagkakahinto rin ni Reon. Mula sa kalagitnaan ng pag-akyat sa stone path ay sabay naming tinanaw ang ilang taong naroon sa pinakataas nito. Humakbang pa ako ng ilang baitang para lang tuluyang mamukhaan na ang isang naroon ay ang nanay niya. Ang ibang mukhang nakita ko'y hindi na pamilyar sa akin.
"Ma!"
Bahagyang namilog sa pagtataka ang mga mata ko, nang bigla-bigla'y patakbong tinahak ni Reon ang mga baitang paakyat. May kaunting pagkaalarma akong sumunod sa kaniya, dalawang baitang ang tinutungo ko bawat hakbang.
"Hoy, bakit ka biglang tumakbo? Anong problema?" tanong ko nang naabutan siya. Ngunit imbes na sagutin ay mas binilisan lamang niya ang ginagawang paghakbang sa bawat baitang. Minsan talaga hindi ko sigurado kung nagiging invisible ba ako o sadyang nabibingi siya.
"Ma!"
Sa ilalim ng pantanghaling araw ay tagaktak ang pawis ko nang marating namin ang tuktok. Hingal at lito kong pinapasadahan ng tingin ang mga taong naroon.
"Reon? Anong ginagawa mo rito?" Dumaan sa akin ang mga mata ng nanay niya ngunit hindi ito nagtagal. "Akala ko ba may group meeting kayo—"
"Ano na namang kailangan n'yo?" Sa kabila ng paghangos ay agad niyang kinumpronta ang dalawang taong naroon. Matigas at mariin ang boses. Kabaligtaran ng ekspresyon niya kanina lang.
Mabilis nakuha ng babaeng suminghal ang atensyon ko. Mukha itong nasa bente anyos pataas. Pumamewang ito at animong nagmamalaking sinabing, "Wala ka nang pakialam do'n kaya 'wag ka nang nagtatanong!"
Tumawa ang lalaking kasama nito. Mukhang hindi nagkakalayo ang edad nila. Tulad nang mukhang hindi nalalayong may masapak ako ngayon. Kung hindi dalawa ay malamang dalawang beses! Para kwits.
Palihim na akong nagsi-stretch at naghahanda sa isang tabi nang lumingon si Reon sa nanay niya. "Nanghiram na naman ba ang mga 'to sa 'yo, Ma? Ah mali." Walang humor ang tawa niya sabay baling sa dalawa. "Hingi pala kasi hindi naman marunong magbalik."
"Reon! Hayaan mo na, kailangan nila ng pera—"
"At tayo, Ma, ikaw, hindi mo ba kailangan ng pera?" Namuo ang tensyon sa panga ko ng marinig ang panginginig ng boses niya.
Matalim ang tinging ipinukol ko sa babae nang patawa itong suminghal, mapang-insulto nitong pinasadahan ng tingin si Reon. "Ano naman ngayon kung nanghihingi kami? Eh hindi naman ikaw ang nagbibigay?! Isa pa, ang dali-dali lang kitain ng nanay mo 'yon! Isang take home customer lang niya 'yon akala mong napakalaking halaga na ng hini—"
Nanlaki ang mga mata ko nang umalingawngaw ang malakas na pagtama ng palad ni Reon sa mukha ng babae. Naestatwa ang huli at ilang sandali pa ng katahimikan ang namayani, bago nakabawi ito at umakma ng pagganti. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ng planong pag-atake ay malakas na siyang naitulak palayo ni Reon. Muntik pa itong gumulong pababa sa hagdan kung hindi lang nasuportahan ng kasamang lalaki.
Napapangisi akong napa-thumbs up sa isang tabi. Nice one!
"Walanghiya kang babae ka! Bakit ka ba nakikialam?! Eh sa desisyon ng nanay mong tulungan kami! Naging disgrasyada na nga siya dahil sa pagkakamali niyang buuin ka, tapos ngayon pipigilan mo pa siyang bumawi sa paggawa ng tama?! Hindi mo ba makita na ito ang paraan niya para pagsisihan ang mga pagkakamali niya?!"
HAH?
Pahisterya ang malakas na tawa ni Reon. "Anong klaseng bullshit pinagsasabi mo? Sigurado ka bang nakakabit 'yang utak mo sa ulo mo o sadyang wala ka talagang utak?"
"Reon, anak tama na 'yan—"
"Anong pakialam ko kung nangingikil kayo sa nanay ko, ha?!"
"Anak—"
"Anong pakialam n'yo kung nagkamali siya noon?! Anong pakialam n'yo sa klase ng trabaho niya?! Sino kayo para sabihing masama siya o marumi siya dahil do'n?! Hindi sukatan ng pagiging mabuting tao ang mga pagkakamaling nagawa niya! Tangina sa tingin n'yo ikinabuting tao n'yo 'yang pang-aapak at panglalamang?!"
Fuck. I don't think a punch will suffice anymore.
"Hoy wala kaming inaapakan at nilalamangang tao! Kusa at bukal sa loob kaming binibigyan ng nanay mo! Ikaw lang itong masyadong maraming drama at dada!" Alam kong may bibig ang lalaking ito. Pero mas matutuwa ako kung sana'y hindi na lang niya iyon ginamit!
"Alam mo kung bakit hindi ka pinanagutan ng tatay mo bukod sa anak ka sa labas?! Dahil isa kang malaking pagkakamali! At alam niyang magiging katulad ka ng nanay mo! Magiging bayaran ka rin!"
Siraulo 'tong babaeng 'to ah. Paanong naging malaking pagkakamali si Reon eh ang liit-liit niyan?! Gago. Isa na lang pagugulungin ko na talaga 'to sa stone path!
"Anong sabi mo?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses ni Reon. Ang buong atensyon ko'y nabaling sa kaniya.
Mapang-insultong humalakhak ang babae. "Hindi nalalayo ang bunga sa puno kaya magiging puta ka rin tulad ng nanay mo!"
Sinabi ko bang isa na lang? Isang tulak ko lang paniguradong impyerno ang babagsakan ng isang ito.
Kuyom ang magkabilang kamao at paulit-ulit na nag-iigting ang panga ko. Ang bilis at bigat ng bawat paghinga ko'y hindi na dahil sa paghangos dala ng pagod. Nanggigigil at pigil na pigil akong gawin ang kanina ko pang naiisip. At kung bakit hanggang ngayo'y narito pa rin ako sa isang tabi at nananahimik, ay dahil alam kong mas masidhi ang nararamdaman ni Reon. Kitang-kita ko iyon sa nakakuyom at nanginginig sa galit niyang mga kamao.
"Bukod sa mga walang kwentang bagay na pinagsasabi mo, may iba ka pa bang alam gawin bukod sa gumawa ng bata at ipanglimos ang pangtustos sa kanila?"
"Hoy! Sumusobra ka na! Ano bang hindi totoo sa mga sinabi niya? Nandito lang kami para manghingi ng tulong akala mo naman kung sino kayong malilinis para magmataas! Eh sa maduming paraan naman nakuha ng nanay mo 'tong perang—"
Isang malaking bwelo at sumalpak sa mukha ng lalaki ang body bag na suot ni Reon. Napasigaw sa gulat ang kasama nitong babae at halos mapapalakpak naman ako sa tuwa. Parang gusto ko pa ngang parisan ng sapak para wasak talaga ang mukha niya. Ayaw ko lang makialam dahil narito ang nanay niya. Tsk. Kaasar.
"Reon!" gulat na bulalas ng nanay niyang tahimik nang naiiyak sa gilid.
"Tanginang—"
Dalawang hakbang lang at naroon na ako sa pagitan nila. Gamit ang brasong may hawak ng itim na bag ay pinigilan ko ang pag-alma at muling pagsugod sana ni Reon. Pinanatili ko siya sa likod ko para harapin ang umaalmang lalaki. Aktong susugod pa rin ito para kay Reon kaya't barumbado ko itong tinulak mula sa balikat.
"Pagkatapos n'yong manghingi may gana pa kayong mang-insulto?! Hindi n'yo ba kayang kumita nang sapat na pera?! Ano kayo, paralisado ng katamaran?"
Sa kabila ng pamumula ng mukha dahil sa tinamong tama ay gigil na gigil pa rin itong makaganti. "Sasaktan kitang babae ka, tangina ka!"
"Sige, subukan mo." Kabaligtaran nang mataas na sikat ng araw ang tinging ipinukol ko rito nang ayaw pa ring magpaawat. Gagong 'to ang lakas ng loob sabihin ang gano'n sa harap ko?
"Walang charity dito lalong wala akong kamag-anak kung 'sing sahol lang din naman ninyo!"
"Anak, Diyos ko! Tama na 'yan!" Nakuha ng paghikbi ng nanay niya ang atensyon naming lahat doon. Matapos ang ilang sandali'y napasalampak ito at animong may iniindang sakit.
"Ma!"
Ang tensyon sa hangin ay agarang humupa at napalitan ng panic at pag-aalala.
"Ma, anong nangyayari?!"
Hindi ito makapagsalita dahil sa pamimilipit sa sakit. Ang dalawang taong kasama pa namin doon ay natulala na lamang, at naguguluhang tumunghay sa nangyayari.
"Let's take her to the hospital," suhestyon ko at mabilis nang nanuhod ng nakatalikod dito para akayin ito pababa ng stonepath. Tinulungan ito ni Reon na pumasan sa akin at wala na kaming sinayang na oras. Dali-dali naming tinahak ang daan pababa, 'di alintana ang pagod at pagkakaiwan sa dalawang taong nanatili sa kani-kaniyang kinatatayuan.
"Hindi naman ako galit sa kaniya eh... 'di ko naman kayang magalit... I just want her to be okay..." basag at mahina ang boses niya nang sinabi ito.
"She will be okay," tanging pampalubag loob na kaya kong sabihin. Pakiramdam ko wala akong silbi rito kaya't ilang beses ko nang naisipang tawagan ang mga kaibigan niya. Pero anak ng teteng, wala rin akong number ng mga kulugong 'yon.
Mula sa paghikbi ay natahimik siya kaya't napabaling ako sa kaniya ng tingin, na animong kailangan kong gwardyahan ang bawat emosyon niya.
Nagpalis siya ng luha at apologetic na ngumiti sa akin. "Sorry you had to see that."
Hindi ako kumibo. Imbes ay tumitig lamang ako sa namumugto niyang mga mata at namumulang ilong.
"Tigilan mo na lang ang pag-iyak dahil konti na lang 'di mo na maididilat 'yang mata mo. Mukha kang nabugbog. 'Di pa man din maganda ang reputasyon ko, mapagbintangan pa 'kong salarin bakit."
Nabawasan nang kaunti ang bigat sa kalooban ko nang makita ko ang bahagya niyang pagngiti. Humugot ako nang malalim na buntonghininga at sumandal sa inuupan, ang mga daliri ko'y magkarugtong at tamad na nakapahinga sa kandungan.
"Salamat."
Isang pilyong ngisi ang ibinalandra ko habang tinititigan pa rin siya. I lazily pointed a finger at myself. "Basta sa 'kin mo unang ipaparinig 'yung kantang sinusulat mo 'pag natapos mo na."
This time, she laughed. Malat ang boses niya nang muling magsalita. "Really, Lex. Thank you."
Sinuklian niya ang mga titig ko gamit ang naluluhang mga mata.
That was when it hit me. Awang ang mga labi ko at wala na ni bakas ng ngiti ang natira sa ekspresyon ko. Ang pakiramdam na kailanganin at pasalamatan ay bago sa akin. Hindi ko na alam kung gaano na katagal nang huli kong maramdamang may silbi ako. Na may tama akong nagawa.
Ngunit ang ngiti ko sana'y naudlot dahil sa sunod niyang sinabi.
"Paano mo pala nalaman kung sa'n nagtatrabaho si Mama?"
Nanigas ako sandali sa kinauupuan. "Ha?"
Hindi ko maintindihan kung saang parte naging mahirap ang pagsabi ng totoo tungkol doon. Ayaw ko bang malaman niya dahil nahihiya ako? Dahil ayaw kong husgahan niya ako? O dahil ayaw kong magbago ang tingin niya sa akin? Eh ano nga bang tingin niya sa 'kin?
Habang nakatingin ako sa nag-aabang niyang ekspresyon ay para akong nakakita ng opening sa huling tatlong segundo ng match, pagkakita ko sa nanay niya. Lumabas ito mula sa kwarto kung saan ito ch-in-eck ng doctor.
"Your mom's here." Mabilis akong umahon mula sa pagkakaupo.
Nawala kaagad ang atensyon niya mula sa akin patungo sa parating. Kasabay nitong naglalakad ang doktor palapit sa amin nang sinalubong ito ni Reon ng yakap. The latter was sobbing as she repeatedly reprimanded her mom. Tinanggap lamang ito ng nanay niya at walang ibang sinabi kundi, 'Sorry'.
Tipid akong napangiti habang pinapanood ang dalawa. Mukhang maayos na sila at mukhang hindi na rin ako kailangan doon, kaya't umakma na ako ng pag-alis. Para sana bigyan sila ng privacy dahil alam kong kailangan pa nilang pag-usapan iyon. Nakakailang hakbang na ako palayo nang muli kong marinig ang boses niya.
"Lex!"
Saktong paglingon ko pabalik ay nakita ko ang paghangos niya palapit. Awang pa lamang ang mga labi ko at aktong magsasalita ay naunahan na niya agad ako.
"Sa'n ka pupunta?" Sumulyap siya sa direksyong pinanggalingan. At kasabay ng sunod niyang sinabi ang siya ring paglingon ko ro'n. "Sa 'min ka na mag-lunch."
Ngumiti sa akin ang mama niya. At sa kabila ng lagpas sampung metrong layo nito sa amin, ay nabasa ko pa rin sa ekspresyon nito ang pagkakaalala sa akin. Sa nangyari sa hostess bar nang unang beses kaming nagkita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top